QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, November 3, 2010

MALAPIT NA BIRTHDAY KO



Una sa lahat nagpapasalamat ako sa mga nagpadala na ng kanilang “WACKY PIC” bilang regalo sa bday ko, at para sa mga hindi pa nagpapadala, eh pinapaalala ko sa inyo malapit na ang deadline …..sa November 8 na! Kaya magpadala na baka malay mo ikaw ang manalo ng isang kilong GOLD. Hahhaha! ito uli ang email ad ko drake_kula@yahoo.com

Sa totoo lang ako yung klase ng tao na hindi masyadong nag-iisip tungkol sa kanyang bday. Para sa akin isa lang syang ordinaryong araw gaya ng karaniwan. Aaminin ko naman kasi bihira may magsurprise sa akin tuwing bday ko. Walang party, walang special tribute at walang kung ano-ano. Siguro dahil…WALA naman ako sa buhay nila (naks kadramahan!heheh)

Natuwa ako last year kasi may isang blogistang nagpadala ng “CAKE” (hindi ko na babanggitin kung sino dahil artista daw sya). At iyon ang kauna-unahan kong cake na natanggap simula na lumabas ako sa mundong ibabaw na ito. At iyon din ang kauna-unahang cake na umihip ako ng kandila at nag WISH

Sobrang TATS din ako at sobrang saya dahil marami ang nagpadala ng pic greetings nun kahit medyo bago pala akong nakikipagkaibigan sa blog. Kaya natutuwa din ako kasi karamihan sa nagpadala noon eh sila pa rin ang nagpadala ngayon. (katibayan lang yan na kay tatanda na nila eh nagbablog pa!Joke lang)

Naalala ko pa nung elementary pa ako, karamihan kasi sa mga kaklase ko may mga party-party. Yung tipong kahit maputlang spaghetti at tinapay na may konti chizwiz lang ang handa eh solb solb na. Inggit na inggit ako sa kanila at iniisip ko na sana ako din may ganun. Alam kong hindi ako magkakaroon ng party dahil wala naman kaming pera. Kaya ang ginawa ko nag-ipon na lang ako, naglalakad pauwi at hindi ako kumakain tuwing recess para naman kahit paano may pambili ako ng handa. At dahil alam kong abala ang nanay sa mga gawaing bahay, hindi ko na rin sya kinulit na ipaghanda ako ng pansit o kahit bilo-bilo (o ginataang halo-halo). Kaya naman nung dumating na ang araw ng bday ko, niyaya ko yung mga kaibigan at kaklase ko sa bahay. At pagkatapos bumili ako ng tingi-tinging peanut butter at mumurahing monay. Bumili rin ako ng SUNNY ORANGE para sa juice. Sa akin masaya na ako na may nagpunta sa bday ko kahit simple lang ang handa.

Habang masaya kami noon at nanonood ng paborito naming palabas sa TV, nagulat na lang ako na dumating ang kumare ng nanay at kukunin na raw nya yung TVng sinanla namin, kaya hayun nakita ng lahat ng kaklase ko na kinukuha yung TV namin. Tapos tanong sila ng tanong pero wala akong maisagot kasi napahiya na ako noon saka di ko naman alam na sinanla pala yun ng nanay. Kaya simula noon, hindi na rin ako nang-yaya ng mga kaibigan ko sa bahay. At mula din na yun, sa tuwing sasapit ang bday ko, para akong napapahiya na hindi ko mawari
Naks, kay drama noh!Hehhee!

Pero tulad ng sinabi ko, hindi naman ako nag-aasam ng kung ano pa man sa bday ko. Kung maalala nyo ako, salamat. Kung hindi, salamat din. Sino ba naman si Drake para pag-aksayahan ng panahon para batiin!Naks!

Basta maraming salamat sa walang sawang pagsubaybay sa mga walang kwenta kong sulatin. Hindi ko man kayo mailibre sa bday ko, eh alam kong……..naniintay kayo ng libre!hahaha!

Hayaan nyo babawi ako pag-uwi ko ng pinas!

Ingat mga KAUTAK!!!

33 comments:

gillboard said...

advanced happy birthday!!!

Jethro said...

ang kyut naman ng mga blog entry mo drake.. di ko maalala kung bakit nag-follow ako sa blog mo.. subalit ngayon pagkatapos kung mabasa eto naalala ko na! dahil pala sa klase ng mga post mo. keep it up and advanced happy birthday! ^^,

Anonymous said...

dumadrama ang sir drake pwede ka ng magartista, pang MMK na sige!

hmmm di bale sir yung tv niyo nun napalitan mo na ng LED tv na binili sa electron sa batha,
yung cake naman kahit goldilocks or blue or red ribbon kaya munang bumili ng franchise
hihihihi

kidding aside, lahat naman ng mga nangyaring yun nagpatatag sa iyo at maging sa pamilya mo.

sometimes we look back those things not to pity our selves but to see how much the distance we made on the course of the race.

be blessed sir.
manlibre ka kahit shawarma lang dun sa may CFC hehehehe

Anonymous said...

pahabol nga pala,
i think above all we learned humility from those lessons learned. and those lessons learned in life are worth sharing to the whole world.

khantotantra said...

advanceness happy birthday!

napaluha nmn aq sa sa left eye sa story about sa tv. parang nkakahiya n kung kelan bday mo nuon e saka p may ganung eksena

glentot said...

