QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Thursday, January 6, 2011

PAGHAHANAP NG KALIGAYAHAN



Minsan mag-iisip ka bakit tila napakailap ng kaligyahan? Bakit tila hindi rin pangmatagalan ang ligaya? Ano ba ang sukatan ng kaligayan? Ano ba ang anyo nito?


Tila napakahirap sagutin ng mga tanong na yan? Tingin natin tila napakalawak ng salitang “KALIGAYAHAN ”. Sabi nila hindi nating pwedeng pangarapin ang kaligayan dahil hindi ito pemanante sa mundo. Wala ring pormula ng kaligayahan dahil nababatay ito ayon sa sukatan o pamantayan ng isang tao.

Noong tayo’y musmos pa, hindi ba sa isang supot lamang nang kendi sapat na para maramdaman natin ang lubos na kaligayahan. Subalit bakit sa pagdaan ng panahon tila hindi na tayo kaya pang mabigyan ng kaligayan ng isang supot ng kendi. Maari kaya na ang kaligayahan ay batay sa kaalaman o utak ng isang tao? Na habang tumatalino ang tao nagiging kumplikado ang pamantayan ng kaligayahan nito?

Lahat ng tao nagnanais maging masaya. Hindi ba? Pero paano ba nating sisimulan ito? Kailangan ba nating makuntento bago lumigaya, o kailangan nating maging maligaya bago makuntento?
.
Sa aking paglalakbay sa mundong ito at pagtatanong sa ibang tao, lagi kong naririnig, “GUSTO KO LANG NAMANG MAGING MALIGAYA!” Sino bang nilalang ang ayaw nito? Subalit paano mo hahanapin ang isang bagay kung sa iyong sarili hindi mo naman alam kung ano ang iyong hinahanap. Ni hindi mo alam kung paano maipapaliwanag ang pakiramdam ng kaligayahan? Makikita ba ito sa tamis ng iyong ngiti? Maririnig ba sa lakas ng iyong halakhak?O mararamdaman ito sa pamamagitan ng paglutang ng kaisipan at paghihiwalay ng iyong kaluluwa sa iyong katawan? Paano mo ito maipapaliwanag?Alam mo ba?

Ang KALIGAYAHAN ay isang emosyon, at ang emosyon ay nagbabago. Ang emosyon ay hindi hinahanap, kusa itong nararamdaman base sa sitwasyon. Ang sitwasyon ay paiba- iba bawat segundo at ito’y naaayon sa iyong kapaligiran.Ang kapaligiran ay sumasabay naman sa pag-ikot ng mundo. At ang mundo ay patuloy na iinog at hindi titigil kahit kailanman. Kaya ang KALIGAYAHAN ay patuloy na nagbabago, nag-iiba ng anyo, nagpapalit palit ng kahulugan, hindi pangmatagalan at sumasabay sa pag-ikot ng mundo.. Hindi sya pwdeng tanungin ng ANO, BAKIT,PAANO, SINO,SAAN ,KAILAN, ALIN o tanong na nalikha sa mundong ito dahil walang tamang sagot dito, walang partikular na kasagutan at lalong walang permananteng tugon dito. Nagbabago ang sagot ng tao at paiba-iba din ang sagot nila kahapon, ngayon, bukas at sa makalawa.

Totoo ngang nakakapagod hanapin ang kaligayahan dahil maaring naman wala tayong dapat hanapin o hindi naman talaga dapat ito hinahanap. Dahil tulad ng sipon, ubo,lagnat at iba pang sakit pasulpot sulpot lamang ito, nawawala at bumabalik muli.Lumilitaw sa hindi inaasahang oras at nagpaparamdam sa biglaang pagkakataon.
.
Bakit hindi na lang nating hayaan na ang KALIGAYAHAN ay dumampi sa ating mga puso na parang isang malamig na hangin lamang. Damhin ito hanggang sa huling paghaplos nito sa iyong balat, lasapin ang kahuli-hulihang lamig na kayang magbigay sa iyo na panandaliang pagkalimot sa iyong kamalayan. Huwag hawakan dahil kusa lamang itong aalpas sa iyong mga kamay at kahit gaano mo pa asamin na itago at ipunin ito, mawawala na lamang ito sa isang iglap. Hayaan na lang na siya ang yumapos at humagkan sa atin dahil baka sa paaatubiling panghawakan ito, nawala sa atin ang oportunidad na maranasan ang bawat pag-ihip ng malamig na hangin . At mangarap na lamang na muling makadaupang palad ang malamig na haplos ,intayin ang pagdampi ng ihip ng hangin at umasang maramdaman muli ang pagkakataong minsan lamang dumating sa ating buhay. Hanggang sa huling hibla ng hangin at hanggang sa huling pagyapos ng KALIGAYAHAN sa ating buhay......
.
.
When one door of happiness closes another opens; but often we look so long at the closed door that we do not see the one which has opened for us.--Helen Keller .
.
Ingat
Drake

19 comments:

John Ahmer said...

ayun, grabe ang bigat at ang lalim drake di ko kinaya. hehe. hayaan mo hihintayin kong dumampi sa akin yan ng maramdaman ko ang bawat hibla nito sa aking buhay. hehe : D

Anonymous said...

imnosebleed ata ako dito sa nabasa ko pero very well said naman.. parang in conclusion happiness is next to godliness lang... hahah cleanliness ba yun... wahehhee

khantotantra said...

heavy sa happiness lecture.

