Medyo HIATUS MODE ako ngayon dahil sa "PAYANIG SA PASIG" sa akin ni Papa Jesas, kaya repost ko lang itong entry ko na ito! Salamat
Dear Tatay,
Kamusta na po kayo dyan sa Pilipinas, Tay?Ako po awa ng Dyos ay okay naman po dito sa Saudi. Oo nga po pala bago ang lahat ay gusto ko sana kayong batiin ng Happy Father’s Day. Kung pwede nga lang po akong umuwi dyan muna para makasama kayo, gagawin ko po. Kaso medyo mahal ang pamasahe sayang naman. Pero sana kahit man lang sa sulat na ito ay maiparating ko sa inyo ang aking pagmamahal at taos pusong pasasalamat.
Tay, maraming salamat po sa pagiging isang mabuti at responsableng tatay. Batid ko po noon ang hirap ng trabaho nyo sa bukid, kitang kita po sa mga ugat nyo sa kamay at paa. Minsan nga awang awa ako kasi nung minsang nabiyak yung paa nyo dahil nakaapak kayo ng bubog sa putik pero pinilit nyo pa ring ipagpatuloy ang pag-aararo nyo. Kahit na halos magkandakuba kayo sa pagdadamo sa bukid natin at mabilad sa ilalim ng araw, tinitiis nyo yun para sa akin at sa pito ko pang kapatid para makakain kami ng sapat at makapag-aral. Alam ko pong wala akong gaanong naitulong sa inyo sapagkat nag-aaral po ako nun, pero ramdam na ramdam ko po ang pagsisikap nyo para sa amin. Alam ko pong mahal na mahal nyo kaming lahat na magkakapatid.
Tay, salamat po sa pagtuturo sa amin sa tamang landas. Siguro hindi kami magiging matagumpay na magkakapatid kung hindi dahil sa inyo. Kayo ang nagmulat sa amin sa Dyos at sa tamang asal.Hangang -hanga po ako sa inyo sapagkat sobra sobra ang kabaitan nyo sa lahat ng tao. Kahit na minsan niloloko na kayo pero tuloy pa rin kayo sa pagtulong na hindi naghihintay ng kahit na anong kapalit. Hanga din po ako sa pagiging relihiyoso nyo, na kahit pagod na pagod at puyat na puyat kayo nagagawa nyo pa ring magrosaryo at magsimba araw araw kahit madalas tinutulugan lang namin kayo. Sobrang saludo po ako sa inyo, alam ko pong lagi nyo akong kasama sa mga panalangin nyo lalo na ang aking kaligtasan at kalusugan dito sa Saudi.
Tay, salamat po sa pagiging ulirang ama sa amin. Lagi kayong nakasuporta sa lahat ng laban namin sa buhay . Minsan nabibigo kami pero kayo pa rin ang nagpapalakas ng loob namin. Kahit kailan hindi nyo po kami pinilit sa mga bagay na hindi namin gusto , lagi lang kayong nandyan para alalayan kami. Kung sakaling kami ay bumagsak dahil sa pagkabigo kayo ang nagtatayo sa amin, at kung sakaling kami naman ay nagtagumpay kayo ang una naming tagahanga.
Tay, kung may bibigyan ng medalya o sertipiko ng pagiging ulirang ama tiyak pasok kayo dito. Hindi dahil anak nyo po ako kaya ko nasabi ito pero alam ko din na hindi lang ako ang kayang magpatunay na karapat dapat kayo sa titulong ito. Madalas ko ngang naririnig sa iba na sinasabi nilang “Sana sya na lang ang tatay ko”, sobrang saya ko po kapag naririnig ko iyon. Kasi hindi ko na kailangang mangarap at humiling sapagkat tatay ko ang pinakamabait at pinakaresponsableng tatay sa buong mundo.
Tay, hindi po sapat ang papuri at parangal kung gaano ko kayo pinagmamalaki bilang tatay ko. Daig ko pa ang nanalo ng mega lotto dahil kayo ang tatay ko. Kaya po bilang ganti , ipinapangako ko po na ako na po ang bahala sa inyo at kay nanay syempre. Ipaparamdam ko po sa inyo ang kaginhawahan ng buhay na hindi pa nyo nararanasan dahil pagsasakripisyo sa amin. Nangangako po ako na maging mabuti at responsableng tao din na may labis na takot sa Dyos. Pangako din na lahat ng gintong aral na binigay nyo sa akin ay aking isasabuhay at pagyayamanin.
Alam nyo tay,kung sakaling pamimiliin ako ng Dyos sa aking susunod na buhay kayo pa rin po ang pipiliin ko ng bilyong beses pa. Hindi po ako magdadalawang isip baka kasi maunahan pa po ako ng iba. Hindi ko po kayo ipagpapalit kahit sino pang sikat, mayaman at makapangyarihang tao sa mundo, kayo pa rin ang siguradong pipiliin ko bilang tatay.
Tay, kulang ang mga salita ko para maiparamdam sa inyo kung gaano ko kayo kamahal, nirerespeto at hinahanggan.Mapalad po ako bilang anak nyo at saludo po ako sa pagiging isang mabuting tao nyo. Pipilitin ko pong gayahin kayo sa abot ng aking makakaya. Di man kapantay kahit man lang kalahati lang nito.
