QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Friday, February 5, 2010

Standard Electric Fan



Hindi usaping bentelidor ito! Trip ko lang na ganun ang title, pero usaping “standard” pa rin naman ang pag-uusapan natin.


Gusto ko lang i-expound (naks!) yung naisulat ko about “setting standards” (paki-refresh lang ang RAM ng inyong utak)


heto ang sinabi ko noon:


4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo


Medyo bibigyan ko kayo muna ng mga senaryo tungkol dyan!

SENARYO No. 1


Naalala ko nung college pa ako, sumali yung ka-section ko sa “Miss U-Bet” (beauty contest sa loob ng school namin). Syempre mandatory na suportahan ang kaklase namin na iyon. Kaya naman todo “cheer” ang ginawa namin para sa Audience Impact daw (at dahil may plus 5 sa exam!).


Medyo nauuhaw ako noon kaya bumili ako ng samalamig sa labas. At pagbalik ko, nakita ko ang kaklase naming nasa entablado. Nang biglang may malakas na usapan ng dalawang babae sa gilid ko:

Babae1: Hoy!!Tingnan mo naman yung Contestant No2 (ito yung kaklase ko), paanong napasama dyan eh napakapanget naman!


Babae2: Oo nga, eh kay panget panget sumali pa, eh mukhang nagbebenta ng turon sa kanto! Hahaha (sabay tawa na kita ang mga utak)


Hindi na ako kumibo noong mga panahon na iyon, dahil nung makita ko ang pagmumukha ng dalawang babae yon, gustong gusto ko silang regaluhan ng ubod laking “salamin”.
.
Ako ang napahiya sa mga sinasabi nila at tyak kapag sumagot ako ng "Ate wala bang salamin sa inyo?" malamang mag-asawang (na may anak pa) na sampal ang aabutin ko sa kanila .Hehehe!
.
Kaya hindi na ako kumibo at inubos ko na lang ang samalamig na lasang tubig lang na may asukal (sabi ng tindera pineapple juice daw yun)

SENARYO No. 2


Nung minsan namang bumili ako ng suka sa tindahan malapit sa amin, may grupo ng mga kalalakihang nag-iinuman. Niyaya ako, pero di naman ako sumama dahil iniintay ng nanay ko ang suka para gawing sawsawan ng kanyang paboritong chitcharon na tig-pipiso. Habang nag-aantay ako ng sukang binili ko, narito ang usapan ng mga kalakihan doon


Note: Pinag-uusapan nila ang tipo nilang babae


Lalaki1: Alam nyo mga pare ang gusto ko sa mga babae maganda ang ngipin.Kapag pustiso ang ngipin nya, wala OLATS na yun!


(nung tiningnan ko sino nagsasalita, nakita ko puro bulok naman ang ngipin nya at manilaw nilaw pa)


Lalaki2: Ako naman pare gusto ko sa babae, yung seksi at malaki ang suso!!

(nung tiningnan ko naman kung sino ang nagsabi nun, napahiya ako sa laki ng tiyan nya na parang nakalulon ng bola ng volleyball at may peklat pa sya sa mukha)


Lalaki3: Ako naman gusto ko yung babaeng mayaman, kahit hindi na seksi at maganda

(galing naman yan sa dakilang tambay sa kanto namin!Nagfufull time syang tambay at nagpapart time palamunin)


Napakamot na lang ako sa ulo, nung marinig ko yung mg tipo nilang mga babae. Napailing na naman ako na may tunog pang TSIK..TSIK (yung sa butike) nung makita ko naman kung kanino nanggagaling yung matataas na standards na iyon!


Naisip ko, buti na lang kay tataas ng mga standards nila sa babae dahil sigurado ako na ang mga babaeng gusto nila ay ang mga babae ding tyak HINDI sila magugustuhan.


SENARYO NO2


Nanood ako ng isang “Amateur Singing Contest” noong fiesta sa amin.Kaya naman pumwesto ako malapit sa entablado. At nakatabi ko si Aling Merly. Kung di nyo naitatanong si Aling Merly ang dakilang tsismosa sa amin. Madalas tuwing nagsisimba kami, halos mabingi kami sa lakas ng boses nya pag kumakanta. At parang kampanang nilalagare ang boses sa sobrang sintunado.

