QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, January 19, 2011

Yun eh! Pumipitik pitik pa!




Ang blog na ito ay pumipitik pitik pa kahit medyo naghihingalo na!


Aaminin ko medyo hindi na ako gaanong nag-uupdate ng blog ko kumpara dati. Medyo sobrang busy sa trabaho at maari kong sabihin na talagang sulit na sulit ang pinapasweldo sa akin ng bangko. Hindi ko na magawang mangulangot at magkamot ng betlog. Kalimitang nakatutok ako sa computer at nagche-check ng kung anu-anong mga requirements ng mga pukanenang mga aplikante na yan.


Ako rin kasi ang humahawak ng mga interviews para sa mga EXPATS o NON SAUDI at sari-saring mga tao ang nakakasalamuha ko araw araw. Dugu-duguan ang aking ilong at tenga kakaenglish, at halos ayaw ko ring huminga kapag natatapat ako sa mga aplikanteng wala sa dikyunaryo nila ang salitang “MABAHO, ANTOT, PUTOK, YUCKY, B.O at BAD BREATH”. Kaya tandaan hindi lahat ng pumuPUTOK ay baril.


Aaminin ko, totoo nga pala na “FIRST IMPRESSIONS LAST”, kasi kapag mukhang pinabili lang sya ng suka eh medyo nasisikantot ako (second thought). Tapos kapag hindi man lang pinalansta ang damit, pantalon at necktie, medyo nakakababa ng energy. Pero syempre tintingnan ko pa rin kung magaling naman sya at maayos naman syang magsalita. Nung minsang may isang pinoy na nag-apply dito;


Ako: Sorry kabayan hindi kami bibili ng binatog! (binatog talaga??)


Kabayan: Hindi kabayan mag-aaply po akong trabaho


Tiningnan ko sya mula ulo mukhang paa este hanggang paa. Napaisip ako, si kabayan naman hindi man lang makuhang magPOLO at slacks, talagang Tshirt at jeans ang suot. Kaya sinabi ko


Ako: Sige kabayan iwan mo na lang sa akin yung resume mo, tawagan ka na lang namin for interview.


Kabayan: Di ba pwedeng NOW NA? (medyo nagulat ako sinabi ni kabayan, at nakikiNOW NA pa!)


Ako: Sorry, wala kaming bakante!! (**Please insert pilit ngiti – talim mata here***). Akala ata ni kabayan, eh tumatanggap kami ng “Construction Worker” sa bangko.


Dito sa Saudi, requirements din na pwedeng ilipat o transferable ang visa profession mo. Ganito yan, paliwanag ko para hindi ka tae-tae kung ano ang ibig kong sabihin. Pag pupunta ka ng Saudi may IQAMA na tinatawag o residence card, ngayon nakalagay dun sa IQAMA mo kung ano ang trabaho mo. Ngayon kung sa bangko ka nag-aapply at ang trabahong nakalagay sa IQAMA mo ay “nurse”, hindi pwede yun kasi hindi naman kami ospital.Kailangan sakto ang profession mo sa lilipatan mong kumpanya. INTIANDES!!


Kaya kapag ang nag-apply sa akin ay may visa profession na machine operator, housemaid, driver, ,dressmaker, laborer, , starlet ,fishball vendor at GRO, binabagsak ko na kasi hindi naman sila maililipat.(yung GRO pwede pa namang pag-usapan! Hahaha!) Ika nga it’s a waste of time ,energy and bucket of saliva.


Heto kamo may isang aplikante akong ininterview at matapos ang mahabang TELL ME ABOUT YOURSELF at paekek pang mga tanong, umarrive kami sa tanong na ito


AKO: Okay, what’s your visa profession?


INDIANO: Sir, it’s CHICKENNERY


AKO: What???


