QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, June 26, 2010

MUKHA MO!!!!!



Alam nyo naman kung kung ano-anong panlalait ang nakuha ko sa mga kaklase ko noon nong hayskul pa ako! Bukod sa sinasabihan akong “TULOK” , “TUTURYOK” at “BUTETENG LAOT” madalas din akong ali-alipustahin ng mga kaklase ko noong hayskul.


Aaminin ko, medyo hindi pa rin ako nakakarecover sa mga panlalait nila. At hanggang ngayon naalala ko pa rin ang mga panunukso nila sa akin. Kaya nga hindi ko sila ma-iadd add sa friendster o facebook ko at hindi rin ako ganun ka-excited na sumama sa mga REUNION. Ayaw ko na kasing maalala pa ang masasakit na pangyayaring yan.


Walang nagkaka-crush sa aking “gerls” noon, dahil bukod sa mukha daw akong mabaho at masyado daw akong ma-epal. Lahat ng crush ko noon hindi ko madiskartehan dahil “choosy” sila at lagi rin akong sinasabihang “Alam mo Drake mukhang kang TADPOLE na nagkatawang tao, hahahaha”. (see sarap tadyakan sa gums)


Lalo akong nakaramdam ng pagkahabag sa sarili ko noon,ng pumasok ang isang transferee sa aming klase. Galing sya sa isang “Private school” at lumipat sa Public school (siguro naghihirap na sila) at napunta sa klase namin. Kutis mayaman, mukhang mayaman at halatang peyborit sya ni Papa Jesas dahil lahat ng pwedeng ibigay sa tao binigay nya sa kanya. Samantalang ang binigay sa akin ay mga napaglumaan na lang ng iba. (damit???). Naging INSTANT CRUSH NG BAYAN ang loko, at ako naman nagmistulang INSTANT PANCIT CANTON kapag katabi nya.


Ang mga babae halatang halata pag may gusto sila sa isang lalaki. Dahil bukod sa masyado silang nagpapakyut, namumula din ang mga mukha na parang puwet ng batang may rashes. Halatang halata din ang kilig nila dahil kapag dumadaan ang bwisit na transferee na yun dahil hindi matanggal ang mga ngite nila sabay beautiful eyes. Samantalang pag ako ang dumaan sa harap nila sisigaw pa sila ng “SHOOOOOO! Alis ka nga dyan!!!” (potah ano ako ASO??).


Ayaw ko na ring manligaw noon, dahil yung crush kong nilagawan ko ng isang taon noon ay sinabihan akong YUCKKKKYYYY (tae ako ha???) at nung nilagawan sya nung TRANSFEREE tatlong araw lang sinagot na nya agad! (kakaskasin ko kaya ng papel de leha ang mga mukha nila!)


Kapag botohan ng mga opisyales sa klase, sya kahit ayaw nya lagi syang binoboto sa “ESCORT” samantala ako kahit gusto ko, eh laging P.R.O lang ako binuboto ng mga hinayupak kong kaklase. Kaya kahit kalian hindi man lang ako na-escort nung hayskul (kahit nung elementary naman eh).


Kaya naman aaminin ko wala akong gaanong kaibigan noong hayskul ako (naks emeemo na!). Dahil bukod sa lagi nila akong inaapi, pinamumukha pa nila sa akin kung ano ang kaibihan ng PANGET sa GWAPO. (okay payn! Aminado na ako dun)


Pero ika nga hindi lahat ng oras ay nasa itaas ka, baket? Well, ganito yun.... umuwi ako last December,2009 at napagdesisyunan nila na magkaroon ng HIGHSCHOOL REUNION. Dahil sa pinilit ako ng kabarkada ko, wala akong nagawa kundi sumama. (naks artesta si dudong?!?Papilit!!)


At doon ko nakita ang mga kaklase kong mahilig manlait noon sa akin pati na rin ang kaklase kong CRUSH NG BAYAN noon. At ang masasabi ko lang ay.......... BUTI NGA SA INYO!!! (Sama eh! Biro lang)


Wala talagang permanante sa mundo! Dahil pati ang kagwapuhan at kagandahan ng isang tao ay nagbabago. At kahit gaano pa nating hangarin na mapanatili ang kagandahan at kagwapuhan natin isang araw kukulubot at mawawala din ito.


Yun lamang po! Salamat sa time nyong lahat.

30 comments:

NoBenta said...

parekoy, long time noisy! ganun naman daw talaga, may mga pinanganak na ang kuwento ng buhay ay hango sa fable na ang pamagat ay "the ugly duckling".

wala naman sa mukha yan, nasa talino at performance. siguro naman meron ka nun? \m/

Ayie said...

So anong ibig sabihin nito? Panget na sila at ikaw, pogi ka na?

Yan ang hirap sa'yo P. Madali kang maniwala.

Papaputol ko na lang mga daliri ko sa kamay pero never kong sasabihing kamukha ka ni Aljur--never!

(Si Piolo ka! Si Piolo!*echos*)

poldinggeding said...

