QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, January 18, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON


Pers op ol, gusto ko munang ipaalam sa inyo na maysakit ako ngayon. Batet? Kasi dahil pagdating ko sa Saudi eh ubod pala ng lamig dito. Kaya nanibago ang aking murang katawan (nice!). At dahil halos kinain ko lahat ang pabaon sa akin ng aking mga kapatid, kaibigan at kamag-anak. Masyado akong na-excite sa pagkain ng pulburon at yema. Halos sumakit ang ngipin ko sa dried mangoes at pastiyas. In short ako ay MA…………………………MASUNGIT (dahil di ako namigay) . Buti nga sa akin!!



Teka dahil naipangako ko na magkwekwento ako tungkol sa aking bakasyon. Gagawin kong installment ang aking pagkukuwento (BUMBAY??). So Part 1 muna para masaya, then part 2, part 3 hanggang maging libro na sya at ipantatapat ko sa Harry Potter ni J.K Rowling.
Okay heto na ang Part 1.



MGA EKSENA SA AIRPORT


Dumating ako sa airport ng mga alas singko ng hapon. Medyo masarap ang “mood” dahil nga magpapasko. Habang naglalakad ako sa Airport, walang bumabati sa akin man lang ng “Merry Christmas o Happy New Year” mula staff ng airport. Eh very unusual yun para sa akin, dahil darati-rati tuwing nagbabakasyon ako ng March eh marami ang bumabati sa akin ng “Merry Christmas at Happy New Year”, sabay sabi “wala ba tayong Aguinaldo dyan???” (March pa lang, nanghihingi na sila ng aguinaldo, kamusta naman yun??). Napag-alaman ko na painagbawal pala ni Pangulong Gloria ang pagbati sa mga OFW dahil nga sa “Aguinaldo Syndrome” ng mga staff ng airport.



Okay moving on na……



Dahil excited na excited ang aking pamilya na makita akong muli hayun “late” sila. Kaya medyo wala akong nadatnang susundo sa akin. Kaya naman bumili na ako ng SIM Card sa may lobby ng airpot para malaman kung sang lupalop na sila nagsuot.



EKSENA SA LOBBY



Pagdating ko sa lobby nakita ko na agad yung bilihan ng SIM Card, kyut si Miss Tindera kaya nakipagtsikahan na ako sa kanya at nagpakyut.



AKO: Miss ikaw ba nagtitinda ng SIM CARD?



Miss Tindera: Opo ako nga po KUYA



AKO: Wag mo na akong Kuyahin di naman kita kapatid (sabay pakyut)



Miss Tindera: Ah ganun po ba, sige po SIR.



AKO: Naku wag na akong i-Sir di mo naman ako TITSER, Drake na lang!! (putcha, D.O.M na D.O.M ang linya)



Miss Tindera: Sige po Drake, ano po bang SIM CARD, Globe o Smart?


AKO: Globe na lang kasi Smart ako! (Meganun pautot!)


Miss Tindera: Heto po DRAKE (pinagdiinan nya ang name ko, na parang gigil na gigil)


AKO: Salamat Miss????Ano uli pangalan mo?


Miss Tindera: Sheila po!


AKO: Ahhh, Shiela! ang ganda pala ng pangalan mo, tulad ng pangalan mo maganda ka rin(yan ang pambobola 101)


Miss Tindera: (nagblush)


AKO: Shiela, di ko pa kasi alam ang number ko, pwede bang makuha ko na lang yung number mo. (Yan ang astig na line)


Miss Tindera: Naku naman, kayo ha!May ganun kayong mga linya


AKO: Hehehe, Sige na ,ano nga ba uli yung number mo?


Nilabas nya ang kanyang antigong cellphone na 3310.


Miss Tindera: Ano po ,0917XXXXXXX, (binigay naman)

AKO: Thanks


Miss Tindera: Ah nga pala, ipasaload mo ako ha kahit 30 pesos lang! wala kasi akong load eh, para mareplayan ko naman kayo!


AKO: Ahhh Ganun!


Noong narinig ko yun, umalis na ako. Tuloy, lalo kong naramdaman na mukha akong D.O.M (bwisit!). Medyo tinitingnan pa ako ni Miss Tindera kung magpapasaload ako sa kanya, kaso umalis na lang ako sa inis. Kaya tinawagan ko na lang ang mga kapatid ko kung nasan na sila. Sabi nila 10 minutes na lang daw at nasa Arrival Area na raw sila, kaya pumunta ako sa Arrival Area ng Airport.


EKSENA SA ARRIVAL AREA


Aba, 20 minuto na ang lumipas wala pa rin ang mga kapatid ko! Halatang excited na excited sila! Ang sinalubong mukhang siya pa ang sasalubong!Kaya hindi ko napigilang mag-obserba sa aking mga nakita sa Arrival Area ng Airport.


