I’MMMM BACKKKKKKKKKKKKKKKK
Sorry at halos isang buwan din akong nawala, bukod sa RAMADAN ngayon dito sa Saudi. Kung saan bawal uminom at kumain sa publiko (okay lang kung patago). Medyo may isang pangyayari sa buhay ko na medyo BIGDEAL para sa akin. At dahil nasabi ko rin na ikukuwento ko sa inyo kung ano ang dahilan, kaya heto kukuwento ko na........
Okay, Lilipat na kasi ako ng kumpanya ......
Wow, big deal ba yun?? . Sa Saudi kasi hindi normal para sa expat o dayuhang manggagawa ang bigyan ng karapatang humanap ng trabaho ng hindi na kailangang umuwi sa Pinas. Kalimitang kasing pinapauwi ang mga OFW kung sila ay aalisin sa trabaho.
Aalisin sa trabaho? Eh di terminated ka??. Oo na hindi rin. Oo dahil terminated ako, pero hindi dahil unproductive employee ako (pero baka rin!LOLS) . Kaya ako natanggal sa trabaho ay dahil magsasara ang kumpanya.
Huwaattt??? nalugi ang kumpanya nyo kaya magsasara? Hindi nalugi ang kumpanya. Kasalanan ito ng kupal na may-ari dahil sa mga panloloko nya sa gobyerno ng Saudi ang epekto nun, sinira nya ang magandang pangalan ng produktong binebenta namin.
Kung hindi nyo naitatanong. (hindi nga naming tinatanong??) medyo kilala ang produkto namin (KOTSE yun) sa buong mundo. Tanging mga mayayaman, lamang ang may kakayahang bumili dahil ang isang kotse ay nagkakahalaga lang naman ng 5 MILLION pesos. (See bahay at lupa na yan na may mini-garden pa!). Kaya may inaalagaang pangalan ito sa buong mundo at hindi ito pwedeng masira sa anong bansang binebentahan nito.At dahil sa kagaguhan ng may-ari, biglang inalis sa amin ang karapatang magbenta nito sa buong Saudi Arabia. Kaya damay kaming mga empleyado. Walang magagawa kundi isara na lang ang kumpanya dahil ibang kumpanya na angn magbebenta nito sa Saudi.
.
Ako ang humiling na tanggalin nila ako, para hindi ako abutan ng pagsasara. Mabait naman sila at binigyan nila ako agad-agad.
Totoo ba yan, aminin mo tinerminate ka talaga?? (KUPAL ka, hindi nga sabi eh!)
Ngayon, nakalipat na ako ng kumpanya. Hindi sya kumpanya kundi isang BANGKO. Hindi ako Accountant at lalong hindi ako magaling sa MATH. Kaya ako nakuha sa bangko ay dahil kumain ako ng blade at nagpasok ako ng screwdriver sa ilong ko habang nagsasayaw ng WAKA WAKA. At kaya naman ako lumipat sa bangko at hindi sa ibang kumpanya ay dahil............ sa pera. (Isang pagpapatunay na MUKHA AKONG PERA!LOLS!).
.
Joke lang! Kaya ako lumipat ay dahil mas maraming akong matutunang bago sa bangko. At alam kong lalago ako bilang isang empleyado dito (nice answer!!ano satisfied na ba mga kulangot??)
.
Medyo nalulungkot ako kasi 5 years din akong nagtrabaho sa aking dating kumpanya. Maraming mga ala-ala din namang naiwan sa akin ng kumpanya. Naging mabuti sa akin ang kumpanya, halos lahat ng gusto ko naman ay binibigay, pero yun nga lang ang lahat ng bagay ay may katapusan.
.
Pero ika nga nila ang lahat naman ng katapusan ay may simula.
Kaya heto magsisimula ako, panibagong kumpanya. Panibagong kapaligaran, panibagong mga katrabaho at panibagong mga kaibigan.
Totoong mahirap tanggapin ang pagbabago, pero kung di tayo magbabago hindi tayo lalago at yayabong. Mahirap baguhin ang nakasanayan na, pero kung hindi natin tatanggapin ang pagbabago baka wala na tayong matutunan pa sa buhay.
Hayan babalik na muli ako, hindi ko alam kung na-miss nyo ako, pero KAYO NAMISS KO.
WELCOME BACK TO ME!!
Ingat
Kaya heto magsisimula ako, panibagong kumpanya. Panibagong kapaligaran, panibagong mga katrabaho at panibagong mga kaibigan.
Totoong mahirap tanggapin ang pagbabago, pero kung di tayo magbabago hindi tayo lalago at yayabong. Mahirap baguhin ang nakasanayan na, pero kung hindi natin tatanggapin ang pagbabago baka wala na tayong matutunan pa sa buhay.
Hayan babalik na muli ako, hindi ko alam kung na-miss nyo ako, pero KAYO NAMISS KO.
WELCOME BACK TO ME!!
