Ang internet ay ibang mundo, masyadong malawak at masyadong malaki. Pwede kang maging sino dito, pwede kang maging ano dito. Kaya nga madalas naglalagay tayo ng kanya-kanyang mga maskara para sa mga pansarili nating kadahilanan.
Alam nyo maraming mga blogger ang nagtatago sa ibat-ibang maskara. Marami sa kanila ang nag-iiba ng karakter at nagagawa nilang ibahin ang kanilang mga personalidad. Sa mundo ng internet, pwede nilang buuin ang katauhang gustong gusto nilang maging sila. Sa internet nila nagagawa ang mga bagay na hindi nila nagagawa sa totoong buhay.
Marami na rin naman akong nakilalang mga bloggers na ikinagulat ko sapagkat hindi sila ang inaakala kong sila. Kakaiba ang kanilang katauhan sa kanilang blog at iba din ang katauhan nila sa totoong buhay. Tulad ng isang blogger na nakilala ko akala ko isa yang napakamalulungkuting tao, pero ang totoo isa pala syang masiyahing tao. Yung isang blogger na akala ko ubod nya ng warfreak pero isa pala syang madiplomasyang tao sa toong buhay. Yung isang blogger akala ko napakamasiyahing tao yun pala isa syang “loner” at malulungkuting tao.
May kanya-kanya tayong kadahilanan, may kanya-kaya din tayong rason kung bakit natin iniiba ang personalidad natin sa blog natin. Ako, kung tatanungin nyo ako kung ganito rin ba ako sa totoong buhay?Ang sasabihin ko “HINDI” ,at pinili ko yun.Pinili kong ipakilala sa buong mundo kung sino talaga si DRAKE na blogger, at hindi kung sino si Drake sa tunay na buhay.
.
Kagustuhan kong ipahayag ang mga bagay na hindi ko kayang sabihin sa totoong buhay. Sarili ko ring kapasyahan na ikuwento ang mga bagay na hindi ko kayang ikwento sa ibang tao. Ito ang kwartong nilikha ko sa mundo ng internet at ito rin ang kwartong gusto kong ipakita sa mundo.
.
.
Hindi ako naglalagay ng piktyur, dahil masyado maraming bagay na ang naikuwento ko sa blog na ito at kalabisan para sa akin kung ipagsisigawan ko pa sa mundo ang aking hitsura o mukha. May mga bagay na kailangan protektahan para hindi ka mahusgahan o pag-isipan ng masama,tulad ng mga nakikita natin sa TV nilaglagyan ng itim ang kanilang mata para itago ang kanilang identidad sa publiko. NAKILALA nyo ako bilang si Drake sa likod ng aking mga kwento, at hindi na kailangan pang MAKITA si Drake sa likod ng mga mga kwento ito.
Tulad ng mga artista may kanya-kanya role sa TV at pelikula,pero maraming manonood ang hindi kayang ihiwalay ang role ng isang artista sa toong buhay ng isang artista. Kaya nga kung isa kang magaling na kontrabida sa telebisyon malamang maraming galit na tao sa iyo kahit wala ka namang ginagawa sa kanila at kahit alam mong tapos na ang palabas. Sa blogging din ganun, may mga role ka gusto mong gampanan, may mga katauhan kang gusto mong maging, at may mga bagay nais mong gawin. At para maiwasan mo ang pag-uugnay nit,o sa totoo mong buhay at iiwas ang sarili sa panghuhusga lalo na sa mga taong hindi ka personal na kilala, protektahan mo ang iyong sarili.
Oo alam kong maraming mga blogger naman ang hinahayaan nilang ipakita sa kanilang mambabasa ang kanilang tunay na sarili at identidad. Kagustuhan nila iyo at sariling desisyon nila yun ang ipahayag sa publiko ang sarili nilang buhay, kaya nga dapat itong igalang. Subalit tandaan din natin hindi naman ibig sabihin na kapag hindi mo pinapakita ang iyong tunay na sarili at personalidad, ay hindi na dapat ito igalang. Kagustuhan at sariling desisyon din nila iyon, may kanya kanya silang kadihalanan at rason. Hindi mo na kailangan malaman ang mga dahilan na ito ang tanging kailangan mong gawin ay igalang at irespeto.
Minsan ang sarap alamin ang tunay na mukha sa likod ng maskara. Nakakadadag sa “excitement” mo ang pagtuklas sa misteryong bumabalot dito. Kakaiba rin ang pakiramdam mo kapag may nakikita kang regalo ,masyadong malikot ang imahinasyon mo tungkol sa nilalaman nito ,kaya ganun na lang ang kagustuhan mong buksan ito.
Subalit kapag nabunyag na ang mukha sa likod ng maskara, baka bigla kang manlumo sa iyong natuklasan. Kapag nalaman mo na ang katotohanan sa likod ng mga misteryo, baka sa isang iglap nawawala na ang excitement na nararamdaman mo. At kapag nabuksan mo na ang regalo at iba ito sa inaasahan mo baka bigla mo na lang itong itapon at umalis na lang.
