Sa unang pagkakataon hayaan nyong ipakita ko ang picture ni DRAKE KULA.
Minsan iniisip ko, bakit ba nakapaka-unfair ng mundo? Aminin natin o hindi, minsan nagdo-“double standard “ tayo, lalo na siguro kung sa hitsura o mukha ang pagbabasehan. Nahuhusgahan natin ang isang tao ayon lamang sa kanyang hitsura at panlabas na kaanyuan.
Mahirap nga pala na nagsimula ang buhay mo sa panlalait at panlilibak sa iyo dahil sa iyong hitsura. O di kaya dahil kakaiba ka kumpara sa iba.
Hanggang ngayon dala-dala ko pa rin yan, kahit na anong gawing iwas hindi pa rin ako pinapatahimik ng aking mga “ insecurities” pagdating sa hitsura. Madali pa rin akong masaktan at maapektuhan. Marahil dala ito ng aking pagkabata, at hanggang ngayon ay tila naging parte na ito ng aking paglaki.
Naalala ko pa noon, sikat na sikat ang kuya sa mga babae. Madalas, syang makatanggap ng mga sulat mula sa mga kaklase nyang babae. Mga sulat ng paghanga dahil sa kanyang tindig, hitsura at porma. Madalas syang kinukuhang konsorte sa mga Santacruzan, naging Mr. JS sa aming eskwelahan . Tinitilian ng mga kababaihan dahil sa angking kakisigan. Madalas kapag nakikita ako ng mga babaeng may “crush” sa kanya, lagi akong tinatanong “ Kapatid mo ba talaga si Leo??”, na tila may halong pagtataka at pagkagulat. Kasunod ang malulutong na halakhak at tawanan.
Inggit na inggit ako kay kuya, dahil paborito din sya ng nanay. Inggit ako sa kanya, dahil lahat ng tao pinupuri sya. Lahat sila gusto sya, sya lagi ang bida at sya lagi ang nangunguna. Sa aking pakiwari nakikipagkumpetensya ako sa kanya, at kahit ano pa ang aking gawin parang hindi ko magawang manalo sa kanya.
Karamihan sa aking mga kapatid mapuputi, matatalino, kinatutuwaan at kinagigiliwan. Madalas akong magpasikat noon, subalit sa huli wala namang pumapansin sa akin. Tampulan din ng tukso dahil sa bungi-bungi kong ngipin. Madalas laitin dahil sa kulay-uling kong balat. Lagi ring binabatuk-batukan, kinukutusan at inuutusan dahil maliit ako kumpara sa aking mga kaedaran. Kaya lagi akong nasa unahan ng pila. Lahat sila pakiwari ko lagi silang nagtatawa sa akin. Lahat sila tingin ko laging may sinasabing pangit tungkol sa akin.
Sa pamilya, madalas akong tuksuhing “UNYO”. Dahil kamukha ko daw ‘yung kapitbahay naming may nakakatuwang hitsura. Madalas din sabihang “ampon” lang daw, pinalait sa ospital o anak daw ng kamag-anak naming may kakulangan sa pag-iisip.
Lumaki akong mababa ang kumpanysa sa aking sarili. Madalas natatakot sa iniisip ng ibang tao sa akin, dahil pakiwari’y puro mga di magagandang bagay ang maririnig ko mula sa kanila. At pakiramdam di’y lagi nila akong pinagtatawanan.
Hindi ko magawang manligaw noon, dahil sa aking tingin wala namang magkakagusto sa akin. Hindi rin ako nagkaroon ng barkada noong elementary at highschool. Dahil hindi naman ako gaanong nakikipagkaibigan dahil baka hindi nila ako magustuhan. Madalas mas gusto ko pang mag-isa, at kausapin na lang ang aking sarili. Takot ako sa tao, takot ako sa iniisip ng iba sa akin, at takot akong sabihan ng hindi magagandang bagay tungkol sa akin, takot akong pagtawanan at takot akong laitin.
