QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Friday, November 12, 2010

WACKY PIC & BDAY GREETINGS

Maraming salamat sa lahat ng bumati at nagpadala ng kanilang pic nung birthday ko. Nakakatuwa lang na yung mga taong talagang inaasahan kong magbigay ng kanilang mga wacky pic eh talagang nagpadala sa akin. Ito talagang mga taong ito ang tagasubaybay ko at loyal followers ko. Naks

Ayaw ko na munang patagalin ang kwento, saka ko na lang ikukuwento dito yung birthday celebration ko. At tungkol naman sa pakontes ko. Mayroon nanalong tatlong bloggers. At ang first prize nga pala sa nanalo sa WACKY PIC CONTEST ko ay isang….....malaking tenk you!hahahaha! (joke lang). Saka ko na lang sasabihin ang prize pati yung nanalo sa next update ko!

Basta heto muna ang video. At maraming maraming salamat talaga sa nagpadala. Sa mga hindi nagpadala……..TANDAAN NYO YAN! Hahahah! Joke lang! Tenks pa rin!

Heto na po ang video:





video



Heto rin nga pala yung pinadalang pic ni KIKILABOTZ, akala ko nga nakilimutan na nya, (nangako kasi sya sa akin hahah). Medyo tampo na sana ako dahil wala ngang pinadala pero ang dahilan pala kaya di ko natanggap eh dahil sa ibang email address nya pinadala yung pic nya (nahalata tuloy di nagbabasa ng instruction at nagskiskip read!LOLS!Joke lang pre).



Pero brod maraming maraming salamat sa pic na ito (see special mention ka pa dito). MARAMING MARAMING SALAMAT ULI!






At kay Ayie aka PIPS aka PIPAY aka Angelu look alike, hindi hindi kita makakalimutan dahil kinalimutan mo ako. HAHAHAH! Tinext pa man din kita, nagcomment pa ako sa facebook mo, kinulit pa, pero ni anino o kahit picture ng camel,wala. As in WALA!! Eh gusto ko sanang magtampo pero sige OKAY na nga din! Salamat na lang, bawi ka next year!

INGAT PALAGI


Drake

44 comments:

YanaH said...

waaaaaaaaaaaaaa wala ako makita....
belatednesss!
:D

KikomaxXx said...

aw.. belated... hahaha meron pa ba nito next year... wahehehe

YanaH said...

nakitaaaaaaaaaa ko na ahihihi
loving talaga ako hahahaha
hehe nways, belated haverdey.. hope u had a blast

gillboard said...

sensya naman.

Belated Happy Birthday!!!

khantotantra said...

error occured. huhuhu. try ko nga mamaya, belatedness.

Ako si Yow said...

Sakit sa ulo! Eh wala naman ako sinasabing ganu eh? Haha. Happy Birthday. Nahiya ako bigla na nagpakitang mukha. Haha.

DRAKE said...

@yanah

oo naman alam kong loving ka!hehehhe! salamat sa greetings!

@kikomaxx

Oo pre meron pa naman, sayang naman di ka nakapagbigay!hehehe! salamat sa greetings!

@gillboard

Salamat pre!ingat palagi!

DRAKE said...

@khanto

Tingnan mo mamay pre, heheheh!salamat sa pic mo at sa greetings ingat!

@Yow

Nahiya pa!naks! Salamat pre sa pic at greeting ha!

Sanay ka naman ata sa pictorial eh!ingat plagi

Poldo said...

PUTEK!!!! anong crush ng bayan!!! wahahaha... wala akong sinasabing ganun!! idedemanda kita hahaha..

belated happy birthday IDOL drake!

glentot said...

Puta ka! Kung alam ko lang na bababuyin mo ang pic ko hindi na sana ako nagbigay ahahaha! Fuuuck bagong-bago ang kanta, updated ang playlist!!!

Yung kay Rico de Buco na pic greet, recycled! May "Ttraveliztera" sa taas.

Andy said...

asan na ang pinangako mong isang sakong bigas na award sa mga nagbigay?!!!

darklady said...

waaah!! sweet girl talaga ah.hehehe.^____^ salamat


Ingat!

Dhang said...

hindi naihabol 'yung kay ate ayie? parang 'di ko nakita ah. hehehe!