At doon ka magsisisi, na sana hindi mo na nakita ang mukha sa likod ng maskara para hindi ka nanlumo. Na sana hindi mo na inalam ang misteryo para lagi kang maeexcite sa paglutas ng misteryong ito . sana hinayaan mo na lang ang sarili mong paliparin ng iyong imahinasyon ng mga bagay sa loob ng regalo para mas makaramdam ka ng kasiyahan sa pag-aantay na buksan ang reaglong ito. At sana hinayaan na lang dapat ang isang bagay at huwag ipilit ang kagustuhan mo, disin sana’y hanggang ngayon naeenjoy mo pa ang mga pakiramdam na ito.
Sa blog, hindi mahaga kung ano sya at kung sino sya bilang blogger. Mas mahalaga kung ano ang sinusulat nya at kung ano ang nakukuha mo sa pagsusulat nya. Back tayo sa basic, ika nga!
Masarap magblog at may kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nagboblog! Ang layunin ng blog ay para ipahayag ang nasa loob mo, opinion, karanasan, ideya at kung ano ano pa.Nasa atin din kung ano ang gusto nating maging katauhan sa nilikha nating blog. At tayo pa rin ang magdedesisyon ang kung ano ang gusto nating isulat dito. Gawin natin ang gusto natin sa ating blog, dahil dito lang tayo nagiging malaya at nagiging masaya. Kung sa totoong buhay ay nahaharang tayo ng mga limitasyon natin , dito sa mundong ginawa mo sa iyong blog wala kang limitasyon.
.
Kaya ienjoy mo lang ang pagboblog !
.
IKAW BAKIT KA NAGBOBLOG?
.
Yun lamang po at maraming salamat.
Yun lamang po at maraming salamat.
56 comments:
Taas pati dalawang paa ko sa post mo na ito. ^^
Tama ka dito sa blog nagiging totoo tayo,malaya natin naipapakita ang totoong tayo at gustong maging tayo sa sarili natin.
Bakit ako nag blog?
Kasi gusto ko rin maipahayag kung ano nararamdaman ko at kung ano ang nasa utak ko. Marami akong notebook na nakatago kasi doon ako nagsusulat,iyon ang tinuturing ko na diary. At nang ma diskubre ko ang blog na engganyo ako kasi may bago na akong magiging diary at sa diary na ito marami ako makikilala at magiging kaibigan.
Bakit wala akong totoong picture?
Gaya mo gusto ko rin itago ang totoo kong anyo. (chaka ba?) hehehe.. basta yun na yun..^^
Isa na naman ito sa the best mong post..good luck!!! =)
Agree ako sa lahat ng sinabi mo at aaminin ko isa ako sa mga nabanggit mo, at gaya nga ng sabi mo kung san tayo magiging masaya e di dun tayo..
Ako bakit ako nag bloblog..isa lang dahilan..para kahit malayo at kahit imposible..malaman ng taong pinakamamahal ko kung gaano ko sya kamahal at minahal..d2 ko lang kc masasabi kung ano ung tutuong saloobin ko d kc ako showing tao at hindi rin ako sweet...sa blog ko lahat ng gusto kong gawin para sa kanya nasasabi ko...At salamat sa blog..
Nice post sa lhat ng post mo eto ang da best...
bakit ako nagbablog?
ahhhh..
iba-Blog ko yan at abangan mo nalang..
parang ang lalim ng ibig mong sabihin sa post mo parekoy... tingin ko tuloy parang may nagbunyag sa iyung tunay na pagkatao?
Pero tama ka sa sinabi mo, RESPETO nalang... yung tipong walang pakialamanan. kumbaga muka at identity mo yan, ikaw ang may ari ng copyright para ito ipangudngud sa publiko at sa madala..
tae ka!
tama na to.
matutuwa ka na naman..hehe
jokes
nung una ako nagstart mag blog ang goal ko ay kumita. but i the long run ay hindi pala lang sa $ nabubuhay ang isang blogger. sometime we can inspired other or vise versa. bilang ofw pang tanggal din ng homesick. bilang isang christians ay na share natin ang words ng Lord.
tulad natin ang mga nasa radion, we can share our passion and love to others though our message. kahit na di natin nakikita sila.
wow long ng story mo today bro! so you deserve a long answer :)
@Darklady
Yup, gusto lang nating ibahagi ang ibang "side" ng pagkatao natin! Ito na nga lang ang venue natin para maging totoo tayo sa mundo, lalagyan mo pa ba ng boundaries?hehhe
at maraming salamat sa pagsasabi na best post nga ito! Aym so tatss!!!
@Jam
Yama yan, sa kabilang banda naipapahayag mo ang nararamdaman mo at maraming tao din ang nakakaapprecioate nito! Kaya nga nakakabawas ng hinanakit di ba, at nakakabawas ng frustration ang pagboblog!Salamat sa komento!ingat
@Kosa
Aaminin ko na..... AKO SI SUPERMAN! Whahahha!
Wala naman akong ibig ipahiwatig sa post na yan. May nagtatanong lang kasi sa akin "BAKIT KAILANGAN MO PANG MAGING ANONYMOUS?" hehehe!