Pero tama yung quote, minsan, masyado tayong nakatitig sa nagsarang pinto kaya di natin napansin ang pintong bumukas. :D

Poldo said...

napakatalinghaga naman!!! di ako sanay hehehehe..

sabi nila isa sa pinaka basics to find happiness in life e, Be contented..

counted rin ba dun yung pagiging mababaw?? hehehe...

tama ka hindi rin sa lahat ng pagkakataon e puros kaligayahan lang.. ang panget ng life pag ganun.. kailangan parin ng PAIT, LUNGKOT at ibat ibang emotions..

o sya ikaw na ang makata ser drake! *clap clap! hihihi..

Kaye said...

Skip read pero gets ko. Minsan sasabihin mong hindi ka masaya pero hindi mo naman napapansin ang mga simple blessings ng Diyos. Nagiging bulag na rin ang karamihan(aminado ako) sa totoong kahulugan ng KALIGAYAHAN.

Otep Sabido said...

very well said. . . ang poetic ng perspective at napakareflective;)

Jag said...

ika nga eh humans are wanting animals...hindi na maiwawala yun sa mga tao...may kanya kanya tayong paraan upang makamit natin ang tunay na kaligyahan...pero para sa akin love and contentment lang naman talaga ang kailangan para totoong maging masaya tayo...and as long as we are able to share the happiness that we have, we can be truly happy...

Happy New year parekoy!

RHYCKZ said...

pasok sa banga!!!
bakit parang lately nagiging EMO ang mga post mo!!!hahaha, wala lang makapagtanong lang!

ingat bro!

word verification: habdi (parang hapdi lang!hahaha)

krn said...

ikaw ba ay maligaya ngayon kuya drake? :)

2ngaw said...

basta ang pagkakaalam ko, nasa sa atin na kung gusto mo lumigaya. hindi ito dumarating ng kusa o bigla bigla, matuto ka lang tanggapin ang lahat at maging kuntento sa mga bagay bagay, ayos na yun, mararamdaman mo na ang ligaya :D

salbehe said...

May kending supot?

YOW said...

Grabe. Ang lalim. Haha. Kumakabod na pagkalalim. Para sa akin, kakuntentuhan sa mga bagay ang magbibigay ng saya sa atin. Kahit saang aspeto, basta you are contented and grateful with what you have, you'll be happy. Madaling sabihin pero mahirap gawin -- ang pagiging kuntento at pagiging masaya.

darklady said...

Kulang si kuya Drake sa lovelife???

Para sakin kailangan makuntento ka para maramdaman mo yung saya.
Bilangin mo yung mga blessings na natatanggap mo.At mapapa smile ka.

glentot said...

Nasa sa pagdedefine mo lang ng kung ano ang kaligayan yan diba... knug ikaw ung tao na maligaya sa mga simpleng bagay sa buhay, napakadali mong lumigaya. Pero kung taong tulad mo na ang kaligayahan ay makita ang pagbagsak ng ibang tao, tsk tsk tsk no wonder... NYAHAHAHAHAHA fuck you.

Dhianz said...

lavet! nd yeah 2nd d' motion w/ kiko... kala koh henglish lang na video na kuya dude ang nosebleed... nakaka-nosebleed den palah ang pure tagalog... haha... but lavet! hanggalign... i always luv 'ur writing! =)

kaligayahan... naman... hmmm.... i think we all have different meaning for it... nd yeah napakasimple lang nang word na kaligayahan sa atin then... simple things make us happy... but as we grow older... simple things aren't enough.. we always wanted more... we became more complimated human beings... even though sometimes we get d' things we wanted... we never get satisfied... we always wanted more... we wanted somethin' else... its always one level up d' the one before... always more than than the one that we had... but even we got all those things that we wanted.. we still aren't happy... wala pa ren tayong kaligayahan...

i think simple things can really make us happy... i think being happy is being contented of what u have... seizing d' moment... i think we can choose to be happy on every moment we have... we can choose to be happy even on d' times of our struggles... we can choose to be happy even when are face down on d' ground... i dunno exactly what i'm tryin' to point here... but i think yes happiness is an option.... we can choose to be happy... we define our own happiness... we can control wat we feel... but true happiness comes from Him... we may not be able to achieve d' everyday happiness here on earth... but w/ Him in our heart.. we'll be able to have it eternally later w/ Him...

dmeng sinabi?... popost koh pa bah toh???? pag-iiisipan koh pah... hmmm...

tic tac tic tac... haha...

fine! itz my koment... opinion nang daliri koh toh... feel nyang tumalak bakit bah... lolz...

ingatz kuyah... i know 'ur pretty bz w/ ur life right now... but thanks kc pinapa-nosebleed moh pa ren kme... lolz.. peace out! Godbless! -di

NoBenta said...

mukhang may pinaghuhugutan ito parekoy. sobrang emo mode. hehehe. parang bigla kong naalala ang pelikula ni pops na "gusto ko nang lumigaya"!

madali lang naman lumigaya. simulan lang natin na i-appreciate ang simplest things.

\m/

Noel Ablon said...

Ang masasabi ko lang. Ang sukatan ng kaligayahan ng tao ay base kung hanggang saan siya KUNTENTO. Kung hindi ka kuntento sa mga achievements mo ngayon ay di ka magiging masaya o di ka masayang-masaya.

Pag natanggap natin yung gusto natin nagiging maligaya tayo. Pero dahil natanggap na natin yun iba naman ang ginugusto natin (di nga kuntento eh) -kaya nasasabi nilang di permanente. Pero kung masaya ka kung ano meron ka ngayon at wala nang hinahangad pa at hangga't ganun yung pakiramdam mo - maligaya ka!

Ang lalim mo ngayon ah hehe! Ayos!

janice said...

..emo na sanaysay..hehe
baka its time to have your own family na...promise napakasaya nun kahit gaano kahirap ang buhay...

Unknown said...

anong nakain mo't.. hehehe.. emoboy!