QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, June 7, 2010

ANG K NI SHIELA!!!

* Hindi si Shiela to, nasuka este natuwa lang ako sa piktur ni Madam Auring! HOT NA HOT!LOLS

Birthday noon ng isa kong barkada noong hayskul, kaya nakakatuwa ng magkita kita kami ni Shiela, Obet at ako sa bday ng common friend namin. Medyo matagal na rin kasi kaming hindi nagkita kita dahil nga sa ibat-ibang unibersidad kami nag-aaral.

Dahil sa tagal na hindi rin naming pagkita-kita , nagkwentuhan kami tungkol sa buhay namin at sa buhay estudyante.Medyo all-out kung magkwento si Shiela at bangka ng bangka .

Nagkukwento si Shiela noon tungkol sa kaklase nyang may PUTOK, na talaga naman daw nanunuot hanggang sa lungs nya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari habang nasa kalagitnaan sya ng kwento biglang nangati ang kanyang ilong at sabay……….HATTTTTTCHIIIIINGGGGG!!

Dagli nyang kinuha ang panyo nyang kulay violet at pasosyal nyang pinahid ang kanyang ilong. Pero sa hindi inaasahang pangyayari at paghawi nya ng kanyang panyo bigla kaming nagulat ni Obet dahil sa aming nasaksihan……………..

May ubod ng laking kulangot sa pisngi ni Shiela (at may buhok buhok pa na parang rambutan lang?) Sa laki ng kulangot ni Shiela pwede ka ng magtanim ng patola, okra, pumpkins at magpatayo ng town house. (OA?!??)

Agad kaming nagkatinginan ni Obet, medyo pinipigilan naming huwag tumawa kasi nga baka mapahiya Si Shiela. Hindi namin alam kung paano namin sasabihin sa kanya. Hindi rin naman naming pwedeng sabihin to:

“Uyy Shiela may kanin ka sa pisngi oh!!”

C’mon mamon.. year 2010 na hindi na uso yun at lalo hindi epektib yun dahil pansit kaya ang handa ng barkada ko. Saka isa pa , paano kung biglang abutin ng dila ni Shiela ang kulangot nya sa pag-aakalang kanin yun, eh di ba mas nakakadiri yun.

So hindi namin alam kung paano ko sasabihin sa kanya, Si Obet medyo natulala at nashock ata sa kanyang nakita. Hanggang ngayon hindi nya lubos maisip kung paano nagkasya ang ganung kalaking kulangot sa ilong ni Shiela?

Pero dahil nga hindi ako nakatiis, naglakas na lang ako ng loob at sinabi ko na lang

Ako: “Shiela may lamok ka ata sa pisngi, wag kang gagalaw”……at POKKKKKK!

Nagkunwari ako na may lamok sya sa pisngi at ako na mismo ang kumuha ng kulangot nya.(Yuckkkkkk!) Ako na ang nagprisintang papatay ng lamok kasi kung sya ang gagawa nun baka ito ang sabihin nya…….

“Hello!! Hindi kaya lamok yun, kulangot ko kaya yun!!Duhr!” (yan ang naiisip kong maarin nyang sabihin)

Di ba kakahiya naman yun , baka hindi nya na kami kausapin pa dahil napahiya na sya sa amin. Ayaw ko naman mangyari yun , na dahil lang sa MALAKING KULANGOT ay masisira ang magandang pagtitinginan namin ni Shiela (uyyy!! Ligawwwww!)

Heto na na nga pala yung next na usapan namin:

Shiela: “Aray ang sakit ha, mukhang sinampal mo lang ata ako eh!”

Ako: “Hindi ah, may lamok talaga yun”

Shiela: Owss kung lamok nga yun, asan na?

Ako: Wala na shiela, binilot ko na saka ko pinitik!!

Shiela: Hahaha! Ganun parang kulangot lang! Yuckies!!

Ako: Huh?!? (Nakuha pa nyang mandiri?? Musta naman yun?Hehehe )

Pero hayaan na lang natin na ganun ang paniniwala nya, at least may pride pa rin sya sa kanyang sarili!. Ang tanging nakakaalam lang nito ay ako, si OBet at KAYO (atin-atin lang yun ha!) .
Sa ngayon magkakaibigan pa rin kami nila Shiela, may anak na sya ngayon at asawa. Sa tuwing nakikita ko ang maputi nyang pisngi hindi ko maiwasang maisip ang mala rambutan nyang kulangot. Kaya napapasmile lang ako ng KONTING KONTI lang.

Basta Masaya na ako na nakatulong ako sa kapwa sa pamamagitan ng pagkuha ng kulangot ng ibang tao na hindi sya mapapahiya.

MORAL LESSON: Bago mo amuyin ang putok ng kaklase mo, tingnan mo muna baka may kulangot ka sa pisngi mo! LOLS

Ingat

DRAKE

25 comments:

NoBenta said...

rating ko sa post mo: hard K!

grabe, kapangalan poa naman siya ni misis.

buti nalang at di niya inabot ng dila sabay nilunok!

Stone-Cold Angel said...

hinawakan mo pa yun kulangot niya... hahaha!

ayos ka talagang kaibigan... drake...