At tungkol sa komento mo! Nangiti ako habang nakalabas ang ngipin.hehhe
@Kuya Lifemoto
Salamat sa magandang sagot mo kuya! Tama ka masarap yung nakakainspire ka ng tao sa pamamgitan ng personal mong karanasan at pagtingin sa buhay! Ang makarelate lang ang isang tao sa isinulat mo ay isang magandang pakiramdam na! God Bless po!
ano ka ba drake, too late na ito, may ilan ng nakakita sa face mo nakita ko na rin hahahaha.... pero di naman nabawasan ang mystery or eagerness sa pagbasa pa rin sa blog mo, in my case.
di mo na problema kung biglang bumaba ang followers mo dahil nakita na nila ang ang face mo... isa lang ibig sabihin nun, sila eh superficial na tao, at ang mga pumiling mag stay pa rin kahit nakita na nila ang mukha mo eh yun ang totoo mong (malalalim na) followers.
another point pa, sa ibang banda, i think mas matapang, or aggressive or harsh or they dont practice self-censorship ang mga "anonymous" bloggers kasi there is always a possibility na ang maging takbo ng isip nila na ay "Deal with my (harsh) posts, di nyo naman ako matatrace, di nyo alam ang mukha ko at nagtatago ako sa aking pseudo blog name". now, matapang ba ang taong may ganong takbo ng isip or isa syang duwag?
pero infairness, kung mystery at mystery lang ang habol mo, panalo ka dun... ang daming mong followers na super curious kung sino ba tong pseudo writer na to, nakaka intriga... i know, some of them are even trying to sneak in just by posting comments, unang step yon para "maacess" ang true identity mo
pero di rin naman pinipilit na ipakita mo ang identity mo or pix, choice mo yun, may sariling kang rason. respeto lang. sana irespeto ang choice mo. tsaka di rin naman kasama sa ruling ng blogging na mandatory ang pag lalagay ng pix... na bo blog tayo para mag kuwento at mag share, at di para iplease ang ibang tao.
nasa sayo rin naman kung hangang san lang ang kaya mong ishare sa buhay mo sa buong mundo... kaya ingat ingat.. ang lahat ng pino post mo, ke totoo or hindi or trip trip lang, eh pwedeng gamitin bala pabalik syo eventually...
NOTE: not necessarily na ang "MO" word dito eh patungkol sa persona ni drake.
ganda. hehe. best post to para sa mga blogger.
nagsimula akong mgblog kasi wala akong mgawa sa buhay ko dati. nung marami ang nkabasa at nagsabing naiinspire ko sila. sobrang natouch aq at nging addict na ko dito.
madami ako naging kaibgan. hehe. marami rin ang mga sama ng loob ang nailabas ko na sa pamamagitan ng blog. minsan nagiiba ang ng katauhan taliwas sa pagkakailala ng mga tao sa akin.
basta ang mahalaga masaya tayo sa pagbblog.
mabuhay tayong mga blogger. weeeee
Bakit nga ba ako nagblog?
Kasi pakiramdam ko hindi ako magtatagal sa mundo so before i die young isulat ko na lahat ng bagay na na-achieve ko at gusto maachieve, pati na rin lahat ng pagkakamali ko at kalungkutan sa buhay, lahat ng hindi ko masabi kahit kanino at ung mga gusto ko i share sa iba. Pagbaliktanaw sa nakaraan, pagharap kasalukuyan, at pag-abang sa hinaharap ang gusto ko ishare... i believe that i've been through a lot and i want to share all the lessons i've learned about life sa blog ko... :)
minsan masarap magtanggal ng maskara dahil dun mo lang makikita at makikilala ang tunay mong mga kaibigan kapag nakita na nila ang tunay mong kaanyuan at di ka nila iniwan maganda man o pangit ang nakita nila... subukan mo minsan baka mas lalo ka mahalin ng mga fans mo :)
@Ollie
Minsan kasi ginagamit nila ang anonymity para makapanakit ng tao, o gumawa ng mga harsh post!Yun ang kaduwagan.Subulit kung ginagamit nya ang anonymity para makagawa ng isang katauhan iba sa kanya o kaya lumikha ng isang mundo para sa kanya, sino tayo para pigilan sya.
Sabi ko nga ang layunin ng blog ay magpahayag ng damdamin!Pero kung ang pansarili mong layunin ay makapanira ng ibang tao, iyun ang mali ay hindi ito pwedeng itama ng pagiging anonymous mo.
Isa pa, being anonymous ay hindi naman para pampadami ng follower.Kung nakakatulong yun pwede, pero di ba hindi ka naman nagsusulat para sa kanila?
At sang-ayon ako kung hanggang saan lang ang kaya mong ishare,at ingat nga lang talaga baka ibalik sa iyo ito.
Natutuwa ako sa mga sinabi mo Ollie, at kahit paano ay naging makabuluhan itong post na ito!
Sa huli "PAGGALANG" lang ang kailangan! Dahil kung hindi ka marunong gumagalang, hindi ka rin dapat igalang!