Nagulat ako ng may todo-kaway at todo ngiti sa akin na babae. Yung babae, naka ubod iksing short (pekpek short daw ata tawag dun) at naka sando lang. Para syang maliligo lang, ganun ang porma . Kulay blonde pa ang buhok kahit hindi bagay sa maitim nyang balat. Basta para syang babaeng nakikita mo sa mga beerhouse (Oyy, bakit ko alam yun??,hehehe). So kaway sya ng kaway sa akin, ako naman nakikaway din at ngumiti din. Pero nagulat na lang ako ng may dumaan mula sa likod ko na isang Amerikanong ubod ng laki.Sya pala ang kinakawayan nung babaeng mukhang maliligo lang sa Ilog Pasig.


Medyo napahiya ako ng konti, pero naiintindihan ko na ang lahat, bumulong na lang ako sa sarili ko na.


“Siguro nakilala lang nya ito sa chatroom!! Jackpot si Ate,hehehe, instant millionare!”
.
Isa pang eksena…..


Pilipina (sa States ata sya galing, suot ang malahula hoop na hikaw ): Oh my God, its so init naman here sa Pilipins! Where na ba sila? (tiningan ko sya mula ulo hanggang paa, mukha syang galing Cubao lang!)


Sabay tawag sa kanyang phone (inpernes mukhang mamahalin)


Pilipina: Kuya, where na ba u? I’ve been waiting here for more than two hours na!!! Blah blah!!

Gusto ko sanang tampalin ang nguso nya, kasi alam ko mas nauna pa akong dumating sa kanya sa Arrival Area. Kaya hinahayan ko na lang syang mag-cacarabao ingles sa isang tabi, habang pinapaypayan ang sarili gamit ang mala-yerong kamay)


Mamaya maya dumating ang isang pulang van.


Lalaki (ito yung sasalubong): Hey! Where here na!!! (sabay yayakapin ang Pilipina)


Pilipina (yung mukhang tiga Cubao lang): Eh PUTANGINA NYO BAT NGAYON LANG KAYO!!!

Hayun lumabas ang pagiging palengkera ni Ate, hehhee!Paingles ingles pa, pag nagalit naman daig pa ang tindera sa Divisoria!hehehe)


Ako naman, makalipas ang 20 minuto pa, (sinungaling sila, sabi nila 10 minutes lang daw,ano akala nila sa akin tanga sa oras?hehehe) sa wakas dumating na rin ang sundo ko. At dahil sa sobrang na-excite sila na makita ako. Agad nilang hinanap ang ……….. balikbayan box ko. Sabay sabi..... "O nandyan ka pala"
Nice mga kapatid! Astig nyo!! Galing nyong mang-inis ah! Sarap bangasan ng isa ang mga wisdom tooth nyo! Pero alam ko naman joke lang nila yun. Lab naman nila ako!Kahit hindi gaanong halata!Hehehe

Opps medyo bibitinin ko muna kayo dyan ng konti medyo yan muna for now. Maganda yung hindi mo ikukuwento lahat. Dahil sabi ko nga mahaba yang kwentong bakasyon na yan. Basta marami pang eksena ang susunod pa. May eksena pa sa VAN, eksena sa Waltermart, eksena sa simbahan….. and so on and so fort….. Naks meganun.


Malay natin maging isang buong libro ang kwento ko na ito, at isa pelikula pa. Basta hindi si Manny Pacquiao ang bida okay na ako dun!


Basta ako’y nagpapasalamat sa inyong lahat, sa patuloy na pagbisita sa aking kwarto. Sana hindi kayo magsawang bisita dito. Pramis maglalagay ako ng butong pakwan, chikito at choki-choki sa kwarto ko para madalas kayo dito.


Ingat parati


25 comments:

chingoy, the great chef wannabe said...

para kang coitus interuptus ah!!! BITIN!

hmmm, siguraduhin mong blockbuster ang librong ipantatapat mo ke Horny Peter este Harry Potter ha?!

okidocs!

Life Moto said...

air port pa lang ang dami nang adventure nila :) abangan ko ang mga susunod na mga kabanata mo bro!

The Gasoline Dude™ said...

Ampf. Natawa ako sa mga kwento. Ibigay mo na lang sa 'kin 'yung number ng tindera ng SIM Card, ako na ang magpa-pasaload sa kanya. LOL

Unknown said...

hehe, kakatuwa ang iyong kwento. na-aaliw ako. San ka sa Saudi? Dito me din Dammam. Classmate mo pala ko sa filipinowriter.com

mrjosebatute.blogspot.com

DRAKE said...

@Chingoy

Syempre ikaw nga masarap ang bitin kasi hahanap hanapin mo ang kasunod!meganun! base ka brod

@LifeMoto

Abangan mo kuya, sana wag kang masawang magbasa ng aking blog!Ingat po!

DRAKE said...

@Gasoline Dude

Di ba uuwi ka naman! Makikita mo sya sa may lobby ng Airport!hahah ikaw na kumuha!Pasalubong ko gasdude ha!

@Doogie

WILKAM sa aking kwarto, tama ka magkakaklase nga tayo dun! Dito ako sa Riyadh! Sana madalas ka dito sa kwarto ko!

Anonymous said...

ahahaha ammmfff talagang pinanagatawanan ang pagiging saudi boy,, walang kupas kahit sa erfort..hahaha...

mamigay ka naman..... lolz!