Parang umaalingawngaw ang mga tawanan at halakhakan nila sa akin. Nabibingi ako sa mga tingin na may panghuhusga at panlilibak. Bakit ba parang natutuwa silang pinagtatawanan nila ako? Bakit ba kailangang laitin nila ako? Hindi ko alam pero ganito ang lagi kong nararamdam hanggang sa ngayon. Iniisip kung ano ang iniisip ng ibang tao sa akin.
Subalit sa pagdaan ng panahon, nakuha ko na ring tanggapin na lang ang lahat. Amining marahil nga lagi akong talunan sa ibang bagay. Marahil, marami nga talaga akong di magagandang katangian, o maaari rin na talagang katawa-tawa ang aking hitsura. Ayaw ko nang mabuhay sa iniiisip ng ibang tao sa akin, at ituon ang pansin sa mga taong nakakaintindi at nagmamahal sa akin.
Sa ngayon, sa tuwing may pumupuri sa mga bagay na aking nagawa. Tila nahihiya dahil hindi ako sanay na may nakaka-appreciate sa akin. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam. Hindi ko mawari kung ito ba’y katotohanan o isang pabalat lamang dahil baka sa likod ng mga papuring ito ay mga panlalait at pagtawa.
Para sa iba, tila isang simpleng bagay lamang ang mga ito. Madaling kalimutan at madaling solusyunan. Pero sa tulad kong naging parte ng buhay ang panlilibak at panlalait, tila isang malaking bagay ito na hindi madaling solusyunan. Mahirap malunasan kapag ang kalaban mo ay walang iba kundi ang iyong……sarili. Isa itong sakit na sikolohikal, na walang ibang pwedeng gumamot kundi ang aking sarili din.
Wag na tayong magpaka-ipokorito, nabubuhay tayo sa mundong mas mahalaga ang nakikita ng mata kaysa ng puso. Aminin natin mas unang nakikita natin ang hitsura kaysa sa ugali ng isang tao. Nahuhusgahan ang isang tao batay sa kanyang pisikal na kaanyuan.
Sabi nga ng karamihan na kapag maganda o gwapo ka at panget ang ugali mo,sasabihin nila…” uyyy! suplada/suplado mo naman” o “di kaya palibhasa alam nyang maganda/ gwapo sya”. Kung maganda/gwapo ka at maganda rin ang ugali mo, sasabihin ng tao “parang namang anghel yun”. SUBALIT kung panget ka at maganda naman ang ugali mo, sasabihin ng iba…”Aba, dapat lang na mabait sya”. At kung panget ka na at panget pa ang ugali mo malamang sinasabihan ka ng “Putangina, ang kapal ng mukha mo!!”. Isang mapait na katotohanan na hindi natin pwedeng pasubalian.
Ang kagandahan o kagwapuhan ay nawawala rin sa pagdaan ng panahon. Subalit tanggapin natin na hanggat nabubuhay tayo sa mundong tila isang malaking bagay ang kagandahan at kagwapuhan. Na kung saan mabenta ang produktong pampaganda at pampagwapo. Na kung saan sinusubukang pigilan ng syensya ang pagtanda, at ginamit naman ang teknolohiya para mabago o pagandahin ang mukha /katawan na kaloob ng Dyos para sa pansariling kaligayahan .
Mananatili tayong PRESO ng mapanghusgang MUNDONG ito. Mundo na kung saan nababase ang pagtanggap ng tao sa kanyang nakikita at ginagamit ang mata sa napakaababaw na paraan.
Hindi ko alam kung kailan ako makaalpas at makaalis sa BILANGGUANG ito. Wala rin akong ideya kung mapapalaya ko pa ang sarili ko sa aking mga kaisipang ito. Pero mahirap man makaalis dito pipilitin kong makatakas sa pampanghusgang MUNDONG ITO. Mahirap at matagal subalit……………… SUSUBUKAN ko.
Iyon lamang po at maraming salamat.