Salamat parekoy,
ingat parati
Masarap magblog at may kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nagboblog! Ang layunin ng blog ay para ipahayag ang nasa loob mo, opinion, karanasan, ideya at kung ano ano pa.
para sa akin ang blog ay ektensyon din ng katauhan natin. minsan pinapakita natin dito kung ano ang hindi natin kayang ipakita sa totoong mundo, gaya nga ng sinabi mo.
ako nagblog ako kasi may bagay akong komportableng isinusulat kesa sa sinasabi. at choice ko din na hindi ipakita ang muka ko sa blog dahil ayokong makakuha ng mga mambabasa dahil napugian sila sa picture ko. lol
@Kakilabotz
Yun naman nga ang mahalaga ang masaya tayo sa ginagawa natin! Masarap talagang magblog at lalong masarap kung dahil sa sineshare mo sa mambabasa mo ay may natutuwa, nakakarelate at may natutunan sa mga post mo! Salamat sa pagbisita parekoy!
@Roanne
Yup at least may venue na tayo para iexpress ang ating buong sarili! At tungkol sa kaibigan. alam mo masarap magkaroon ng kaibigan sa loob ng blog, pero mas masarap magkaroon ng kaibigan sa labas ng blog!
Ingat palagi Roanne!
@Dondee
Ganun! Minsan kasi nagbabago ang imahinasyon nila tungkol sa sinulat mo pag nagagawi na ang mata nila sa avatar picture mo! Swerte mo kung mas lalo silang natuwa, pero malas mo dahil nung makita nila ang pix mo hindi na nila tinuloy ang pagbasa at di na sila bumalik sa blog mo!hahhaha
ingat
nagbablog ako para ikwento sa mundo yung mga di ko kayang ikwento sa totoong buhay... kasi tahimik akong tao... walang issue naman sakin dito kung makita nila mukha ko... la naman akong naikukwento na dapat kong ikahiya...
pero dun sa isa kong blog... ibang kwento yun... kasi intimate yun... hehehe... kaya wala akong lakas ng loob na magpakilala dun...
wit wiw!! tama tama. napadaan lang ako... hehe.. nagustuhan ko tong post mo na to bro... wit wiw...
Ako naglalagay ng pic at mukha ko pero ang isang bagay na wala ay ang totoo kong pangalan at trabaho ko... jijijijiji balato na lang yun sa akin... jijijiji
Bakit ako nagba-blog?
Noong nagsisimula pa lang ako, gusto ko lang ilabas ang lahat ng sama ng loob ko sa trabaho ko sa gasolinahan. Wala kasi akong masabihan. Kaya sa blog na lang.
Pero napansin ko, habang patagal ng patagal eh nagma-mature din ang katauhan ko sa blog. Mas nagiging malawak ang mga sinusulat ko, at ngayon parang mas gusto kong maka-inspire ng mga taong nagbabasa ng mga isinusulat ko thru my experiences and views as an OFW.
Regarding sa anonymity, haha naging problema ko 'yan dati kasi meron akong mga naisulat against sa dati kong kumpanya eh baka makasuhan ako. LOL. Pero ngayon OK na hindi ko na lang iniisip.
ang blogging ay parang pagchachat. Puwede kang maging pinakapogi at pinakamayaman kung gugustuhin mo. Para ding call center, hindi mo kailangan ng mukha para kumita. Basta maganda ang boses mo, pasok ka na!
Naaalala ko tuloy si J.D. Salinger na author ng "Catcher in the Rye". Kapag binasa mo yung libro, parang gusto mo na siyang makabarkada at makainuman. Ang cool kasi ng ginawa niyang character na si Holden Caulfield. Sobrang astig kaya masyadong tinanggap ng masa. Ilang beses na ngang gustong gawing movie yung book kaso ayaw niya.
Sa totoong buhay, kupal pala si JD. Namatay siyang loner. Yumaman pero hindi lumalabas ng bahay.
Ganun din tayo dito. May mga bagay na gustong sabihin na di kayang gawin sa totoong buhay.
Putangina! Wala lang, makapagmura lang.
Hmm totoo ang sinabi mo sana nga hindi ka na lang namin nakita para may interes pa rin kami nyahahhahaa joke!!!
Hmm ang ugat na naman ba nito ay ang iyong alleged minority complex? Natatakot kang ma-judge agad ng mga makakakita ng pagmumukha mong yan?
May isang blog experiment akong nabalitaan, 2 blogs, same content, same posts, magkaiba ang profile pictures - yung isa gwapo, yung isa panget. Hulaan mo kung kanino marami followers...
Anyways... whatever floats your boat. Basta ako, magpopost pa rin ng pics, in fact, hindi lang mukha ko, maghuhubot-hubad pa ako.
BAKIT AKO NAGBOBLOG? Coz I'm a blogwhore ahahahahaha
nice post parekoy.. ganda ng pagkakasabi, paborito ko na ito (totoo, walang halong kaplastikan..swear!)
bakit ako nagboblog?