Basta pasikat yan pag kumakanta sa simbahan, at halos lahat ng nakakatabi nya nakatakip ang tenga at nakangiwi. (akala mo may miting de avanse ng mga palaka, kapag kumakanta si Aling Merly)


Habang kumakanta ang isang Contestant sa entablado, biglang sumigaw si Aling Merly


Aling Merly: Boooooooo!!! Sintunado ka, bikaka ang boses mo! (halos maputol ang litid ng leeg nya kakasigaw, at muntik na nyang batuhin ng bote ng mineral water ang contestant sa sobrang apekted!!)


Ako: huh? (kamusta naman yun!)


Wala sigurong tenga itong si Aling Merly! Kung meron man hindi kaya galon galong ng tutuli ang meron sa tenga nya para hindi marinig ang boses nya sa simbahan . Ngayon naman nag-aala SIMON COWELL sya sa sobrang gigil sa contestant!
_______________


Gusto ko sanang bigyan pa kayo ng marami pang senaryo pero palagay ko sapat nay an para maintindihan nyo yung punto ko.


Hindi masamang magset tayo ng mga standards para sa ibang tao, pero siguraduhin na maging tayo ay pasok sa mga standards natin. Katulad nung mga babae sa Senaryo No.1, mas malinaw ang mata nila sa ibang tao samantalang bulag naman sila sa kanilang mga sarili. Madalas nakikita natin ang kapangitan ng iba, kaysa sa kapangitan natin. Subukan mong ibalik sa kanila ang panghuhusga magagalit naman sila. Minsan kasi madali tayong manghusga pero nahihirapan naman tayong tanggapin ang panghuhusga ng ibang tao sa atin.


Sa SENARYO No.2, madalas nagseset tayo ng mga standards sa gusto nating makasama sa buhay. Kumbaga may mga ideal man o woman tayo . Wala namang masama din doon, pero isipin muna natin kung gusto natin ng ganitong ugali dapat tayo rin ganun. Kung may ideal man o woman tayo, dapat “ideal man/woman” din tayo para sa kanya. Suriin ang kapasidad at ating mga ugali bago tayo maghanap sa ibang tao. Tingnan natin kung pareho ba tayong makikinabang o baka tayo lang ang makikinabang. Subukan muna nating i-assess ang ating sarili bago gumawa ng mga panuntunan o standards sa iba. Kung kaabot abot ba ito o masyado tayong nagseset ng mataas ng standards na maging tayo at hindi natin kayang abutin


Sa Senaryo 3, madalas kung sino pa ang walang karapatang magbigay ng “judgment” ay sila pa yung malakas manlait. Kumbaga paano ka papaniwalaan ng ibang tao kung wala ka namang kredibiladad sa mga sinasabi mo. Kung nais mo na “perfection”, dapat maging perfect ka muna sa lahat ng gingawa mo. Ikaw muna ang mag set ng standards para sa sarili mo, at abutin mo muna yun bago mo iaaplay sa ibang tao.


Tandaan natin, walang masama sa pagseset ng standards, pero dapat attainable ito at maging tayo ay kaya nating abutin ito. Walang masama sa paglalagay ng panuntunan o magbibigay ng intelehenteng opinyon tungkol sa isang tao, pero dapat may kredibilidad tayo at responsable tayo sa sasabihin natin.
Kung marunong kang humusga, matuto ka ring tumanggap ng panghuhusga! Sabi nga sa bibliya at sabi ng iba:


“Kung ano ang takalang ginamit mo sa iyong kapwa ay syang din takalang gagamitin sa iyo”.

Sana matutong nating gamitin ang takalang ito. Tingnan ang mga bagay na kaya nating ibigay at saka na lang isipin ang mga bagay na pwede nating tanggapin. Magbigay muna tayo bago tumanggap!

