QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, January 26, 2010

EKSENA SA AKING BAKASYON (Part 3)

Akalain mong nakapart 3 na ako! Para sa sumusubaybay ng kwentong bakasyon ko, maraming salamat.Oo nga pala mga kautak hanggang Part 4 lang ang “EKSENA SA AKING BAKASYON ” kaya isang hinga na lang ,tapos na rin ang epic na ito (hay salamat!!)

Matapos ang adbentyur ko with Nanay, syempre pagkakataon ko na para naman gumala, magliwaliw at mamasyal. Kaya narito ang mga eksena sa aking pamamasyal.

EKSENA SA MGA MALLS

Halos lahat ng malls ay nalibot ko na, mula sa SM, Trinoma, MOA, Gateway, Glorietta, Greenbelt, at Eastwood ay talagang hindi ko pinatawad. Maraming nagsasabi na naghihirap daw ang Pilipinas pero sa tingin ko kalokohan lang yun, bakit? Dahil halos lahat ng pinuntuhan kong mall, PUNO lahat. Miski ang MOA na pinakamalaking mall sa buong Asya ay puno din. Halos mahalikan ko na nga ang mga taong nakakasalubong ko eh (tinutuloy ko ang halik pag maganda at seksi ang kasalubong ko,hehehe). Pero syempre di mawawala ang mga eksena dyan.

EKSENA 1.


Habang ako'y nakatambay sa Trinoma may nakita akong grupo ng mga kabataan na nag-uusap:
(Mga pasosyal na mga kabataan sila)


Kabataan 1: Guys I’m so hungry na eh! Wer ba tau eat?

Kabataan2: Pizza hut na lang tayo mga frenz.

Kabataan3: Ayoko dun di masarap pizza dun?Yellow Cab na lang!

Kabataan4: Ewww! I don’t like there! Dencio or Max’s na lang!

Kabataan5: I’m so tired na eh! Sige lakad na lang tayo at hanap na lang tayo ng makakainan there!


Sinundan ko sila ng tingin kung saan sila pupunta at sa huli nakita ko silang sabay-sabay pumasok sa……(drumroll please)……… tenen……………JOLLIBEE (at mukhang burger steak lang ang kanilang binili)


EKSENA 2.


Dahil masyado akong nainip kakaintay sa ate kong bumili ng damit sa “bossini” (dumayo pa ng Trinoma para sosyal na sosyal na Bossini, siguro SALE dun!). Naisipan kong uminom ng “Signature Hot Chocolate”ng Starbucks na paboritong paborito ko talaga (mas masarap sya kaysa sa Milo at Ovaltine) kaya dun ako tumambay.

Habang ako’y nasa pila, bumibili rin ang isang babaeng nakabubuyog shades (yung malaki pa sa buwan ang shades nya) at magtataka ako kung bakit sya nakashades gayung nasa loob sya ng mall, walang araw doon at lalong wala naman siguro syang sore eyes.

Nasa harap sya ng cashier kasi turn na nya.

Miss Bubuyog: ahhmmm

(bwisit sya! tagal nakapila dun pa sa cashier namili ng bibilhin)

Cashier: Yes ma’am ano po yun

Miss Bubuyog: I would like to order a Frappucino.

Cashier: Ano pong Frappucino ma’am?

Miss Bubuyog: Uhmmm, I don’t know !All I know is that...... there’s a chip on it and it has a bitter-sweet taste, Sorry I really don’t know what kind of Frap is that…. (halos mangongo na sa pagka-slang)

Cashier: Baka Java Chip Frappucino Ma’am?

Miss Bubuyo: No! Lem'me choose for a moment? (Presidente ka?paimportante ka pala eh!)


Buwisit sya, dun pa namili. At huwag nga syang mag-eenglish ng mag-eenglish dahil nasa Pilipinas sya!Tinatagalog na nga sya ng cashier dahil mukha syang tindera sa Divisoria, tapos todo nosebleed pa sa kaka-English.

