QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, July 6, 2010

FATHER DRAKE



Sa maniwala kayo o sa hindi, alam nyo bang nung bata pa ako pangarap kong maging..........dyaran..... PARI !!! (Gulat kayo noh! Expected ko na yun mga bakulaw kayo! )

So, yun nga pangarap kong maging pari nong bata pa ako. Madalas kasi akong maglaro ng PARI-PARIAN noon. Madalas kong kunin yung center table namin para gawing altar at ang aking ostya ay yung tigpipisong biskwit na MARIE.

Kabisado ko ang sinasabi ng PARI sa misa, pati kanta alam ko rin. Tapos napakabaet ko pa noong bata pa ako! Sobra talagang pari na pari ang dating ko noon. Punong puno ng kainosentehan sa katawan at hindi mo makikitaan ng kamanyakan. Pure na pure ang aking budhi, NOON. (o hayan uulitin ko na mga TAE kayo, NOON yun)
Marami talaga ang nag-aakala na magpapari ako, at pati ang mga magulang ko sobra ring nagekspek na magiging pari ako. Pero nung medyo lumaki laki na ako medyo biglang nangamba ang mga magulang ko sa akin. Dahil ang inaakala nilang magiging pari noon ay mukhang magiging BATANG CITY JAIL ngayon!LOLS

Medyo sa sobrang bait kong kapatid madalas nila akong tawaging “DEMONYO”. Yun ang paglalambing nila sa akin. At dahil malambing din ako sa kanila, binabangasan ko ang mga nostrils nila! At sa sobrang bait ko din, naputol ang dos por dos ng nanay sa paghambalos sa akin. Hindi ako umiiyak, sinasabi ko lang sa nanay ko “EH DI NAMAN MASAKIT!! DI NAMAN MASAKIT” kahit halos magkulay violet na yung hita ko sa pasa.

Madalas akong ipasok ng mga nanay sa mga RETREATS para daw bumait ako (akala nila ata REHAB yun). Pero impernes naman bumabait naman ako ng mga tatlong araw pero pagkalipas noon balik uli ako sa pagiging isang napakabait na kapatid at anak. Kaya ang isa pa sa palayaw ko noon ay LUCIFER.

Una kong pinuntirya ang DIARY ng ate ko. Ginawa ko syang pocketbook, at tawa ako ng tawa sa mga kapuwitang laman ng Diary ng Ate. Noong makita ako ng ate na binabasa ko ang diary nya habang kumakain ng mane, hayun sinabutan ako at ginawa akong jackstone ang ulo ko.
.
Pangalawa ko naming pinuntirya ang alkansya ng kapatid ko. Magaling kaya akong manungkit, at NO SWEAT within 3 minutes, meron na akong pera. Pagkasungkit ko ng pera diretso na ako sa pagbili ng komiks. Medyo paborito ko kasi ang Funny Komiks noon, at ayaw kong mapalampas sila COMBATRON, NEKNOK at si Tomas en Kulas.

Subalit sa hindi inaasahang pangyayari nahuli ako ng nanay dahil ngumawa ng ngumawa ang bwisit kong kapatid. Nang makita ako ng nanay na hawak ko ang alakansya ng kapatid ko at isang tinidor. Hayun hinambalos na naman ako.( Syet na tinidor yan pinahamak pa ako!!)
.
Kaya nawalan na ng pag-asa ang mga magulang ko na magkaka-anak sila ng pari. At lalong hinimitay ang nanay ng binuksan nya ang cabinet ko at sumalubong sa kanya ay litrato ng babaeng nakabukaka na kitang kita ang kanya bibingka. Halos panawan ng ulirat din ang nanay ng makita nyang parang may tyangge ng PORN MOVIES ang cabinet ko. (Nay!okay na yun kesa naman magdrugs ako!LOLS)

Kaya halos araw araw, panay sermon ang inaabot ko sa tatay. Kaya alam kong hindi na talaga sila umaasa na magiging pari ako, lalo pat alam nila na ang weakness ko ay mga .....MAGAGANDA!!

Pero ngayon naman, kahit na sabihin kong naging masama ako noon eh bumabawi naman ako ngayon. Syempre good boy na ata ako. Hindi man akong naging pari na pinapangarap nila noon, kahit paano masasabi ko namang naging mabuti anak at kapatid ako ngayon (naks naman may ganun mga sinasabi)

Alam ko namang hindi lang naman sa pagpapari mapapatunay kong isa akong MABUTING TAO! (putcha bat parang walang naniniwala??)

Pero malay mo naman talagang maisipan kong pumasok sa seminaryo...........hahahaha! Langya, mukhang Malabo talagang mangyari yun, hindi ko kayang isipin!LOLS
.
Yun lang mga kautak! Gusto ko lang talagang mag-update

Ingat






P.S

Maraming salamat nga pala kay GLENTOT UTOT, dahil sya ang gumawa ng napakaganda kong HEADER. MARAMING MARAMING SALAMAT SA IYO at pangako babawi din ako sa iyo sa paguwi ko sa Pinas. Pagpapatunay lang din yan na hindi hadlang ang kapansanan sa pag-iisip para maging “creative”LOLS. Joke lang pre! Maraming salamat uli DWENDE!!