Yun lamang po at maraming salamat

28 comments:

Kosa said...

hahaha... minsan kase kapag nagpapahayag sila ng komento, kuro-kuro o di kaya ay pananaw; parang lumalabas na ganun ang kanilang standard...lols

tingin ko medyo very very slight na iba tayo ng pananaw sa dito..lols

senaryo1.
yung dalawang dalagingding na malalandi at walang kwenta, ang akala siguro nila sa Beauty pagent eh puro beauty lang.. hindi nila naisip na merong talent at Q&A portion.
nagpahayag lang siguro sila ng opinyon..lols


senaryo2.
kwentong lasheng..
kwentong katuwaan.
NANGANGARAP LANG NG GISING..lols

senaryo (2)3?
yun yung tinatawag na katuwaan lang..lols
wala lang.. hehehe

taena anu ba tong pinagsasabi ko.. pasensya na.. medyo walang magawa.

panghuli,
Kung magseset man tayo ng kahit na gaano kababang standard, meron at merong isang bahagi na sasayad mula sa iyung bawat napupusuan.
in the end, tayo rin ang susuko at tatanggapin na sa mundong ito, walang PEKPEKto este perpekto pala.

Unknown said...

4. Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo


------

so pano yan, kailangan ko muna magpataba, kasi ang standard ko eh mga chubby LOL.


i remember nung grade 4 ako, may tito ako na sinabihan kong "Butiki!"

tapos sabi ng tita ko "whoa! ollie, akala mo naman napaka macho mo at ang laki ng katawan mo"

ayun, kaya mula nun, ingat ingat at isip isip muna bago mag bitiw ng comment. pero sometime you cant help but make okray okray, parang tipong vice ganda lang LOL (karinyong brutal lang sa mga close friends pero sa di ko kaclose, silent lang, civil lang)

DRAKE said...

@Kosa
Hahahah, meron kasing thin line between LAIT at pagsasabi ng katotohanan. hehe

Tama ka doon, mahirap talagang gumawa ng standards kasi talagang kakainin mo ang sasabihin mo.

Pero natuwa ako kasi nagkomento ka ng mahab! Pers taym sa aking blog!

DRAKE said...

@Ollie

Hahhaa, nice parang nasa comedy bar lang! Ako din naman minsan pag may nakikita ako sa TV sabi ko "ANG LAKI NAMAN NG GILAGID NUN", sabi ng barkada ko "wag ka ngang manlait!"

Sabi ko, eh kung malaki talaga ang Gilagid nya eh ano magagawa ko!Sasabihin ko bang ang liit liit naman ng gilagid nun! So iyon ang panlalait!hahaha

Ingat bro salamat sa komento!

chingoy, the great chef wannabe said...

ano pa't ako'y agring agri sa iyong mga tinuran dito... mabuhay ka!

Jag said...

well sadyang magkaiba lng tlga ng standards ang bawat isa and everybody is entitled to that jijiji...some maybe out of the norms pa jijiji...

...or should i qoute it this way what is right for you might be wrong for someone...

ingat parekoy!

DRAKE said...

@Chingoy

Ang tipid tipid naman ang komento mo!hehehe

@Jag

Malapit na uwi ah! Yup tama ka everyone is entitled to their own preference and standard. at sa huli duon pa rin tayo didiretso sa kasabihan "Kung ano ang takalang ginamit mo syang gagamitin din sa iyo".

Ngayon kung nagseset ka ng mataas, mataas din ang iseset na standards sa iyo!

Ingat parekoy! At sana enjoy mo ang bakasyon!

Jag said...

tenks tenks! nag iimpake n nga ako eh jijiji...

PABLONG PABLING said...

bwat tao ay may kanya kanyang standards. sa dalawang babae mong narinig na nag usap patungkol sa kaklase mo, meron din slang standards kaya nila nasabi iyon . . pangit sila kaya sila hindi kasali. :)

- -
inngat lage drake

Adang said...

na alala ko tuloy nung high school ako, tinutukso ako ng kaklase ko na Bulalo,dahil sa sobra payat ko, di daw ako pede sumali sa baskeball dahil baka mabalya daw ako,,,ayun huli namin pag kikita, kung ako bulalo, sya tinik ng isda,sa sobrang payat..na aksidente sa sa pag lalaro ng basketball..

yun lang....bow

Null said...