Makalipas ang 3 minuto nakuha din nya ang gusto nya (sa wakas, dahil kung hindi babasagin ko ang shades nya) . At syempre sinundan ko sya ng tingin. At hayun nakita ko syang picture ng picture ng kanyang sarili gamit ang cellphone habang nakadikit sa kanyang pagmumukha ang Frappucinong binili (siguro ipopost nya yung pix nya sa kanyang facebook o friendster). Tae pala sya, ano akala nya sa Starbucks, “Studio” kasi nagphotoshoot sya dun. At di lang yun, tinawag pa nya ako (kasi napadaan ako) at piktyuran ko raw sya. Feeling nya ata nasa parke sya at akala nya ata photographer ako!
____________________

Marami pang eksena sa mall ang talaga nakaagaw sa akin ng atensyon. Siguro gagawa na lang ako ng isang entry tungkol dito. Kaya diretso ko na muna ang kwento ko.

Moving on......................


EKSENA SA ENCHANTED KINGDOM

* Makuha nga si ate at gagawin kong keychain.

*Huli ka!!!



Kada bakasyon ko, hindi pwedeng wala kaming “bonding moments” ng aking mga kapatid. Kaya lagi ko silang tinatanong kung saan nila gustong pumunta.Medyo mababaw lang ang kaligayahan ng aking mga kapatid kaya naisipan nilang ilibre ko sila sa ……..DISNEYLAND, kaya dumeretso kami ng ENCHANTED KINGDOM (ganun din yun)

Huling punta ko pa sa Enchanted Kingdom ay noong first year college pa ako, kaya gusto ko ring makita kung ano ang bago sa Theme Park na yun.

Dumating kami sa Sta. Rosa, Laguna ng 11 A.M, katanghaliang tapat. At dahil dyan mistula akong magsasaka ng palay dahil nakabilad kami sa init ng araw. Tapos ubod dami pa ng tao sa loob (adik sa mga rides eh). At ang pila halos himatayin ka sa haba (daig ang pila ng bigas at MRT). At dahil nanghihinayang ako sa 500 pesos na binayad ko. Sinubukan kong pumila na lang at syempre may umeksena na naman.

Nasa gitna kami ng pila ng biglang may 2 binatilyong sumingit

AKO: Ronald may naamoy ka ba? (tanong ko sa kapatid ko)

Kapatid ko: Wala kuya, bakit?

Ako: Kasi mabaho ang SINGITTTTT (pinagdidiinan ko). At ayaw ko ng SINGITTTTT (pinaparinggan ko na)

Kapatid ko: Oo nga kuya ,ayaw ko rin ng singit (saby tingin sa 2 binatilyong sumingit)

Ako: Galit ako sa SINGIT, at pag galit ako pumapatay ako ng SINGIT!

Natakot din naman yung 2 binatilyong sumingit dahil tinitigan ko sila ng masama (yung parang tingin ng mangkukulam) kung hindi sila umalis sa pila sasabog ang mga ngala-ngala nila sa lupa (warfreak??, oo makikipagpatayan ako para sa bumped car)

Makalipas ang halos isang oras na pagpila, sa wakas kami na ang sumakay. Inabot lang ng hanggang 3 minuto ang “rides”. Nabwisit lang ako at nainis dahil sa haba ng pila ay ganun naman kaiksi tinatakbo ng rides at handa pa akong makipagpatayan para dun. (Tae!!)

Kaya nung niyaya na ako ng mga kapatid ko sa iba pang rides, di na ako sumama. Ayaw ko ng pumila at ayaw ko na ring makipag-away sa mga mababahong “singit”. Iikot na lang ako ng 3 minuto at hihiluhin ko na lang ang sarili ko ,tutal yun lang rin naman ang ginagawa ng mga dyaskaheng rides na yan.

Dahil sa gutom. Humanap ako ng resto para kainan. Dahil puno ang mga resto hindi na ako tumuloy .Isa pa, may nakita kasi akong booth ng “rice in a box” sa tabi ng “Merry go round”.
.
At muli may umeksena rin dyan

Habang bumibili ako ng pagkain:

Ako: Kuya pagbilan nga ng rice in a box.

Kuya Tindero: Sir, ano po ba Adobo Flavor , Chicken Ala King, o Beef Steak?

Ako: Adobo Kuya!!!

Kuya Tindero: Sir, wala na po eh!

Ako: Okay !Chicken ala King na lang

Kuya Tindero: Wala rin po sir

Ako: Langya naman eh ano ba available sa inyo?(umuusok na ilong ko sa inis)

Kuya Tindero: Beef Steak lang po!

