QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, July 12, 2010

KAPAG YUMAMAN AKO

BEPOR ANETING ELS (tagal mong binasa yan noh?) nakalimutan ko kayong iupdate na wala na pala kaming “IPIS” sa bahay namin. Epektib pala ang “BORIC ACID” bilang manakot sa ipis, kaya ngayon nagtutuloy tuloy na ang lampungan namin ni Cristine Reyes sa aking panaginip. (Para balikan ang entry na ito, pwede mong pindutin ang word na ito: SYET ANG POGI NI DRAKE!!)


Okay moving on......




Madalas akong managinip ng gising, iniisip ko ano kaya ang gagawin ko sa pera kung sakaling ako ang pinakamayamang tao sa mundo. yung tipong mga hampaslupa at patay-gutom ang mga milyonaryo sa mundo (like duhr?). Ano kaya ang mga bibilhin ko? Syempre ginagastos ko na yung pera ko sa aking utak, at ito ang ilan sa gagawin ko sa pera.


1. Maglalakbay ako sa ibat ibang panig ng mundo ( kung medyo sawa na ako sa dito sa Earth susubukan kong magpatayo ng SPA sa planetang Neptune)

2. Bibili ako ng malaking bahay (Gagawin kong hobby ang pagbili ng bahay at lupa). Yung diyamante ko gagawing ko lang pangalso ng kotse at yung ginto gagawin ko lang paper weight.

3. Bibili ako ng maraming sasakyan ( yun tipong parang nagpapalit ka lang ng brief, uhmmm konti lang pala ang brief ko, sige bibili rin ako ng pabrika ng brief para sa akin )

4. Gagawin kong katulong si Bill Gates tapos ang yaya ko naman si Oprah. Si Bradd Pitt hardinero ko lang yun tapos si Megan Fox eh gagawin ko syang tagalagay ng bimpo sa likod ko kapag pinagpapawisan. Driver ko naman si Zobel de Ayala at tagakamot ko ng itlog si Lucio Tan.

5. Bibilhin ko ang GMA 7 at ABS-CBN para kung anong palabas lang ang gusto kong panoorin ay iyon lang ang ipapalabas nila (bawal sa akin ang koreanovela,chinovela, at kung ano ano pang vela-vela). Si Attorney Gozon ang tagaluto ko ng pop corn, tapos si Gabby Lopez naman ang tagabukas ko ng coke.

6. Kukuha ako ng taong mangungulangot sa akin,para hindi na mahirapan ang hinlalaki ko. Meron din akong tagalinis ng tutuli, at taga-alis ng muta ko sa umaga. Tagalagay ng alcohol sa kamay at katawan ko, kada segundo. At ang gagawa nito ay si Kris Aquino dahil sya ang aking P.A

7. Gagawin kong Orphanage ang Malacanang para sa street children, tapos bibilhin ko ang mga subdivision ng Ayala Land o ni Manny Villar at ito ang ipapamudmod ko sa mga mahihirap. Magpapatayo rin ako ng simbahan na may apat na palapag para maiba naman tapos si Pope ang magmimisa dito kada Miyerkules. (kailangan daw kasing magkawang-gawa)

8. Magpapatayo ako ng isang mall sa aking bakuran, at dito ako mamimili. Ayaw ko kasing ng makipagsiksikan pa sa maraming tao kaya magpapatayo ako ng sariling mall (ayaw ko ng mabaho at ayaw ko ng masikip). At gagawin kong salesman si Henry Sy (sa tindahan ng sapatos ko sya ilalagay)

9. Dahil wala akong magawa sa pera ko katulad ni Michael Jackson (sumalangit nawa ang kaluluwa nya) , eh gusto ko rin magpagwapo. Kaya magpapalaser ako…….magpapalaser sword ako ng ulo then papalitan ito ng ibat-ibang ulo. Yung parang detachable ang ulo tapos ang ipapalit ko sa ulo ko ay ulo ng mga artista, para sikat din ako. Araw araw iba iba ang ulo para masaya.

10. Syempre sa dami ng pinagkakagastusan ko baka maubos ang kayamanan ko. Kaya para ma-maintain ko ang pagiging mayaman, tataya ako sa lotto. Lahat ng kombinasyon tatayaan ko at araw araw akong tataya. Bibilhin ko rin ang lahat ng Casino tapos syempre dahil ako ang may-ari lagi kong papanaluhin ang sarili ko. Kung hindi ko makuha sa ganyan, bibili ako ng imprentahan ng pera. Kaya pwede akong mag-imprenta ng limpak limpak na salapi.

Yan ay ilan lamang sa gagawin ko sa aking kayamanan, medyo nakakapagod din palang gastusin ang pera kahit iniisip mo lang ito. Pero sa huli maiisip mo mahirap din pala ang maraming pera yun nga lang mas lalong mahirap kung wala kang pera.