Ingat
47 comments:
"pero kung di KA magbabago hindi AKO lalago at yayabong"
Kami talaga ang dapat magbago para ikaw ang lumago at yumabong?!!!Demanding, bahala ka! di ako magbabago para di ka lumago lolzz
Good Luck sa bago mong work parekoy
@Lord CM
TAO lang nagkakamali! INayos ko na pre!
Namiss kita LORD CM pakiss nga sa leps!
Ingat
Hehehe :D ayaw ko pakis, labas ipin mo eh lolzz
@LOrd CM
Bad ka! Masyado kang maselan, sige na sa leps lang! One minute lang then okay na!hahahaha
Yan pre pagpapatunay lang na miss kita!
welkam bak!
wala bang giveaway car dun sa inalisan mo?
gud luck sa bago mong career!
Nawa'y yumaman ka ng bonggang bongga para malibre mo kami paguwi mo, ahhaha.
Ingat!
MALIGAYANG PAGBABALIK! :D (tinagalog ang title?) haha! namiss ko din 'to!
o gudluck sa work mo!!!
wilkam bak! ahihihi :)
sana mabilis kang maka adapt sa iyong new work at marami kang maging ka-vibes agad.
goodluck sa panibagong pakikibaka sa mundo ng banko sir...
Isang magadangang welcome back post ito :) Kung hindi walang bago, walang learning :)
Go kuya kaya mo yan..
Hoping to read more from you
Wulkam bak bossing! gusto ko sanang magpakatay ng kamel para pang welcome party kaso naalala ko ramadan pala.. next time nalang!...
naks edi lalo kang yayaman nyan! pautang nga bossing! LOLs
welcome back sir drake...
@Oliver
wala eh, scale model lang!hahaha! Kung kailan ako bumalik sumabay pa yang hostage hostage na yan! kakahigh-blood yang pulis na yan!
Ingat
@Kat
Bakit nagibng Dhang ang name mo?hehehe Salamat sa pagwewelcome sa akin!
@mommy ek
Maraming salamat po. God bless
@Karen
salamat din po. Ingat lagi
@Ollie
Sana nga para pwede ring mautangan after 3 months!hehehe
@Artimeous
Salamat sa pagbati, sana nga makayanan ko!hehe!Ingat
@renz
Iadd kita sa blogroll ko renz, maraming salamat sa lagi pagbisita! Ingat palagi! Basahin ko rin ang blog mo parati
@poldingeding
Pre subukan kong pumunta dyan sa susunod na eid holiday, mag november! Dun muna ako ipagkatay! Ano pre payag ka?hehhe! Ihanda mo na rin ang mga russian at alak dyan!hahahha
Ingat pre
Ayos din ang ginawa mo parekoy! Since nasa bangko ka na ikaw na ang bigtime hehehe...ako naman parang nauumay na ako sa kumpanya ko kaya parang gusto ko ng umalis...hindi na din kasi ako nago-grow hays!
Welkambak! Namiss ka namin...
wow bagong work!!! paburger k nman.. para mas pagpalain ka pa muka namang masaya ka sa bago mog work kaya go lng ng go hehehe
lab d message of ur post kuyah... namiss ka nila at miss mo akoh... lolz... napadaan lang po... gudlak sa new work mo... dont wori next time promoted ka dyan... escort... lolz... Godbless!
welcome back sir. dpat dumekwat k muna ng kotse. ahaha
gudlak sa bagong career path!
O may bago ka na palang trabaho.. magpakain ka namaaaaaaaaan!
Congrasholeshons. At least di ka nahirapan maghanap ng trabaho. Di nga ba? O di ka napauwi muna here. Wilkam back. Mula sa epal na nakikiepal. :)
welcome back at good luck sa yong pagiging bankero!!!
Pukimo! Nafire ka dahil sa blog mo? hihihihi
Balitaan mo na lang kami jan sa bago mong kompanya. O umuwi ka na kasi, marami namang marangal na trabaho kung magaling kang magmasahe ahahahha
isa lang yan sa mga major major na pagsubok...hehehe, kung hindi ka magpapakatatag at magsisikap, uuwi kang luhaan sa pinas na tanging betlog lang ang dala...hahaha
ingat tol!!!
Welcome back! Alam mo naman tayong mga OFW... basta 'yun na 'yun. LOL (Parang adik lang. Hahaha.)
APIR!
welcome back at goodluck sa new career.
Kung di ka magbabago hindi ka lalago at yayabang este yayabong pala! lolz... ok lang talaga kahit sabihin mong naterminate ka... prends naman tayo eh kaya ok lang sa amin yun at tatanggapin ka pa rin namin....lolz
Welcome back Kuya Drake!!!!
Nagpa miss ka na naman ah.hmmmp!!! ayhetchu! hehehe
Wala man lang ba silang pa bonus na kotse nung umalis ka? Hindi man lang namigay noh!
