QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Thursday, November 18, 2010

WACKY PIC CONTEST WINNERS


Sorry naman halos isang linggo akong nawala, bukod sa medyo busy ako sa pagpapabulok ng aking mata kakatulog dahil nga 9 days kaming walang pasok (Eid Holiday) eh abala din ako sa pagpapalaki ng TI……….YAN.

Kaya narito uli ako at nagbabalik dahil naipangako ko na i-aanounce ko dito kung sino ang nanalo sa WACKY PIC CONTEST. Akala nyo kasi biro biro lang yun eh, pero TOTOO kaya yun!

Maraming salamat din sa mga nagcomment at bumati sa akin, di nyo lang alam kung gaano nyo ako pinasaya. Abot hanggang eardrums ang ngiti ko dahil sa pagbibigay ng time sa pagpapadala ng pic.

Teka, alam nyo medyo malungkot ako ngayon kasi di ako makakauwi sa pinas para magpasko sa atin. Dahil kalilipat ko lang sa bago kong kumpanya, eh hindi pwedeng agad-agad akong magbakasyon. Kahit na pabibo at pakitang-epal ako sa trabaho, hindi pa rin sapat yun dahil kakahiya namang maghingi agad ng pabor. Kaya papalipasin ko muna ang ilang buwan, saka ako uuwi, kaya malamang mga MARCH,2011 yun. Medyo namimiss ko rin ang bibingkang lasang pancake, simbang gabi na maraming nag-iiyakang bata at nagliligawan, noche buena at kung ano ano pang tungkol sa pasko. Nagsimula na rin akong magpatugtog ng mga kantang pamasko dito, pero mas lalo lang akong nahohomesick. Eh pasalamat na rin naman ako kasi last year nakapagpasko naman ako sa atin. At aaminin kong tumaba ako kakalamon ng baboy at kakainom ng alak (eh sabik eh)

Oopppssss, sige saka na nga lang yan balik na tayo sa WACKY PIC CONTEST ko. Tulad ng napag-usapan, heto ang premyo ko.

Dyaran……..

LACOSTE-ESSENTIAL PERFUME/COLOGNE (hindi ito mismo, akin to eh!heheh! syempre bago yung ipapadala ko)

Yan kasi ang paborito kong pabango, at natural mente na dapat lang na espesyal din ang papremyo sa mananalo.

At sino ang nanalo………..

HANDA NA BA KAYO.....................

HETO NA!!!!!!

ICLICK NYO TO: PARA MALAMAN MO KUNG SINO ANG NANALO

Sa nanalo CONGRATULATIONS!!! Kung sakaling hindi ko maipadala dyan sa Pilipinas, paki-intay ang pag-uwi ko!Hahahah! sensya naman nandito kaya ako sa Disyerto ng mga PUTOK

Teka bakit nga pala sya ang nanalo, hindi dahil sa tinatakot at pinagbantaan nya ako. Hindi din dahil kaibigan ko sya at lagi kong kausap yan sa YM. Hindi yun ang dahilan, pramis!hehehhe! Kaya sya nanalo eh dahil kahit pumanget sya (naks parang pogi dati), eh talagang okay lang mabigyan lang nya ako ng WACKY PIC.

Kaya sa iyo kuya……CONGRATULATIONS!!!!

Narito din nga pala ang iba pang nanalo

2nd Runner Up – umefort talaga, at kumuha pa ng kakuntsaba!

3rd Runner Up – kyut kasi sya dito eh!h

Sa inyo, maraming maraming salamat!Ano ang premyo??? ano pa kundi PALAKPAKAN!hehehe! Hayaan mo isip pa ako! Sa inyo dalawa, sana mameet ko kayo soon para magpa-authograph!

Sa iba pang nagpadala, hindi man kayo nanalo sa contest eh nanalo naman kayo sa puso ko! NAKS YUN YON EH! At umaasa ako na makikita ko kayo sa personal, para mapasalamatan (at ilibre , parang tunay ah!). Next year sali uli kayo ha! Maraming maraming salamat talaga sa inyo, sobra nyo akong NAPASAYA! Alam ko naman na kaya kayo nagpadala ay hindi dahil sa premyo kundi dahil MAHAL NYO AKO!heheheh

Ingat at maraming salamat uli

DRAKE




29 comments:

khantotantra said...

deserving yung 3 winners! ayos.

glentot said...

Ah ganun? Wala akong napanalunan? Humanda ka! Marami akong ibubunyag na lihim ng blog na ito!

ahmer said...

naku, di ako nanalo. ampf. hehe

iprovoked said...

why didn't I see this beofre? I could've sent my wackiest pic. I could've won! LOL..