INDIANO: CHICKENNERY, Sir


AKO: Huh? What’s that again? (dumugo na talaga ang kilikili ko sa mga naririnig ko)


Medyo hindi ko kinaya ang narinig ko kaya bumulagta na lang ako sa sahig dahil hindi ko nga sya maitindihan tapos amoy imburnal ng tae pa ang hininga nya. Kaya binalikan ko na lang ang CV nya at dun ko napagtanto na nagtatrabaho pala sya sa isang kumpanyang nagbebenta ng ………. DRESSED CHICKEN. PUT#$%$#@# umembento pa ng profession.


Okay yan muna mga kautak, pero ang dami ko pang ikukwento sa inyo. Hayaan mo pipilitin ko talagang i-CPR at imouth-to-mouth ang blog ko na ito kahit medyo busy ako sa trabaho. Ganyan ko kayo kamahal kaya penge ngang kiss dyan!

Ingat

22 comments:

Anonymous said...

hahaha... kala ko chong sumasabaw na rin utak mo sa katatrabaho.. wahehehe.. ingat dyan...

Abou said...

haha cge kwento pa.

:-)

gillboard said...

pansin ko nga na di ka na masyado mag-update. ganun talaga pag malaki sweldo, sinusulit. hehehe

nakakatakot mag-apply sa'yo. tinitingnan mo kung mukhang paa ang ulo. :D

pero masaya ang line of work mo, daming kwento. hehehe

glentot said...

Structure

khantotantra said...

hanep... ikaw na ang nag-iinterview. :p

chinery... hehehe. nakakaaliw na propesyon :p

The Gasoline Dude™ said...

HR Manager ka? CHUCHAL! I-hire mo naman ako diyan! Promise, mag long sleeves and tie ako sa interview. LOL

Xprosaic said...

Wow ikaw na ang pinagmamakaawan magkatrabaho... wala pa bang naglilitanya ng "kahit anong posisyon makapasok lang" sa iyo?! hehehehehhe... Ingats!

chingoy, the great chef wannabe said...

ganun??? oi, ym mo! chek mo nga...

Rico De Buco said...

hehehe..naku busy busy han na ang drake kula..breaktime ka muna sir sa work

YOW said...

Haha. Akala ko naman may kinalaman sa machine ang chickennery. Pambihira! Eh di siya na ang may sariling Webster. Haha. Hintayin pa namin ang update mo.

Pero sa ngayon, pahingi naman ako ng pic greet Kuya Drake? Please? :)

Dhang said...

eto ang kiss...... :* hahaha! kaaliw kahit madalang na magsulat, kakatuwa pa din kwento. ipon na lang ng madami pang ikwekwento sir! :D

Oliver said...

hahaha. chickennery. magpapatayo ako ng ganyan!
basta kung sakaling magaapply ako dyan, alam mo na ha, ahahaha.

Null said...

palagi na lang busy... sobrang busy tsk tsk, wala ka nang time sa blogger friends mo :|

salbehe said...

Eto na yata ang pagkakataon kong mag-apply sa bangko abroad!!! Paano ba magpasa ng CV sa 'yo? =) Gagandahan ko ang English at magsisipilyo bago magpa-interview. Ahihihi.

Unknown said...

Magdala ka ng lysol next time tapos isprayhan mo mukha nila, pati buong katawan

krn said...

pde po ba ko mag apply ng work dyan sir? promise sobrang bango ng hininga ko, pdeng perfume.hahaha joke

iya_khin said...

hoy drake!! tagal na di kita narinig!! musta kana? ano pa, kulang nalagn mag spray kung katabi mo sila!

ardee sean said...

sobrang kulit.. di ako maubusan ng tawa.. hahaha

panalo!! antayin ko ang mga susunod na kabanata..

KristiaMaldita said...

PA sunod po ;)

Life Moto said...

long time no see nga brod. meron ka bang ibang blogsite?
salamt sa bisita

Anonymous said...

hehe natuwa ako dun sa post mo =D

Maka-apply nga din hehe

just ambros said...

wahahaha dami kong tawa d2 hahaha, nice blog.