QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, July 25, 2010

TEACHER'S PET




Noong elementary at Hayskul ako, masasabing kong ako ay isang “CERTIFIED TEACHER’S PET”. Hindi dahil sa paborito ako ng mga titser ko, lalong hindi dahil sa aking angking kapogian at katalinuhan noon. Kundi dahil sa isang bagay lamang,..........ako ay isang UTO-UTO.

Noong elementary, ako ang madalas utusang pabilhin ng tanghalian ng mga hinayupak kong mga Titser. Pati pasador o sanitary napkin nila sa akin pa binabibili. Nakakahiya daw kung sila ang bibili (PUTCHA NAMAN!! eh sino mas kahiya-hiya?eh di ba ang isang batang lalaking bumibili ng Whisper ---with wings??)

Hindi na ako nakapaglaro pa ng TEKS saka ng HABUL-HABULAN kapag lunch break, dahil madalas ako rin ang taga-alis ng mga UBAN nila sa ulo. Sarap na sarap ang mga kampon ni Miss Tapia, dahil habang binubunutan mo sila ng UBAN eh nagugulat na lang ako dahil naghihilik na sila at tumutulo pa ang laway nila sa shorts ko. (Sarap tusukin ng MONGOL NO.3 sa ilong nila, mga PUT@&*^&*)

Noong naghayskul naman ako, ganun pa rin. Siguro nga dahil ako ang pinakamaliit sa klase, kaya alam nilang wala akong kalaban laban sa mga kagustuhan nila. Pwera pa sa aking ubod na inosenteng pagmumukha kaya hayun NAUTO na naman ako.

Ako ang inuutusan nilang sumundo sa mga anak nila sa iskwelahan (sa Private school sila) tuwing tanghali. Instant YAYO ang dating ko, dahil ako rin ang tagabitbit ng mala-PRIDJIDER nilang BAG. Sana kung mga kyut at mababait yung mga sinusundo ko. Eh putah! Parang mga anak ng Dinosaur ang pagmumukha at mga pasaway pa sa kalikutan at kapilyuhan. Sarap tirisin at kutusan sa noo.

Ako rin ang tagasingil sa mga kaklase kong bumibili ng yema, pulburon, langgonisa at patola na tinitinda ng titser ko sa klase. Madalas din akong inuutasang tumao sa “canteen” tuwing recess, o di kaya taga-bili ng repolyo, carrots at sibuyas sa palengke para sa sopas na ititinda sa canteen.
Ako rin ang tagabitbit ng kanilang mga gamit sa umaga at tagadala ng mga NA-ARBOR na project sa kanilang bahay. Minsan kasama ko BETO, yung kaklase kong mukhang TARSIER dahil sa laki ng mata nya., sa lahat ng mga pinag-uutos na mga MAHAL NA REYNA at KATAA-TAASANG HARI (mga titser ko).

Di pa kasama ang EXTRA-CURRICULAR ACTIVITIES namin ni BETO tuwing Sabado. (This includes pag-gagarden, pag-iigib ng tubig, tagasibak ng kahoy at tagaflorwax sa bahay ng titser namin)

Ganyan ang naging buhay ko noong estudyante pa ako, kaya noong nag-Terd yir Hayskul na ako, doon na ako magsimulang magrebelde. Kaya di na nila ako nautusan pa.

Pero alam nyo di naman ako nagsisisi sa pagging UTO-UTO ko noong estudyante pa ako. Naging parte yan kung ano ang meron ako ngayon. Siguro marahil PROUD din sa akin ang mga titser ko na yan, dahil ang estudyante nilang intus-utusan NON, ay nagsusumikap magtagumpay, NGAYON. (NAKS, YUN YON EH!)

Pero.............. babawian ko pa rin sila! Humanda sila (LOLS! Joke lang! )




p.S

Kaya ko naman naisulat ito, dahil nakita ko sa FB yung anak ng titser kong lagi kong hinahatid at sinusundo tuwing tanghali . Mga malalaki na sila, grabe! Kaya naman bumbalik sa ala-ala ko ang lahat ng mga iyan.

31 comments:

Jag said...

Bumibeys!

Jag said...

Back to comment. Ano ba talaga ang tama, langgonisa or longganisa? Pasensiya bisaya lang LOL.

