Isang araw biglang may nagtanong sa akin
“Ano ba ang kaibahan ng blog mo sa blog ng ibang blogger?”. Uhmmmm napaisip ako ng konti at ginamit ang natitira pang 4MB ng utak ko.
Aamin ko nagsusulat ako hindi para lang sa sarili ko kundi para rin sa mga nagbabasa ng blog ko. Masarap magkwento ng karanasan ko sa buhay pero mas gusto kong ibahagi ang mga natutunan ko sa buhay sa aking mambabasa. Naniniwala ako na mula sa mga ideya, opinyon at kuro-kuro ng ibang tao mas marami ako natutunan sa buhay. Mahilig akong makipagkwentuhan sa ibang tao dahil marami akong nalalaman mula sa karanasan nila. At tulad ng mga aral na nakuha ko mula sa kanila, nais ko rin itong ibahagi sa ibang tao.
Naniniwala ako na ang tunay na kaalaman sa buhay ay hindi matatagpuan sa libro o eswelahan, kundi nasa ating mga karanasan at napagdaanan sa buhay.
Bakit puro kalokohan at kagaguhan ang blog ko?Dahil ito ang pinakamabisang paraan para makakuha ng atensyon ng ibang tao, pero sinusigurado ko na sa bawat halakhak o tawa na maari kong maibigay sa mambabasa ay ang mga butil ng aking kaisipan at pag-asa para sa kanila.
Nagsimula akong magsulat ng mga seryosong mga sulatin at ang iba naman ay tungkol sa relihiyon. Subalit nakakalungkot isipin na iilan lamang ang may ganang bumasa nito. Siguro nga may mga bagay na mahirap kasing tanggapin lalo na kung ibibigay sa iyo ito sa isang seryosong paraan. Ang paglalagay ng humor sa bawat sulatin ang nagbigay sa akin ng magandang paraan para maging kumportable ang bawat mambabasa at matanggap ang mga maliit na butil ng aral na natutunan ko sa buhay. Kung hindi man ako nakapagbigay ng inspirasyon, masaya na rin ako na kahit sa impit na halakhak at ngiti napagaan ko ang kanilang kalooban.
Karamihan sa mga blog ngayon ay mga diary-type o journal type ng blog. Pagkukuwento ng bagong pangyayari sa kanilang buhay. Sa akin karamihan sa aking mga post ko ay ang mga karanasan ko noon pa. Binabalikan ko kasi sa aking memorya ,ang mga karanasan kong nagbigay sa akin ng aral sa buhay. Ito ang mga bagay na gusto kong ibahagi sa iba na baka pwedeng kapulutan din ng aral.
Madalas din akong magbigay ng kwento na may kaugnayan sa sosyal at polikal na aspeto ng ating bansa. Pagpapahayag ng aking sariling opinyon na baka makatulong para mapansin natin ang ating kapaligiran at mabigyan tayo ng ibang pagtingin tungkol sa mga bagay bagay.
Ako, hindi ko hangad maging sikat, kaya nga piniling kong magkubli na lang sa mata ng nakararami. Hindi ko nais na ako mismo ang mabigyan ng atensyon kundi sana ang aking mga naisulat. Hindi ko rin hangad ang napakaraming komento, dahil kung iyun lang ang nais ko eh di sana nang-away na lang ako ng ibang blogger o di kaya gumawa ng mga topic na gusto ng nakararami tulad ng pag-usapan ang buhay ng ibang tao o usaping may temang sekswal. Kung mapapansin nyo halos puro karanasan ko ang aking mga sinusulat. Ang nais ko lang kasi ay magbahagi ng aking mga natutunan sa buhay dahil baka sakaling makatulong ako sa iba. Hangad ko lang na sa munting kaparaanan, makapagbigay ako ng kahit konting inspirasyon sa ibang tao. Sapat na sa akin yion.
Hindi ako napapagod sa pagsusulat dahil bawat gabing lumilipas sa buhay ko ay panibagong aral na natutunanan ko. At ang bawat araw na dumarating sa akin at panibagong pag-asa na pwede kong ibahagi sa iba.
Kapag tayo ay namatay, hindi naman sasabihin ng mga tao “Naku magaling na tao yan o mayaman na tao yan” . Hindi nila titingnan ang mga nakuha mo sa buhay . Mas tinitingnan nila kung anong klaseng tao ka o kung ano ang naibahagi mo sa iba. Iyon ang maiiwan sa kanila at iyon ang lagi nilang maalala.