DRAKE
26 comments:
cute ka naman dito o.. blurd nga lang.. hehehe
Ano ba yaaw paawat ng mga pics!!! yung una aminin na natin mukha ka talagang once a year maligo sa pic na yun. Yung last na pic naman eh parang hindi mo na alam ang gusto mong gawin sa buhay mo, ni-blur mo pa, sana isang malaking blur na lang ang pinost mo dahil wala na kaming makita.
Pero magpost ka kaya ng current pic mo at nang makita ng lahat ang metamorphosis ng ugly duckling!!! Ikaw na ang gwapo!!!
LOL! Ang drama. Nakita ko na kaya picture mo, nakakabading! Tama si Glentot, ikaw si Ugly Duckling. Ikaw na!
Pansin ko lang, andaming 'AKIN' na word sa post na ito. Hehehe. :)
ang arte arte mo! Balita ko hongwapo-gwapo mo daw kasi hongyomon-yomon mo kaya tumigil ka! Lol!
Ang drama ni kuya Drake! hehehe. Past is Past..Hindi ka man matanggap ng ibang tao yaan mo sila, yung mga taong tanggap ka na lang ang pansinin mo.We love you!!! ^____^ At hindi lahat ng taong umaapi sayo e dina down ka, isipin mo lakas mo yun para maging matatag. o diba? patumbahin na natin mga umaapi sayo?hehehe
Ano ka ba Drake, mahirap na lang ang panget ngayon! hahahahaha..! Sa tindi ng technology ngayon, lahat malulunasan na.. juk!
Pero seriously speaking, eh ano kung hindi ka gwapo tulad ng kapatid mo? o hindi ka mestiso tulad ng ibang lalaki dyan? oo sa unang tingin pagbabasehan ang pisikal na anyo, pero it's still the inner beauty that counts.
God is fair. Kung panget ka noon, nasa iyong mga kamay na kung paano mo pa-popogiin ang sarili mo ngayon. Pero naniniwala ako na ang brain and attitude ng isang tao ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maging GWAPO tayo sa paningin ng mga taong nakapaligid sa atin. :)
keep smiling! cheers amigo!
weh...ang drama...haha..post na ng current pics na lang para makita ko ang kaisa isang commentator ng blog ko..haha..
wala yon sa face value..we are all God's gift..
who cares 'ung 'bout non.. hangtanunin eh 'ung ngaun?! right GLENTOT nd KUYA DUDE??? lolz... weheh... ang mahirap kung wafu ka non tapos ngaun like sabi ni glentot eh parang naliligo ka lang once a year... haha... naman... 'la lang... noon pumapatol akoh sa mga post moh eh.. pero blame Jepoy... kc nde nahhh.. hahah... seriously... haha.. hangwafu moh kc... crush kitah nong nde kitah nakikita pero mas naging crush kitah nung na-reveal kah... hahahha... nde lang smart... nde lang sobrang nice... so wafu pah... complete package ka na actually eh... kung pipili akoh nang guy eh i'll choose someone like you... kung nde ka taken eh i'll choose you! ahehhehe...
nde ren mahaba 'ung post noh... naging iba takbo nang komentz koh kc nakibasa muna akoh nang komentz nang iba bago akoh nang kometnz... pero kung nde akoh nagbasa eh iba takbo nang sinasabi koh sa koment koh... make sense bah? parang puro komentz lang sinabi koh... haha...
pag napapansin nyo na sobrang haba nang komentz koh eh nabobored akoh at wala akong makuletz.. sobrang nabobored at d' moment kaya etohh... tsaaaraannn... lolz..
namiss kitah in fairness... oh yeah tinatanong koh anyareh sa numero moh?... hmmm... so ahh... ano pa bah?... nalimutan koh na kung ano 'ung binabasa koh... puro blur pixs ang tumatak sa yutakz koh... haha...
nde ka pa ren kasing kawawa nang ibah... you still have d' look compared to others... siguro nagpakababa ka nga non kc u were compared sa kuya moh... pero mas marami pang tao out there mas sobrang terrible ang experiences compared to you.... at isang difference eh ngaun wafu ka nah... 'ung iba they stayed d' same... the look d' same as they did years and years ago... they were in d' same situation as they were when there were kids... a lot of 'em probably given up w/ their situation... 'ung iba naman kahanga hanga kc kahit they don't look like as everybody else.. let's say they look a little difference.. but you can see d' smile on their faces...