32 comments:

NoBenta said...

napakaganda ng bago mong header / banner, father drake. ang galing talaga ni master glentot!

hindi ka ba naging sakristanas dati noong kabataan mo?

parekoy, ganda ng kuwento, parang dokyu lang ng prodigal son. hehehe. peace tayo. salamat at nabuhay kang muli! rakenrol. \m/

darklady said...

At kung ikaw ay naging isang pare wala ka dyan at malamang sa alamang hindi mo rin ito sinusulat. Isa pa hindi bagay ang Father Drake.hehehe

Ako din napagkakamalan na madre at todo tanggi ako dun kasi ayoko talaga mag madre. Di rin bagay.lol


Ingat!

darklady said...

At isa pa....

Ganda ng header.. "black! " alavet!! ^_^

Anonymous said...

Ayun may update na ule...

"Pagpapatunay lang din yan na hindi hadlang ang kapansanan sa pag-iisip para maging “creative”". haha tawa ako ng tawa dito, pero sa totoo ang lufet! ayos!

Tunay ngang napakabusilak ng iyong puso bossing, Buntot at sungay nalang ang kulang... jOke.

Nagpasaya ka nanaman bossing! shokran!

Bitoy said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

Ayun may update na ule...

"Pagpapatunay lang din yan na hindi hadlang ang kapansanan sa pag-iisip para maging “creative”". haha tawa ako ng tawa dito, pero sa totoo ang lufet! ayos!

Tunay ngang napakabusilak ng iyong puso bossing, Buntot at sungay nalang ang kulang... jOke.

Nagpasaya ka nanaman bossing! shokran!

glentot said...

Putah ka bwisit nagpasalamat sabay lait.

At kung maging pari ka man sana ang ng expertise mo ey EXORCISM kasi sanay na sanay k sa kademonyohan!

Noel Ablon said...

Father Drake - pwede ka pa ring maging father... father ng maraming panganay hehehe! Talaga lang ah!

Siguro kung nakita mo yung isang sister sa Retreat na napuntahan ko noon ay baka magpari ka nga ng tuluyan. Ang ganda-ganda kasi nung Sister na yun, kaya every wednesday noon ay inaabangan namin ang pagbabalik niya sa school para magbigay ng spiritual advices hehe!

Marami naman yata ang nagdaan sa stage ng pangungupit at maging ako ay naging ganun din noon. Pero ang mahalaga, we learned our lessons at di tayo nagpatuloy sa ganoong gawain.

Sige, pakabait ka pa Father Drake.

Jag said...

ipagdadasal kong mgiging pari ka...at take note, lahat ng dasal ko ay hindi pa pumalya kasi mabait daw ako bwahaha...lagot ka!!!

nice ang banner mo...artistic pla itong si glentot...ang banner ay interpretasyon niya sau...sa makatuwid ikaw ung langaw doon haha joke! drakula k nga pla hehehe...

NoBenta said...
This comment has been removed by the author.
Life Moto said...

Sabi nga many are call but few are chosen. nasa iba ang calling natn bro.

2ngaw said...

Father Lucifer, musta? lolzz

Tutuo ngang umiikot ang mundo, kung dati mabait ka, bigla-bigla magbabago ka at magiging masama, at ngayon nga ay mabait ka na uli :D

Unknown said...

so sa iyong aparador ay may larawan pa rin ng mga bibingka?

Dhang said...

ayos sa kwento, nakarelate ako. hahaha! kasi 'yung isang kapatid ko tinatawag din naming "demonyo". sobrang pasaway kasi. hehe.

sana laging may update. :D

PABLONG PABLING said...

mabuti na lang hindi ka naging pari, kung hindi dadami lalo silang mga ganung pari...yun bang mala padre damaso

gillboard said...

ang haba... anyway, ako noong bata, akala ng mga tao magpapari. dahil ang bait ko daw. di lang nila alam noon pa lang ang haba a ng sungay ko. hehehe

salbehe said...

Parang nakwento mo na dati na gusto mong maging pari. Di ba ikaw yung may isa pang blog na parang gusto kong silaban? Lol.

Gusto ko din maging madre dahil punong puno ng kainosentehan ang katawang lupa ko. Seryoso. NOON.

Ayie Marcos said...

Maraming magkakasala pag naging pari ka. (Ikaw na nga si P).

Ska hindi nga magkakatotoo yun. Alam mo na kung bakit...=)

kikilabotz said...

haha kung si salbe ang madre at si parng drake ang pari..ang pugel..haha.. santo na lahat ng mga tao..hahaha

pero nanniniwala nmn ako na hnd lang pagpapari makakgawa ng mabuti ang isang tao.. two thmbs up

DRAKE said...

@No benta

See ganda ng header ko! Courtesy of Dwende yan, ganyan sya ka generous at kabait. Hindi mo lang talaga mahahalata sa kanya!