Ang tagumpay ko po ay utang na loob ko sa inyo, sapagkat kayo ang naghubog sa akin at kayo rin ang unang naniniwala sa akin. Alam ko pong darating ang araw na magkakasama sama rin tayo dyan sa Pilipinas at susubukan ko pong tumbasan kahit man lamang sa maliit kong kaparaanan ang lahat ng sakripisyo at paghihirap nyo sa buhay para sa amin . Tandaan nyo sana palagi na proud na proud po kaming magkakapatid kasi kayo ang tatay namin at MAHAL NA MAHAL NAMIN KAYO
HAPPY FATHERS PO ULI TATAY!!
Nagmamahal,
Drake
P.S
Tay, ano po ba ang gusto nyong pasalubong??Kahit ano tatay kahit man lang sa pasalubong makabawi ako. Ingat po palagi at ingatan lagi ang kalusugan nyo.
Simple Kong Hiling Ngayong Pasko
-
Hindi ako magwi-wish ng “WORLD PEACE”, dahil kaplastikang sagot yan lalo
pa’t wala naman tayo sa beauty contest . Ayaw ko ring magwish na manalo sa
Lo...
14 years ago
18 comments:
Happy Father's Day kay tatay. ^_^
INgat din kuya Drake.
happy father's day sa erpats mo parekoy!
ano na ba nangyayari sa buhay saudi mo? miss ko na ang mga kakulitan mo sa blogosphere. :)
ingat parekoy!
u see watusi, di ka makakatiis...
happy father's day sa iyong ama...
Sucha' loving son! Happy Father's Day sau Drake este sa tatay mo pala hehehehe...
Sana yang payanig sa Pasig na yan ni Lord sana ok na...
ingats!
happy father's day sa tatay mo!
at sau rin, happy father's day (sana.. kung hindi sila nakain ng mga langgam at ipis!) hekhekhek!!
welkam bak! kung anuman pinagdadaanan mo, lilipas din yan brod... minsan kasi medyo kelangan lang tayo batukan nang slight na slight nung nasa itaas! keep the faith!
ingats!
pipadersday.
anong meron sa payanig sa pasig?
buti e nag post ka na uli kala ko isa ka na rin sa mawawalang blogger
happy father's day sa tatay mo drake!! kaw, kelan namin babatiin ng ganun?
happy fathers day sayo drake..ay este sa tatay mo pla ^_^
i just wish i could say this to my pop... buti ka pa parekoy... how i wish na meron din akong ganyang ama na sobra akong mahal... haaay.. hayan na, nagdadrama na ako. pasensya na ha? happy father's day to your pop :P
Hoy Drake, OK ka lang ba? Ano nangyayari na sa 'yo? Happy Father's Day! Alagaan mong mabuti ang mga anak mo sa 'yo sila umaasa. LOLOLOL!
@Darklady
Salamat at sa iyog tatay din pakibati ako!
@No benta
wala pre, okay na! Hahahah! Batang promil ata ito, pero okay na yun!Happy Father's day nga pala sa iyo !ingat
@B2
repost lang kaya ito! Pero happy father's day din sa iyon tatay
@Jag
Maraming salamt! At FYI hindi komo sayang ang lahi ko ay hindi ako magpapakarami, medyo sa tamang panahon na yun! Magpapaksarap muna akong sa pagkabinata(ng ama) Hahaha!
@Incident Mind
Happy Father's din sa iyo pre, salamat sa mga sinabi mo, hanggang ngayon dinidigest ko pa rin ang mga sinabi mo at nagulat ako na s aiyo ito nanggaling!hahah! Ingat parekoy!Maraming salamat
@Pabs
Syempre naman hindi ko pa rin makakalimutan ang pagboblog! Nasa dugo ko na ito at tapat ako sa ating pangako na magboblog hangga't may bayag!hahah (para rhyme)
Ingat
@Gillboard
mauna ka muna Gill tapos susunod ako!hahahha! Isama mo pa si Gasdude (ay naku baka pala matagalan ako, sige na nga next year na nga!hahahha Joke lang)
ingat
@Kikilabotz
Salamat at happy father's day sa iyo! Nga pala naibili mo na ba ng gatas yung anak mo! wag kang puro gala!LOLS!ingat
@Nightcrawler
Bakit parekoy?ano ba ang kwento?Sabihin mo naman sa akin oh1 Pero sige na nga sa pag-uwi ko na lang! Inuman na lang tayo ng pamorningan!ingat
@Gasdude
Ok na ako Gasdude! Medyo nagpapakyut lang sa akin si Papa Jesas! FYI, tulad ng sinabi ko hindi komo sayang ang lahi ko ay magpupunla na ako ng binhi!May tamang panahon para dyan!hahaha!ingat
Happy "Tatay" Day sa iyong ama, God bless you and your family.
happy father's day sa yung ama!take care dyan bro!
Nagrepost ka na naman! OK lang hindi ko pa naman ito nabasa dati hahaha. I'm sure disappointed ang Tatay mo sayo dahil ubod ng itim ng budhi mo! Bwahahaha joke!
Happy Father's Day kay Tatay!
**payanig sa Pasig--sana nga. Kasi tandaan mong may 7 points ka na.
awwww happy fathers day sa tatay mo...God bless!and take care!muwah!
Post a Comment