=)

darklady said...

unang una,bakit ngayon ka lang nagparamdam kuya drake??!!! *galit*

(namiss kita!!!) ayeee!!! hahahaha.


natatawa naman kasi ako dun sa nangyari sa inyo ni sheila.nakakahiya nga talaga para sa isang girl yung makita ka ng barkada mo na may "k" ka. buti na lang nakaisip ka ng paraan.


teka ano nga pala ginawa mo dun sa kanyang "k" nung matanggal mo sa pisngi nya? mabilisang responde ang kinakailangan dun.hehehe

Jag said...

Ahahahahaha ang adik! HIndi ko alam kung mababaw lng kaligayahan ko or sadyang nakakatawa lng tong post n to...khit nakakadiri yung ginawa mo, you only proved na isa kang mabuting kaibigan...Ayos!

Hanep sa laki ng K ni Sheila ha, pwede mag-extend ang Facebook sa kanyang K ng Farmville haha!

gillboard said...

di mo naman tinikman yung k? hehehe

kung ako yun siguro, sasabihin ko na lang... ayoko siya hawakan... yeck...

The Gasoline Dude said...

Kadire! Kung ako 'yun pa-prangkahin ko ng beri beri slight. LOL

roanne said...

ay parang PALAKA lang, nangunguha ng langaw ng iba sabay subo...

mabuti ka paring kaibigan, kasi kahit na ikaw ang pinanganak na may kakambal na PANGLALAIT sa katawan e nakuha mo pa rin makaisip ng ibang paraan para hindi siya mapahiya. ikaw na B1 ang may K! Kurikong! =)

Jepoy said...

Yuck! Hinawakan mo yung kulangot?! Like Eiwwwww! Hindi ako na niniwala ang arte arte mo kaya. Echuserang Talakitok ka!

Lord CM said...

Swerte naman ni shiela sayo pre, may taga alis sya ng kulangot lolzz

Dhianz said...

haha... natawa ako nang bongga... pero hanga naman ako sa ginawa moh... kc mapapahiya sya nang bongga kung nagkataon... especially isa sa mga kakuwentuhan nyah eh kasing-wafu moh... hihhee... napadalaw lang... ingatz.. Godbless! p.s. miss u kuya drake!

salbehe said...

Wow lang! Ang bait mong kaibigan. Kung sa akin siguro nangyari ang nangyari kay Shiela, malamang kinuhanan muna ako ng pektyur ng mga kaibigan ko, pinost sa FB, tinag ako, atsaka ko lang malalaman na may ga-rambutan akong kulangot sa pisngi. Akala mo siguro nagbibiro ako pero totoo yan, kasi kung mangyayari yan sa kaibigan ko ganyan mismo ang gagawin ko sa kanilang mga hinayupak sila. Ganyan naman talaga sa mundo, gantihan. Hahaha!

kikilabotz said...

wahahaha, kuya dapat kinain mo para mas astig ...lalaking lalaki..

sasagutin ka nunn kung kinuwento m s knya. sayang

♥superjaid♥ said...

wow ambait naman..isa ka talagang tunay na kaibigan kuya drake..^_^

curious din ako kung pano mo inalis sa kamay mo yung "K"?

Bitoy said...

"Bago mo amuyin ang putok ng kaklase mo, tingnan mo muna baka may kulangot ka sa pisngi mo!"

di ko nman inaamoy. ayokong ayoko na nga amuyin. takteng mga "Pana at Patan" yan... hahaha

MR. PANGUY-AB said...

haha..

10minuto din ang tawa ko ba!! galing mo talaga kaibigan!!

hahaha!!

Kosa said...

napalunok ako ng bonggadahil sa kwentongito!lolz.

siguro,hindi kayo ganunka-close ni Shiela... kung close talaga kayo, hindi ka magdadalawang isip na sabihin yun saknya na may kasamang hagalpak sa tawa..hehe. oks lang yun.. close naman kayu eh..hehehe

I am Xprosaic said...

yax! aahahhahahahahah di ko pa rin kaya yun... paprangkahin ko na lang... tutal magkaibigan naman kami kaya wala nang hiya hiya pa.... ibang klase ka talaga... kunan mo na lang din ako ng kulangot pagmagkita tayo ah... hehehehheheheh

mr.nightcrawler said...

haha... the first thing to cheer me up in days... salamat parekoy.. i really needed the laugh...

Life Moto said...

BRO walang hya ka talga napatawa mo naman ako, anak katalaga ng K! kkuneho. galing mo bro.

Ayie said...

Iba rin naman talaga ang fetish mo. heheheh!

Ang sweet naman nun Bobby Andrews, napaka buti mo talagang kaibigan.

ladyinadvance said...

hahahahaha natawa ako, (gusto ko nga sana humalakhak kaso hindi pwde)...loko ka tlga at napakabait mong kaibigan, huh!
Ipagpatuloy mo yan kuya at sa susunod pati naman uhog para mas oke!...hihihihihi

an_indecent_mind said...

"bago mo amuyin ang putok ng katabi mo..."

hindi na parekoy! tag-init na ngayon, naglalabasan na naman ang lupet ng malablade nilang amoy!!

ganun din ba dyan? mas matagal ka na sa akin dito.. sanay ka na siguro no? hek hek!

glentot said...

Yuck putangina hinawakan mo ang kulangot nya!!! Bwahihihihi.

Kita kits daw sa Saturday!

shiena dale said...

sana sinabi mo nalang "uy, Shiela may champoy ka sa pisngi!" haha ^___^

virtualanimosity said...

dami kong tawa! haha

isa kang tunay na kaibigan!

(padaan lang)