Salamat sa pagbasa ng walang kwenta kong entry gusto ko lang ulit mag-update.


32 comments:

Lord CM said...

Parekoy, wag mo akong kalimutan ah. kahit Manager na lang ako sa mall na papatayo mo, gusto ko sa akin magrereport si Hennry Sy :D

poldinggeding said...

Ako nalang gawin mong tagapamahala ng spa dun sa planetang neptune. basta sila anne curtis, angel locsin, christine reyes at ehra madrigal ang magiging crew dun sa spa na yun hihihi

at last nagkaupdate ka rin bossing!

kikilabotz said...

palimos po kuya.. kapag ako yumaman gagawin kitang kanang kamay ko..para yumaman k din at matupad mo mga pangarap mo

Jag said...

OMG!

Ginawa mo ng alipin ang buong angkan namin. Ahetchu! Galit ka ba sa amin? LOL...

Oliver said...

Mabuti naman at nagtagumpay ka sa iyong "waar with the ipis".
Bakit ata wala kang tigapatay ng ipis sa list ng to-do's mo pag yumaman ka, ahaha

NoBenta said...

wow, masubukan nga ang formula mo laban sa mga ipis.

kapag yumaman ako, gugustuhin ko pang yumaman pa para wala nang mas yayaman pa sa akin. (kaya hindi ako pinapayaman ni Bro dahil sa mga ganitong binabalak ko! selfish!)

parekoy, salamat nga pala sa poging-pogi mong pic greeting para sa aking beerdey!! \m/

kathaniakap said...

Ang astig ng entry na 'to.. :) Para lang akong nangangarap din ng gising! :D Aylabet!

Tuwang-tuwa ako sa diyamanteng pangkalso sa kotse saka paper weight na ginto. Sa sobrang tuwa ko, nakwento ko pa sa boss ko. Ayun, nahalata tuloy na pabasa-basa lang ako ng blog habang siya busyng-busy. Haha!

PABLONG PABLING said...

libre ang mangarap. . .

bakit kase di na lang mag print ng maraming pera tas ipamigay

darklady said...

aha!! ikaw pala kuya drake ang pumatay kay dalisay!! isa sa bida sa kwento ni kikilabotz.hehehe..

pano naman kami? wala ba kami porsyento sa kayamanan mo? ^_^

WAIT said...

haha panalo ang panghuli hehe : D

DRAKE said...

@Lord CM
Walang problema kahit gawin mo pang tagatimpla ng kape si Henry Sy at pag umangal sabihin mo sa akin, idedemote ko sya!

ingat parekoy

@Poldinggeding

Ay hindi pwede sila, dahil sila ang aking tagalinis ng aking pool, at dahil sa pool sila nagtatrabaho obligado silang naka two piece. Ngayon kung gusto mo talagang tagapamahala ng SPA, si pokwang na ang naatasan kong makakasama mo. Saka si Chocoleit nga pala!

Ingat

@Kikilabotz

Ganun? Sampalan na lang ng PERA oh! whahahah!

Ingat

DRAKE said...

@Jag

So angkan mo pala ang aking mga katulong at alipin? Sige hayaan mo bibigyan kita ng magandang posisyon sa bahay ko. Ikaw ang mag-aalaga sa mga aso ko.!Whahaha

@Oliver

Pwedeng ikaw na lang ang tagapatay ko ng IPIS bro, hayaan mo malaki ang sweldo mo sa akin. Isang ipis sampung libo ang katapat.Hehehe! add kita parekoy sa aking blogroll ha!ingat

@No Benta

walang problema parekoy basta ikaw nanginginig pa.Sana nagustuhan mo ang bigay kong pic greetings!Ingat

DRAKE said...

@Kath

Hahha lagot ka sa boss mo! Hahhaha !petiks ka kasi nakuha mo pang magbasa ng blog!

Medyo sarap mangarap ng gising no!hehhee
Ingat

@Pablong Pabling

Hayaan mo bibili ako ng pabrika ng pera at hayaan mo sa iyo ko ibibigay ang mga reject!hahaha!

Ingat parekoy!

@Darklady

Sino si Dalisay? Di ko kasi nasubaybayan yun eh! Hayaan mo check ko yun. Ano ba ang deskripsyon ni Kiklabotz dun sana maganda!whhahaa

ingat

@Wait

Syempre naman para di maubos ang pera ko!LOLS! salamat sa pagbalik bro!

glentot said...

Para kang pulitiko kung mangako ahahaha.

Ako pag mayaman na ako bibili ako ng baril kaya bumili ka na ng bullet-proof vest.

karen anne said...

natawa naman ako sa detachable ulo, parang manika lang na tinatanggalan ko ng ulo noong bata pa ako. LOL

Klet Makulet said...

Ayows! makakabili ka na din ng madaming borax para pangtaboy sa ipis hehehehe...