At sa bago mo naman work goodluck! Baka naman ikaw na ang may ari ng bank na yan ayaw mo pa aminin. hehehe ^_^
Ingat!
pareng drake! how is you? we miss you. pakiss nga? hahaha. gudluck sa lahat ng ninanais mo sa trabaho mo. apir :P
Hindi ka man lang gumanti dun sa kumpanyang inalisan mo? Pinasabog mo ganun? Hahahaha. Goodluck sa new job. Bangko, nice. Holdapin mo bago ka umalis. =)
@Jag
aalis ka sa company mong nagpapasweldo sa iyo ng limpak limpak na salapi! Wag parekoy sayang naman! Hahahah
Medyo swerte mo nga sa trabaho mo napapadala ka pa sa japan!Ikaw na!
Ingat pare
@Rico
Sige rico magpapaburger ako kahit 10 pa para sa iyo, yun nga lang kailangan mongn pumunta muna dito sa saudi!hehe!
Ingat
@Dhianz
NAMIISSSSS KITTAAA! Kamusta ka na Dhi?long time no hear ah! Maraming salamat sa pagdalaw muli sa kwarto ko , namiss kita ng sobra!!hehehe!
Bakit di ka na naguupdate ng blog mo?heheh! Busy ka siguro masyado!
Nice to see your comment again!ingat
@Kikilabotz
meron na akong nadekwat, scale model nga lang!hahaha!
@an_indecent_mind
shokran kateer sadiq!
@Ardiboi
Pag-uwi ko na lang ng pinas, sama ka sa EB kung sakaling magorganize tayo!hehhee!Ingat
@Ako si YOw
Pre iaadd kita sa blogroll ko at maraming salamat sa palagiang pagbista!Ingat
@gillboard
Maraming salamat sa pagbati mo sana nga mas lumago.....ang bank account ko dun!hahaha!Joke lang!
@Glentot
Ganun gagawin mo pa akong masahista! Sige ba basta malaki ang tip nila para sa extra service ko!hahahha!
Kita tayo pag-uwi ko!Libre....mo ako!hahah
@Scofield
Mukhang di ka pa nakakrecover sa MAJOR MAJOR na yan ah! aliw na aliw ka dun! Pero salamat sa bati!ingat
@Gasdude
Naks gumaganun! Kaya nga nakarelate ako dun sa kwento mo nung isang araw eh! Ganyan talaga tayo....GWAPO!hahahhaa!Ingat
@Khantoranta
Maraming salamat po!Asan na yung pasalubong ko sa iyo!hehhe!ingat
@IAm Xprosiac
Ganun, may ganung sinasabi! Parang akong may nakakahawang sakit na kailangan tanggapin nyo ah!hahaha! Joke lang parekoy! Maraming salamat sa napakaganda mong sinabi!LOL!Ingat
@Darlady
Namiss din kita! Malapit na akong umuwi at hindi ko pa rin nakakalimutan ang toblerone mo! Sa nakakatatlo ka na sa akin! Malapit k alang naman dahil bulacan ka rin! Hehhehe!
Salamat at ingat ka palagi!
@Nightcrawler
O heto ang kiss ko: MWWAAAAHHH! hahahah! O hayan masaya ka na!LOLS
Salamat sa iyong pagbati! Pag-uwi ko lumuwas ka man lang ng maynila!Sama ka kung may EB!hehehe!ingat
@Salbehe
Okay naman sila, maayos naman sila sa akin kaya okay lang! Tutal marami na rin akong nakulimbat dun!hahhaa!KWITS NA ika nga!
Ingat
congratulations!!!!! namis kita b1
Welcome back!
welkam bakers...
may tanong ako... hahaha
ang bangko ba ay hindi kumpanya? yang ang isang nakapagpaisip saken.. akalain mo yun! hahaha
welcome back drake!
Hahaha.oo magkalapit lang naman tayo dahil Bulacan din ako.^_^ Kelan kaya uuwi?hehehe
Congrats P! See, tadhana na ang gumawa ng paraan--pag ukol talaga bubukol.
So, petiks pa rin ba? Kelan ang simula mo!
Pa-Canton ka naman! (Indo Me Mi Goreng!)
Congratulations sa mas mataas na sweldong trabaho! YIPEEE!
@B2
Maraming salamat b2, miss na miss kita b2!naks
@Klet
Salamat sa bati!hhehe
@Yanah
Salamat din sa pagbati mo, tungkol sa bangko at kumpanya, basta yun na yon. Nagkaintindihan na tayo!hahaha!ingat
@darklady
Yup alam ko yang lugar na yan kaya mas madali kong maibibigay yung chocolate sa iyo!hehhe!Ingat
@Ayie
Bakit ngayon ka lang nagparamdama ha! Pamiss ko rin no!
Walang problema hayaan mo pag nagpunta ako dyan sa abu dhabi magpapacanton ako!Ikaw pa lakas mo sa akin!Ingat
@Kaitee
Long time no hear ah! Maraming salamat sa pagbati!ingat
Kelan punta mo dito sa ABU dhabi bossing?.. para makabili na ako ng red carpet! woohoo! hahaha
wow.
basta sa tingin ko, naterminate ka pa rin! hehe.
banko? sige sige, Galingan mo dyan Parekoy. di ba dyan tinatago ng mga mayayaman ang kanilang maraming pera? alamona gagawin mo...
Post a Comment