Tulad din sa pagharap natin sa Dyos, tyak hindi naman Nya tatanunging kung gaanong karami ang kayamanan mo o gaano ka kasikat o kung gaano kalawak ang talino mo?Bagkus mas nais malaman kung “GAANO BA KARAMING TAO ANG NATULUNGAN MO AT NABIGYAN MO NG INSPIRASYON?”
Sana naipaliwag kong mahusay kung ano ang layunin ng blog ko o kung ano ang kaibahan ko sa iba. At para sa inyong lahat na sumusubaysay at bumabasa ng mga sulatin ko.
MARAMING MARAMING SALAMAT
Ikaw tatanungin kita ano ang kaibahan ng blog mo sa ibang blog?P.S
Hindi po ako nagpapaalam gusto ko pa ring magsulat ng magsulat.Hehehe! Heto nga pala ang link ng isa ko pang blog. Wag kayong magugulat sa inyong matutuklasan!hahahaha!
AKING KWARTO
41 comments:
HAYYLLAAVVEEET!
Kaso Manong Drake, mapaghahalataan ka na hindi ka na ganoong kabata. :D
@Kaitee
Ganun?? 27 lang naman ako! Siguro naman hindi pa matanda yun?Hahhaha
Salamat
Kaya naman gusto kong balik-balikan ang kwartong ito dahil na rin sa mga natutunan ko mula sa iyong mga isinusulat.
At ngayon ko napatunayan na kaya marami kang naisusulat na experiences ay dahil na rin sa tagal ng iyong inilagi sa mundong ibabaw. Yan ang maraming expereinces.... ang mga gurang. Ingats!
teka lang... akala ko talaga ay namama-alam ka na eh. hehe. ang galing-galing talaga ni pareng drake.. it only comes with experience. in tagalog, nakukuha lang yan sa katandaan. wahahaha. peace tayo parekoy. ginamitan ko lang ng humor para basahin mo coment ko! wahaha.
Subra! Mabigat na naman ang nilathala mo kapatid.
Kaya kahit anong haba ng post mo...(kahit ng comment mo) siguradong babasahin ko. Very educational.
Salamat po lolo!
Kaya nakuha ng blog mo ang atensyon ko. Nung una ko tong mabasa namangha ako sa mga laman. Kasi kahit may halong joke may laman naman yung sinasabi mo. Mas madali mong pinapaliwanag yung gusto mong ipabatid sa iyong mambabasa.
Yung mga aral na natutunan mo sa pakikibaka mo sa buhay iyong ikinukwento upang magbigay ng lakas at inspirasyon sa ibang taong papunta sa pakikibaka sa buhay.
Anumang tagumpay ang narating mo ngayon, ito'y karapat dapat sayo dahil sa iyong pagsisikap! Kaya kuya Drake gora lang! ^_^
Ang Dark Lady ay ang blog kung saan mababasa mo ang past and present na nangyari sa buhay ko. Ito rin ang blog kung saan kinukwento ko kung ano ang nakita ko sa mundong ginagalawan ko.http://wentokoto.blogspot.com/
Ang Dark's Diary naman ay puro tungkol sa pag-ibig. Iba't ibang klaseng mukha ng pag-ibig na nararanasan ng mga tao ngayon.At maaaring magbigay ito ng aral sa kanila. http://darksdiary.blogspot.com/
buti kapa pards, ako may 150mb nalang natitira sa utak ko. kaya format ako ng format. kung may ipapasok na bago.
Ano ba namang tanong yun? anong kaibahan?? Kahit pa walang kaibahan, blog mo yan, hindi mo kailangan iexplain ang sarili mo (nating mga bloggers). We can write whatever we want too, even if we're not serious, even if, we're just kidding, even if it's bull shit.
Saka mas madali po mag-express ng sarili kung medyo may kalokohan... sagwa naman kung sobrang seryoso...
tulad ko, gusto kong magbasa para ma-entertain at maging masaya...tapos mababasa ako ng nakakapagpabigat ng damdamin... baka magpakamatay pa ako nyan hehehehe
@Chinggoy
Tae mo Chinggoy bata pa ako at may gatas pa ako sa labi (can't u see watusi?) Medyo nag fast forward lang ang buhay para sa akin.Pero ganun pa rin naman ako baby face pa rin
@Nightcrawler
Gumaganun ka parekoy! Katulad ng sinabi ko sa itaas, beybi peys pa kaya ako! Pwamis! Gumagamit pa kaya ako ng highchair sa paglamon!
