QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, December 2, 2009

ANG REGALO BOW




Usaping regalo ito kaya ang mga sumusunod ay ang mga regalong karaniwan kong natatanggap:


1. MUG


Minsan niisip ko mukha ba akong adik sa kape at tuwing pasko na lang eh halos isang dosenang Mug ang natatangap ko. Aba nagamit ko na sa ibat ibang bagay ang mahiwagang MUG na yan, ginawa ko ng tabo, ginawa ko na ring lalagyan ng mga ngingatngat kong lapis at bolpen, at ginawa ko na ring pantakal ng bigas namin.

Minsan naman nakatanggap ako ng MUG na may SODJAK SAYN pa, eh nung natanggap ko yun gustong gusto kong ibalibag sa kanya. Sukat ba naman ang nakalagay ay ARIS, eh ISKORPYO ako, iniisip ko baka nakalimutan lang nya ang bertdey ko kaya nagkamali lang. Pero naisip ko rin “Putcha, eh sya yung ARIS ah”. Tapos makita kita mo may may pinagtuyuan pa ng kape.Siraulong yun!!


2. PIKTYUR PREYM


Napakamakaysaysayan sa akin ng regalong yan, alam nyo ba kung bakit? Okay, ganito kasi yun.


Grey siks, ako nun tapos may paek-ek ang mga titser ko nun na magkakaroon kami ng EKSCHENS GIPT sa Krismas Parti namin , tapos dapat ang regalo namin ay nagkakahalaga ng Bente Pesos. Eh ewan ko rin nga ba sa sarili ko nun, kasi nakaututan kong bumili ng regalo ng lampas bente, at kapal peys ba namang mag ekspek na mahal din ang makukuha ko

Heto na kamo, araw ng Krismas Parti, pagkatapos naming libutin ang buong bayan dala dala ang mga gawa naming parol (yung sa akin binili ko lang sa Divisoria), bunutan na ng regalo

“Okay namber piptin” sabi ng titser

“Ako po yun” , sabay abot ng namber ko na talaga namang nagkadapa dapa pa ako sa sobrang eksaytment, sobrang ekspek na ekspek ako nun, kasi mahal yung binili kong limang bimpo na ibat ibang Kolor (aba betsingko yun). Pagbukas ko ba naman ng regalo, halos mahimatay ako sa natuklsan ko. Isang makapanindig balahibong.................(tenen).......... “PIKTYUR PREYM”, na may piktur pa ni Manilyn Reynes sa loob. (aba greyd wan pa lang ako piktyur preym na natatanggap ko)

Galit na galit ako nun, kasi pakiramdam ko nautakan ako ng kaklase ko, kasi tig kikinse lang yun samantalang yung sa akin betsingko pesos. Nung malaman ko kung sinong nagbigay, hinamon ko ng suntukan, sabay tapon sa basurahan ng piktyur preym. Nagbanta pa ako

“Kapal ng mukha mo piktyur preym lang bigay mo eh tig kikinse lang yun, yung sa akin nga betsingko yun,Kapal ng apog mo pwet ka”


3. PIGURIN AT KANDILA


Medyo pinag-iisa ko na yang dalawang regalo na yan, kasi halos pareho lang naman yan. Halos tuwing bertdey pasko, bagong taon at kung ano ano pang okasyon yang dalawa yan ang di nawawala. Sa tagal tagal ko ng nakakatanggap ng regalo hindi pa ako natatanggap ng buong pigurin, Mukha tuloy jigsaw puzzle na kailangang pahirapan pa akong pagdikit dikitin ang mga basag na Pigurin.


Yung kandila naman, okay sana kung medyo pangmayaman yung kandila, pero yung iba akala ata lahat ng kandila ay pwedeng pangregalo, minsan pinagloloko ka pa ,kasi kandilang pampatay pala yun, sasabihin pa sa iyo, “Uyyy may amoy yan”, nung inamoy ko naman amoy......... GAAS . Ano yan gaguhan?

Minsan naman magreregalo ng kandilang santa claus, o di kaya mickey mouse, Pero pagsinindihan mo matatakot ka pa kasi pagsinindihan mo ito makikita mo si santa claus naaagnas ang mukha!!. Hindi ko na nga nagagamit yun pag brownout kasi nakakatakot ang itsura nila pagnalusaw kaya pinagdidiskitahan ko na lang gawing plorwaks.