Ako bilang pinakabibong mag-aaral (no-angal please), nauutusan din ako ng mga guro ko noon. Ang mga naging karanasan mo ay di nalalayo sa mga karanasan ko...slight na slight lang ang difference hehehe...lalo n nung nasa elementarya ako...sdyang gnun cguro pag nasa pampublikong paaralan...

kiotsukete parekoy!

khantotantra said...

Ang hirap pag matatagged o mamamarkahan ka as techer's pet, kasi diba minsan narrow minded ang ibang pips na pag nakakuha ng magandang score, sasabihin dahil sipsip-higop.

Xprosaic said...

Di ko naman masabing titser's pet ako kasi di naman nila ako inuutusan pero kapag may mga hinihingi ako o pakiusap eh agad naman nilang binibigay sa akin na walang pagaalinlangan... pati sa grades mataas kasi daw mukha naman daw akong mabait! o ha! kaya nga walang kasing tamis na ngiti lang ang binabalik ko sa kanila eh....lolz

YOW said...

Perstaymer ako dito.
Orayt! Parehas tayo ng istorya pero mas dakila ka. Haha. Elementary lang ako naabuso ng mga teacher pero HS e lumaban na ko. Nyahaha. Private school din kasi ako nung HS. Iniisip ko nun pa man kung magpopost ako ng gantong entry sa tahanan ko. Nauna ka na nga. Haha. Nice blog. :)

kikilabotz said...

tama ang kasabihan..kung ano ka ngayon ay bunga kung anong itinanim mo kahapon..

ikaw ang isa sa pinaka malaking ebidensya. keep inspiring people master drake

krn said...

siguro super taas ng grades mo noon. ang swerte naman ng mga teachers mo, may estudyante silang uto-uto, haha joke lang, i mean mabait at masipag.

NoBenta said...

teacher's pet ako buong elementary pero nawala na nung lumipat ako sa private school nang mag-highschool ako.

marami akong natutunan sa pagiging uto-uto. at na-apply ko siya ngayon sa katandaan ko. ako na ngayon ang nag-uuto!!

PABLONG PABLING said...

naging tits-er pet din ako dati. pero hindi masiyado tulad mo. . . .

taga alis ng uban wth?

2ngaw said...

Wooooohhh!nagpapataas ka lang ng grade kaya ka nasunod sa kanila eh lolzz

Madz said...

wahaha di ako makarelate, buti na lang di ako naging teacher's pet :)) pero yung kaklase ko noong grade six pinapatawag pa nung teacher namin nung grade five para lang mag alais ng uban niya..sigurado ko pareho lang kayo ng nararamdaman ngayon :)

Oliver said...

tigafloorwax ng bahay ng titser?
free labor, hahaha. buti di ka pinaglilinis ng bahay.
parang ginawa kang instant janitor noon a.

Anonymous said...

Naging titsers' pet din ako pero Grabe naman taga floorwax ng bahay at tagasibak ng kahoy! alila much?? LOL

Anu kayang itsura nung anak ng titser mo??? mukhang dinosaur parin ba??

pamatayhomesick said...

titser: pedro sarado mo ang pinto
pedro: (kabado.. parang ayaw isara)opo ma'am!
titser: sige ka ang grade mo.
pedro: sinara agad!

....naalala ko lang yung kwento...

darklady said...

public ba? ganyan talaga sa public kasi nangyari na din sakin yan.malas nga lang dahil ikaw ang napili nila. baka naman kaya ikaw ang pinili dahil sa matalino ka na daw kaya hindi mo na need mag concentrate sa pag aaral?lol


ang naaalala ko sakin nung grade six ako twing tanghali kasama ako ng titser ko sa bangko, naglalagay sya ng kayamanan nya sa bank at ni hindi man lang ako naisipan pakainin sa jollibee.

mommy ek said...

kuya totoo ba yan? ginawa mo lahat yan! hanep ha! wawa k naman pla nun! pero sana nakilala kita nung mga panahon na yun no?! pra may mauutusan din ako! joke! hehehe!

DRAKE said...

@Jag

Sorry naman okay Longganisa na! Suri naman bulakenyo lang

Aminin mo na teacher's pet ka kasi sipsip ka!Hahah! joke lang!

Ingat

@Khantorantra

Salamat sa laging pagbisita add kita sa blogroll ko para lagi akong updated sa iyo!Ingat palagi!

@Iamprosiac

Okay sige ikaw na ang iskolar, ikaw na ang matalino, ikaw na ang binayayaan ng Dyos pagdating sa katalinuhan. Pero sabi nga nila Lord! Fair sya! Kaya binigay nya sa akin ang yung kagwapuhan!Sige bait talaga ni lord!hahah
'Ingat

DRAKE said...

