Huwatt!!!!Pasko na! Nakamputcha, wala man lang magbibigay sa akin ng regalo! Kainis!
Sensya na nga pala kung emu-emohan ako, syempre pasikat lang. Nga pala dahil magpapasko na, ikukuwento na rin dito ang nangyari sa akin Last Christmas .Yun kasi ang kauna-unahang kong pasko sa Pilipinas simula ng nag-abroad ako. Mga apat na pasko rin kasi akong di nakauwi, at iyon ang kauna-unahan kong magpasko sa atin ng…............…may pera (ng slight lang naman).
So katulad ng sinabi ko, medyo namiss ko ang Pasko sa atin, kaya naman excited akong bumili ng pamaskong damit sa SM. Kailangang mangamoy gaas ako sa pagkabago ng damit at isusuot ko sya sa araw mismo ng pasko. Dahil ako rin ay isang panauhing pandangal ng aming pamilya, syempre ako ang bida sa pamilya, kaya naman ako ang........... gumastos ng lahat! Joke lang! Nakakatuwa nga dahil nag-iipon pala sila ng pera para sa pag-uwi ko hindi ako gumastos ng malaki sa pasko at Noche Buena. Ako’y tats na tats talaga, pramis! Hanggang burnik natats nila ako. Pero sa huli napagastos din ako. Hahahha!
At katulad ng inaasahan, sandamakmak na bata at tao ang dumating sa aming bahay. Syempre nakakahiya naming hingin agad ang Aguinaldo di ba? So kumakain naman sila kahit konti para hindi halata. Pero yung isang bata, hindi kinaya yung suman na kinain dahil pagkasubo, nagsuka agad. Panay kain pala sya bago hingin yung Aguinaldo. IYan ang ISTAYLl!!
Punung puno din ang simbahan sa huling gabi ng simbang gabi (paulet-ulet??). At tulad ng inaasahan, nagsimba ang iba para mag ……..dyaran……..FASHION SHOW! Syempre pagkakataon nila itong pumorma at isuot ang mga nauusong damit ngayon. At mistulang SOGO Hotel ang simbahan sa dami ng naglalampungang magkasintahan sa may gilid, sulok, singit at alulod ng simbahan. Mistula rin itong daycare center sa dami ng nagiiyakang mga bata. Nagpapatinisan pa ng boses. At ang nakaasar pa, yung mga sapatos nila may tumutunog tunog pa!
Masaya ang notche Buena namin, kasi may videoke, pizza, prutas, hamon, keso de bola at “the bar” (letche ang mahal ng champagne). Medyo gumising pa kami ng 12 am para lang lumamon at intayin ang unang Segundo ng pasko. After nun parang binagyo ang mesa dahil naubos sa isang iglap ang mga pagkain (timawa??)
At ,dahil ako ay isnag balikbayan, nagmistula akong si….Santa Claus na gumwapo (may gwapo pa talaga??). Ibig sabihin nun obligado akong mamigay ng regalo, Aguinaldo o pasalubong sa mga kamag-anak ko. Medyo malaki laki din ang napakawalan kong pera ng ganun ganun lang lalo pat choosy na ang mga bata ngayon at hindi na sila tumatanggap ng bente pesos . At lalong mas choosy ang mga tyahin/tyuhin ko, dahil ayaw nila ng hindi imported (Tae lang oh!). Pero kahit medyo naubos ang pera ko noon, sulit naman talaga ang pasko ko noong 2009.
Hays, ayokong malungkot ngayong Pasko, pramis. Dati sanay na akong magpasko sa Saudi, pero iba nga talaga ang pasko sa atin. Kala ko makakasanayan ko ito, pero parang hindi eh! At aaminin ko naiingit ako sa mga kakilala kong uuwi ngayon pasko.
Kayo musta Pasko nyo?Inggitin nyo naman ako oh!
MALIGAYANG PASKO SA INYONG LAHAT.
25 comments:
Base!!!
Huwaw naman sir drake, santa ka pala last year sa inyong lugar.
At tama ka, istayl ng mga namamasko ang kumain muna bago manghingi ng aguinaldo. Wahehehe..
Merry Christmas at namamasko po :D
khanto base ka ule!natats na naman ako!heheh
At dahil dyan kailangan magkita tayo pag uwi ko sa Aprl at may aguinaldo ka sa akin!hahahha! meganun!
Ingat pre at maraming salamat!
Merry Christmas Sir Drake. :)
Ibang-iba talaga ang Pasko sa Pinas. Tayo lang naman kasi ang masaya kapag Pasko. Sa ibang bansa, isang araw o yung linggo lang ng Christmas ang celebration. Sa atin lang mahaba. Kaya mo yan! Magbright side ka na lang. Haha. Kunwari nasa Pinas ka at nakikinoche buena. Pasasaan ba makakaraos ka din. Haha.
Maligayang Pasko sa iyo Drake Kula! Iba talaga ang pasko sa atin, talagang masasabi mong PASKO! Di tulad dito na pa-party-party na halos ang iba ay di mo kilala at siyempre mas warm talaga ang presence na ating mga Familia.
Sana masaya ka rin kahit malayo ka sa iyong pamilya ngayong pasko.
Maligayang Pasko ulit!
Apir! Mang-chicks ka na lang diyan sa Saudi ngayong Pasko. At champagne talaga ang ininom niyo last year? Hong-chuchal nomon! LOL!