4. PANYO O BIMPO


Medyo iyan din naman ang madalas kong panregalo pag wala na talaga akong maisip. Paepek pang sasabihin kong, “kasi alam kong mahilig ka sa panyo”. Pinaganda ko lang na “Kasi uhugin ka at nagmamantika ang katawan mo sa pawis kaya panyo bigay ko sa iyo”. Pero ako rin naman isandamakmak na panyo ang natatanggap ko (yun rin kaya iniisip nila sa akin??).


5. SUBENIR


Naalala ko yung ate ko, noong bata pa sya at hindi pa nagpapanty. Krismas Parti namin sa Choir noon at syempre may EKCHENS GIPT uli, dis taym tig tetrenta na (tinaas ang level). So ang ate ko eksayted din at namili na ng Curly Top at Serg (yung kalaban ng Nips noon), kaya naman ganun din sya ka-ekspek na maganda ang makukuha rin nya (magkapatid nga kami).

Heto dumating na ang araw ng Krismas Parti, at bigayan na ng regalo,
“Okay namber por” sabi ng maestro namin

“Ako po yun, ako po yun!!” nagkukumarat ang ate kong may hangin din ang utak

Pagkaabot ng regalo sa ate ko, hayun binuksan agad, eksyated na eksayted eh.
Pagbukas nya ng regalo halos lumuwa ang mata nya (hulaan nyo ang regalo nya??? Uhhmmm hindi piktyur preym), pagbukas nya ng regalo isang wallet na kulay puti na medyo pamilyar ang hitsura, Kaya pala pamilyar eh "GIVE AWAY"pala yun ng suking tindahan ng nanay ko , tapos may nakalagay sa gitna “Aling Miling's Store”


Umatungal ng pagkalakas lakas ang ate ko, sabay sabi “PURUROT ANG NAKUHA KO, PURUROT”, eh hindi ko naman masisisi ang ate ko, eh kasi naman eh sandamakmak na wallet na may “Aling Miling's Store” ang meron sa amin.


Pag-uwi ng bahay, nasa gate pa lang ang ate ko, umaatungal na, na parang baka.

NANAY, NANAY!! Pururot ang nakuha ko, pururot!!! Na halos lumubo ang sipon at tumutulo ang laway.

Eh takang taka ang nanay ko bakit ganun na lang ang atungal ng kapatid ko.

“Eh ano ba ang nakuha mo?” tanong ng nanay ko

“Ito po!!” sabay ipinakita ng ate ko yung regalong natanggap nya, sabay singhot ng uhog

“AY!! PURUROT NGA!!!” sigaw ng nanay ko.

Naalala ko pa yung mga eksena yan sa amin. Eh nung i-trace namin kung sino ang nagbigay ng pururot na yun, napag-alaman naming yung pinsan ko pala, tapos sya rin ang nakatanggap ng regalo ng ate ko. Hehehehe!napakautak ng pinsan ko na yun, hindi man lang nag-effort.


6. KUNG ANO ITINANIM SYANG AANIHIN


Yung kuya ko may lahing intsik ata yun at pinaglihi ng nanay sa belekoy sa sobrang kuripot. Akalain mo bang ginagawang SM o tyangge ang Displeyan namin.Nagwiwindow shopping! Titingin tingin sa mga nakalagay sa Displeyan namin, ipapabalot at gagawing regalo ng LUKO. Minsan yun Angel na pigurin na mukhang demonyo dahil sa dungis aba pinapatos. May tagas ang utak. Kaya madalas tuloy wala na rin akong mapanregalo (ako rin pala)


Nung minsan naman nagregalo ako sa isang kaibigan ko ng libro, yung libro na yun eh bago pa saka hindi ko pa nababasa kaya tamang tama panregalo, kaya binalot ko na at umaten na ako ng bertdey parti nya (syempre chibugan yun kaya dapat nandun ako). Pagdating dun inabot ko na yung libro, pagbukas nya ng regalo:


“Wow, ganda naman ng regalo mo, siguro tagal mong pinag-isipan ito”


Sabi ko lang “Oo naman halos mapudpod ang sapatos ko kakahanap nyan” habang lulon lulon ang hita ng praydchiken


“Eh gago ka pala eh, regalo ko sa iyo ito nung bertdey mo” sabay batok sa akin.


“Ah ganun ba, sori”


Buti na lang barkada ko yun. Hehehe. Dapat pala gayahin ko yung istayl ng nanay ko pagpyesta sa amin. Ginagawa nya, inililista nya kung ano ang binigay ng bisita para kung magreregalo sya hindi nya maibigay ang mga ineregalo sa amin. Minsan din hinahangin din ang utak ng nanay ko. (alam ko na kung saan ako nagmana)


Opppsss…. Tama na yan seryoso mode na ito. Well sa totoo lang hindi naman mahalaga kung ano ang regalo ng isang tao ang mahalaga eh kung bukas ba sa loob nya ang pagbibigay. Sabi nga nila “it better to give than to receive”, kung sino ang nagsabi alam nya na kung magbibigay ka makakatanggap ka rin naman, maaring kaligayahan kasi nakita mong naging Masaya ang kapwa mo, o kasiyahan kasi naibahagi mo sa iba ang mga biyaya mo.


Maraming mga bagay na hindi maaring bilhin ng pera, kaya kung magreregalo tayo, isama natin ang bahagi ng sarili natin sa regalo natin. Masarap makatanggap ng regalo pero mas lalong masarap sa pakiramdam kung yung taong pinagbigyan mo ay masayang Masaya dahil sa ibinahagi mo sa kanya. Hindi nasusukat ang halaga ng regalo sa presyo nito, nasusukat ito kung gaano karaming pagmamahal ang inilagay mo kasama ng mga regalo mo.


Ngayong pasko gawin natin maging makabuluhan ang bawat regalo natin, ito ang araw ng pagbibigayan, at magandang ibigay mo ang sarili mo sa iba, tulad ng Panginoon natin ibinigay Nya ang Kanyang sarili ng buong buo para sa atin kaya tayo may Pasko ngayon.


Iyan lamang po at maraming Salamat, Merry Christmas at Happy New Year.

25 comments:

Lord CM said...

Its the count that thoughts lolzz

Regalo ko pre ah! :D

I am Xprosaic said...

Aaahhh nauna na naman si Lord CM...

2nd base! jowk! nyahahahaha

hayz, masaya na ako kapag may nakakakaalala sa akin sa mga ganitong okasyon... kahit walang geps... jijijiji...

Chingoy said...

nung elementary ako, nagbigay ako ng "sour ball", yung candy na masarap, "sour ball" din ang natanggap ko.
kung ano ang itinanim, siyang aanihin.. SAKTO!

meri krismas!

glentot said...

Sobrang tawa ako ng tawa sa post mo na ito ewan ko kung nalipasan lang ako ng gutom or antok pero tawa ako ng tawa the best post mo ito para sa kin, halatang mahaba-habang pagreminisce ang ginawa mo para mabuo ito at two thumbs up! Kahit mahaba ito binasa ko talaga... uulitin ko pa hehehehe.

Jepoy said...

Familiar Post, baket kaya? LOL parang may relasyon ito sa recent post ko. Pareho siguro tayong below 30 ang IQ. Related kasi post natin eh lol

KESO said...

hahahha. umagang umaga, tawa ako ng tawa.galing! hah nakakarelate ako, puro bimpo lng din kse nttngap ko pag may exchange gift. haha.
ingat!

The Pope said...

Matagal na rin akong di nakakatanggap ng regalo hahahahaha, okay na sa akin iyong coffee mug, hahaha. pero wag naman yung nagamit na mug hehehe.


Merry Xmas bro, pinasaya mo ang araw ko.

Alkapon said...

pare, reregaluhan kita ng glowing in the dark na condom, i try mo isuot yan sa dilim saka ka maki pag sex, ang cute ng dating.. kumikinang sa dilim.. ha ha ha ha

DRAKE said...

@Lord CM

Base ka bro, at dahil dyan may regalo ka sa akin! Isang malutong na kiss! Mwaaahhh!

@Xprosiac

O naalala kita bro Merry Christmas, asa geps ko??hhehe

DRAKE said...

@Chingoy

Ako rin yun ang lagi kong panregalo.Hahhaa Yung tig dadalawang piso ang isang box tapos ibat ibang kulay pa! Sour ball pala yun akala ko moth balls

@Glentot

Di nga napatawa kita dito?Nice pre isang malaking karangalan yun para sa akin ang mapatawa ang isang Glentot!Hahahha

DRAKE said...

@Jepoy

Sorry kakakuha ko lang ng IQ test at above average ang IQ level ko 137 yun!Medyo malapit na sa genius yon!haha

Gagaya-gay ka Ponkan!Lols

@KESO

Puro bimpo pa ang lagi mong natatanggap?Uhmmm hindi ka naman uhugin nyan?Aba mag-isip isip ka na kung bakit puro yun!LOL salamat sa laging pagbisita!Lab na kita!hehhee

DRAKE said...

@The Pope

Merry Christmas din po sa inyo at inyong Pamilya hiling ko ang kasaganaan para sa susunod na tao pa!Thank you lagi sa pagbisita!

@Al Kapon

Tae ka Al Kapon, sorry di ako nagcocondom!hahahha!Hoy pwet ka regaluhan mo nga ako ng maayos na regalo!Ingat pre

mr.nightcrawler said...

hay naku parekoy.. be happy na jan sa mga natatanggap mo. ako nga, nung elementary ako, mat isang christmas na ang regalo sa akin ng lahat eh brief. grabe. parang joke nila sa akin. hay naku... di daw kasi ako mahilig mag-bfrief nung bata ako. eh sa presko eh. hehe.

Klet Makulet said...

hahahah okay na din yan kuya kheed. mahalaga may gip ka :P

Jepoy said...

@Drake Wag ka ng mag panggap na iniba mo ba ang date at time stamp ng entry mo. Papatawarin naman kita kung ginaya mo ung sakin eh, no big deal LOL

DRAKE said...

@Nightcrawler

Ganun puro brief ang bigay sa iyo akin na lang kasi puro na bacon brief ko! Size ko large alam mo na kung bakit!whahhaa

@klet

nasa tamang blog ka ba? Di ako si Kheed!

@Jepoy!

Aminin mo na kasi idol mo ako!hahahha Kaya lahat ng post ko ginagaya mo!Ingetero ka talaga!LOL

Dhianz said...

kuyah ang haba nang post moh!.. lolz... well natawa akoh don sa medyo beginning... yung mug... picture frame na may manilyn reynes pah ang yung mga display na kulang na lang maging puzzles... akoh galante akoh magbigay... yun nga lang dehinz fair minsan kc nakukuha moh eh EH!... 'lang ka-eeffort effort... eniweiz...

teka nabasa koh reply sau ni Glentot.. yeah akoh ren natawa as in hahaha... may tunog pa kuyah... natawa ren kc akoh sa post ni Jepoy... aliw nyo sa earth...

neweiz... what am i gonna say?... ahh minsan kc i think nawawala na ang true spirit of christmas.. i guess nde naman toh 'bout spending so much money... itz 'bout giving somethin' that money can't buy... such giving love... hugz.... spending time w/ our loves ones... naks... teka.. ayos!.. nde na akoh magchri-christmas shoppin'... lolz...

sige yon na lang... have a safe happy trip pag-uwi moh... Godbless! -di

kox said...

oh mey gad. hahaha.. nkakatuwa kau! anong pururot? haha.. dapat pala pag makakatanggap k ng regalo lagyan mu ng note kung anong gusto mu, parang ako.. haha.. pero ginagawa ko lang yun pag dito sa bahay nmen. hehe :D

advance meri krismas. regalo ko ah. XD

Jag said...

Wahahaha nkakarelate ako pero mas malala p ang s akin kc nung gradeshooler pa ako ang panregalo ko ay tupperware tas ang natanggap ko ay biko na nkabalot sa plastic cellophane hahaha gusto kong umiyak nun kaso pigil ako kasi presidente ako ng klase nun jijiji...

Gustong-gusto ko ang post na ito, pinoy na pinoy hehehe...

Jag said...

Aba teka, uuwi ka parekoy sa Pinas? Doon ka magpapasko? Huwaaaaaaaawwwwww!!!! Kakainggit!!!!
Pasalubong ko ha jijiji...

DRAKE said...

@Dhianz

Buti naman at natawa ka sa post ko na ito! Hehehe! Marami rin ang naaliw dito pero nakakatuwa lang din na natuwa ka!

Oo medyo excited na rin umuwi kasi makalipas ang 3 pasko ngayon lang uli kami makukumpletong pamilya.Ingat

@Kox

Hindi mo alam yunng pururot?Uhhmmm pagmay LBM ka pururot ang lumalabas o malabnaw na tae. So ngayon alam mo na!hahaha

DRAKE said...

@Jag

Oo pre uuwi ako, medyo excited na rin nga kasi mahahaba haba naring panahong hindi ako nakakapagpasko sa Pilipinas! Hehhee

Gusto ko sanang mameet ang mga kapwa ko blogero! Sbukan ko rin!heheh

Ingat

DRAKE said...
This comment has been removed by the author.
gillboard said...

ako simula nung grumaduate, wala nang nakukuhang gifts... padala mo na lang yung relo mo!!!

hehehe

ladyinadvance said...

haha natawa ako pero seryusli masarap tlga pakiramdam pag nakikita mo ung mahal mo sa buhay na masaya dahil bingyan mo ng regalo, hindi matatawaran ng kahit na anong pera/bagay ang saya na nakikita mo sa mga mata nya habang binubuksan nya ung gift mo...yiiii..

uhmmmm regalo ko po?..lapit na pasko.. :D