Ngayon mo sampalin ng HD TV ang kumare ng nanay mo hindot sya hindi marunong tumiming...

The Gasoline Dude™ said...

LOL! Natawa ako sa comment ni
Glentot.

Oo nga, pagsasampalin mo ng limpak limpak na pera 'yung kumare ng nanay mo dahil alam namin na marami ka na niyan.

Hindi ata ako nakapagbigay ng picture greeting last year. Haberdey!

Unknown said...

hoy yung mga wala pang bday pict greet dyan ipadala na sa

drake_kula@yahoo.com

yun na nga lang kasiyahan ni drake puge!

Axl Powerhouse Network said...

yun oh.. isang malaking piging ang magaganap oh... maligayang bati sayo :D

Xprosaic said...

Pang maalaala mo kaya ata tong entry na ito eh... hehehehehehe... ay naku di ata ako nagpadala last year... matanda pala eh... hindi ako kasali dun... ahahhahahahahha

Null said...

dramatology sa hapon!!!! Harhar :) papadalhan kita ng cake... i bake ko bukas papadala ko na para maaga makarating lol! Parang nasa kabilang kanto lang hehe

Ganun ba talaga pag tumatanda... Nag eemo? Harhar!

Trainer Y said...

ganun daw talaga pag bumeberdey eh dumadramarama ng maige.. ganun daw talaga kapag nagkakaedad.. nagiging maramdamin
nyahahahahaha

advance haverdey drake!

Oliver said...

hinhintay ko ang libre mo haha.
pareho tayo. hindi ako naglolook forward sa birthdays.
ayoko din ng naghahanda tapos may gathering somethingsomething.
pero memorable ung last birthday ko, haha. alam ata ng buong mundo ang kadramahan ko sa buhay kaya nageffort sila.

Kaye said...

pansin ko kuya, nagiging madrama ka this days. hihih.. tama si kuya glentot, sampalin mo ng HD TV, o di kaya'y LED TV tapos tumawa ka ala kontrabida.

Anonymous said...

Naks naman sa drama,, gift ko na sa iyo Plasma TV, borderless pa.. Hintayin mo lang dumating ang paFEDEx ko, mga 48 years pa.. Hehehe..

Kaya mo iyan, katulad ng sabi nila, afford mo ng manampal kaliwa't kanan ng moolah sa pagmumukha ng kumare ng ina mo!! LOLOLOL :D:D:D:D

Word verif ko: despais.. :D

DRAKE said...

@gillboard

maraming salamat parekoy!!!

@manlalakbay

brod ang tagal na hindi ka nadadalaw sa blog ko ah!salaamt at nadalaw ka uli, alam mo naman ikaw ang unang nagbababasa ng blog ko, kaya welcome back brod!

@mizpah

dumugo ang ilong ko dun!tissue tissue tissue!heheh!tama ka brod sa lahat ng sinabi ko kasi kung ano ka ngayon ay dahil yun sa mga natutunan mo noon. AT sa tuwing bibalikan mo ang ala-ala na yan, mas lalo kang nagsusumikap na di na muli ito mangyari!salamat brod

DRAKE said...

@khantotara

naks, ako naman medyo napangite sa bigay mong wacky pic!naks!heheheh!maraming salamat brod!

@Glentot

Hayaan mo isasalaksak ko pa sa bibig nya yung 32 inches LCD TV ko!hahah!joke

@Gasdude

Oo nga di ka nagpadala last year!pasaway ka!

Brod ikaw lang ang makakagawa na nanampal ng limpak limpak na pera kasi mayaman ka!hahahah!

Ingat brod

DRAKE said...

@ollie

salamat sa pagpopromote heheh!Salamat nga pala sa mala-hunk na pic na pinadala mo, ikaw na ang may abs!ikaw na!hahah!Intay mo yung video

@axl

maraming salamat sa pagdalaw mo sa blog ko at sa pagbati, dalaw din ako sa blog mo!ingat palagi brod

@xprosiac

Brod nagpadala ka next year, hehehe kaya dapat magpadala ka rin ngayon!iniintay ko yan brod!hehhehe

Ingat parekoy

DRAKE said...

@b2

iintayin ko yang cake mo na yan ha! so mayroon ka pang one week para maipadala sa akin yung cake na yan b2!hehehe

Miss na kita b2!heheh!ingat

@yanah

hahhaha, bata pa kaya ako, sobrang bata!kyut na kyut pa!hahhaha!

ingat palagi yanah!

@Oliver

Teka di ko ata nabasa yung post mo na yun eh!mabasa nga one time at para laman ko yang mga kadramahan mo sa buhay!

ingat parati brod

DRAKE said...