Ganyang ganyan ang nangyari sakin nung HS ako. Dagdagan pa natin ng pagiging torpe pagdating sa panliligaw.. naku po.. swanget na nga torpe pa diba??

First time pong nagcomment pero matagal nang reader..

salamat sa pagpapasaya ng araw sir drake..

ingat!

Jag said...

Pre ilng taon k lng ba nyang nasa pic n yan? joke hahaha...

So ikaw n ngayon ang pogi ganun b un? ha? wahahaha...e d ikaw na! lol.

pro ako man parekoy late bloomer din...mabuti n ang gnun kesa nagdedegrade...lol...

ingat dudung!

Bitoy said...

talagang life is unfair... bat ako magmula bata hanggang ngayon pogi pa din? LOLs!

pero ganun talaga'ng buhay, majority ng mga tao eh hinuhusgahan ang kapwa sa mga bagay/anyo na nakikita lng.

r.o.a.n.n.e said...

Panget din ako nung bata :( payatot at ulikba :( pero dahil sa kissa papaya, pumusyaw na ako kahit konte haha... Oo wala yan sa pang labas na kaanyuan, nasa pakikitungo yan sa tao... At kung paano mo naibahagi ang kabutihan at aral sa ibang tao...

B1 ilang taon ka sa pictyur mo? Lol! Lokolokola-ang! :)

darklady said...

Hindi ka naman galit nyan? Title pa lang parang gAlit na sa mundo. At ano ang nangyari sa reunion? Nilait ka pa din ba? sugurin na natin!! ^_^

Ganyan talaga ang life pero hindi naman forever na malalait tayo. Sabi nga sa palabas " Babangon ako't dudurugin kita"- pagbabanta sa mga nang api. ^_^

DRAKE said...

@No benta

I'm back parekoy! Nagpamiss lang talaga ako!Hehehe! Tama ka ang buhay ko ay parang kwentong UGLY DUCKLING, hindi dahil guwapo na ako ngayon, kundi mukha pa rin akong BIBE (nagpapatawa??)

Miss mo na talaga ako pare no!Nice

@Ayie

Ano ba anj, baka may makarinig naman ng sinasabi mo, nakahiyaaaaa!

Ano namiss mo rin ako ano?aminin mo na namiss mo talaga ako?

@Poldinggeding

Salamat sa pagdalaw sa aking blog check ko yung blog mo mamaya at iadd din kita sa blog roll ko!Sana bumalik balik ka pa!ingat

DRAKE said...

@Jag

Hindi ako yan okay! Hindeee ako!!!

Late bloomer din ako tulad mo, ibig sabihin late na nung lumandi!hahahha! Pero yung mga kaklase kong mahilig magpakyut noon, hayun puro mga losyang na ang mga dating nila!Ganun!

Miss mo rin ba ako Jag?Naks

@Bitoy

Ang tanda tanda mo na NAGSISINUNGALINg ka pa! wag ganun! hahah joke lang!

Tama ka sa pangalawang paragraph mo, minsan talaga minsan talaga may mga taong kung mapanglait kala mo naman kagandahan o kagwapuhan!hahahah Ingat

@B2

So panget ka dati so ngayon maganda ka na! Ikaw na talaga MULAN! Nag-iisa ka talaga!hahahha!

tungkol sa picture, hindi ako yan!HINDEEEE AKOOOOOOO!!!hahahha Ingat b2

@Darklady

Namiss mo ba ako?hhahah aMEGANUN

Oo nga sabi ko nga masyado silang mga perpekto kung mapanglait!hehhehe!

At katulad ng title mo, dinudurog ko na sila ngayon!hahaha!ingat darklady namiss kita!hehhee

I am Xprosaic said...

Yaan mo na tutal PRO ka naman... hehehehehehehe

NoBenta said...

hindi ba obvious na namiss ko na ang ingay ng bahay mo? lagi akong dumadaan with the hope na sana ay may bago ng entry (with matching crossed fingers)! naks, pa-shawarma ka naman jan! \m/

LHEY said...

Ay di rin ako kagandahan nung hayskula ko,kaya ngayon pag nakikita nila ako sa FB laglag panga nila LOL!!!!

Taas noo ka lang lagi, and daanin na lang sa self confidence yan hehe!!! :)

darklady said...

Hindi kita namiss kasi nagpapamiss ka!! hehehehe

Tagal mo nawala kuya drake!! Kaya sige na nga miss na din kita! ^_^
Aabsent ka ba ulit dito?

Bitoy said...

@drake: talagang ini-specify mo na 2nd paragraph lng yung tama.. bwahahaha!

glentot said...

So ang gusto mong palabasin eh dati kang ugly duckling at ikaw na ang artistahin ngayon???

Hoy may itatanong ako sayong chismis baka kasi narinig mo na....

Fuck you! Ingatz

Ayie said...

Si Glentot, nag rarounds talaga? hahahah!

Oist, oo na. Namiss na kita. Wala akong makausap na mas pogi kay Kuya Chingoy.

At ikaw lang ang may dalang angkin. Nyahahah!

DRAKE said...