@Ayie
Talagang educational nga yan dahil batang sineskwela ata ito. Heheh! Nga pala yung comment ko sa iyo copy paste lang yung mula sa entry ko!hehhee!iNgat
Katulad ng blog mo B1, may mga bagay ako na pinagdaanan na gusto ko ishare sa iba. Ito ang tunay na buhay ko sa likod ng lantad ko na larawan, hindi ako manunulat, at mas lalong hindi ako naghahanap ng parangal, hindi ako nagmamakaawa sa comments pero pilit kong sinasagot isa-isa ang komento ng readers dahil pinag-aksayahan nila ng oras basahin ang buhay ko... ang blog ko ay para sa susunod na henerasyon... dito lang ako mananatiling buhay kung sakaling kunin na ako ni Lord.
sa lahat ng blog mo, "akingkwarto" ang pinakanagustuhan ko, mas totoo at mas may puso.
@darklady
Hayaan mo binabasa ko naman nga talaga yung mga sinulat mo. Maganda nga rin siguro kung lagyan natin ng humor ang lahat para magaan dalhin at hindi sya nakaka-EMOng basahin!hehhee
Salamat nga pala sa laging pagbisita sa aking kwarto!Excited na akong makita ka at ibigay ang pinangako kong toblerone!hehhe!ingat
@ Everlito
150MB??? malaki kaya yun sabi ko nga sa blog ko 4MB na lang natitira sa utak ko! Kung test yan bagsak ka na, hindi ka nagbabasa!hahah joke lang
@Rah
Tama ka naman dyan! Pero yun nga lang sabi nung nagtanong sa akin nyan halos lahat daw ng blog iisa ng mga tema!hehhe!Ingat at salamat sa pagdalaw
@Klet Makulet
Tama ka, mabuti yung gumalaw galaw para di mastroke!heheh! ang tagal mong nawala ah nagyon ka lang uli nakarating sa kwarto ko!Ingat!
Ano ba ang kaibahan ng blog ko sa ibang blog?...ano pa e di musika, musika at puro musika lang ang nasa blog ko! :D
pero u know what drake? after reading this, parang feel kong gumawa ng mas personal na blog...
hmmm... kung kani-kanino ako nakukumpara... kaya kung tatanungin ako ano kaibahan ng blog ko...
wala... hehehe
Di ko pa lang masyadong nababasa ang lahat ng mga post mo pero alam ko malalim ang mga ito.
Salamat sa pagbahagi mo ng iyong buhay kahit alam natin na ito'y para sa iyo lamang. Ang mahalaga, ay naipaparating mo sa mga mambababasa ang mga aral na gusto mong ibahagi.
Salamat! =)
Mga salitang bwisit sa pandinig:
sinusigurado ko na sa bawat halakhak o tawa na maari kong maibigay sa mambabasa ay ang mga butil ng aking kaisipan at pag-asa para sa kanila
ang bawat araw na dumarating sa akin at panibagong pag-asa na pwede kong ibahagi sa iba.
IKAW NA ANG PRESIDENTIABLE!!!
hahaha kung makapag-inspirational speech ka naman parang wala nang bukas.
Serious mode, naappreciate naman namin ang blog mo at tama ang pagkakadescribe mo sa sulatin mo... Pero hindi totoong ayaw mong sumikat bwahahaha...
Ako, anong ikinaiba ng blog ko? Maihahantulad ko ang blog ko sa isang tae, at mga nagbabasa ang langaw... alam nilang madumi pero pabalik-balik sila jejejeje
“Ano ba ang kaibahan ng blog mo sa blog ng ibang blogger?”
Control freak ako sa comments. Posibleng magsuka ka sa hilo kung hindi muna nag bonamine bago binisita yung comment section ko.
Binuksan ko yung isa mo pang blog, akala ko kasi may kung anong nagaganap sa kwarto mo (read: akala ko bastos). Anyway, nagulat ako. Sa sobrang gulat ko, na-close ko bigla ang browser ko.
nako. kung ako ang tinanong ng ganyan malamang wala akong mai-sagot. XD
ako ginawa ko ang bucosalad para makapamahagi ng kwento ko at kwento ng ibng tao..pero kung susumahin ang blog ko mas marami ang mga personal na experiences.. pero ginagawa ko ang paraan para hindi lang kwento ko ang maipapamhagi ko sa mga mambabasa.. gumagawa ako ng tula, ng mga prose, lately nagtry ako ng erotic writing, at minsan ppost ako ng mga bidyo na makakapagpatawa sakanila.
