**Picture 1: ang aking kyut na kyut na pamangkin
**Picture 2: Isa ko ring kyut na kyut na pamangkin.
.
**Picture 3: Okay picture ko yan ng bata, alam kong hindi ako kyut. At hindi rin akong magpapanggap na kyut!Okay!
Okay heto na ang part 2 ng aking kwentong bakasyon. Medyo hindi ko na dadamihan ang kwento dahil baka nagsasawa na kayo sa kwento ko!
Di ba naikuwento ko na sa inyo ang nangyari sa akin sa Airport so narito na ang mga ilang eksena talaga na namang nageepal nung aking bakasyon.
EKSENA SA VAN
Pagkatapos akong sunduin ng aking mga kapatid at magulang syempre excited akong kausapin sila isa-isa at kamustahin.Tinanong ko kung ano na ang nagbago sa barangay namin, kung sino na ang nagpakasal at kung sino na ang mga namatay sa lugar naming. Habang kwento sila ng kwento eh napansin kong tahimik ang nanay kaya tinanong ko na sya:
Ako: Nay, bat tahimik ka dyan?Kamusta na nga po pala kayo.
Nanay Ko: (walang imik)
Ako: Eh kamusta na nga pala yung babuyan natin, okay naman ba?
Nanay Ko: (walang imik)
Ako: Eh yung kalusugan nyo kamusta na?
Nanay Ko: (walang imik)
Ako: Nay, bat di kayo nagsasalita may problema ba??
Nanay Ko: Eh kasi Anakkkkkkk….. (sabay kuha ng supot sa gilid) huwaakkkkkkkk (nagsuka ng marami ang nanay sa supot)
Di ako umimik kasi nagulat ako sa aking nasaksihan para tuloy lumalapot ang aking laway ( isa pa ako rin kasi ang may hawak ng supot ni nanay kay ramdam na ramdam ko ang init ng suka ni nanay)
Nanay ko: Ano ulit yun anak? (nice parang walang nagyari ah!!)
Ako: Okay mga kapatid……. Sino may gusto ng lugaw??? Mainit-init pa!!! (sabay taas ng supot)
Walang umimik ang mga kapatid ko, palagay ko busog sila at ayaw nila ng lugaw ni Nanay! (Okay lang at least may pagkain na si Tog-tog, yung aso namin )
EKSENA SA BALIKBAYAN BOX
Nakarating kami sa bahay ng mga alas 8 ng gabi! At dahil na rin sa excitement na nararamdaman ng aking pamilya para buksan ang balikbayan box ko, wala na akong magawa kundi buksan ito. Hayun parang fiesta sa loob ng bahay. Feeling ko rin para akong namimigay ng relief goods o di kaya nagpaparaffle kasi nga ......... "bigayan time" na.
Pero syempre pati dyan may umeeksena din
Kapatid Ko: Kuya, bakit puro sabon ang uwi mo.
Ako: eh yan na lang ang ibibigay natin sa mga kapitbahay at mga kamag-anak natin. Okay na yan kaysa sa chocolate. Mahal yun ngayon.
Kapatid ko: Ganun, eh bakit naman sabon?
Ako: Aba ang chocolate isang kainan lang ubos na, ang sabon medyo matagal ang buhay. Aba ayaw mo yun, habang pinapahid nila ang sabon sa katawan nila, ako ang naalala nila. Ngayon kung gusto nilang kainin ang sabon, eh nasa kanila yun!hehehe!
Kapatid ko: Eh okay sana kung ngayon ka lang nagbigay ng sabon, eh kaso kada uwi puro sabon tapos yun din ang tatak!wala ba talagang chocolate?
Ako: Aba mahirap ang buhay ngayon! Meron din namang chocolate pero hahaluan natin yung mahal na chocolate ng murang chocolate. Heto oh (sabay pakita ng chocolate na mumurahin)
Kapatid ko: Ito??? (halatang gulat na gulat)
Ako: Weno ngayon! Aba sa Saudi lang available yan oh, wala silang makikita nyan dito sa Pinas! Saka lasang KITKAT naman yan ah! Yun nga lang lasa pa ring cheap, pero masarap na yan! Talo talo na sila! (isa yang cheap chocolate na nagpapanggap na Kitkat)
Kapatid ko: Eh puwet ka pala kuya eh! TIGER ito eh (brand ng chocolate) Available na available dito yan . May commercial pa nga yan dito! Eh tigsasais lang dito nyan. (sabay tawa ng malakas)
Ako: Putchek! Muntik na akong magoverbaggage sa dyaskaheng chocolate nayan! Meron pala dito! Eh dapat pala dinamihan ko na lang ng sabon! (bigla akong nanlata)
Sa huli pinamigay ko rin yung Tiger chocolate kasi walang kakain nun sa amin, dahil maseselan daw ang mga dyaskahe nilang mga dila. Sa tuwing binibigay ko yung cheap chocolate na yun lagi kong sinasabi ko na “arabic” yung nakasulat sa balat ng chocolate.