im really not against of putting up standards..,

parang bahay lang yan eh... pagnagdesign ka ng bahay at pumili ka ng bakal na substandard... guguho ang bahay mo... but come to think of it, bakit ka maglalagay ng bakal na hindi pumasa sa takalang iyong sinasabi kung dadating ang araw na ililibing mo ang sarili mo sa iyong sariling tirahan?

a person is setting his/her standard because that is where they see themselves to be in the next 10... 20... 30 or 50 years of their lives.

ang masama lang minsan hindi makatotohanan and taas ng standard ng ibang tao... ung iba naman minsan mababa na nakokontento na lang sila sa kung anong meron. dapat balanse lang...

mali rin na ibatay mo ang standard mo sa kung anong meron ka at kung anong na achieve mo....

laging tandaan na ang panget may karapatan din pumili ng maganda, ang mahirap may karapatan din yumaman, at ang tao entitled sa sariling opinion base sa standard na naset nila sa sarili nila meron man o wala sila nito... dahil yun ang katotohanan sa nakikita ng kanilang mga mata... yun din ang katotohanang lalabas sa kanilang salita.

DRAKE said...

@Pablong Pabling
Natawa ako dun ah!hahah, siguro nga naiingit lang sila kasi sila hindi napasali sa contest!hehehe

@Bosyo

Ngayon sila ang kumain ng sinabi nila na yun!ganun naman nga talaga! Sa huli natin malalaman!

DRAKE said...

@Roanne

Sabi ko nga walang masama sa pagseset ng standard, sabi mo nga kung gagawa ka ng bagay hindi substandard ang bibilhin mo. Pero ang tanong paano kung wala kang pera paano ka makakabili ng de kalidad na bahay. Kaya gagawin mo pagkakasyahin mo ang pera at gagawa na lang ng maliit pero matibay na bahay.Same with standards kung alam mong mahihirapan kang abutin sa sinet mong standard gumawa ka ng standard na attainable at pwedeng abutin na hindi ka nakokomprimiso. Minsan kasi masyado tayong naghahanap at nakakalimutan nating magbigay. Kung gusto mong tumanggap ng malaki matuto kang magbigay ng malaki.
Hindi ibig sabihin ng attainable na standards ay mababa na ang standards, iassess mo ang sarili mo, then saka ka magset ng standards.
Regarding dun sa panget na naghahanap ng maganda. Kung sakaling panget ka at alam mo sa sarili mo na mabait ka, responsable, at maalalaga, bakit hindi ka magugustuhan ng isang MAGANDA. Wag tayong maging superficial sa usaping standards, dahil kung kilala mo ang sarili mo, kaya mong magset ng standard na FAIR para sa sarili mo.
Sabi ko nga kung marunong kang humusga marunong ka ring dapat tumanggap ng panghuhusga.
Masakit lang kasi na pagnalaman mo na ang taong pasok sa standards mo, sya rin ang taong magdodown sa iyo kasi ikaw naman ang hindi pumasok sa standards nya!
Kaya kung paano mo sya sinukat dun ka rin susukatin.
Yun lang Roanne, ingat palagi!

Yien Yanz said...

Ang say ko...

Ano nga ba ang standards? Sino nga ba ang susukat nito? Maaaring sabihin mong, kapag naka-build ka na ng reputation sa society, then may karapatan ka nang mang-husga kung ano ang maganda sa panget diba? At siyempre naniniwala naman ako dun... kaya nga sinasabi ng iba na "Maniwala ka sa akin... papunta ka pa lang, pabalik na ako" Kasi nga mas marami na silang karanasan kaysa sayo, kaya mas confident na silang magsabi ng opinion nila.

Ito naman kasing mga senaryo mo... natural sa tao ito. Lalong lalo na ang mga taong wala namang ginagawa sa buhay. Yun bang mas madali sa kanila ang mamintas dahil nga hindi nila naapreciate and diversity ng beauty and talents. May issues ang mga taong ito at wala silang panahon to address that. That kung tutuusin, wala namang batayan ang standards nila sa buhay...

Ngayon kung seseryosohin naman natin ang pagbibigay talaga ng comments or opinions... for example sa beauty or talents or what-nots ng ibang tao... (yung seryoso ha)...

