QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, August 4, 2010

TULOG MUNA AKO



Mga kautak medyo maghi-hiatus muna ako ng isang buwan. Isang buwan lang naman, medyo may aasikasuhin lang akong napakaimportanteng bagay. Kung ano man yun .... sikret muna, next month ko na lang ikukwento.


Pero you can still reach me sa Facebook account ko, sa Twitter , at sa chatbox ko. Magbabasa pa rin naman ako ng mga post nyo at magcocomment.Naks


Nga pala, napansin ko lang ang mga message ko sa chatbox kakaiba. Madalas exchange link daw may nakikipagtextmate at nagbebenta pa ng glutathione. Nakamputcha ayos yun ah!
So heto muna ang iiwanan ko sa inyo bago ako maghiatus ng isang buwan!

TIPS PARA DI MA-OFFEND ANG MINAMAHAL

Marumi ang kuko: “Sweetheart, may bukid ba kayo?”

Pasmado: “Babe, ilang percent ang share mo sa MWSS?”

May muta: “Cupcake, magdamag ka bang umiyak?”

May putok: “Ho¬ney, may kamag-anak ka ba sa Middle East?”

Maitim ang kili-kili: “Sugar, anong deodorant mo? Kiwi?”

May libag sa leeg: “Darling, saan mo binili ‘yung black gold necklace mo?”

Bad breath: “Love, humihinga ka ba o umuutot?”



REMARKABLE Classmates, Dialogues and Events:

“Hindi ako nakapag-review, eh!” (Pero ang daming sagot sa test paper)


“Ang dali ng test!” (Pero siya ang lowest)


‘Pag walang maisagot, titingin sa bintana, hoping makakita ng lumilipad na sagot!


Nagpuyat para gumawa ng kodigo pero hindi rin nagamit.


Magsusulat ng kung anu-ano sa armchair, pero hindi naman related sa exam.


Ginawang notebook ang hita.


Sinisipa ang chair ng classmate sa harapan para makakopya. Galit pa ‘yan ‘pag hindi mabasa!

Hindi magre-review sa gabi, sa madaling-araw na lang. Pero gigising lang para i-off ang alarm clock.


Group study raw pero mag-iinom lang. Pagpasok, may hang over pa


TRABAHO NG BAGONG GRADUATE

Nursing: kumad¬rona


Education: tambay


Criminology: tanod


Medicine: albularyo


I.T.: tagabantay ng computer shop


Accountancy: tindera


Fine Arts: pintor ng dingding


Psychology: manghuhula


Tourism: GRO


Midwifery: yaya


Pharmacy: drug pusher


HRM: waiter


Ingat po at maraming salamat



22 comments:

NoBenta said...

parekoy, namiss na nga kita eh magtutulog ka pa! buti nalang at malapit na rin akong matulog ng isang buwan! sabay tayo. hehehe

blogenroll \m/

DRAKE said...

@No Benta

Uyy malapit na ang uwi, halikan ang lupa sa NAIA tandaan mo yun!whahaha!

Pero pre maniwala ka mas mahirap bumalik sa saudi pagkatapos ng bakasyon! Iiyak ka pwamis!

ingat parekoy

NoBenta said...

parekoy, huwag mo na ipaalala dahil 'yan din ang madalas na ikuwento sa akin dito ng mga matatanda.

'di bale, mura lang naman ang multa kapag nagpa-extend! \m/

khantotantra said...

waa. mukang andaming naghihiatus mode.

aabangan namin ang muling pagsulat mo :D

DRAKE said...

Hehe! Ganun eh may problema sa PAL eh, baka mahirapan ka sa rebooking.

Isa pa magpunta ka sa Balik Manggagawa sa POEA kailangan yun. Kailangan din ng reconfirmation ng ticket bro.

Ako di pa ako nasasanay sa tuwing babalik ako ng Saudi!hays

heheh! Happy trip brod

kikilabotz said...

bilisan ang pagbabalik. magbbday si roanne batiin mo huwag mong kakalimutan. naks ^_^

♥superjaid♥ said...

we'll wait for you kuya dake..^_^

karen anne said...

ay bakit nalungkot ako?hmp

vonfire said...

sige lang drake, basta babalik ha?...:D

DRAKE said...

Khantotranta

Oo nga mukhang uso nga! Pero ako naman ay may valid reason!hehhe kaya next month ko na lang sabihin

@Kikilabotz

OO naman hinding hindi ko makakaliutan ang bday ni B2 ko (talagang KO?LOLS)

@Sperjaid

Salamat Jaid, ikikiss din kita pagbalik ko

@Karen Anne

Natats naman ako sa betlog nun Anne! Sige bibilisan ko lang ang pagbalik!hehhe

@Vonfire

Oo naman, sigurado yun!hehhe

roanne said...

B1 bakit ka mag hihiatus? ='( akala ko pa naman gagawan mo ako ng tribute sa birthday ko ='( waaahhhhhhhh (feelingera amfufu! Lol!) haha arti lang, isang buwan lang pala mawawala ngpapaalam pa! Haha! Mamimis kita! Balik agad :)

poldinggeding said...

Puro ka hiatus! gagawa ka lang ng Fetus eh! *makapag-rhyme lang hehehe

Sige sir aantayin namin yang pagbabalik mo with full of kwento howkei!

\m/ blogenroll
sir drake!

glentot said...

May hiatus hiatus ka pa! If I know may nabuntis ka!!! May nabuntis kang camel! Ahihihihi bilisan mo nang bumalik para may kapalitan na ako uli ng panlalait!

mr.nightcrawler said...

haayy... grabe naman yan... isang buwan? mamimiss kita parekoy. bilisan mo naman ng konti. nga pala... ayokong maging manghuhula. bastos ka. hehe.

Jag said...

Ingat!

SCOFIELD JR. said...

Kagigising ko lang taz ikaw naman matutulog...anywayz, ingat sa pagtulog, well gonna fuck miz u...

kathaniakap said...

excited pa naman akong magbasa sa bawat post mo. balik po kayo agad. :D

an_indecent_mind said...

ingat parekoy!

Oliver said...

Booo! walang hiatus hiatus, hehe.
bilisan mo ha!

darklady said...

nakikisabay ka matulog ah.hehehe.sige intayin namin pagbabalik mo. ^_^ ingat ka dyan kuya drake!

Klet Makulet said...

at least napangiti mo kami bago ka matuog... gising ka agad ha?!

ladyinadvance said...

O_O magaasawa ka nba drake kaya mawawala ka? :(

wag mong tagalan balik kaagad!