Pag yumaman ka, kahit isang daang milyong dolyar lang ang balato mo sakin, masaya na ako dun heheheheh (milyong dolyar kasi inisip ko sisiw nalang yun sa iyo kasi inaalila mo na ang mga richest men in the whole wide univeheeerrrsssss!!!)

pramis mo yan ha!

mommy ek said...

di ko po alam san ka kumukuha ng inspiration mo pero di ko talaga pinapalagpas ang mga posts mo! aliw kaseng basahin e!

keep it up!

gillboard said...

pag yumaman ako tatakbo akong pangulo...

para mas lalo pa ako yumaman!!!

joke

khantotantra said...

hahah. naaliw ako sa papalaser.... laser sword. :D

magpaulan ka ng pera sa amin :D

masang30 said...

totoo pla ang ipis ala este tsismis...

kaka aliw ka talaga drake...

pinagulong muh lungkot kuh...

lab d last part,,,,mahirap yun kung ala ka ngang pera talaga...hehehehe..

add poh nyu kuh sa blogroll ha..

ten tyu...

Ayie said...

Sige ingat ka, wag mo kaming kakalimutan ha.

Dadami uli ang ipis jan sa inyo for sure. Kagagawan mo yan kaya sila dumarami eh--tignan mo kamukha mo sila--hahahha!

(oo na Aljur na nga--mga ipis na kamukha ni Aljur)

DRAKE said...

@Glentot

anong mangako?Skip read ka naman! At halatang comment lang binasa mo! Wag ka na glentot!

Hayaan mo gagawin na lang kitang pandispley ko sa garden kasama ni Snow white!hahaha! joke lang!

@Karen anne

ganun ganun nga ang gusto ko,para masaya naman! Hahaha! Salamat pagcomment!

@Klet Makulet

Sige na nga, tutal nakakasikip lang din yan sa bahay ko eh, medyo hindi na kasi kasya sa bodega yung mga dollars ko, kaya ibibigay ko na lang sa iyo!hahaha!ingat

DRAKE said...

@mommy ek

Kamusta na long time no hear ah! Salamat naman at natuwa ka sa mga post ko! Teka add kita sa aking blogroll! Salamat uli

@Gillboard

Ganun, so kailangan mo ng maraming pera sa puhunan, para marami kang mabiling boto malas mo lang kung mag-ala Villar ang kapalaran mo!hehe Ingat!

@Khatotharanta

Ang hirap naman ispelengin ang name mo!heheh! Sige walang problema ha, magdala ka na ng payong manalok!heheh!ingat at salamat sa pagdalaw!

DRAKE said...

@Masang

Salamat sa pagdalaw, sige check ko yung blog mo rin! sana mas madalas ka rin sa pagdalaw sa kwarto ko!ingat

@Ayie

Kaazar, sabi ng wag mong masyadong ipangangalandakan! Nakakahiya! (insert blushing here)!whahaha ang landeee!
Bakit nga pala suplada ka sa YM ha?
Ingat

♥superjaid♥ said...

ako din kuya drake wag mo akong kalimutan..kahit maging general manager lang ng casino mo..or manager sa spa mo sa neptune..hahaha

MR. PANGUY-AB said...

natawa talaga ako ky Lucio tan!! taga kamot ng itlog.. lol

sharan mo naman ako ng pero mo.. para maranasan ko ding matulog sa pera..lol :)

ardee sean said...

sali naman ako sa mga pangarap mo.. hehehe napadaan lng ;)

mr.nightcrawler said...

parekoy! kumusta ka na? na-miss kita ah. pwde bang maki-sosyo sayo sa Spa mo sa neptune? magpapatayo sana ako sa pluto kaso naisip ko na mas malapit nga pala sa neptune. hehe. saka huwag mo nang asahan si Oprah. Heto siya't nagluluto ng hapunan ko... at si Henry Sy naman ay pinagda-drive ang driver ko. wahaha!

victor said...

Kapag yumaman ka, kung pwede ay pautang. Kahit mga isang milyon lang. LOL.

Kaitee said...

Bayaran mo yung utang ng Pilipinas!

DRAKE said...

@Ardee

Kamusta na parekoy tagal ng di nadadalaw sa kwarto ko ah! Musta na?

@Mr.Nightcrawler

Ganun at kailan pa lumipat si Oprah sa iyo! Wag kang mapagpanggap bro, nakita ko sya kanina naglalampaso nng CR!

Pre musta na ang pag-aaral? Itigil na yan nakakasira sa bisyo yan!hhahah!Ingat

@Victor

Isang milyon lang ba brod?Sige walang problema para medyo lumuwag luwag naman ang kwarto ko!

@Kaitee

Bibilhin ko n lang ang Pinas kung ganun!hehhe!ingat

ladyinadvance said...

drake pag yumaman ka,, wag mo kong kalimutan..okey na sken mayordoma mo basta mga utusan ko mga gaya nina orlando bloom at brad pitt.. ahehehe