@kaitee

hayaan mo katulad ng sinabi ko kay glentot, isusungalngal ko sa bibig nya yung TV ko!hhhahhaha!

salamat sa pic!ingat plagi!

@michael

Brod add kita sa blog list ko ha!Salamat sa pagdalaw sa kwart ko!
Ingat palagi!

Anonymous said...

happy malapit na ang birthday sa iyo.. wahehehe

Poldo said...

ang drama mo naman lapit n berdei oh!!! lika punta ka dito!

libre kita ng LCD TV na 3" inggitin mo yung kumare ng nanay mo! LOL..

basta nandyan lang ang mga presence ng kaibigan di na kailangan ng magarbong handa!! basta may gift sila ok na! hehehe.. advance happy birthday sir drake!

chingoy, the great chef wannabe said...

hapibertdey...

Superjaid said...

advance happy birthday kuya drake!

yung pic greeting naitag ko na sa fb mo..^^

wag ka ng masyadong emo para di ka na masabihan ng "ganyan ba kapaga tumtanda?nagiging emo?" hehehe

Klet Makulet said...

adbans habeberdey tuyu!!!

Dhianz said...

advance happy bday kuyah... missmwah.. Godbless!

Dhianz said...

drama kah daw? nde akoh nagbasa eh.. haha... eh kelan pah naging bago ang pagiging madrama nang wafung drake ha? aysowz... gulat kah kung nde madrama yan.. kausap koh? haha... oh yeah.. nde lang madrama.. mabola pah... numero uno... pwamis... naniniwala na sana akoh sa mga kadramahan sa past eh... eh kaso eh... si jepoy eh.. ahahha.. lol... ingatz kuyah... sige.. sori... inaantokz na mata koh sa antokz... enjoy ur day... havea a blast emoterong wafung drake! lol... Godbless!

Dhianz said...

yun palah hangdrama... okei fine! binasa koh nah... sus... alam moh bah ung feeling na pumipikit na matah moh habang nagtytype kah...yup! that's exactly wat i feel right now... i was gonna say somethin' else pero nalimutan koh... ahhh??? ano bah 'un?... a*hikabz* puwede palha mag type nang nde nakatingin sa computer... tumingin ka lang sa kawalan... yey! that's wat i'm doing right now... gandang trip... gawing enntry ang kometn box ni kuya drake... ahh... uhm... pag nagbakasyon akoh ond sakaling bakasyon ka ren... libre moh ren akoh ha... nang bonggang bongga... nd parang mameet finally nd wafung wafung drake... ingatz kuyah... haha..

in fairness not so much errors and type kong nde nakatingin... may talent.. lol.. nite! Godbless!

DRAKE said...

@kikomax

Maraming salamat sa pagdalaw mo sa blog ko!Sana wag kang magsawa sa pagdalaw dito!maraming salamat uli!ingat

@Poldo

Naks namimigay ng TV ikaw na ang mayaman!hehehe

Sayang brod di ako makakapunta dyan kala ko dyan ako magbeberdey!Hays bwisit na renewal ng passport na yan!

Ingat

@Kuya Chinggoy

Salamat kuya, miss ko na ang kulitan natin nila pips!

ingat

DRAKE said...

@Superjaid

Maraming maraming salamat sa pagtag mo sa akin ng photo!Kala ko malalate ka na naman eh!hehehe!joke lang!

Salamat sa pagbati Jaid, kita tayo pag uwi ko ha!ingat

@klet

maraming maraming salamat sa pagbati ko!wala bang pix dyan!hehehe!ingat!

@Dhianz

Musta na dhianz?eto ang namimiss ko sa iyo eh! Ang pagcocomment mo sa akin! Buti naman napacomment kita!heheh! At ano naman ang sinabi sa iyo ni Jepoy?heheheh!
Wag ka na kasi hiatus, pamiss ka eh!hehee!

Maraming salamat sa pic, akala ko rin nga nakalimutan mo na ako eh!

salamat uli at ingat

Dhianz said...

hiatus... he halos naka-isangdaan post na akoh mula nung bumalik eh... upakan kitah dyan eh... kaw nde dumadalaw eh... bzbzhan kc! lolz... la eh.. sikat na kc eh... nde na ma-reach eh.. para ka na lang sina glentot at si jepoy... well si jepoy lang.. si glentot medyo nareareach pa eh... lol... pero nde... kahit nde ka nagpaparamdam kuyah eh wabz kitah... naks naman... mabola juz like u! mana lang sau daz why... haha... advance happy birthday kuya kong so wafu... stay wafu nd nice nd God-loving person... kung sa ulam eh halos kumpleto ka nah... yummy... eh ano pa hahanapin sau? haha... oh sige nah... enough bolah... hanggang sa muli... ingatz po lagi... i know ur pretty bz... or at least pretending to be bz.. lol... take care and Godbless! peace out =)

Jag said...

naniniwala na talaga ako sa kasabihan...habang tumatanda nagiging emotional haha peace parekoy!

pamatayhomesick said...

hapi bertdey! repakoy!