QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, December 21, 2008

Ano ang gagawin mo? (Life and Death Situation)

Nasa kalagitnaan kayo ng seryosong meeting ng bigla ka na lang naUTOT na ubod ng lakas. Ano ang gagawin mo?

a. Ituturong salarin ang katabi at magagalit kunwa kunwarian sa kanya at sa amoy ng utot

b. Humingi ng sorry, at sabihing ito ang bagong RINGTONE ng cellphone mo.

c. Magdeny at magsabi ka na lang ng “MAMATAY NA ANG UMUTOT”


Meron kayong isang sosyal na Dinner kasama ng boss mo at mga katrabaho mo ng bigla kang nahatsing at lumabas ang green na green mong sipon. Ano ang gagawin mo?



a. I-uga uga ang sipon na parang mga BELL sabay kanta ng “Jingle Bells, Jingle Bells, Jingle all the way” .

b. Kunin ang mangkok at ilapit sa bibig, sabay singhot para akalain ng iba eh humihigop ka lang ng mainit na sabaw (kailangan gawin mo ito within 5 seconds)

c. Biglang takpan ang ilong at sabihing nagno-nose bleed ka lang, sabay magdrama na kunwaring nanghihina ka (kung sakaling may nakakita na green ang lumabas sa ilong mo sabihin mong bading ka kaya berde ang dugo mo)



Nasa kalagitnaan ka ng panood ng TV ng biglang may nangangaroling sa kapitbahay nyo, alam mong ikaw na ang susunod na pangangarolingan pero ayaw mong magbigay kasi makunat ka. Ano ang gagawin mo?



a. Biglang patayin ang ilaw, para magkunwa kunwaring natutulog na. Kung sakaling may nag “TAO PO”, sumigaw ng “HOY!! WALANG TAO DITO”.

b. Alisin ang parol at krismas layt . Palitan ito ng malaking buddah, at sabihing hindi ka naman Katoliko at wala kamong pasko sa relihiyon nyo.

c. Magtali sa gate ng pinakamabangis na aso, huwag pakainin ng isang araw para mukhang lalapa ng tao. Tyak wala ng magtangkang mangaroling sa inyo.



Medyo taghirap ang buong mundo ngayon, kaya kailangan mong magtipid at kumita, naisip mong medyo magandang rumaket ngayong Pasko, Ano ang gagawin mo?



a. Ipunin ang napamaskuhan ng anak mo at sabihin kailangan nilang bayaran ang damit nila, at dahil ikaw ang nanay doble o triple ang presyo ng damit.

b. Umaga pa lang simulan na ang pamamasko kasama ang mga anak mo, double purpose yun, para hindi ka maabutan ng mga inaanak mo sa bahay, at para naman makarami kayo ng mapamamaskuhan. Libre chibog pa!!

c. Sa tuwing pupunta ka sa mga kaanak mo para mamasko, magdala ng malaking bag, subukang magpuslit ng ilang mansanas, orange, ubas, tinapay, at kung kaya mong kuhanin yung isang garapong Chiswiz na hindi mahahalata, mas mainam. Tyak meron ka ng handa sa Media Noche (New year’s Eve), pwede ka na ring magtayo ng maliit na tindahan sa harap ng bahay mo.



Alam mong hindi gaanong maganda ang pagkakagawa sa iyo ng Dyos (in short PANGIT)at medyo malakas ang apog mo,gusto mong yumaman at maging sikat. Ano ngayon ang gagawin mo?




a. Pakapalin mo ang mukha at mag-apply ka bilang maging Artista. Kahit magbabatuk batukan ka ng mga bidang artista sa pelikula, eh tanggapin mo na lang baka sumikat ka pa . Maari ring sumali sa mga Reality TV, para magkaroon ng “EKSPOWSHUR”.


b. Subukan mong pumasok sa Pulitika o maging pulitiko, ang kailangan mo lang ay marunong sa magic o hokus pokus at dapat hindi ka magaling sa MATH para sa Dagdag Bawas. Then magugulat ka na lang sisikat ka na, yayayaman ka pa.

c. Subukang maging Boksingero ( habulin ka na ng chicks, kukuhanin ka pang artista, at ngayon aalukin ka namang maging pulitko, 3 in 1 parang kape lang)



Nagchichikahan kayo ng mga amiga mo ng biglang, nahulog mula sa buhok mo ang dalawang malulusog at naglalakihan KUTO mula sa ulo mo (nice ,bigtime sa iyo ang mga kutong yan), ano ang gagawin mo?



a. Sabihing ito ang bagong usong ipit ngayon “ROBOTIC”

b. Sabihin mugmog lang yun ng BROWNIES na kinain mo kanina (kung sakaling kayang kainin, eh kainin mo para REALISTIC ang dating)

c. Sabihing itim na ang Dandruff mo ngayon dahil sa mamahaling shampoong gamit mo (at least nakapagmayabang ka pa)

Ang mga TIPS na yan ay maaring makatulong sa ating pang-araw araw na pamumuhay. Matagal itong sinaliksik at pinag-aralan para matulungan ang bawat isa na makaisip ng mga paraan sa mga pangyayari medyo mahirap takasan at lusutan.



Nawa’y itoy nakatulong para lalo pa nating ma-improve ang ating mga buhay at sarili. At para sa mga katanungan pa at problemang gustong hanapan ng solusyunan mangyayari sumangguni sa akin, heto ang aking address:


DOC LENG
LUWAG TURNILYO MENTAL HOSPITAL
P.O Box, Tae in a Box, UTO- 10
Quezon City.
Tel No. 123 (asawa ni marie) 456 (pick up stick)

No comments: