QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, October 22, 2011

ERPORT


Photo Credit: http://www.panoramio.com

Kamusta mga kautak?Medyo matagal tagal na rin ah!Hehehe!

Nga pala, kamakailan nabasa ko sa mga balita sa internet na ang NAIA Terminal 1- is the worst airport in the world (i-click mo yan at mababasa mo). Gusto ko sanang magreact sa website na yan kasi kasiraan sa Pilipinas yan, pero ano magagawa ko eh totoo naman. Sa katulad kong OFW na halos taon taon ay nakakasalamuha ko ang mga airport employees na yan at mga pasilidad ng airport ang masasabi ko…..DYOSME AIRPORT BA TO??

Nung huli akong umuwi (last August, 2011 lang yun), ay talaga namang nakakadismaya ang hitsura ng airport natin. Yung runway sa airport, dyosko mas malaki pa ang parking lot ng Mall of Asia. Tapos paglabas mo, parang magigiba ang pader ng airport. Parang nasa PIER ka lang at sumakay ka ng RORO, ganun ang feeling, hindi ka man lang masisiyahan. Tapos ang mga airport employees parang nakakita ng alkanysa tapos panay ang pakitang gilas sa iyo, para sa huli eh hihingi sa iyo ng pera. Okay, di naman ako maramot, pero hillow??? Pilipino din kaya ako,kaya alam ko na yang mga paekek nyo na yan. Kaya kahit magkadaputok putok ako kakabuhat ng bagahe ko…okay lang, wag lang mautakan ng mga airport employees nay an. Tapos yung immigration officials, parang puro may regla! Di man lang makuhang ngumite at kay susuplado. Di mo alam kung masakit ang ngipin o may LBM, basta maasim ang pagmumukha nila.

Tapos yung arrival o waiting area, pag galing ka sa airport akala mo bababa ka ng bundok,kasi napakatarik. As in nakakatakot kasi tyak pupulutin sa kangkungan ang pinamili mong supot ng EMINEM, TUBLERON kasama ng mga free na payong , lapis, bolpen at bag. Syempre nakakahiya naman kung madulas ka pa at para kang tangang namumulot ng payong doon. Eh dami pa namang tao sa waiting area. Feeling mo isa kang artistang inintay ng mga fans mo!hahhaha

So hayun na nga, dahil sa aking pagkaexcite medyo gusto kong umihi sa pinamalapit na CR sa may parking lot ng NAIA. At isang makapanindig balahibong pangitain ang nakita ko. Naninilaw nilaw na kubeta at umaalingasaw sa bantot ng mala-aromang PANGHE! Sumiksik sa bumbunan at talagang uurong ang ETITS mo sa mga makikita. Isama mo pa dyan ang dalawang mahabang TAE nagfefeeling BANANA BOAT sa inoodoro. Hindi ko na namalalayang maiihi pala ako kasi naging busy ang utak kokung magsusuka ba ako, mandidiri sa nakikita o mahilo sa amoy, kaya hindi na ako umihi, pinigil ko sya hanggang sa makarating kami sa pinamalapit na JOLLIBEE at kumain ng Chicken joy.

Hanggang sa pagbalik ko sa Saudi, ganun pa rin ang kasanasan ko sa Airport. Isama mo pa dyan ang mahabang pila sa EOC at immigration. Habang buntot ng buntot sa iyo ang mga empleyadong hindi serbisyo ang binibigay kundi RENTA. Dyosme nirerentahan ang serbisyo sa NAIA. Pagpasok mo naman sa airport at bigla kang nagutom wala kang magagawa kundi tiisin ang mga karinderya sa loob. Walang resto o walang matinong kainan. Karienderya na may presyong FIVE STAR RESTAURANT. Halos mabuwal ako ng malaman kong 40 pesos ang maliit na mineral water. Ginto ang tubig dito sa aiport kala nyo ba.

Hays, kaya hindi ka na magtataka kung mabansagang WORLD'S WORST AIRPORT ang NAIA,kasi kami rin ay hindi na nagugulat.

Ingat,

Drake

21 comments:

khantotantra said...

di ko alam kung yung naia 1 ay napuntahan ko na hahaha. clueless me.

sana lang either ayusin o create a new airport. kaso tiyak gastos at korapsyon ang magaganap. deads.

welcome bak sir drake

RHYCKZ said...
This comment has been removed by the author.
RHYCKZ said...

wahaha, kung may 1, ibig sabihin may 2 & 3 pa. panu na yun, kung yung 1 is hindi na mameynteyn. hahaha

kung ako nga di ko marecognize kung alin ang 1 at ang 2 or 3 eh, basta ang mahalaga makita ko sila mama at papa.

tama ka yung CR, may hepa A to Z na ata.

kuya, welCUM back.

Ayie Marcos said...

Hoy! Ewan ko sayo...(oo, dot dot dot ka sa akin ngayon).

*hindi kita namiss. lech!

NoBenta said...

parekoy, long time noisy. ang tagal mong nawala. grabe talaga ang NAIA 1. tama naman ang review. the truth really hurts but we have to admit it. nakanang, kuma-carabao english!

may experience ako sa cr ng paliparan nating ikinakahiya. nakakahiya yung gungong na janitor na gumawa ng improvised pangsalok (gamit ang pinagtagpi-tagping bote ng mineral water) ng tubig mula gripo ng lavatory counter hanggang sa drum na nililagyan ng pambuhos ng mga mabaho at maruruming inidoro. akala niya eh mabibilib sa kanya yung mga porenjer na nakakakita. ayun, onli in da pilipins.

welcum back! \m/

Ka-Swak said...

maganda nga yang survey na yan para mahimasmasan ang gobyerno na magpagawa ng bagong airport!