Mas may credibility talaga kapag kilala mo ang taong nagbibigay nito sayo. I always believe that its not in the standards set by one person, but it would always be an opinion by a person you know... because you trust their judgment. And you know that they would always say things for you to improve.

Iba para sa akin ang pangungutya o panglalait sa pagbibigay ng opinyon. Yun nga lang there is really a fine line between these... dahil hindi lahat ng tao kayang tumanggap ng anumang kasiraan tungkol sa kanya...

(Seryoso na ako sayo Drake... Dimo ba napapansin???)

ahihihi!

glentot said...

Eh bakit nung magkakasama tayo noon ang lakas lakas mo manlait nyehehehe

Agree ako diyan 100% (plastic) at may mga kilala akong tao na gaya ng nadescribe sa scenario mo...

Ako malakas ako manlait kasi perfect ako. BWAHAHAHAHA JOKE.

DRAKE said...

@Yanie Beybe

hahah! Sa matagal na panahon na nagtago ka sa baul (ni Noel) este Lungga pala (daga??) sa wakas napacomment din kita. At masyadong malapit sa iyo itong topic na ito, dahil sa usapan natin dati?(remember??hahah)

Well yung senaryo na ibinigay ko ay isang mababaw at hayag na example lamang. Para madaling makuha ng mambabasa ang nais kong ipahayag sa mga simple paglalarawan buhat sa mga pang-araw araw nating pamumuhay.

Stadards ay sineset ng isang tao ayon sa sarili nyang paghuhusga. Gayon din sa kanyang pagbibigay ng komento,opinyon at judgment ito'y nababatay sa kanyang standards. Ika nga "beauty is in the eye of the beholder", kumbaga depende sa tumingin. Pero kung ang standards ng isang tao tungkol sa kagandahan ay base sa kaputian ng babae pati ang judgment nya sa kagandahan ay naapektuhan. Kaya kung magbigay sila ng komento at opinyon tungkol sa babae ay base sa kanyang standards. (sana nakuha mo)
Kaya ang judgment opinyon at komento ay laging base sa standards na sineset nya sa buhay!
Tungkol naman sa mga taong sinasabi mo na walang gaanong magawa sa buhay, natural sa kanila ang mamintas! Nasa kanila yun, pero sabi mo nga dyan papasok yung kredibility ng isang tao.

Naks yanie gumagana ang ang mga brain cells mo!
hahha
Ingat

DRAKE said...

@Glentot!

Tae ka Glentot! Ngayon ko lang nakita ang komento mo, pwet ka!

Hoy Congrats sa promotions mo akalain mong napapakinabangan ka rin pala ng boss mo (lait yan!hahahha)

BlogusVox said...

Sa mahigit sampung taon na hindi ako nakapasok ng simbahan, parang nakinig na rin ako ng misa habang nagbabasa.

Sa amin pag sinabing "standard" ka, malakas ang hangin sa ulo mo. : )

DRAKE said...

@Blogvoux

Salamat po sa pagdalaw! heheh

Tama po yung title sa content ng blog ko!Salamat po uli sa pagdalaw

Ingat po!

Xprosaic said...

Hahahahahhaha ang haba parang bitter na bitter ang dating... well ok lang sa akin ang scenario # 1... kaya nga sila di sumali dahil alam nilang di sila papasa sa screening... kaya nangungutya na lang... jejejejejeje

basta ang masasabi ko lang... pineapple juice yun... hindi samalamig...peksman! jijijijiji

kikilabotz said...

perekoy. hehe. para sa akin wala namang masama gumawa ng standards as long na hindi mo matatapakan o papahiyain yung mga taong hd nakaabot sa standard mo. db?

DRAKE said...

@Xprosiac

Hahha !Sinabi mo pa, pag sila naman ang nilait sila din naman ang maiinis!Hehhe

@Kakilabotz

Tama at tumpak na tumpak ay iyong sinabi! Dahil dyan 10 ang puntos mo sa akin!hehhehe

2ngaw said...