Ako: Eh yun lang pala available sa inyo, tinanong mo pa ako kung ano gusto ko?Adik ka pala eh!
(pipigtasin ko na ang tenga nya saka ko ipiprito para gawing chitcharon sa galit ko)


Kuya Tindero: Eh sir, kaya ko po kayo tinatanong kasi sasagutin ko po yun kung “meron o wala” kaya may mga choices po Sir.
.
(aba nagpaliwanag pa ang luko)

Ako: eh pilosopo ka pala eh! (hahamunin ko na sana ng away buti napigilan ko sarili ko)

Kuya Tindero: Sir anything for drinks? (putcha, parang walang nangyari ah!)

Ako: C2 green tea! (nanlilisik na ang mga mata ko)

Kuya Tindero: Sir wala na po kaming C2 noon pa.
.
AKo: Eh mga biwist pla kayo, bakit nakalagay pa dito sa Menu nyo! Heto oh! ang laki laki ng pangalan at may picture pa! (sabay dutdot sa menu)

Kuya Tindero: Sorry Sir, di po updated yan!

Halos lumuwa na ang mata ko sa galit at hamunin na ng “square” si kuya Tindero. Gusto ko ng sunugin ang booth ni Kuya at gawing palaman sa tinapay ang dila ni Kuya sa sobra kong inis.Hinahayblad na ako sa kanya, at baka hindi ako makapagpigil eh masakal ko si kuya. Pinakalma ko na lang ang sarili at kumain ng bubblegum. Syete!

Okay, hindi ko gaanong naenjoy ang Enchanted Kingdom pero naenjoy naman ng mga kapatid ko! Kaya okay na ako dun! Tutal para sa kanila yun at hindi yun para sa akin. Pero kung tatanungin mo ako kung babalik pa ako dun ang sasabihin ko lang ay ………………….”ISANG MALAKING HINDEEEE”.

Itutuloy.....................................

P.S
Abangan ang last part ng kwentong bakasyon ko! Hanggang sa muli at maraming salamat sa pagbasa.

Ingat.


36 comments:

Jag said...

Base!!!

Drakoy, FYI, kaya maraming mall sa tao este tao sa mall pla kasi libre ang erkon...ganun gawain ko dati tambay lng sa mall hehehe...

Ang bigat ng kamay mo doon sa pic, may nakalawit na JEWELRY jijiji...

ingat

2ngaw said...

Hehehe :D Relax parekoy, bakasyon naman eh...bawi ka na lang next time na bakasyon mo lolzz

Ihanda mo na ung isasagot mo sa tindero pag balik mo dun lolzz

DRAKE said...

@Jag

Base ka parekoy! ang galing wala ng lagnat!hahah

FYI: yung bracelet regalo yan ng kapatid ko nung pasko at yung isa bigay naman yan ng barkada ko pasalubong galing Olongapo!hhehe

@Lord CM

Medyo okay na ako, mababa na ang dugo ko dahil nakakita ako ng seksing babae after nung insidente na yun!hehhe

Null said...

Hahaha!!! Ang suplado naman haha! Pero ok lang yan madami talaga feelingero at feelingera sa mga malls... pero sila yun e... kanya kanyang trip lang hehe relak relak bka mastroke hehe

Kosa said...

hahaha.. tingin ko nga parekoy hindi ka nag-enjoy sa Laguna.. galit na galit ka sa mga nakapaligid sayo eh.


sige sa MOA ka nalang tumambay sa susunod.

makainum nga rin ng Trappucino.. haha

SLY said...

halatang 'di ka galit kay Kuya Tindero... buti hindi ka inatake sa puso (salamat ng marami ke seksing dumaan pagkatapos ng eksena).

next time parekoy tutuhanin na ang Disneyland, sigurado ako hindi ka maha-highblood dun :)

aabangan ko ang finale ng bakasyon mo..

Xprosaic said...

Naku normal... dami ngang ganyan... pero ako inuunahan ko na rin hirit eh... syempre bago pa sila nakareact nakaalis na ako... jijijijijijiji

DRAKE said...

@Roanne

Oo nga sinabi mo pa, dami dun mga ganun sa mall! ( Akala ata ng iba pag nag-eenglish eh nagmumukha silang mayaman!