Anonymous said...

tsk2 ano bang ginagawa ng mga empleyado dyan.. tsk2

DRAKE said...

@khantotantra

Yun yung NAIA yung terminal 2 yun ang pang domestic lang (mostly) medyo maganda ganda yun! Ganun na nga nakurakot lang ang pera dun! Thanks Khanto miss kita ah!heheh

@Rikikis

Kuya???? Kapal mo rikikis mas matanda ka kaya sa akin!heheheh!Kamusta na rikikis, kelan ang uwi mo?

@Ayie

ayyyieeeeee!!!! i misssss you soooo muchhhhhhh, kelan k uuwi?

DRAKE said...

@nobenta

Twin brother kusta? Hindi b kayo naapektuhan ng baha sa calumpit? Sana naman hindi,kelan din ang uwi mo?uuwi k ngayong pasko? Medyo naging sobrang busy kya medyo natagalan sa pag uupdate!Balitaan mo ako pre!ingat

@kaswak

Kamusta ngayon k lang din napadaan dito no? Pa tinin nga rin ng blog mo! Dalaw ako dun

@kikiomax

Kamusta pre?medyo mnamiss kta ah!hehehe! Ingat

Stone-Cold Angel said...

brod, long time no update from your blog. Umuwi ka pala dito sa Pinas, di ka man lang nagpasabi.

Ayoko na nga pagusapan tungkol diyan sa airport na yan. bad trip lang.

Anyway, welcome back and sana maka update ka ng madalas. Me email pala ako sa iyo, check mo na lang.

Thanks!

an_indecent_mind said...

aba naman! nageexist ka pa pala? pumipintig pintig pa rin naman ang kwartong ito ano? hahaha!!

wag na tayong magreklamo, no choice naman e di ba? kung hanggang ngayon ay di pa rin yan nagagawan ng aksyon ng mga maykapangyarihan, subukan na natin ang mga pulis pangkalawakan! or else dun tayo sa malayong shortcut -- sa clark tayo! papakapagod much? LOL

welkam bak parekoy!

Anonymous said...

ahaha well the truth hurts talaga..

Naranasan ko rin yung aroma ng takubets sa NAIA at totoo namang nanunuot hanggang kasuluk sulukan ng baga mo yung amoy.

Welcome back drakula! apir!

Ayie Marcos said...

Miss mo my butt. Nagtatampo na ko sayo. Tinawagan pa kita, hindi naman nagriring ang telepono. Nag buzz ako sayo, wala ka ring sagot (parang gf lang?! hehehe).

Hindi na ko uuwi! Whaa!

San pasalubong ko?

Jag said...

At nagbalik k p? Loko lng parekoy hehe...

Wala din akong magandang kranasan jan sa NAIA 1. Para sa akin mukha siyang warehouse. Madilim na maraming karton na nakakalat sa sahig na ewan. Hndi maganda ang bldg. maintenance kya dapat tibagin na hehe...

DRAKE said...

@stone cold

Walang problema dahil uuwi uli ako this december!two weeks lng kasi ako at medyo sobrang naging busy oa but this december siguro we still have time para magkita heheh!ingat parekoy basta kokotakin kita heheh!

@indecent mind

Mukhang wala na nga akong magagwa dahil ganyan na talaga eh!salamat sa pagwewelcome back!hehhe ! Nga pala ano plano mo yhis hajj? Hehehe pagpuunta ka ng Riyadh sabihin mo lang pre! Ingat

@ Poldo

Hehehe, wala naman tayong magagwa dyan eh sa laki ng pinapadala natin at sa laki ng kini'kita ng airport nakakapgtataka lang talaga na ke panget panget p rin ng airport natin!hehehe!ingat

DRAKE said...

@ ayie

Hoy ayie di mo ba alam ang number ko? Teka PM kita sa facebook ko para malaman nmo ang number ko! Nahulog kasi yung cellphone ko eh! Kaya bago na ito!PM na kita now na!hehehe

@Jag uuwi ako this december PM mo rin nga sa akin number mo! Ikaw din brod di ka na rin naguupdate namiss tuloy kita!hehehe!ingat

YOW said...

I couldn't agree more. Grabe ang yang expectations ko sa NAIA, perstaym ko pa naman pumunta dun nung September. Kaya no wonder, listed siya as the worst airport eh.

Gusto ko ding ireklamo sa kinauukulan yung mga karinderya na yan eh. Syet lang. Cheese burger, P180? Seriously? Eh ang pangit pa nung pagkakapirito? Nagooverprice akala mo naman may tatak yung karinderia niya. May galit talaga me. Hahaha.

Kuya, pasensya na din nung August. Medyo di ko talaga nakilala pagpapakilala mo. Hihi.

Jag said...

Naku! Updated kaya ang blog ko hehehe...baka sira ang dashboard mo LOL...

DRAKE said...

@Yow

palibhasa di ka na ma reach kaya hindi mo na kaming pinapansin kaming mga alipng sa gigilid lang!hehehe!kamusta ang amerika? Yaman talaga! Ingat yow

@Jag
Sige ayusin ko yung dashboard ko di ko alam kung bakit hindi ako updated!hays!ingat

mr.nightcrawler said...

Grabe. Nung napanuod ko sa news, nahiya ako. I hope na sana mag-improve na. :)

darklady said...

ang pagbili ng maiinom ay naku swak na swak sa sinabi mo. Nung minsang sunduin namin kapatid ko aba e kung talagang di lang nanunuyot lalamunan ko hindi ako bibili.Ang nangyari tuloy hati hati na lang,para konting uhaw na lang maramdaman at yung konting uhaw sa bahay na lang iinom.hahahaha.