kasi wala ako magawa dito sa disyerto, kaya sinubukan kong magsulat. dahil mag-isa lang akong pinoy dito sa trabaho, nagsilbi itong tulay para maipalabas ang mga nararamdaman at saloobin ko. noong una'y nagdadalawang-isip pa ako, dahil hindi ko linya ang talentong gaya nito. pero masaya na rin ako, kahit papaano'y may nagbabasa ng blog ko :)
naikuwento koh na'to noon sa blog koh... aksidente lang naman ang pagdating koh sa mundong blogsphere.. i was lookin' for a joke to send to mah friend kc medyo down sya that time.. i dunno if u know josha nang mundong parisukat... eniweiz... nakasama sa result nang google ang blog nyah... eh akoh napa-clik at napabasa at naaliw nang sobrah... she's one of d' great writer sa mundong itoh... nahumaling akoh sa mga entries nyah... wala naman akong balak gumawa nang sariling blog... balak koh lang magbasa... pero i thought ba't dehinz koh i-try... kahit naman i'm such a good writer.. well yeah i could write on my own.. like in my own journal... but not expecting to write this way... i had my friend before who were invitin' me to have online journal like this... pero i never thought it was fun... so i was juz like eh! no thank you... tapos etoh... akoh palah.. isang naadik sa blog.. nakakaaliw lang... totoo... minsan ibang iba kah sa tunay na mundo... pero nakakaaliw ditoh... minsan napapakita moh yung ibang side moh na dehinz nakikita usually nang mga tao sa tunay mong mundo... kaya nga wala akong pinagsasabihan na may blog akoh.. dahil may pagkakataon na tunay kong emosyon ang nandyan.. and i don't want them to see me that way i guess..or i dunno.. i feel like itz mine... pag-aari koh yan... and kc nemen... kayo u guyz are like strangers to meeh... mahal nyo akoh kung ano akoh... you like me based on what i write... pero ang nakakatuwa minsan ditoh... eh u get to love a person dahil sa mga nasusulat nyah at kung ano sya inside.. yon nga lang... mahirap minsan kung ang pagiging bloggers eh nagkakaroon nang meaning... like sinasabi mong gift... na minsan imagination moh na lang ang gumagana... kc 'la kang idea sa taong 'un... and puwedeng madismaya kah pag nakita moh... so mas mabuting minsan... u don't expect anythin'... or i dunno... akoh naman.. para sakin... naiinlab akoh sa isang tao kapag i get to know them on what's really on their inside... kung wafu... like sabi koh noon... bonus na lang yon... i'll share a little somethin'.. since sa haba nang sinabi koh dito eh more likely kaw na lang magbabasa nitoh... pangarap koh dumating yung taong mamahalin akoh yung akoh on d' inside... i dunno... darating pa bah yon??? ahaha... nde akoh eemo hoy... so 'unz... pero yeah... may iba iba tayong dahilan why we blog... but i'm happy na natagpuan koh ang mundong itoh... kahit papaano minsan eh may nasha-sharan ako nang kaemohan koh... or sobrang enjoy akoh sa pagbabasa nang mga blogs nyoh... ahlavet! and yeah itz very addicting... ahhh... yang drklady bah na yan sinasabi moh nah akoh... hmm... tampo naman akoh... sana medyo na-sound moh na na nde akoh yan... nde naman akoh ganyang magkomentz... lolz.. eniweiz.. yeah... i'm so happy na naging parte kayo nang buhay koh... u guyz are awesome..and u! yes you... sobrang hanga akoh sa ugali moh especially ang faith moh kay God... and inspite nang mga pinagdaanan moh eh andyan kah pa ren... nakatayo... keep trusting Him... keep loving your family and love ones... no matter what happens kuyah... hwag kang bibitaw sa Kanyah... kung nde man tayo magkita sa real life... i might see yah in other life.. naks naman tlgah oo... ahahah... ingatz kuyah... wish yah all d' best in life... and Godbless! -di p.s. syempre as always typo error.. bahala ka nah... haha... laterz! =)
Bakit ako nagba-blog? It keeps me sane. Puro number kasi ang kaharap ko, kaya para maiba naman. :)
at the end of the day, ika nga nila, it's about choices... personal choices.
why do i blog? kasi gusto ko... more than anything else. :)
we all have our own reasons why we do blogging; and my reason is NOT superior over everyone's.
inuman na!!!!
Baligtad tayo! ang nakikita mo sa blog ko ay tutuong ako, at ang makikita mo sa tutuong buhay ay hindi ako :D
Saludo ako sayo sir!
Bakit ako nagbblog? Nainspired kasi ako ni xG. Pero maliban dun, ang blog ay ang isang side ng katauhan ko. Maliban sa pagiging brokenhearted ko, nailalagay ko ang mga naiisip ko na kung ikkwento ko sa mga personal na kaibigan ko, di nila magegets. At sa mundo ng blogging, nakakasalamuha ko ang mga taong malalim ang pag-iisip. Hindi makitid, pero prangka.
I choose not to hide my identity. Pero may negative side din ito. Pwede kong murahin ang ex ko kaso hindi pwede dahil baka madiscover niya ang blog na ito. Pero kung ipapakita ko sa buong blogosphere ang tunay na identity ko, maipapakilala ko ng husto ang sarili ko.
Haba na pala nito, ibblog ko yan!
Kung bakit ako nag blog? Hmmmnn. K'se tulad ng nabanggit mo--malulungkutin din ako--madamdamin at ultra sensitive.
Matagal na akong nag da diary pero nakakainis kse laging may sumisimpleng nakikibasa--feeling ko sobrang violation. So instead na itago, o di sige--basahin na ng buong mundo (o kung sino mang makakahanap).
Ng lumabas si pao sa sinapupunan ko sabi ko "this is it"--siguradong maraming emotions na naman ang maiipon ko sa araw-araw sa bagong buhay na tatahakin ko bilang nanay.