The Scud said...

aba. nasa pinas ka pala di ka man lang nagparamdam. hehe.

ingat dyan sa saudi!

Noel Ablon said...

Sa takbo ng istoryang ito mukhang hanggang sa isang bwan din tapos nito hahaha!

Ang bagal ng storyline bro haha! Nasa airport ka pa rin part 1 pa lang.

Pero gusto ko style mo sa pangbobola, halatang sanay ka bro. Isa kang GURU! hahaha!

gillboard said...

kelangan talaga magflirt sa tindera ng sim card... hahahaha

buti naman at naging masaya ang pagbisita mo dito...

Adang said...

magaya ang style mo,tamang tama, bakasyon ko sa march, hanapin ko din ung ng ititinda ng SIM...

glentot said...

Sana nga gawin itong pelikula tapos IKAW ang gaganap pero syempre buburahin lagi yung mukha mo kasi ayaw mo magpakita.

Jam said...

Hi..Ibang klase tlaga pag balik bayan pra lang balik D.O.M hehehe joke naka bola ka agad d mo man lang hinintay ung girl ang mag pa kyut..yan tuloy gus2 ka agad isahan hahaha..nsa pinas ka drake la ka sa saudi hehehe...

DRAKE said...

@Lady in Advance

Oo pagkakataon na yun kaya sinunggaban ko na!hahaa!namiss kita ah! Tagal mong hindi nadalaw sa kwarto ko

@Scud

Oo nga sayang di man lang tayo nagkita pero sa December uli, tyak makikipagkita na ako sa iyo (saka kita ikikiss!hehehe)

DRAKE said...

@Noel Ablon

Mga hanggang Part 4 lang naman yan! Saka pakonti konti lang talaga yan! Kung ikukuwento ko lahat ng nanagyari sa akin sa bakasyon baka bukas ka pa matapos magbasa,hahah!

@Gillboard

Kyut kasi si Miss Tindera kaya naman todo pakyut ang ginawa ko dun! Sayang pre sana this december kita na tayo para mailibre mo ako!

DRAKE said...

@Bosyo

Para-paraan lang yan! Hayaan mo may iba pa akong tips para sa iyo! Kelan ba uwi mo?

@Glentot

Tae ka glentot! Umeepal ka na naman dyan! Si Ponkan ayaw magparamdam!hehehe

@Jam

Salamat sa pagbisita sa kwarto ko! Bumalik ka ha may libre mikmik dito!
Ingat

SLY said...

dahil sa kwento mo, trip ko ng umuwi ng pinas at hanapin ang tinderang shiela ang pangalan! aabangan ko pa mga escapades mo :)

PABLONG PABLING said...

the best

"hindi ko pa kase alam ang number mo, pwede bang makuha na muna ang number mo"

niceeee

KESO said...

hahaha,hndi ko kinaya yung papapakyut mo kuya. hahaha.

e kuya ano ba yung choki choki?

Ayie Marcos said...

Hindi namigay ng pasalubong? Welcome back sa iyo.

Kaiinget. Di bale, malapit na akong umuwi...11 months na lang!

Kosa said...

sa lagay na to eh may sakit ka? lolz
Hindi halata parekoy. pero ayus na rin yun atleast eh makakapag-adjust ka na ng konti habang nagpapahinga1

pwedeng pwedeng pantapat nga to sa likha ni J.K Rowling.

full details at inisa-isa.

sige aabangan ko ang mga susunod na hulog mo sa Bumbay. wehehe

DRAKE said...

@Sly

Mukhang matatagalan pa ata yun bro kasi kasisimula mo pa lang ata dito sa Riyadh! Baka pag-uwi mo yun may asawa n yun

@Pablo Pabling

Yan ang tinatawag na PAMATAY LINYA!! Hayaan mo mag-iisip pa ako ng marami para marami din akong bala!Ingat parekoy sa esteyt

DRAKE said...

@KESO

Sobra ka naman, wag mong sabihin hindi mo naabutan ang CHOKI-CHOKI, yung chocolate na nakalagay sa isang tube?heheh

@Ayie

Mukhang magkakasabay pa tayong umuwi, hehehe! Eh di pala after 10 month uwi uli ako!hehehe!Sana kita tayo sa Pinas!Ingat

@KOSA

Siguraduhin mong magcocomment ka ha!hahah! Oo maysakit ako ngayon, pero okay naman na pakiramdamam ko kulang lang sa KAIN!hehehe

Ingat

Dhianz said...

ahmissU kuyah... san pasalubong koh?.. kala koh fefedex moh?.. lolz... eh! 'la akong computer... napadalaw sa haus nang ate koh at kaw ang unang dinalaw koh.... espesyal kah... wehe... natawa naman akoh mga kuwento moh... takte i miss blogging!... sige... hanggang sa muli.... muwahugz... Godbless! -di

DRAKE said...

@Dhianz

Namiss din kita! Kamusta ka na at batet ka naman nahiatus nga pala from blogging! Ayaw mo na ba sa amin!

Ingat lagi!