Chingoy said...

travelistera ka na? :))

themizpah said...

bakit ako ang chickboy ikaw yun!
paktay tayo sa iyo!
laglagan ba gusto mo? hehehehe

hope you had a great birthday last wed

may the Lord bless you more and more!

ingat sa batha, madaming ano diyan hehehehe

salamat parekoi

kikilabotz said...

bkit wala yung pinadala ko? haha. namili k lng ng magagaling. hehe
madaya. kming mga hindi sikat hnd mo sinama

ro anne said...

syet inulit ko talga at hinanap si rico LOL!!! tae ka glentot hahahaa napansin mo pa yun LOL!!! 20-20 vision haha

hapi bday b1 :)

Jag said...

wala akong masabi...lol...belated happy bday parekoy! :)

akhet said...

belated hapi bertdey din po....
napadaan lang...=)

Oliver said...

ikaw na ang magaling magvideo edit.
belated hapi bday!

rico de buco said...

ang saya naman!!!! wahahaha emo tlg hahahaha..

happy birthday drake-e hehehe...

ang ganda ng video..hehehe

Yanie's Ka-blags!!! said...

naiyak naman ako sa vid mo! Akalain mong ako pala ang number 1 fan mo? Taena kelan nangyari yun???? hahaha!
Happy Birthday Bek-Bek!!!!

Kaitee said...

Special mention si Kikilabotz! Haha! Benta yun pic ah.

Dhianz said...

nyah... lovely daw... emotera kamo... happy birthday kuyah... i greeted u in mah blog den... kelangan koh sabihin sau kc bihira ka nemen maligaw don... happy birthday *hugz* Godbless! -di

Klet Makulet said...

Habebertdey (advance man o belated) at congrats sa kung sinuman ang mananalo... ipagpatuloy ang pagiging wacky .. panalo yung vid hehehehehe

Ayie said...

Ibinandera mo talaga ako????!!!! Hahahah! Ganyanan ha! At least binati kita as in special mention sa blog ko! Hmp!

Kse naman sabi ko sayo FHM pose ang gusto ko, eh wala nga akong wacky. Magmumukha akong pasas na naapakan ng kalabaw pag pinilit ko pa rin. (at least honest ako diba).

Love mo naman ako, so forgive me na pleaaaseeee!!! =))

Ikaw na ang nag-iisang Piolo/Aljur ng Middle East!

Awwww!

NoBenta said...

hapi beerday long lost twin!!! sorry kung medyo late na ang pagbate ko sayo. medyo busy pa ako sa paggawa ng mga inidoro!!

we wish you all the best in life. we wish you a merry christmas and a happy new year!!

♥superjaid♥ said...

belated happy birthday kuya drake!^^ hehehe

The Gasoline Dude said...

Gagu ka! Hahaha LOLA ang ibig sabihin ng IMPO! Ampf!

KikomaxXx said...

Yung Kaepalan ni kiko.. wahehehe... salamat...

DRAKE said...

@poldo

Arte lang oh, kunwari ka pa eh mukhang tuwang tuwa ka nga sa tag mo!hahaha

@Glentot

Ayaw ko na ngang pansinin yung kay rico, pinansin mo pa!hayaan mo na~!

At anong binaboy ko pic mo, mukha mo kaya yun!mukhang mukha mo lang!hahah!

@Andy

intayin mo this week, ilalabas ko na ang nanalo sa pacontest ko!heheh

DRAKE said...

@darklady

Walang anuman, eh sweet ka naman talaga eh!hehehe!naks!Salamat uli!

@Dhang

wag mo ng asahan yung kay pips, nakalimutan nya talaga! Hays! Eh sino ba naman kasi ako!whahaha!

Maraming salamat uli dhang, namiss kita ah!heheh!

Ingat

@Chinggoy

Wag ng pansinin, hyaan mo na!hahah!ingat manong ed!

DRAKE said...

@mizpah

huuuuu! Kunwari ka pa, kasasabi mo lang nun na talagang hinahabol habol ka ng mga chick|hahahha! Joke lang! Ano pre, kailan ka punta ng batha?

ingat palagi brod!