ahlike wat u said... na mahirap naman mabuhay sa iniisip nang iba.... so agree... kasi ang mga tao nde silah nauubusan nang sasabihin... may makikita't makikita silang mali sau... so funny eh yang mga taong yan... nakikita nilah ang mga mali sa ibang tao... pero nde nila nakikita ang muta nilah sa mata... u know wat i'm sayin'...
pero walah.. 'lang talab post moh... wafu ka na kc!!!! ahehehhe... laterz kuyah... i'm lost nah.. dunno wat i'm sayin... nd i gotta go na ren kc... much luv.... hope to talk to yah laterz.. Godbless! -di
Baket lahat ng picture mo e parang naging biktima ng panggagahasa?? hehehe joke lang sir..
Nakita ko ang mala-Piolo Pascual mong picture a year ago (OO stalker ako LOL) at tama si glentot para kang isang Pokemon na nag-evolve into final stage HONG GWAPO! (nabakla??) hahaha..
Tama ka naman sir, Yun talaga ang reality.. Mas nahuhusgahan ang isang tao sa kanyang panlabas na kaanyuan!..
merry Christmas sir!
sus! nagdrama! ampugeh mo kaya nung minsan kong makita ang pics mo sa post ni Jepoy hahaha. Tama si gasdude nakakabading LOL.
yung mga taong nanghuhusga base sa kung ano ang pisikal na anyo ng isang tao ay yun yung mga taong may utak -linta (ay!!! wala pa lang utak ang mga linta lol)...
sa mundo natin ngayon, tama ka na mostly physical aspect ang laging tinitingnan.
Pero base sa mga ibang nagcomment sa iyo dito sa post mo, isa kang caterpillar na naging swan. :p
Ipost mo na pics mo sir drake :D
@kikomaxx
Parang pilit yung pagsasabi mo ng kyut!hahaha
@Glentot
I heytchu! imperness mas madalas akong maligo noon kaysa ngayon!lols
naalala ko nga dun may nagsabi ba naman sa akin " ANG BAHO MONG TINGNAN! Syet lang oh! Sarap salaksakin ng sandok sa ngala-ngala!
Metamorphosis ka dyan!hahahah
@Gasdude
Picture?san naman yun at sigurado ka bang ako yun!LOLS
Uuwi ako ng April brod, libre mo ako!
@Andy
Huuuu! Ikaw kaya ang sinilang na mayaman at may pangmayaman na skin!hahhaha!
@Darklady
Medyo kasalanan ito ng pagkabata ko, medyo bata pa lang ako nalaman ko ang salitang "PANGET", hahahha! Kaya medyo pyschological na nga ang problema ko, pero so far okay na medyo naalis ko na yung mga kaisipan na yan!hheheh!
Maraming salamar
@Supladong Officeboy
Maraming salamat sa comment brod, sabi nga ng iba kung panget ka daw sa panahon ngayon eh "kasalanan" na daw yun!hahahha!
Sabi nga ng iba, kung anong klaseng tao ka ngayon ay dahil yan sa nakamulatan mo nung bata ka pa!
Medyo laking epekto sa akin nung pagkabata ko, pero pinilit ko namang mabago ko na yun!hehehe
Maraming salamat sa pagkumento
@Janice
Maraming salamat sa pagkumento, basta ikaw blog hop lang ng blog hop marami ka ring magiging kaibigan dito hehehhe!
Ingat
@Dhianz
Maraming salamat sa mahabang mong comment! Nga pala nagpalit na ako ng number. email mo ako at magrereply ako with my new number heheh!
Sino wafu??hahahha,hindi kaya ako yun! Medyo tagal na nga na hindi tyayo nag-uusap ah, miss ko na yung english accents and twangs mo!hehehhe!
Ewan ko medyo mababa ang kumpansya ko sa sarili ko, at kung sakaling tumaas naman madali rin naman akong maapektuhan kaya bagsak na naman uli! Di ko alam kung bakit! Still inferior sa ibang tao!