Parekoy, sa scenario no. 2 ang palagay ko eh nangangarap lang sila, pagbigyan na natin at yun na nga lang ang libre sa ngayon :D

Dhianz said...
This comment has been removed by the author.
Dhianz said...

itoh ang isang mga post na gusto koh sau.... talgah namang kapupulutan nang aral... ahlike da number 2... sobrang taas nang standard naten sa paghahanap nang someone special... pero usually yung mga hinahanap naten eh yung somethin' na wala tayo or nde naten ourselves meet 'ung standard... but nde tayo ang pumuno or umabot nugn standard naten at kapag dumating ang taong tingin moh na para sayoh.. eh mamahalin moh nde dahil naabot nyah ang standard na hinahanap mong katangihan sa isang tao... itoh dahil mahal moh syah kung ano syah at kung nde kugn anong kaya nyang ibigay sau kundi dahil mahal moh sya dahil sa nde nyah kayang ibigay sau.. nakanang! naman.... galing sau yon eh!... aheheh....

itz sad may mga taong ang lakas lakas manlait sa ibang tao. nde koh alam kung ano nakukuha nilah don.. sabi nga nilah... instead tignan moh kung anong mali sa isang tao eh why don't u do the exact opposite... tignan moh kugn ano ang maganda sa kanila.. at yun ang pagtuunan moh nang atensyon... don't u think d' world would be a better place if most of d' people are like that or i should say if most of d' pople have d' same perspective as 'urs?.. naks naman...

i believe ang mga taong who make fun of other people are the people who have insecurities themselves...and d' only way for them to feel good 'bout themselves if they make fun of others... sad but kinda true... kc ang taong tunay na confident sa sarili nyah... who see herself as beautiful... and who's contented of what she is... tanggap ang kayang mga flaws and weaknesses... at sila yung mga taong who don't judge others right away... who think before they talk... who understands the fact that we are all created different... God created different kind of beauties.. we are all unique individuals... kahanga hanga yung mga ganong taong ganon... i think those are the wise people... i think you are one of those people kuya Drake.. and i admire you for that... naks naman... i think this world would be a better place if most people are just like you... naks..

keep inspiring us.. Godbless! -di

p.s. napadaan lang po =)

DRAKE said...

@Lord CM

hahaha, Oo nga pagbigyan na lang natin! hehhehe

@Dhianz

wala akong masabi kundi taas ang kamay ko kasi nakuha mo ang gusto kong ipunto. Hehehe! Sometime we should see the good in other people, for them to see what's good inside of us.
Kumbaga kung tayo ay positibo sa ating kapwa, magiging positibo rin ang tingin ng iba sa atin.
Sabi nga nila iba-iba ang tao, kaya nga pati sila iba iba ng standards. Pero sa mga taong nagseset ng mataas na standards pero konti lang ang binibigay sa iba, kalimitang puro disappointment ang nakukuha nila.
At isang tama din na ang mga taong malalakas manlait ay yung mga taong malakas din ang insecurities sa buhay. Thats a proven fact according to some researchers and psychologist.
Natutuwa ako na nakukuha mo ang gusto kong ipunto. Sa akin lang naman I'm just voicing out what's my views in life.If that will help other people I'm very happy, but if not, okay lang at least they know some other's point of view.
Im not inflicting what's my idea to other people, I'm just sharing it.
Salamat sa time and wag kang magsasawang magkomento!
Ingat

Anonymous said...

uhhmmm standard ano un?..lolz!..

honestly hindi ako nagse2t ng mga standard esp. pagdating sa usaping puso kac mahirap makahanap at ayokong naman umabot sa puntong uugod-ugod na ko at wala pa rin mahanap dahil sa mga standard na yan...

kaya better wala nlang yan,, wag ng makiuso..lolz!....
but on secan tot minsan masarap ang pakiramdam pang nangookray ka dahil trip mo lang..=)))

Theresa Marcaida said...

hmp..reminds me of bob ong ang mga writings mo..hehehe..galing..

well, ako walang standards kung anong meron salamats..masama eh wala..ako yong tipo ng walang masamang tinapay, blessing yan eh, always look lang on the positive side, kung may masamang nangyari, timbangin mo at may mabuti ring naidulot yon. like what you said, walang masama kung magset ng standards basta attainable..and make sure na magbebenefit sa standards na ni-set mo..