naisip ko na hindi pala palagi na serious ang approach ko bilang manunulat kelangan kong maging flexible para maipahatid sa lahat ang gusto kong sbhin.. kasi hindi lahat sang-ayon sa ganong approach.
minsan mas masarap din kasing magsulat kong marami nagbabasa saiyo..parang fuel so that it makes you going..aus lang kahit walang magkoment bsta may magbasa at may makukuha sila sa mga gawa ko..
ang mhlaga sa pagsusulat eh naipapamahagi mo ang gusto mong sbhin at nakakaapekto ko mapa emosyon o pananaw ng mga mambabasa mo..at may natutunan silang bago.. hehehe aun lng po
huwag niyo naman patandain si pareng drake dahil halos magkasing-edad kami niyan. Pero mas matanda talaga siya sa akin based sa mga kuwento niya.
Kung tatanungin mo ang kaibahan ng mga blogs ko, wala akong maisasagot dahil personal at diary type lang din ang sa akin. Yung nga lang sa NO BENTA, medyo trivial ang dating. Sa B'LOG ANG MUNDO naman ay based sa mga first time experiences ko as an OFW.
Sa totoo lang, isa si drake sa nagpatindi sa drive kong magsulat! (pa-kabsa ka naman dyan!)
huwaw mali pala yung pagkabasa ko. kala ko 4gb.
ha ha ha, hirap talaga pag shonda nako malabo na mata.
@B2(roanne)
Ganun na nga talaga hindi naman natin nais maging tanyag, hindi naman nating hangad magkaroon ng san damakmak na komento.
Ang malaman lang na may nagbabasa ng iyong naisulat ay isang malaking bagay na para sa atin, kumbaga alam natin na baka sa 1 o 2 mambababsa ay may mabigyan ka ng inspirasyon!Ingat b2
@Vonfire
Oo nga von puro music yung blog mo, pero gusto ko namankasi mahilig ako sa music.
Sige von gawa ka ngpersonal blog mo, ako ang una mong tagabasa!ingat
@Gillboard
Payn ikaw na ang kakaiba, ikaw na ang tiga planetang Uranus!LOLS
@Stone-Angel
Salamat din sa laging pagbisita sa aking kwarto. Hindi naman ganun kalaliman yung mga aral ko dun, medyo gabinti lang naman!hahaha!Ingat!
@Glentot
For the first, nagcomment ka rin ng mahaba at may sense!! Ikaw na glentot! Well malapit na akong tumakbong presidente (ng TODA) sa year 2016 so sana naman iboto mo ako!
Tama ka katulad ng blog mo, ikaw din ay parang tae. Yung blog mo kahit na sabihin natin puro kababuyan,kalaswaan at kapuwitan binabalik balikan ko pa rin sya dahil alam mong may sense! (bait ko sa iyo). Kaya sige itae mo lang yan ng itae!
@Salbahe
Sabi kona nga ba eh! Buti hindi ka nasunog!LOLS!Joke lang! Teka tagal mo ng di nadadalaw sa kwarto ko ah! Artista??Ingat
@Led
Napaka tipid mo namang sumagot! May Krisis??Hahah Joke lang! Sana dalaw ka lang ng dalaw!Ingat
@Rico de buco
Oo nga napansin ko nga noon na puro mga emo post ang nakalagay sa iyong blog. Pero okay lang yunkung dun naman lumuluwag ang pakiramdam mo bakit hindi. Meron kasing gumagawa ng personal blog to express their feelings and thoughts and become their outlet, for them not to be contained by their emotions.
Kaya kung nagsusulat ka para sa makapagrelease ng emotions okay lang yun! Hehhee!
Teka subukan ko rin ulit dumalaw sa blog mo!ingat
@No Benta
Hindi tayo magkaedad Jayson (pinangalanan)hahah! Dahil ikaw naabutan mo pa si Uncle Bob ako hindi na!kaya malamang mas matanda ka sa akin!
Sobra naman akong nahipo (natats) sa sinabi mong ako ang nagdrive sa iyong magsulat! Salamat pre at akong bahala na sa Faham at laham nyo! Ikaw pa lakas mo sa akin!