@YOW

kamusta buti naman at nakadalaw ka sa kwarto sana dalasan mo ang dalaw ha! Check ko rin kung mayblog ka para mabasa ko rin gawa mo!

Ingat

@Kikilabotz

Apir tayo kikilabotz! Salamat sa magandang mensahe mo! Natats ako dun! (o baka wala ka lang masabi?heheh joke lang)

Ingat parekoy!

@Karen Anne

Hindi nga eh, lagi lang ako kasama sa mga outstanding student yun lang hindi man lang ako napunta sa honor roll! Bwisit!

Ingat

DRAKE said...

@No Benta

Muyaman nasa private! San pre sa Calumpit Insttutite?Marami akong kaibigan na dun nag-aral eh!

Yaman naman! Ikaw na parekoy ang anak ng Haciedero!

@Paps

Sang ubang ka ba nag-aalis Paps, wag mong sabihin dun?hahhaha! Pwede

Ingat palagi parekoy!

@Lord CM

Hindi nga eh, walang points daw kasi ang pagiging uto-uto!hahhaa!

ingat!

DRAKE said...

@hartlesschiq

medyo nahirapat ako dun sa name mo ah!hehhee! salamat sa pagdalaw sa kwarto ko, sana ito na ang sumila sa lagi mong pagbisita!

Ingat

@Oliver

TA-MA! Ganun na nga pre ginawa akong Janitor na wala man lang sweldo.

Ingat parekoy

@Poldingeding

Okay naman ganun pa rin naman ang pagmumukha nila, tumangkad lang! Ewan ko lang kung nakikilala pa ako nun, pero nakakbigla lang na napakabilis talaga ng takbo ng panahon!naks

ingat

DRAKE said...

@Pamatayhomesick

okay yan noh! Hehehe! Ganun na nga yan ang madalas nilang panakot sa mga estudyante nila. Kaya ganun na lang silang maghari-harian at magreyna-reynahan sa paaralan!

ingat parekoy

@Darklady

Yup sa public school ako nag-aral. Madalas akong utusan nun talagang bumili sa tindahan! Kung malaman ng nanay ko yun tyak susugurin nya titser ko, kasi sa bahay nga di ako mautusan bakit sa skwelahan parang binabaril ang tumbong ko! Mabilis pa sa alas-kwarto kung sunmunod!lols!

ingat

@Mommy Ek

Ganun uutusan mo rin ako mommy ek? Di ka na naawa sa batang ubod ng kyut at may puso ubod ng busilak. Kay amo bang atimin na utusan ako mommy ek!hehhee

Ingat

Superjaid said...

naman gumaganun!hahaha ako naman madals ipatawag sa office kapag may dapat ipasabi sa buong klase..gang dun alng nman ang trabaho ko..hehehe

glentot said...

Magkamukha siguro kayo ni Beto kaya kayo pinagsasama. Uto-uto ka naman ginawa kang aliping saguiguilid!

Kosa said...

Move on kuya Drake! Hahaha. Inabuso ka lang naman pala ng very very slight eh. Ayus Lang yan... Ganyan talaga ang buhay...

ITSYABOYKORKI said...

ello uhmmm palagi ako absent ehh galit sila sakin heheh

ako si itsyaboykorki :)

Unknown said...

Baligtad tayo.. ako hindi magalaw-galaw ng mga titser ko, dahil titser din yung tita ko sa public skul na un! Ahahaha.. Angas ko di ba?

mr.nightcrawler said...

hindi ka naman uto-uto parekoy. uhm, push-over lang siguro. hehe. naalala ko tuloy, medyo parehas din tayo ng sitwasyon. gustong-gusto ako ng mga teachers ko kasi masyado akong lovable! haha

Klet Makulet said...

weh... si kuya naman nagpapabata... sure ka bang may whisper na nung kabataan nyo? weheheh joke lang po :P

Klet Makulet said...

weh... si kuya naman nagpapabata... sure ka bang may whisper na nung kabataan nyo? weheheh joke lang po :P

Ayie Marcos said...

Ambaet baet mo talaga P! Kaya ka pumogi eh--kse nga Uto-uto ka. Nyahahah!

SLY said...

nakapadakilang estudyante! elementarya lang ako naging kaaya-aya sa mga guro, demonyo na raw kasi ako mung pagtungtong sa hisul! bwahaha