The Gasoline Dude said...

Hoy sa first week of April ka na umuwi para sabay tayo! Hehe. At bakit hindi ako nanalo ampogi ko pa naman sa picture ko hmpf.

Xprosaic said...

Wow naman! sana pala aside sa padala kong pic eh may suhol na kalakip para ako dapat nanalo... lol... hehehhehe... naku naku happy birthday na lang uli sa iyo at congrats sa mga nanalo... hehehehhehe

kikilabotz said...

sana pala hindi n ko nagpadala hindi pala ako mananalo. hindi k tumupad sa usapan bwahahaha. joke. congrats s mga nanalo ^_^

-kikilabotz

tae hnd pala pwede magcomment sayo ang anonymous

Andy said...

LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO! LUTO!

Chingoy said...

hahaha!!! finally may napanalunan din ako hehehe

tnx tnx...

fyi: yan ang pabango ko ngayon :)

jieya_morales said...

nyay..haha..
congrats sa mga winner

Dhang said...

kaaliw talaga 'yung wacky pic ni kuya chingoy. haha!

salbehe said...

Congrats sa mga nanalo. Nainggit naman ako. Haha!

Oliver said...

gusto ko ung picture ni roanne. kamukha nya ung sa despicable me dun sa posing nya na un, hehe.
at nakakatakot ung picture ni kuya chingoy, un lang, haha.

Chingoy said...

teka... SAN ANG 1ST RUNNER UP?

Poldo said...

wahahahaha... kelan ba uwi mo sir drake??? sana magkasabay tayo! hahaha..

wow first time kong manalo sa isang contest kaya magbigay ka ng premyo!!! (demanding??) LOL...

Dhianz said...

ahmissU kuya drake!!! enge ren akoh nang pabango... para naman parang katabi lang kita at naamoy koh... lol.... yep pag nakita kitah lilibre moh akoh nang bonggang bongga ha... okei... oh yeah kuya nde na nagwowork number moh... i tried one time pero ayaw... so 'unz... miss talkin' to yah... hope everythin' is well w/ yah... ingatz lagi... *muwahugz*.... oh yeah i wasn't aware na me pakontest kah nd yeah i had d' feeling na mananalo si roanne bah 'un? 'ung pretty...nde man 1st but at least nasa top 3...so 'unz... later.. Godbless! -di

KikomaxXx said...

wee.... congrats din... sa mga nanalo.. wahehehe.. deserving...

Renz said...

natawa ako sa winenr.
winner na winner nga. Turik na tirik ang mata parang anu lang.. XD
haha
sana may season 2 ito. Di man ako sasali, hahalakhak naman ako sa mapipili mong panalo :]

SCOFIELD JR. said...

anu ba yung parpyum na yun. parang giveaway kapag nagremit ka...hahhaha

gillboard said...

buti na lang meron na ako nyan (bitter lang... hehehe).

owell. congrats sa nanalo!!!

Ako si Yow said...

Bute na lang mabango na ako naturally di ko na kailangan ng lacoste na yan. Huhuhu. Di ako bitter. Haha. Congratulations sa nanalo. Nangangabog nga naman kasi. Pambihira! Halloween theme pala kasi eh nagpacute ako. Haha.

ro anne said...

salamat sa palakpakan! hmmp... yun lang pala ang premyo sana di na ko sumali LOL! joke lang!!! tenk u!

Poldo said...

oppps nakalimutan kong magtenk you!! hahhaha.. ok na sa akin yang gamit na lacoste hihih..

maraming salamat sir drake!

daphne sy said...

grabe deserving iyong nanalo. .lol as in ROLF. dropping by as in for the first time:)
healthy flat

Klet Makulet said...

heheheh deserving ang nanalo... at sa 2nd at 3rd runner up sana may maliit na pabango din sila :P (nagturo ng gagawin hehehe) Congrats sa mga nanalo!

Jag said...

hahaha bet ko din yung mga nananlo hehehe...

darklady said...

congrats sa mga winner! naks naman nanalo pala kami sa puso mo, baka nga lang sumabog kami ah.hehehe.

Sandali na lang din naman ang March, konting buwan na lang.hehehe

Ingat!

ARDiBOi said...

Ayos din ung 3rd placer! hahahaha.. IMBA si ate!

pamatayhomesick said...

wala nang tatalo pa sa nagwagi!..:)

wackyng wacky wagi!

p.s.
pards pakopya ng video wacky mo ha..:)