@KOSA

Malayo lang kasi ang MOA sa amin, kaya mas gusto ko ang Trinoma, yun nga langn mukha na itong palengke sa dami ng tao!grabe

DRAKE said...

@Sly

Oo sa Disneyland na nga lang mukhang mas maganda dun yun nga lang mahal! Siguro wala ng maga epal dun na umeeksena

@Xprosiac

Oo nga pre sobra yung mga taong yun sarap bangasan sa mukha!!

The Pope said...

Grabeh naman ang eksena sa bakasyon mo, halos atakihin ka sa puso hahahaha.

Mabuti na lang at natapos rin, ay meron pa bang Part 4 ito, inom ka muna tubog, palamig ka muna hehehehe.

Adang said...

part 3 na pala to,parang Xerex lang lang,hehehehhe,,,ako pag uwi ko pupunthan, Makati Cinema Square,Ever Gostesco,o kaya Uniwide, meron paba nun?..

gillboard said...

kakatakot ka naman drake... para kang mahilig sa basag-ulo!!! hahaha

biro lang... at least, daming umeksena sa bakasyon mo... hehehe

Dhianz said...

lab 'ur kuwento kuyah.... as always... dehinz na akoh kokomentz nang bongga... pag akoh den nag-vacation... paduduguin koh ren mga ilong na nang sa paligid koh.. wehhehe.. biro lang.. laterz.. Godbless! -di

DRAKE said...

@POpe

hahha medyo hinayblad lang talaga ako sa kay kuyang tindero!hehehe!Pero okay na ako kuya, nadala ng bubble gum!hehehe

@bosyo

Wala na yun sarado na lahat!napaghahalata ang edad brod ha!Medyo iba na ang mga mall ngayon, parang palengke sa dami ng tao.hehehhe

DRAKE said...

@Gillboard

di naman masyado akong warfreak!marami lang talaga epal kaya ganyan!pero brod mabait talaga ako kahit itanong mo pa sa nanay ko!hehehe

@ dhianz

Sabay tayo bakasyon, pwede ba? Hehehe batet di ka nagcocomment ng mahaba? Miss na kita pramis!hehehhe

Chyng said...

Wee, EK and Malls sa bakasyon from Saudi, right?

Blog hopped!

glentot said...

Kaya pala nung niyaya ka namin eh kung makatanggi ka parang natrauma ka at mukhang natrauma ka nga.

chingoy, the great chef wannabe said...

buti na lang pumunta ka sa ibang mall, akala ko waltermart ang turf mo hahaha

The Gasoline Dude™ said...

Maraming tambay sa mga malls, wala namang binibili.

Sarap suntukin nung tindero. Pero mas nagulat ako nung sinabi mong gusto mong ipalaman 'yung dila niya. LOL

DRAKE said...

@Chyng

Salamat at nadadalaw ka dito sa aking kwarto! Sana madalas ka pang dumalaw dito! Salamat sa komento

@Glentot

U bet kalabet otomatik ang puwet, medyo di na ako mauulit dyan sa EK na yan not unless kung libre. why not coconut, choknut!

DRAKE said...

@Chingoy

Gusto ko namang maranasang mag-bus kaya nag TRinoma na ako, waltermart kasi jine-jeep lang namin!hehehe! Masaya sa Trinoma parang Nepa Q lang sa dami ng tao

@Gasdude

Oo medyo gusto kong gawing cheezwiz ang dila ni Kuya dahil ubod ng TABIL ng dila nya! Muntik na talaga akong makipag-away!hahah

Ayie Marcos said...

Pupunta rin ako dyan sa Trimonia pag uwi ko.
Bibili rin ako ng Frapuccino at pag nagkataong nasa bakasyon ka rin noon..iinvite kita, kunan mo ko ng picture ha!

Ilalagay ko sa Multiply!