Nagsakristan din ako, choir at bible reader!hahaha!Kaya kita mo naman ang produkto, isang NAPAKABAIT NA TAO!LOLS

Ingat

@darklady

Pwede pa rin naman akong maging Father eh! Lam mo na, magpaparami na lang ng lahi!hahaha

Talaga napagkamalan kang madre!Nice heheh!ingat

@poldo

Parekoy baka naman ikaw si Donato ng Dubai?ikaw ba yun?hehehe

Medyo ang baet baet ko nga eh! Busilak na busilak at maoputing maputi ang aking puso!hahaha!ingat

DRAKE said...

@Glentot

Hayaan mo kung maging pari ako, yung demonyo sa katawan mo ang una kong palalayasin!hahahah! Oy sorry natural pala yun!LOLS

Ingat

@Noel

Hindi pa naman huli ang lahat pwede mo pa rin naman akong pakilala sa kapatid mo KUYA NOEL!Hahaha

Hindi pa rin naman ako ganun kabait,medyo kahit paano ay napipigilan ko pa ang paglabas ng sungat at buntot ko!Hehehhee

Hoy Noel nagkita na ba kayo ni Jonsmur dyan sa Jeddah?

ingat

@Jag

Ganun so malakas ka pala kay papa jesas, siguro sinusuhulan mo ng sushi si papa jesas no!magsabi ka ng totoo! Naks!

Sira talagang artistic lang talaga si Glentot at mahilig sya sa mga dark themes! Pero ganda no halatang pinag-isipan ng 2 minutes heheh!joke lang glentot! ingat

DRAKE said...

@Life Moto

Oo nga iba ang callin sa akin ni Papa Jesas, nag-miss call lang sya nung isang araw!heheheIngat

@Lord Cm

Buti naman at napapansin mo ang kabaitan ko! Nagblush naman ako dun Lord CM!hehehe

Nga pala magbubukas na naman pala ang PEBA, iniisip ko rin kung sasali din ako eh! Sige check ko muna ang theme!hehhe!Ingat

@Ollie

Ala na sinunog na ng nanay ko, at pagkatapos nun binasbasan na ng hioly water ang aparador ko!hahahah!iNgat

DRAKE said...

@Kath

Hayaan mo pipilitin kong laging mag-update nagiging busy lang kakapetiks eh!hahah!Ingat

@Pablong Pabling

Oo nga buti talaga hindi nagtuloy kundi sayang naman ang kakyutan ko kung hidni ko rin magagamit!hahaha!Ingat

@Gillboard

Mahaba pa ba yan?medyo ikling ikli na nga ako dyan eh!hehehe!

Oo nga Gill mukha ka ngang pare, mukhang kay bait bait mo! (Joke!LOLS)ingat

DRAKE said...

@Salabhe

Tama ako nga yun! hahahah! Ang galing kung magiging madre ka at magiging pari ako! wala na sira na ang simbahang katolika!hahaha!

Ingat salabahe, namiss kita ah!Naks meganun!

@Ayie

I heytchu wag mong ipagkalat ano ka ba!nakakahiya (blush)!hahaha! Damang dama!hahaha!

Bentang benta talaga ako sa iyo Anj!hehehe!Ingat

@Kikilabotz

Sinabi mo pa, kung kami ng salbahe ang maggiging taong-simbahan wala na gunaw na ang mundo! Tapos ikaw pa ang Santo Papa (ang santo ng mga Papa, haha)! Sabog na ang buong universe!hahah!ingat

Superjaid said...

"Pagpapatunay lang din yan na hindi hadlang ang kapansanan sa pag-iisip para maging “creative”LOLS." ---hahaha ang kulet!pero ang ganda ng bago mong header inferness..^_^

father drake?di bagay..hahaha

Renz said...

haha may pagasa pa father drake :] hehe :] napatawa mo po ako sa post mong ito. super funny

Bitoy said...

eto ang best example ng oxymoron:

Rev. Father Drake Kula

LOLs...

Kosa said...

hahaha. di nga?

di ba dapat eh masama tapos eh bumabait? dapat bumalik ang dating mabait na Drake dahil baka magunao na ang mundo. hehe
ganyan talaga ang buhay, maraming nadadala sa maling akala...

at isa pa, hindi bagay ang Fr. Drake.. haha. Peace.

at ang header? ayus naman(medyo pilit)! hehe **Peace Glentot**..lols

krn said...

astig ng bagong header. ganda. anyways, naniniwala naman akong mabuting tao ka kuya drake. medyo pilyo nga lang. hehe... god bless.

Null said...

psst kung naging pari ka siguro, wala ng magsisimba LOL!!!

nu ka ba? kung naging pari ka wala ng B1 at B2!

Yun yun ehhhh! nagfeeling ka nanaman?! haha

Bitoy said...

si manong drake talaga, ako si donato ng dubai...

Anonymous said...

adik ka Father drake!....at if ever naging totoong pari ka malamang lahat ng nakinig sau ei nasa city jail lahat... =)))..joke lang!

sken kahit ang sumagi sa isip ko ang salitang magmadre ako hindi ko nagawa kac parang feeling ko matutunaw ako..madre ng mga anak pwede pa...hahaha