Kaya ayun--nagkaroon ako ng Pamilya Matters.
I'll try to write as much and as long as I can--hanggang 95 years old na ako.
Tama, hindi naman kailangang langkapan ng larawan ang isinusulat--minsan lang talaga ganun.
Tulad ng diary kong isinusulat sa isang maliit na notebook, maraming nagiging interesado kahit hindi namang maganda ang pabalat nito.
Yun lang. happy weekend.
@Gillboard
Yup blog mo naman yun, kaya free kang sabihin lahat! Yun nga lang nakakafrustrate minsan dahil kilala ka na ng mga readers mo, tuloy nagiging limitado na rin ang mga naisusulat natin! hehhee! Hanggang sa wala ng pagkakaiba ang ikaw sa blog at ikaw sa totoong buhay.
@aldrin99
Welcome sa aking kwarto, salamat sa pagbasa!Sana mas madalas pa ang pagdalaw mo sa aking blog!Ingat
@Xprosiac
Oo nga puro mukha mo nga ang makikita namin sa blog mo!Joke lang! Oo naman dapat may privacy din tayo. Hindi naman pampubliko ang buhay natin lalo nat.....hindi naman tayo artista.Heheh
@GasolineDude
Oo alam ko yang kaso kaso na yan,naikuwento mo ata dati yun sa blog mo.
Napansin ko rin nga na nagmature na rin ang pagboblog mo saka....hitsura mo (joke lang). Medyo talagang may substance na talaga ngayon (dati naman meron din naman!) pero ngayon mas dumadami ang mga experiences mo kaya mas marami kang naikukuwento, pero napansin ko lang maiigsi na talaga ang mga naisusulat mo ngayon!
@No Benta
Ayos yung nasabi mo ah! Totoo naman nga eh, marami tayong mga frustrations sa buhay at minsan dun lang natin nailalabas sa blog. At nakakatuwa din na marami ang nagbibigay ng opinyon tungkol sa mga bagay na ito. Kaya nga nakakaadik ang pagboblog eh! Iba ang sarap na naidudulot na alam mong may nakakaintindi ng mga bagay na mahirap mong ipaintindi sa mga taong kakilala mo.
@Glentot
ISA KANG MALAKING TAE!!! Hahaha!
Teka tungkol sa experiment na yan! Sino ba ang mas maraming follower?Di mo naman sinagot eh!
At kulangot ka, parang pinagsisihan mo pa na nagkita tayo!hahaha!
nice! astig naman ng post na to!
bakit?
hmmm...bakit nga ba?
nagsimula lang ako mag-blog kasi sawi ako nun...broken-hearted...sinulat ko ang mga bagay na gusto kung sabihin sa kanya pero di nabigyan ng chance...
marami sa mga bloggers alam ko nagsimula sa ganitong similar na experiences...para sa akin ang pagboblog ay isang outlet...dahil kung di natin mailabas at maipahiwatig ang mga nararamdaman natin, mababaliw tayo! haha
@Sly
Eh kaysa kausapin mo ang mga iguana saka mga pagong dyan, okay na nga na dito ka dumadaldal! Baka mamaya sumagot yan magulat ka pa! Basta sulat lang ng sulat, magpabibo sa boss at ipakitang marami kang ginagawa kahit alam mong nagfafacebook ka lang at nagboblog!
@Dhinz
Huhulaan ko nagcomment ka after nung pag-uusap natin!hahaha! At least ang nakausap mo ay si Drake sa totoong buhay at hindi si Drake na blogger!naks meganun!
Oo naman masarap din magkaroon ng mga kaibigan sa blogosphere! Kumbaga nakakasama mo ang mga taong kawavelength ng mga kautakan, kagaguhan at kaemohan natin. Nakakaadik nga talaga at nakakatuwa. Naeexpress mo na fully yung sarili mo may nakikilala ka pang kaibigan mo. Minsan nakakatuwa din kapag may naiinspire kang tao. HeheSalamat nga pala sa laging pagkomento sa aking blog, alam mo namang ikaw angn unang nagkokoment dito dati eh!Ingat
@salbehe
bigay mo nga sa akin ang link ng blog mo! Para naman maging updated din ako! at salamat sa pagfofollow sa aking twitter account. Ingat palagi
@Chingoy
Ikaw na, ano kayang rason yun?hehhe Sabi ko nga ang kailangan natin ay respeto. Tulad di naman tayo binabayaran ng readers para iplease sila, kaya yun na lang iplease na lang natin yung sarili natin for our own satisfaction!hehhe
@Lord Cm
Natawa ako dun pre ah! So ibig bang sabihin nun mas malala ka pa sa totoong buhay!heheh joke lang!
@Kaitee
Maraming salamat sa pagdalaw sa aking kwarto, hayaan mo dadalaw din ako sa blog mo para naman mas makilala kita! Sana madalas din ang dalaw mo sa aking kwarto!Ingat parati
Tamang seryosong adik ka ngayon ah hahaha! So kaya pala naka-blot yung mata ng picture mo hahaha!
Bakit ba ako nag-blog. Gusto ko lang i-share ang thoughts ko, mga opinyon at mga nilikha ko na kahit na hindi naman makapagbibigay saya hehe.