Dagdag Trivia: sa tuwing nakikita ko yung Tiger Commercial na yun, sumasama ang loob ko sa inis!!
EKSENA SA WALTERMART
May bagong bukas na Waltermart sa amin, kaya naman nagkukumarat akong tingnan kung ano ang meron dun sa “mall” na yun kaya isinama ko na ang Nanay. Meron din kasi kaming gift check na galing sa kapatid ko (ito raw ang bonus nila sa kumpanya) na pwede naming ipan-shopping. Kaya nakukumahog ang nanay sa paglalagay ng groceries sa trolley namin. Akala ata ng nanay eh magtatayo sya ng sari-sari store dahil na rin sa dami ng kanyang pinamili. Kaya masayang masaya ang nanay.
Habang kasama ko ang nanay, nakasalubong namin ang kababaryo na matagal na hindi naming nakikita.
Nanay ko: Hoy Nena, kamusta na? Tagal na nating di nagkita ah
Nena: Kayo po pala yan! Dito rin pala kayo nanimimili.
Nanay ko: Oo naman,mukhang mura dito eh!Teka lang Nena mukhang gumaganda ka ata ngayon ah! Ano ba sikreto mo?
Nung tiningnan ko si Aling Nena, wala akong nakitang ganda este wala akong nakitang pagbabago mula ng makita ko sya dati hanggang ngayon. Ganun pa rin naman sya! Taong tao pa rin naman!
Nanay ko: At di lang yun sumeseksi ka pa!
Nung narinig ko yun, umalis na ako! Medyo hindi ko na kinaya ang pambobola ng nanay. Saka natatakot akong baka maniwala si Aling Nena sa mga sinasabi ni Nanay.
Iniwan ko na lang ang nanay at binalikan ko na lang sya, mas maiging bumili muna ako ng baygon sa kabilang side ng mall (saka ko singhitun) medyo nabibingi ako sa mga pautot ni nanay. (At ngayon alam ko na kung saan ako nagmana)
Kaya nung binalikan ko si Nanay matapos nyang chikahin si Aling Nena, ito ang sinabi ko sa kanya.
Ako: Ano ba naman yung mga pinagsasabi nyo kay Aling Nena?
Nanay Ko: (biglang tumawa ng malakas)
Ako: huh??
Wala buwal ako kay nanay! Pwedeng pwede syang kumandidato sa susunod na elesyon.hehehe!
_________________________
Priitttttttttt ( whistle) . Medyo okay na muna yan! Mas maganda kung pakonti konti ang kwento. Marami pang susunod na eksena kaya sana patuloy nyo pa rin itong basahin.
Tingnan nyo mukha masya talaga ang naging bakasyon ko, basta marami pang kwento yan!Sana wag kayong magsasawa.
Salamat uli sa time at intayin nyo ang susunod na mga eksena
Yun lang ang maraming salamat.
35 comments:
base ulit hahahaha
panalo si Mader sa kwentong ito! Saludo ako sa iyo mader dir! Mabuhay ka!
Buntis si Nanay kaya nasuka? Joke. :)
@chingoy
Base ka bro kaya bibigyan kita ng roasted highland legumes o isang platitong mani.whaha
@Gasdude
bakit mo binura yung una mong post? Ano meron dun! Hindi buntis si tatay, nadami lang pala ang kain nya ng adobo. hehhe
nagbakasyon pala eh di man lang nagparamdam
nagparamdam pala, namili nga lang hahaha joke!