@Ever
Huuu hindi mo lang kasi binasa yung post ko! Joke lang! Musta na Pareng ever long time no hear ah! Busing busy kakachicks!hahaha
ang seryoso natin ngaun ah pero kahit seryoso tong post mo love ko pa rin at gusto ko pa ring basahin... :D
what i love about ur blog is that kahit puno to ng kalokohan somehow may makukuha kami o may matutunan sa bandang huli....laging may twist...at sobrang light nya and naghahatid talga xa ng haplos sa puso at ngiti sa labi,...
hmmm ako naman nagblo2g ako kac parang eto ung stress reliver ko and sa blog ko nasasabi ung mga hindi ko masabi sa personal dahil aminin natin madaming judgemental sa mundo..at least kung sa blog ko sasabhn kahit may magjudge or ano isipin sa akin wala akong pakialam kac d naman nila ako kilala totally...ayun!
Talaga lang ah. Seryoso ka diyan?
Ang masasabi ko lang pareng drake eh - ayos buto-buto ang blog mo kaya naman bumabalik ako eh.
Tungkol sa sinabi mo na mas madalas binabasa ng iba ang blog mo kung meron itong mga katawa-tawang bagay lalo kung walang mga bagay na complicated gaya ng relihiyon. Dahil na rin ito sa iba't-ibang paniniwala ng tao na minsan ay nauuwi sa pagtatalo. Kaya saan ka? Siyempre sa masaya.
Ang sa akin, kung bakit madalas ay religious. Actually, nag-transform ito from my literary works to religious kasi I wan't to devote my remaining life force sa Panginoon as much as possible. Siyempre that is my faith. Pero hindi dahil mamamatay na ako hehe. Di natin alam baka pagkatapos kong isulat ang comment na ito ay mamatay ako hehe.
Sa akin ay pwede ring akong sumulat ng mga katawa-tawa kaso it will compromise some of my beliefs as well. I don't mind na bihirang basahin yung blog ko basta ang importante sa akin ay mai-share ko yung nasa loob ko. Sa sarili nating blog - walang pwedeng mag-object di ba? hehe! Pwede silang mag-object pero it is your choice kung babaguhin mo di ba?
Kaya tuloy ka lang sa iyong pagsulat pare.
outch!
tinamaan naman ako ng bonggang bonggat sapul na sapul!
oo napansin ko na rin dati yung pattern ng mga post mo...
sa una puro lokong hirit... pero sa huli parang.. parang... basta alamoyun! hehe
________________________
May kanya kanya naman kase tayong dahilan kung bakit nagbablog.. kaya anu man ang ating mga dahilan, sana maging masaya, kuntento at mabuting tao parin tayo..
amen..
Tama ka doon masarap nga magkuwento ng mga karanasan lalo n iyong alam mong may mapupulot na leksiyon ang mga nakikinig/mambabasa...
at naniniwala ako na marami akong matututunang leksiyon sa mga matatanda. lolz! hehehe
Ibang iba nga ang blog mo sa iba pre...Ingatz!
Kakaiba yung blog ko dahil girl blogger ako pero never ako nagdiscuss ng kaartehan, kadramahan sa buhay, at ka-emohan.
Mga kadiri yan for me.
Feel good blogging lang ang theme ng blog ko. Ü
@ladyinadvance
Salamat sa patuloy na pagdalaw at pagbasa ng aking blog. Natuwa naman ako dun ng sobra sobra!hehehe
Tungkol naman sa blog mo, okay yan kasi syempre ang blog mo ang nagiging outlet mo sa lahat ng iyong emosyon. Lalo na sa katulad nating OFw napakalaking tulong ang binibigay nito para sa atin. Kaya gawin mo lang ang gusto mo at sabihin din ang lahat ng gusto mong sabihin. Tama ka FREE tayong gawin ang lahat ng gusto natin sa atin blog!
@Noel
Bawat tayo ay may paraan para maipahayag natin ang mga gusto nating sabihin. Siguro ito lang ang paraan ko para mahatak ko ang atensyon ng ibang tao para mas mapakinggan nila ang gusto kong iparating. Tulad ngayong elesyon di ba gumagamit ang mga pulitiko ng mga artista para makahatak ng maraming tao at para marami ang makinig sa kanilang plataporma. Ganun din ang nais ko.
Tungkol naman sa blog mo, okay lang ang pagbabagong bihis ng blog mo, tutal ikaw ang author nyan at nasa iyo kung ano ang gusto mong ilagay sa blog mo! Kaya patuloy ka lang sa pagsulat lalo na tungkol sa Kanya. Malay mo maging pastor ka na talaga Noel!hehehe! Ingat God Bless
@Kosa
Naks naman, yan ang sinasabi ko eh.Salamat ha
Katulad ngn sinabi mo may kanya kanya tayong paraan kaya nasa atin naman kung ano ang gusto nating ilagay sa ating blog at kungn anong klaseng style nng pagsusulat ang gagawin natin. Tutal buhay natin ito at wala na tayo sa eskwelahan para diktahan ng kung sino sino!Ingat
@jag
Sige ikaw na ang fetus! Matanda pala ha! Ano parekoy mukhang mukhang mahaba talag anag bakasyon mo ah! Sulit na sulit ah!