So share lang ang nais ko at siyempre makarinig ng ibang opinyon, makakilala ng mga bagong kaibigan. At isa ka na sa mga nadagdag sa mga bangag kong kaibigan hahaha!
@Ayie
ahhh yun pala ang kwento sa likod ng blog mo! Ngayon alam ko na! Oo naman marami rin nga sa atin na parang diary-type ang blog. Maganda yun kasi ito ang nagiging outlet nila. Kaysa ipunin ito sa kanilang mga sarili at di mo alam kung saan lalabas, mas mabuti dito mo na ibuhos ang lahat. Kung maraming matuwa at mainspire a readers, bonus na lang yun di ba?Ingat
@Chie
Mukhang karamihan nga sa ganun nagsimula. Ayos ah!
tama ka kesa ikabaliw mo ang mga frustrations mo sa buhay dito mo na lang ibuhos at lumikha ng mundo para lang sa maga bagay na gusto mong sabihin at gawin!.Salamat bro
'yoko yung drake na nakakausap lang... gusto koh yung nato-touch... wahahah.... lolz.. eniweiz... keep inspirin' us... saludo akoh sau kuyah... yon lang.. haha.. 'la kwentz na koment... hmm... past 12 nah... i guess gotta go sleep nah... yeah i dropped by here sa ate koh ngaun but bukas balik reality akoh.. so'unz.. oh devah nagkuwentuhan lang sa komentz box.. haha... ingatz lagi... *muwahugz* naks... ahehe... later kuyah.. Godbless! -di
parekoy, hingi ako ng favor. ito nalang gamitin mo dun sa blogroll mo para may updates ako na lalabas:
http://feeds.feedburner.com/BlogAngMundo
THANKS!!
kung ikaw si superman, ako si Bioman,,eheheh,
haba masyado,pero may punto,
yung sa akin di naman blog matatawag un,trip triplag kung ano mailagay,nkakasawa na kasi facebook at kung ano ano pang social network.
Tulad ng mga payaso, nagtatago tayo sa isang maskara ng reyalidad, pilit nating inaaliw ang ating sarili sa pamamagitan ng malikhaing kaisipan na naitatala natin sa makabagong plataporma ng medya na tinatawag na blog, sa kabila ng ating kalungkutan at kasiyahan na pinagdadaaan, lingid sa ating kamalayann, tayo'y nag-iiwan ng inspirasyon sa puso at kaisipan ng bawa't mambabasa.
Sa isang banda adik kong kaibigan hehe. Ang blog ko ay parte ko. Tama rin ang sabi isang bagay na di natin kaya sa personal or hindi tayo pero gusto nating maging tayo (pinagulo ko pa yata). Ang ibig kong sabihon, ang blog ko ay naglalaman ng mga ninanis ko sa buhay na di ko magawa sa totoong buhay. Yung iba ay ipinamumuhay ko na pero yung iba ay struggle pa rin ako.
wow..yun alng ata ang masasabi ko..agree kasi ako sa lahat ng sinabi mo dito kuya drake..but then i think what character you portray in your blog is still you pa rin..other side nga lang..^_^
at bakit ako nagbablog?simple lang..kasi tulad ng reason ng iba, malaya kasi ako rito..at totoong tao ang mga makikilala mo rito..^_^
astigin!
nagblog ako dahil nabasa ko ang libro ng "kwentong tambay" ni nicanor david. at boom!
natripan ko na magblog. (at inaamin ko, nagsimula ako sa friendster.eew.) hoho.
apir!
Salamat po pala at naisip ko na iblog ang tanong na "Bakit ka nag-blog?". Naintriga ako sa sarili ko at napaisip kung bakit. :))
well written
Panalo sa post! : )
@Noel
Oo nga ganun naman talaga ang layunin ng blog ang ipahayag ang mga ideya at nararamdaman! Pero masarap din na mabasa ang mga karanasan ng ibang tao sa pamamagitan ng blog
@Dhianz
Hehhe paano yan wala naman akong katawan puro boses lang ako saka sulat sa blog!heheh! Joke lang! Look forward to meet you in person!
@No Benta
Sige bro, i-add ko yan sa blogroll ko! salamat sa link!
@Bosyo
Oo nga tamang trip lang ba! Medyo nakaksawa na rin nga ang mga social-networking sites, ala namang kita!hahhaa!Sa blog din naman wala din kita pero masaya!
@The Pope
Oo nga po, minsan naglalagay tato ng maskara tulad ng payaso, na nakakubli ang kalungkutan sa kanilang naglalakihang mga ngiti! Pero nakakatuwa din na may naiinspire at naaliw, yun na lang siguro ang fulfillment nakukuha natin!
@Noel
Tama ka kaibigan, kung minsa ang blog ay naglalaman ng mga frustrations natin sa buhay! At sa blog lang nating fully nagagawa ang mga frustrations na ito!
@Superjaid
Kahit anong maskara ang ilagay mo, still katauhan mo pa rin yun, o bahagi ng katauhan mo! Mahirap pa ring ialis ang sarili natin sa blog lalo na kung napapamahal na sa iyo ito!