@Xprosiac

Eh gusto ko ngang maging escort eh, ayaw ko ng PRO!!!!!Galet??hahaha Ingat

@No Benta

Nakow parekoy basta pumunta ka sa Riyadh, hindi lang shawarma ang ipapakain ko sa iyo, broasted, kabsa at kebab pa , basta ikaw nanginginig nginig pa!

@Lhey

How are yah ms lhey! Salamat sa pagdalawa sa aking munting kwarto hayaan mo daa din ako sa blog mo check ko rin yun!

Maramingn salamat, ingat parati

DRAKE said...

@Darklady

Hindi na, may inasikaso lang talaga ako kaya medyo nag-hiatus mode muna lang ako! Pero okay na hayaan mo update lagi ako!

Ingat parati at maraming salamat

@Bitoy

Tama!! Ganun talaga pre dahil yun lang ang katotohanan!hahahha!Joke lang! ingat

@Glentot

Ano na namang chismis na yan ha! Napakachismoso mo talagang palaka ka!

Hoy asan na yung header ko?? wala ubod ko ng hina sa iyo dwende!!!Ingat

@Ayie

Ano na naman yun anj? (naks!) wag mo ngang pinagmamagaling sa mundo ang kakyutan ko! Nahihya talaga ako!hahahahha Arte!
Ingat

kathaniakap said...

pakocomment din (1st time!)...

naibida na kaya ni mommy ayie sa akin na gwapo ka. hahahaha!

nakakatuwa po mga posts niyo. matagal na din akong tagabasa. :)

Kosa said...

ok fine!
ikaw na ngayon ang kutis mayaman!
ikaw na ngayon ang yummy!
ikaw na ngayon ang artistahin!

hahaha.. taena. ako naiinis na rin!
simula pa nuong unang panahon, Pogi na ko... hanggang ngayong pogi pa rin! kmusta naman yun? hehe

salbehe said...

Hindi ako umatend ng high school reunion dahil yung mga ka-close ko noong HS ay lagi ko naman din nakikita. Kaya yun, namiss nila ako. Kapal muks. Hahahaha.

Everlito (ever) Villacruz said...

yun oh! naiiba talaga ang itsura pag abroad..he he he.:)

glentot said...

tanga ka! May nagawa na akong header ieemail ko sayo kung gusto mo nun

wala nga alng utak utak pero kulay black at may malaking buwan.

Noel said...

May sama ka pala ng loob kung ganoon hehe! Well, di mo na kailangan pang mainis or magalit sa kanila, gaya ng sabi mo ang kagwapuhan o kagandahan ay nagbabago.

Ang di ko ma-gets ay kung bakit mo sinabing buti nga! Dahil ba sa pogi ka na at pangit na sila? hehehe!

Anyways, nice to see you rolling again.

DRAKE said...

@Kath

Maraming salamt sa laging pababasa, comment ka rin ha pagkatapos mong mabasa para maacknowledge kita!naks naman!

Ingat palagi

@kosa

Apir tayo dyan sa una mong sinabi!Hahaha AKO NA NGA!hahah

Tungkol naman sa ikalawa, medyo naduling ako ng konti kapag binbasa ko yun kaya hindi kop gaanong maunawaan yung JOKE mo!hahaha

@Salbehe

Kamusta ka na? Tagal ka ng di nadadalaw sa kwarto ko, tuloy tulad ng mga kakalse mo NAMISS din kita!hehhehe

Ingat palagi!

DRAKE said...

@everlito

Oo nman tingnan mo tayong dalawa mula ng nag-abroad tayo nagmukha na tayong artista!hahhaha!

@glentot

Asan na yung pinamamalaki mo! WALA WAL WALA!! Huuuuuu ayaw mo lang talaga pinapaasa mo lang ako! I heytchu!!

@Noel

Eh ibig sabihin nun bunalik din sa kanila ang mga sinabi nula, kasi mga nagsitanda ang pagmumukha nila. Ako naman ganun pa rin naman!hehhee

Oo nga pala si Jonsmur dyan na sa Jeddah!kamustahin mo daw!

Ingat

goyo said...

ang emoness at bitterness naman ng post na to.hehe.

1st time ko dito.Ü kaway!
Tama ka lahat nagbabago. At yun lang ang permanente sa mundo. Ang pagbabago..

♥superjaid♥ said...

ampait naman ng post na to..hahaha yaan mo na sila kuya drake wala naman silang tv na kasing laki ng tv mo..hahaha

mr.nightcrawler said...

parekoy, kumusta ka na? imishu so much. haha. wawa ka anman... sige na, ikaw na ang pogi... pangit na silang lahat. wag ak na iyak ha? hehehe. peace tayo :P

DRAKE said...

@Goyo

Salamat sa pagdalaw goyo sana mas madalas ka sa pagbista sa kwarto ko maraming salamat uli

@superjaid

Tama!!! hahaha! Medyo nakabawi naman dahil sa TV!

@Nightcrawler

Namiss din kita parekoy! Pakiss nga rin!LOLS!

Ingat parekoy