@Chyng
Oo nga nakita ko nga yung blog mo and I like it kasi nga puro tungkol sa travel at pagkain! Masarap pagsamahain ang dalawnag elemento na yan! at least nabibigyan kami ng tips. Lalo pat nakita namin ang mga pictures mas lalo nabusog ang mata namin! Ingat
parekoy, isa ka sa mga iniidolo kong blogista. ipagpatuloy mo lng yan. though simple lng yung mga topic na pino-post mo pro nabibigyan mo naman ito ng mas malalim na kahulugan.
Siguro dahil na rin sa mga experiences you’ve had, hitik na hitik ka sa karanasan.. hahaha!
Di nman kaylangan ng isang blog ng malalalim na salita pra pag pyestahan, ang importante nase-share mo yung saloobin mo bilang ikaw… yung totoong ikaw. At yan ang kaibahan ng blog mo.
isa akong ofw na tulad mo at ang pagbabasa ng blog ang isa sa mga parausang oras ko d2 sa UAE, pampawi ng longkot.
sana wag kang magsawang i-share ang mga experience mo thru blogging. marami kming mga "silent readers" na nae-entertain mo.
matagal na kong nagbabasa ng blog mo, now lng ako nag-comment.. hehe
kabayan, kampay!
donato
ilang MB kaya ang utak ko?
haha!
nako, kaya ako nagbabalik at magbabalik dahil sa mga ganyang katanungan na mapapaisip ka talaga kapag nabasa na ang mga blogpost mu kuya Drake!
eeee.
dahil dyan!
pengeng piso.haha!
^ - ^
kuya alam ko offtopic puh tong tan0ng ko, pero sana sagutin ny0 puh, diba nakaconnect poh ang blog mu sa fb.. pwd puh ba magpaturo kung pan0 yun gawin? anu puh applicati0n ang ginagamit? gumamit kc akong disqus, per0 nitanggal k0 din.. patur0 ako boss. bag0 plang kasi ako dito sa blogsp0t.la pa ko alam :) antayin k0 puh sag0t nyu, salamat puh ng marami.
kailangan pa ba itanong yan? isa lang sagot dyan: isang poging nilalang ag nagsusulat ng Scud in Real Life. Haha.
...at clinick ko ang link ng iyong another blog at ako'y nagulat sa aking natuklasan... very religious..LOL
vey well said parekoi.. pwede ka nang tumakbong presidente after 6 years!
@Bitoy
maraming salamat at lagi ka palang nagbabasa ng blog ko! Nakaktuwang makita ang comment mo dito, at kahit wala kang blog okay lang yun. Salamat talaga! Sana lagi kang madalaw dito sa kwarto ko na ito!
Ingat dyan sa dubai parekoy! At pag nagpunta ako dyan sa dubai, ikaw ang bahala sa akin ha!hehhee Ingat
@gege
Hetong pisong pambili ng bubble gum! Naks! Ikaw na gege! Buti naman kahit paano ay may napupulot kayo sa mag sinusulat ko. Kahit hindi ako magpaagaw ng pera alam kong may mapupulot kayo dyan!Ingat din
@definella
Punta ka sa widget ko (yung may facebook link ko), pidutin mo yung "create badge" katapos yun na presto may facebook widget ka na!Ingat
@Scud
ikaw na ang artista scud! Ano pag uwi ko kita tayo , libre mo naman ako kahit sa jolibee lang!Ingat parekoy
@karen anne
Buti hindi ka nasunog sa kinauupuan mo! Hahah Joke lang! Maraming salamat
@Ardiboi
Long time no see parekoy ah! san ka ba nagsusuot? Basta iboto mo ako ha! Ingat
ay kuya drake, iba poh nitutukoy ko.. ehehe
i mean puh ung pag nagp0st ako sa blog ko, otomatik malalagay na din sa status feed ng fb ko.. ahehe
pero anyway, solve na puh problem ko.. nai-google ko na last day.. twitterfeed lang pla ang kelangan.. ahehe..
ay, salamat puh pala sa pagsagot..
baet-baet naman :)
x0x0
Post a Comment