Dhianz said...

sige awa ni God maybe in 2 years?... aheheh... libre naman mangarap devah...libre moh akoh nang bonggang bongga... gusto koh ren pumunta sa disneyland.... dehinz pa akoh nakarating dyan sa enchanted kingdom na yan... ahlab rides!... pila tayo don sa mga rides na parang hinuhugot na mga bituka moh.. ahehe... i wanna hear u scream kuyah... haha... and next time pag kausap kitah eh magpa-nosebleed kah para mas sexy.... ahehe... ano daw?.. hanglabo eh noh... ayan... 2nd komentz... nahiya na raw akoh magmala-essay na komentz eh.. hiya daw oh?.. haha... laterz kuyah... Gandang Morning sa mundo moh... Godbless! -di

kikilabotz said...

ako tambay rin ako sa mall eh. lalo n kapag mainit sa bahay.hehe

pareng drake mukha ka daw may talent sa pornography. este photography kaya ka inutusan ni miss bubuyog.haha

Admin said...

Naks!


Ganda naman ng trip mo pag uwi mo...

Well, napansin ko lang.,.. Naghihirap daw ang Pilipinas pero ang daming tao sa mga malls...

Hehe :)


Oo nga pala... Nandiyan din ako sa EK nung Dec 28... Ang daming tao!

DRAKE said...

@Ayie

Basta ililibre mo ako sa starbucks kahit kuhanan kita ng picture araw araw walang problema sa akin

@Dhianz

Wag ka ng mahiya kahit halos maging entry na ang comment mo! Gusto ko nga yun eh! Ikaw pa, basta ikaw nanginginig pa!hehhe!!

DRAKE said...

@Kikilabotz

Hindi nagpakyut lang sa akin si Miss Bubuyog!hehhe! Pero nung kinuhanan kosya sinugurado kong putol ang kuha ko sa kanya!hhaha para di umulit

@Mangyan

Nandun kami ng December 30. Hehhe sinabi mo talaga! Kahit na paerkon lang yung iba, ibig bang sabihin nun di na sila kakain!

heheh

Reagan D said...

whoaaa naman sa bakasyoooown, hectic na hectic!

pero nadismay ako. sa lahat ng malls, bakit di mo pinuntahan ang isetann? baket?!

natuwa ako dun sa picture na hinahawakan mo sila "ate". parang may bahid ng kuwan ang iyong paghawak.

(parang gusto mo silang gawing barbie doll?ahaay!)

hinayhinay ang puso mo sa mga mall. nakakamatay daw ang high blood. hehe

Dhianz said...

maniniwala na sana akoh sa sinabi moh kuyah.. kaso may nanginginig pah eh... lolz.. ei... hanggang sa muli po.. take care... Godbless! -di

Jepoy said...

Baket hindi mo pa kinukwento ang EB natin ni Glentot bansot. Hindi accurate ang kwento dahil nauna ang EB natin bago ka nag punta ng enchated.

Isa kang warfreak. Inaway mo ung mga singit, si kuya rice in a box, at kung sinu sinu ma sa mall tulad ng MOA, Trimonya,Greenbelt, at Glorrieta. Pangit mo na nga panget pa ng ugali mo! (Nag salita ang pogi ahahaha)

GOd Bless! Mhuahugs!

Unknown said...

hehehehehe, ganda ng kuha sa babaeng sumsayaw ah... hehehe, anyway, maganda kasi tumambay sa mall, kasi nga libre n aircondition, at pwede din pam palipas init.. hehehehehehe, oras pla... ako nga, yun lage eh.

DRAKE said...

@Manik

OO kukuhanin ko si para gawing barbie doll, yun lang at wala ng iba pa! Wala akong iniisip pang iba!hehe

@Dhianz

Maniwala ka totoo lahat yun!hehhee

DRAKE said...

@Jepoy

Sige ikaw na gwapo! Ikaw na ang anak ng Dyos! Yung Eb natin separate post yun!After pa ng kwentong bakasyon!okayyyyy

@Tim

Wala hindi na malamig ang mga mall ngayon, dahil sa dami ng tao sa loob ng mall para kayong nasa malaking pugon o oven (sobra yun!!!hehe)

pamatayhomesick said...

aba at mahaba habang eksena toh.. sa huli ko nalang ulit aabangan.. inggit lang ako eh..ha ha ha.

Superjaid said...

agree ako kay kuya jag..nagpupunta ang mga tao sa mall dahil libre ang aircon..hahaha masyado akong natuwa dun kay ate starbucks..wahahaha

Anonymous said...

baahhhh katakot ka nmn kasama, kainit ng ulo....dapat sa mall ka nlang tumambay para may erkon na magpapalamig sa ulo mo...lolz!