@kikilabotz

eh muntik na nga akong magtampo sa iyo eh kala ko di ka nagpadala yun pala sa ibang email mo ipinadal kaya di ko naisama sa video!Salamt brod sa pic greetings, ilibre na lang kita pag-uwi ko!Ingat palgi!

@b2

hayaan mo na kasi!hahah! Salamat nga pala sa binigay mong tribute sa akin!sobra akong natats dun ha!ingat palagi b2, miss na kita!

DRAKE said...

@jag

Bakit naman wala kang masabi?Baket?masyado ka bang nasuprise?hahah!ingat brod at salamat uli!

@akhet

Maraming salamat sa bati! Wag kang masawang dumalaw lagi sa blog ko!ingat!

@Oliver

Salamat pre, hayaan mo pag nakita tayo kain din tayo sa turo turo!hehehe!ingat pre

DRAKE said...

@rico

Maraming salamat sa bati rico!hehehe! Salamat din at naapreciate mo yung video!

ingat!

@Yanie

Naks totoo naiyak ka???hahah! oo naman ikaw ang aking number 1 fan di ba?hehehe! Kaya lab na lab mo ako eh!heheh!ingat!misss na kita!

@Kaitee

eh kasi nagpadala pa pala sya ng october 26, eh di ko nakita at naisama sa video kasi sa ibang email add nya pinadala!heheh!Salamt kaitee sa nakakatuwang pic!ingat!

DRAKE said...

@dhianz

maraming salamat nga pala sa ginawang mong entry sa blog mo! Talagang pakiramdam ko special ako!naks!heheh! Salamat sa laging pagbisita sa blog ko! At ito ang namimiss ko sa iyo ang pagcocomment mo sa blog mo, kahit mahaba eh nakakatuwa naman!heheheh!

Ingat palagi!

@Ayie

Wala kalimutan na!Kahit postcard na lang, wala talaga!Hays, inext pa kita!hays! Medyo alam mo na pag birthday mo pala nagiging senti ka pala, kaya medyo magtatampo ka pala talaga sa mga kaibigan mong di man nakakalalang bumati sa iyo!!!Prtttttt!hahahha sige okay na nga!

Next year ka na lang bumawi!ingat palagi!

@klet

Maraming salamt sa pagbati mo!Sana next year padala ka rin ng pic greetings ha!Ingat palagi!

@nobenta

maraming maraming salamat sa pagbati at pagpapadala ng pic mo, kahot alam kong medyo busy ka pero talagang nagpadala ka!heheh! Ano punta ka sa Riyadh? Sabihin mo lang akong bahala sa iyo!heheh!Ingat

DRAKE said...

@superjaid

Salamat jaid, pati rion sa pic greetings na binigay mo!ingat palgai

@Gasdude

Hoy, ang ibig sabihin ng IMPO ay NUNO, hindi lola yun! Ayaw mo yun ikaw ang pinaka NUNO ng blogspot!heheh!iNgat brod,salamat sa pinadala mong pic

@Kikomaxx

Sige brod, add na kita!ingat palgi!

Kaitee said...

Ngayon ko lang napanuod yung video. Halatang skipread. Hehe. Bakit yung kay Gasoline Dude, gwapo pa din? Naks! Hahah!

pamatayhomesick said...

iba talaga ang nagagawa ng apat na sulok ng kwarto ni drake...isa na naman maligayang pakikipagbalitaan sayo repakoy... ayos ang pinagsamasamang pix...panalo...muli mahaba at masayang birtdey sayo...:)

salbehe said...

Anong party animal? Animal lang. :)

Traveliztera said...

Hahaha si RICO TALAGA. hahaha!
Ikaw na si traveliztera. hahaha
Happy bday Drake! :D Lapit na rin bday ko... baka gusto mo sumama sa vid ko traveliztera ka rin e. haha!

ahmer said...

nasan na ang premyo ko! haha : D

SCOFIELD JR. said...

piolo pacual talaga! hahahaha....asan premyo ko? :D

ARDiBOi said...

WAAAAH! Di ako nakapadala ng pic! T_T naging busy sa work eh.. senxa na tol! nI di na makapagbukas ng blogger ko..

Madami pa naman akong wacky pic sa baul ko T_T

SUPER BELATED HAPPY BDAY!