@Manik
Ako rin nagstart din ako sa Friendster nun!hahaha! SIguro mga year 2004 ng simula akong nagblog sa friendster!at isang napakalaking EWWWW!!
@Kaitee
Walang anuman! Mukhang yang tanong na yan ay isang magandang tanong din para sa mga blogger!Ingat
@Abe mulong
Maraming salamat!
@Ahmer
Wait salamat sa laging pagbisita at pag-add sa akin sa iyong facebook! Iadd din kita sa aking blogroll!
It all depends talaga sa motivation of the heart of a blogger kung ano lang ang gusto i blog.
Wala yan sa mukha.
Wala yan sa utak.
Kundi yan ay naka blog dahil yan ang nasa puso ng isang blogger.
Kung may kokontra, puntahan nyo na lang ako, hehehehe.
nice post.
tama ang iba hindi nag tatagal dahil walang dereksyon at dedekasyon sa pag boblog
kaya ako nag blog ay simple lang
para makapag pasaya
love your post....
ako im blogging kac gusto ko, stress reliever din to ei at d2 ko lang din sa blog nasasabi ung mga hindi ko masabi sa personal...and you are right sa blogospiya pwede kang magpanggap, u can be a poet, a bitch, a lover-wannabe, or anything na pwedeng pumasok sa isip mo.......
ako i dont mind kung ang kausap ko walang mukha or may mukha kac it doesnt matter, what matter most to me is nagkakaintindihan tau..minsan nga mas maganda pa ung walang mukha kac hindi kau magkakahiyaan.......
ako naman nagpapakita ng mukha kac gusto kong malaman ng lahat na eto ako pag and2 ako sa apat na sulok ng kompyuter ko, if u like me or not i dont give a damn....sabi nga nila walang BASAGAN NG TRIP!
Ako LANG HUWAG Nais mong makipag-usap tungkol AKING BUHAY NGUNIT ko Sinundan ang karamihan sa mga dais AT GAMIT nakuha ko . KAHIT ko ANG ILAN SA KANILA muling pagsusulat ng ANO ko na sinulat SA NET .
Karamihan sa mga TAO na nagsasabi sa iyo pekeng testimonya at PARA SA IYO SA Mag-ingat sa ITO AT Mag-ingat sa NA MGA bungkos ng dais AT scam . ANG TANGING TAO Maaari mo mismong IPINAGKAKATIWALANG SA spell IS DR SPIRITUS Marcus NIYA AY EMAIL ancesrialspelltemple@gmail.com , AY KO dinala siya KARAPATAN DITO SA ESTADO kung maaari AT NG KANYANG spell -cast trabaho ay LIBRE SIYA ayaw KUMUHA NG PERA PARA SA KANYANG spell gumagana .
Ginawa niya marami NG MGA BAGAY NA ko AY HINDI talaga banggitin DITO PERO masulit ang ANO niya PARA SA AKIN AY HELP ME SA kanser
AT DIN SA AKIN nakatulong Nakakuha BUMALIK aking trabaho AT MY kasal. SIYA AY dakila at nakilala ko siya HIGIT SA INTERNET LANG ANG BAWAT OTHER PERSON AY TESTIFIED
PERO SIYA ay talagang TUNAY AT napakagandang spell CASTER . Ako PA RIN talaga may utang na loob TO DR Marcus PARA SA AKING Sine-save ang BUHAY
AT MY kasal. GUSTO kong ipaalam Ya LAHAT malaman na HINDI MO MAYROON upang subukan kahit sino pa ang taong masyadong maselan sa pananamit MALIBAN NA ITO .
NIYA EMAIL CONTACT AY ancesrialspelltemple@gmail.com
It just occur to me that i have not done the right thing since when my husband came back to me, I am Mayer from United Kingdom, I am on this blog to give thanks to whom it deserve. Some couples of weeks ago my life was in a terrible shape because my husband left me and i never believe that i was going to get him back. But through the help of this powerful spell caster called Dr.Ogudugu my life is now in a joyful mood, I must recommend the services of Dr.Ogudugu to any one out there that they should contact Dr.Ogudugu through his email: GREATOGUDUGU@GMAIL.COM because through Dr.Ogudugu assistance, my marriage was restored.
***DR OGUDUGU SERVICES*** CALL +2348057266712
* Reuniting Love Spells or Reuniting Lovers Spell.
* Attracting Love Spells or Lovers Spells.
* Psychic Love Spells.
* Return & Reunite Love Spells (Lovers Spells).
* Bring Back Lost Love Spells.
* Poweful Magic Love Ring.
* Powerful Love Talismans.
* Black Magic Love Spells to make some one love you.
* Love Spell Perfume to Attract Your Love.
* Gay Love Spells.
*Money Spells
*Protection Spells
*Binding Spells
*Healing Spells
*Job Spells
*Fertility Spells
*House Protection Spell
*Justice Spells
*Spells For Bad Dreams
*Spells For Snake Bites, Scorpio, And Deadly Insects
*Voodoo Dolls
*Crystal Balls
*Spirits Invocation
*Genie Invocation
*Magical Charms
*Weight Loss Spells
*Wish Spells
*Prosperity Spells
*Pregnancy Spells
*Talismans
*Banishing Spells
Post a Comment