Merry Christmas Drake! :)
(Natawa ako sa word verification: REDORS. PArang Red Horse lang. Haha.)
nakanampucha! ikaw na ang gwapong santa claus! ninong, nasan na ang regalo ko. gusto ko chuchal din, gusto ko ng imported. sayo na lang ako hihiling kasi kinukuripot ako ni ninong gasul. lol!
Butas ang bulsa ko ngayong Pasko. :((
NAMAMASKO PO!
Gustuhin man kitang inggitin kaso pareho lang tayo! kaya damay damay na to! hahahahaha...
Pangatlong pasko ko na to na wala sa pinas... Sanay na ko!!! sanay na akong maging malungkot (Umi-EMO??) hahaha
O xa itulog nalang natin yung araw na yun sir drake lilipas din yan... hahaha
Merry Christmas!!!
Ang pasko ay para sa mga bata!
nakikikain po sir Drake. lam na after neto ah :] hehe JOKE
Merry Christmas po!
Kahit nasa malayo ka I know nasa puso ka ng pamilya mo ngayong pasko.
Smile
may webcam naman :]
huhuhu ako naman eh wala pang bulas nanghihingi pa kay mudra pamigay sa inaanak...huhuhuu
merry christmas kuya drake!^^ wag ka na madrama isipin mo na lang ligtas bulsa mo ngayon tingnan mo nga last year napagastos ka hehehe ^^
meri krismas brod...
parang ako ung nainggit sayo kasi madami kang pera, haha.
kaya ayokong nagsisimbang gabi, puro mga naglalampungan lang.
saka na ako magsisimbang gabi pag "in" na ako, haha!
Asoos! yaan mo na! makakabawi ka na naman... always look at the bright side... hehehehehehehe... Keep smiling! hehehehehehe
@Yow
Sabi nga nila na tayong mga Pilipino ang pinakamahabang mag celebrate ng pasko, pero kahit mahaba tila parang kulang pa rin!naks!
Hayaan mo lilipas din ito!heheheh
Salamat pre
@Noel
heto naman brod pinipilit din namang maging masaya!heheh! Nga pala Congrats nga pala sa pagkapanalo mo sa PEBA! Galing ah!
Merry christmas sa iyo at sa iyong pamilya.
Ingat
@Gasoline Dude
Very good suggestion, yun na nga lang ang magawa ko!hahaha!
Oo pre champagne sya last last year pero last year THE BAR na lang! Kita tayo brod sa April
Merry christmas brod
@ANdy
Ninong? Di hamak na mas matanda ka kaya sa akin! At di lang yun di hamak na mas mayaman ka kesa sa akin!hahaha!
Kay Glentot ka humingi, malaki ang bonus nun!hahah!ingat
@Kaitee
Sige bigyan kita aguinaldo pero kain ka muna ng suman ha!heheh!
Ingat
@Poldo
Napakaaga mo naman palang mag-abroad ako kasi 23 ako nung nag-abroad eh!See ke bata bata ko pa!
Eh buti nga dyan sa UAE kahit papaano may spirit ng christmas, eh dito sa saudi!ALANG ALA! Baka mahuli pa kami ng pulis hehehe!
Ingat pre
@Renz
Nasira ngang bigla yung computer namin eh, kaya di ko sila makikita habang nagnonoche buena!hays talaga naman!
Sige renz pag uwi ko bibigyan kita ng Aguinaldo!
Ingat at merry christmas
@Kikiomaxx
pre may problema yung site mo, ayaw mabuksan, baket kaya?
Talagang hiningi kay mudrax yung pamigay sa inaanak!hahaha!
Hayaan mo pagnagkatrabaho ka na lang!Ingat at meri xmas
@Superjaid
isang napakalaking TOOMOOO!! hahhaha!
Pero wala din nagpadala ako ng malaki laki sa amin kasi Pasko daw!kaya wala din!hahaha!
Ingat at maligayang pasko
@Manong Ed
Meri Christmas din kuya, asan na yung regalo ko?hehehhe!Ingat
@Oliver
May bitterness!kaya pala ayaw magsimbang gabi kasi walang kasama!Basta kung meron na dun ka gumawi sa may alulod para walang istorbo!hahah!ingat
@Xprosiac
Maraming salamat bro, medyo sana next year kasama ko na sila. Hehehhe!
Maraming salamat din brod, ingat palagi at merry christmas!
parekoy, pwede rin bang mamasko?! okay na sakin ang merell o caterpillar shoes size 8. padala mo nalang through courier. hehehe.
i wish you all the best in life!
Hindi mo man lang kami nabanggit bilang part ng 2009 na Pasko mo! Pakyu! Merry Christmas!
May noche buena na agad? Hehe.
Maligayang Pasko. =)
papasko nga po!!!! Merry Christmas kuya Drake :P
haha.. tinatamad pa akoh magbasa... babati na lang muna... maligayang pasko labz kong kuya drake... ingatz lagi kuyah.... btw hwag ka muna mag-aasawa ha... ahehheh... sige laterz... Godbless!
It's the season to be chubby la la la la la. la la la la.
Happy Holidays Drake! Wishing you more blessings of love, good health, peace and luck ! :-)
Merry Christmas and Happy New Year!
Post a Comment