Malapit na bertdey ng tatay ko December 10, medyo piptiseben na ata sya. Alam nyo maraming bagay ang talaga namang nakakabilib sa tatay ko. Kapuwitan mang sabihin na sya talaga ang “dabes tatay in da hol wayd unibers” (naku, lagi kong naririnig yan sa mga batang may hihingin lang na paekek sa mga tatay nila). Isang hamak na magsasaka ang tatay ko at kami ay nagmamay-ari lamang ng isang maliit na hasyenda na umaabot na libo libong ektarya (joke lang), madalas nakikita ko ang tatay ko na talaga namang hirap na hirap sa pag-aararo, tumatagaktak ang pawis sa pagtatrabaho, at magkandakuba kuba na sa pagtatabas ng damo. Samantala ako, ay pakuya kuyakoy at pakula kulangot lang sa isang tabi. Ayaw ko kasing mabilad sa araw kasi pakiramdam ko magiging nognog ako (eh pangit na nga ako, nognog pa). Eh wala ng magawa ang tatay ko kundi pagpasensyahan na lang ang suwail, tamad at napakakyut nyang anak.
Madalas pagdating ng sabado (kung saan wala akong pasok) eh mag-iisip na ako ng dahilan. Minsan sasabihin kong may “group project” kami, pero manonood lang ako ng sine, o hindi kaya magpapaulan ako at pagpapatiyo ng pawis para magkasakit ng Sabado. Yan ang paraan ko para makatakas sa bukid naming. Kaya naman nakakaawa naman talaga ang tatay ko kasi talagang nagbabanat sya ng buto para buhayin ang walo nyang anak na parang mga konstraksyon worker kung lumamon.
Madalas naman pag pinagsusuga ako ng kalabaw namin sa bukid, eh talaga namang halos takpan ko na ang buong mukha ko ng sombrero at mag mistulang parang ninja para hindi ako makita ng mga kaklase ko at tuksuhin, kasi nga ang press release ko noon “Mayaman kami”(hahaha!! kapal peys talaga). Basta halos hindi ko na matulungan ang tatay ko sa bukid, madalas pag pinipilit akong pumunta ng bukid talaga namang parang lindol sa amin kasi nagdadabog ako sabay banta sa nanay ko “Sige papuntahin nyo ako sa bukid, pag natuklaw ako ng ahas, mamatay ako” (kala mo namang napakahalaga ng buhay ko?hahaha)
Ang tatay ko araw na araw yun kung magsimba, santo nga kung tawagin ko yun eh. Saka kilalang kilala sa amin yan na napakabait na tatay, at ako naman kilalang kilala sa amin na napakasuwail na anak (joke lang, gud boy po ang pautot ko sa amin). Basta sya yung napakabait na tatay, kaya naman ang naging produkto nila ay mga mababait na bata katulad ko (kyut pa!!).
Marami pang mga ginuntuang aral ang binigay sa akin ng tatay ko na isinanla ko na sa mga pawnshop tulad nito
“Mag-aral ka ng mabuti anak, para magtagumpay ka” (Eh kitams kaya ako naging Onor istyudent)”
“Ang tao matuto lang mahiya, tao na” (Tao po ba ako tay?paano yan makapal peys ko)
“Huwag kang makakalimot sa Dyos, at laging magpakumbaba” (Amen po itay)
Iyan ay ilan lamang sa mga aral na bigay ng aking butihing tatay. Kaya ngayon nasa abroad ako at medyo nagmature na (parang hindi naman eh), medyo nagsisisi na rin ako sa mga pagkasuwail ko noong bata. Kaya naman bumabawi na ako sa tatay ko ngayon, hanggat maaari talaga namang ayaw ko ng mahihirapan ang tatay ko. Ayaw ko ng paountahin yun sa bukid at pinapaupa ko na lang sa iba. Madalas din pag tumatawag ako sa kanila laging may “AY LAB YU” kahit na baduy sa iba, pero sa akin eh makahulugan yun.Ayaw ko kasing maubos ang panahon na hindi ko man lang nasasabi ang mga bagay na iyon at maparamdam ko sa kanila hindi lang sa gawa pati sa salita. Masayang Masaya ako na sya ang naging tatay ko kasi wala ako sa kinatatayuan ko ngayon kundi dahil sa kanya, kaya utang na loob ko sa kanya ang lahat ng tagumpay ko. Kaya naman sa bawat pag-uwi ko rin, kinakailangan bibigyan ko sya ng pinakamahal na pasalubong sa lahat. Kahit man lang sa mga material na bagay eh magantihan ko ang kabutihan ng tatay ko.
Marami pa akog gusto sabihin sa kanya pero tyak aapaw ng luha dito (hahahha, may ganun kadramahan). Basta gusto ko lang ipagsigawan sa mundo kung gaano kabait at karesponsable ng tatay ko, para malaman nila kung gaano ako kapalad bilang anak nya.

Kaya sa Tatay Loreto ko, HAPI HAPI BERTDEY!!!
No comments:
Post a Comment