Naku naku may pinagmanahan ka pala...jijijijijiji
Your stories are so funny! Your experiences are very OFW. Every OFW must have experienced that in one way or another during their vacation. So Pinoy! We love 'em! Keep your anecdotes coming! :)
alam ko na bakit sumuka nanay mo. lahat ng pamumuri ni nanay mo sa bahay nya sinusuka.hahaha
tho thumbs up sa knya. hehe
panalo nanay moh... da best! =) saludo po akoh sa inyoh pakisabi.. haha.. laterz kuyah... Godbless! nde moh naman moh akoh na-miss eh.. echoz moh lang eh.. lolz.. l8r =) next topic moh.. usapang lablyf. *wink* =)
kung ano ang puno xa ring bunga haha ayos na ayos si inay hahaha...
ang saya pala ng bakasyon mo parekoy!
ang ku-kyut ng mga pamangkin mo parekoy.. napansin ko lang, sa unang dalawang larawan ang ganda ng resolution, bat yung pangatlo anlabo? di ba kinaya ng photo editor? hehehe nanbubulabog lang po..
ayos na ayos ang nanay mo, parang nanay ko din :)
naalala ko tuloy nanay ko noong umuwi ako ng 2006...
hahaha, tiger...may kasamahan yan dito samin yung milk chocolate na kung tawagin namin ay tabla sa sobrang tigas kahit painitan mo sa araw di natutunaw...basta may ibang lengwahe or character na nakasulat imported na yun...heheheh
ingat tol
yun lang ang hirap kapag OFW Ka anglaki ng expectation nila. kaya ako bago bumili ng mga pasalubong nagmeeting pa kami ni misis.
abangan ko sunod na kabanata.
@Abe mulong
Eh paano ako magpaparamdam, di ka rin nagpaparamdam!hehehe!Kmusta ka na bro?Bulacan ka lang pala,eh dyan din ako sa bulacan sana next time kita na tayo!hehe
@Xprosiac
Yup manang mana ako sa aking nanay! Kaya ganito rin akong ka-kyut eh!
@Pink Tarha
Mabrouk!! Pangno. 2 pala kayo sa PEBA! Galing nyo naman! Congrats uli sa pagkapanalo nyo sana bumalik pa kayo sa aking bahay
@Kakilabotz
Palagay ko nga, pero di ako nagkakamali pinuri rin ako ng nanay matapos nyang sumuka!hehehe!
@Dhianz
Pramis namiss kita, lagi ko ngang hinanahanap ang comment mo pati ang mga bago mong enry sa blog mo eh! Miss na miss nga talaga kita. Pramis! Pwede pakiss sa cheeks lang!heheh
@Jag
You bet kalabet otomatik ang puwet! Ang saya saya talaga ng bakasyon ko!Sarap ulit ulitin!
@Sly
Medyo piniktyuran ko lang yang picture na yan gamit ang aking shilpon! Hehehe! Pero bakas na bakas pa rin ang aking kakyutan di ba! At dahil sa sinabi mo na yan add na kita sa blogroll ko!
@Scofield
Oo yung Tiger chocolate nga, akala ko dito lang sa saudi available yun, sa lahat pala ng parte ng mundo meron nun! Hehee! Susunod cloud 9 na lang at bigbang ang bibilhin ko!
@Lifemoto
Sinabi mo pa kuya! ang hirap kaya pag-uuwi ka, kasi kailangang lahat ng kapitbahay at kamag-anak mo eh mabigyan mo man lang ng kahit isang bar ng chocolate! Kuya maraming salamat sa lagi pagbisita sa aking kwarto
Si Nanay ang bida sa buhay ng Drakeula! Naks ang sweet!
Oo nga, miss mo na si Nanay no?
Anyways, mabuti naman at naging masaya ang bakasyon mo kahit meron naiinis sa Tiger chokolate na yan.
Buti nga ikaw ganun lang eh, ako nung mapunta ako ng Belgium at bumili ng chocolate na pang-diabetic na pagkamahal-mahal (diabetic kasi mga tao sa amin), pagdating ng chocolate sa Pinas, sabi nila made in the Philippines daw iyon. Malay ko ba! Kaya pala mahal eh galing pa pala sa Pinas yun waaah!
@Ayie
Oo naman si nanay at tatay talaga ang bida sa buhay ko. Pagnagkaasawa na ako syempre misis ko na!hehhehe
@Noel
Sosyal pumupunta ng Belgium!! Hulaan ko kung anong chocolate yun.... LALA chocolate ba yun?
haha
anghaba na nga ng kwento mo medyo bitin pa rin..
Manang mana ka nga siguro sa nanay mo parekoy. anu ba ang kaibahan ng pagsisinungaling at pambobola?
wahaha.
sa susunod,
bumili ka ng gamot para kay nanay para hindi sya byahilo **di ko maalala ang pangalan pero meron**
kawawa naman kung byahilo!!
pero kung naglilihi
o di kaya ay
Lasing, wala na tayong magagawa.lolz
pde bang maning buhay or maning babad (sa ihi este sa asin... vashtush!)