Pero I\m trying to resolve it naman, kaya sana magtagumpay!
Basta email mo ako para maiemail ko sa iyo new number ko!Miss na rin kita!heheheh!
ingat
@Poldo
Kala mo di ko nakita pic mo, pre wala na pagka anonymous mo sa akin, nakita ko na rin kaya! May nagpakita sa akin!hahahah! Magkahawig daw tayo, kaya swerte mo!hahahha!
Ingat pre
@Khantotara
Caterpillar to swan, nakanam, hahhaha! paanong nangyari yun?
Ingat pre
ok lang basta ilabas mo lang nang maging magaan sa kalooban mo. but ang mahalaga ay ang puso ng isang tao ang tinitignan ni Lord.
Mukhang nagtransform ka na nga ata ng bongga eh? Haha. Luma naman na kasi yung pictures na yun kaya icompare mo sa ngayon, malayo na di ba? Ramdam na ramdam ko tong post na to. I think lahat naman tayo dumaan sa kutya phase ng buhay natin, pero don't let your past destroy your present and your future. Maging thankful tayo sa kung anu mang meron tayo ngayon dahil blessing yan sa kahit anu mang form na binigay ni Bro. Haha. Ang dami ko sinabi, paker! Pero I therefore conclude, christmas blues din ito. Haha. Nakakaemo ang pasko.
sows.
nagpost nga ng pic, blurred naman.
hula ko, naguugly duck syndrome ka.
marami sigurong pumupuri sayo ngayon kaya pilit mong ibinibaba ang sarili mo.
magpost ka ng pic, minsan selpkompidens lang ang labanan, haha,
Asoos! eh hindi naman importante kung ano ang past ang importante ang present... sa amin magkakapatid ako rin pinakapangit at pinakakulelat nung lumalaki kami... saka patpatin pa na naging baboy kinalaunan... ahahahahhaha... pero syempre ang importante ang ngayon... parang life... ang importante yung mahalaga... lol... panggulo... ahahahahahah
The real essence of a person is found within. Aanhin mo naman ang kagwapohan kung ang attitude mo ay hindi naman maganda diba?
Beauty fades, when we get old, papangit rin ang mga gwapo!haha
sir, parang yung mga kwento mo dati (bilang isang bastos, pilyo, at mapanlait nung hayskul) ay ibang iba sa post mo ngayon. hehe
wala nman yan itsura, nsa performance yan. haha!
baka nga ampon ka. tinanong mo na ba sa nanay mo?
Kuya Drake,
Tama ka.. kung ganito nalang yong nararamdaman natin sa mga pangungutya ng tao dahil sa itsura, ano pa kaya ang pakiramdam nung mga taong may kakulangan or mali sa physical na anyo nila? Hayaan na natin sila.. Tignan mo kung asan ka ngayon? Siguro nasa stage kana ng "babangon akot dudurugin kita!" hahaha.. Very inspiring kuya..
Hindi ako naniniwala sa iyo! Fu-toh-shup iyan, FU-TOH-SHUP! Marami nga akong nababalitaan na ikaw ang fur-fek example ng kwentong ugly duckling. Ikaw na! Ikaw na! Basta gift ko ngayong pasko a.. Ahihihihi.. :D:D:D:D:D:D
magonline ka ngayon na urgent
UU nga, ang tunay na kapogi-an.. ay nasa akin lamang! wahahaha..
napagdaanan ko din yan pareoy... nagkaruon kasi ako ng issue sa timbang ko kaya sobrang naapektuhan din self-esteem ko. pero alam mo... sila din ang naging inspirasyon ko para mapabuti ang sarili ko. i worked hard and i got what i wanted. sa isip ko, "sinong baboy ngayon?" yung mga nangaapi sa akin nun, pumipila na sila sa akin ngayon. bwahaha. advance merry christmas parekoy.
post naman ka ng present pic... alam na ng lahat na gwapo ka na ngayon. haha
Post a Comment