@Kosa
Oo nga kaya nga binibitin ko kasi mahaba talaga sya,heheh! Buti naman at napagtyatyagaan mong basahin, o dahil talagang lab mo lang ako!hwhaahaha! Pakiss nga!
@Chingoy
Mani kalbo ang ibibigay ko sa iyo!Nice!
oh my super cute ng mga pamangkin mo, sarap kurutin sa pisngi..hehehe...
awwwttts so now i know kung knino ka nagmana sa pambobola..hahaha..galing ni nanay mo ah...
uhmmm ano nga pala ung tiger na chocolate? (sana may picture ka)..parang d ko alam un ah..alam ko lang tiger balm.lolz!
hanggang sa muli =)..
aysowz! galing mambola.. puwede nah... medyo binili koh naman pambobola moh.. wehe... mother like son... trulalu may pinagmanahan ka nga.. pero tampo akoh sau.. deadma kah sa YM... =( ... wehe.. oh well.. 'la eh.. bzbzhan kah eh... ganonz tlgah..so yeah... dumalaw lang po muli sa iyoh... take care lagi kuyah.. Godbless! -di
btw alam koh yung tiger na chocolate.. oh yeah... 69 cents yon d2.. haha.. 'la lang.. nabanggit koh lang po... wehe... laterz... teka.. 69 cents nga bah?.. or somethin' like less than a dollar... i think... chek koh nga uletz.. haha... pero for sure not more than 2 dollars.. haha... hanggulo koh noh... laterz po.. Godbless! -di
unless uhm.. i'm takin' 'bout different tiger chocolates... haha... 'la lang nag-explain lang baka mali akoh eh..wehe.. laterz! =)
alam mo nakaka tats ang mga stories mo netong mga naka raang araw. hindi ako ofw pero natuto ako pramis
hahaha, nakakatuwa nman si nanay. mana mana lang yan e noh? haha.
@lady in advance
Kyut na kyut talaga sila, eh paano naman yung batang nakatoga kyut din ba yun?hehe
Hinahanap ko nga yung commercial na yun sa youtube hindi ko makita. Pero paguuwi ka ng pinas tyak mapapanood mo ang commercial na yun.
@Dhianz
Hays buti naman at nakita ko na uli ang iyong mga comments dito sa aking kwarto. Masyado kita kasing namiss eh. Sensya na rin kung hindi kita naabutan, dahil nga siguro magkaiba tayo ng timezone plus sobrang busy sa ofis (naks!parang tunay) dahil balik trabaho na naman ako.
Mukhang hindi lang pala sa Saudi at Pilipinas uso yang Tiger chocolate na yan patirin pla dyan sa US.
Ingat ka lagi, namiss talaga kita!heheh
@Pablo
Nahohomesick ka ano? Medyo mahirap talagang malayo sa pamilya at kaibigan mo. Kahit ano pa sabihin nila mas masarap pa rin sa atin sa Pilipinas (lalo na kung may pera ka)
@Keso
Yup manang mana nga ako kay Nanay!hehe! Marami pa yan!heheh
'ung pagkasabi moh na na-miss mo akoh parang galing sa ilong moh kuyah?.. ahaha.. biro lang... pagbigyan.. 'la lang... gusto koh lang sana makipag-chikahan uletz sau minsan... naghahanap nang lakas nang loob... abah.. tlgah lang.. kc u always makes meeh feel better.. abah!.. ahehhe... ingatz po kuyah... lab yah.. abah! hangswit... ingatz... Godbless! -di
@Dhianz
HANGSWITTTT!!! Ganun ba sige online ako ngayon intay kitang magonline!hehehe
Para sa iyo lagi akong may oras!
Gumaganun!
Ingat
Malamang talo ka sa nanay mo kapag nagblog yun! lolzz
Putang ina sa lahat ng kapokpokang sinulat mo before dito ako tumawa nang tumawa buti na lang wala nang tao sa office hayuuuuuuuuuuup ka da best ang nanay mo taob ang panlalait ni Doris.
Nangunguripot ka pala buti nakuha mo pa kaming bigyan ng TUBLIRUN kasi kung TIGER ang binigay mo sa amin susuntukin kita sa kilikili.
Post a Comment