QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, December 27, 2010

PAYANIG SA PASIG 2010



Isang pagbabalik tanaw lamang sa mga nangyari sa akin ngayon 2010.
Aaminin kong napakaraming “Payanig sa Pasig” ang ginawa sa akin ni Papa Jesas ngayong taon, lalo na sa usaping “TRABAHO”. Alam nyo naman na hindi biro din ang pinagdaanan kong pangamba at pag-alala, at ito ang mga yun ;

1. Halos mawala ako sa ulirat ng malaman kong nag-alsa balutan ang boss ko ng bigla bigla at walang paalam. Ginulat na lang nya kami na wala na sya sa Saudi at bumalik na sa UK. Walang text, miss call, o kahit pasaload man lang, basta nagkagulatan na lang na wala na sya sa kumpanya.

2. Dahil sa panyayaring naganap sa itaas, halos 3 buwan akong hindi pinatulog dahil baka magbungkal ako ng lupa sa Pinas para magtanim ng kamoteng kahoy at singkamas. At dahil puyat ako, halos nabawasan ang aking kakyutan ng 40%.

3. Naghanap ako ng bagong trabaho, at awa naman ni Papa Jesas dininig nya ang dasal ko dahil pasok agad ako sa isang malaking kumpanya ng gatas (na pambata). Ang trabaho ko ay sa mag-extract ng gatas mula sa dalaga (Joke lang). Subalit dahil sa kaepalan ng kumpanya naming nagbebenta ng kotse na may tigreng lumulundag, hindi ako pinayagang lumipat. Pinamili ako: manatili sa kumpanya o umuwi sa pinas at magbenta ng fresh kong katawan. Syempre no choice kundi nanatili sa kumpanya. (Tanginis lang oh)

4. Dahil sa ganyang sitwasyon, muntik na akong uminom ng isang boteng valium (wow sosyal) para hindi na magising dahil sa labis na pag-alala at panghihinayang. At dahil din yan 2 buwan naman akong lutang ang utak hanggang sa lumabnaw na parang lugaw.

5. Mabait pa rin si Papa Jesas, dahil sa wakas pinayagan na ako ng putares na kumpanya na lumipat sa ibang kumpanya. Subalit pinili nila ang buwan na kung saan alanganin kang tanggapin (Ramadan yun), kumbaga para itong Mahal na Araw na mamalasin ka kapag tumanggap ka ng empleyado. Kaya kahit nagpasa na ako sa isang libong kumpanya ng aking CV sa paniniwalang “THE MORE ENTRIES YOU SEND, THE MORE CHANCES OF WINNING”. Eh wala tumawag sa akin kahit isa man lang . At halos isang buwan akong takot na takot dahil kung hindi malamang uuwi talaga ako sa Pilipinas.

6. At buti na lang sa huling araw ay marami ng tumawag (nalito pa nga ako eh! Naks! Kayabangan, hahaha) Kaya napunta ako ngayon dito sa bangko. Subalit nag-aalala pa rin ako kasi baka umepal na naman ang dati kong kumpanya at hatakin ako pabalik. Kaya halos 2 buwan din akong di nakatulog ng mahusay.

7. Sa wakas may bago na akong trabaho sa ngayon, subalit dahil sa layo ng trabaho ko sa dati kong bahay, halos mabuhay na ako sa loob ng taxi sa haba at tagal ng traffic. May bonus pang anghit ng Pakistaning driver plus surot, niknik at umaalingasaw sa antot ng taxi. At dahil dyan nangati ang buong katawan ko at halos galisin ako ng isang buwan. Buti na lang bumalik na muli ang aking mala SUTLAng balat ng lumipat na ako sa bago kong bahay.

8. Akala ko kuntento na sa pamumuwisit ang dati kong kumpanya, dahil hindi pala sila tapos. Dahil nung kukunin ko na and backpay ko (end of service benefits) dahil sa pagiging loyal sa kanila ng 5 years. Sa huli, hindi rin nila binigay ang pera ko. At kahit umutot pa daw ako ng sago hindi ko makukuha ang pera kong pwede nang pampatayo ng maliit na beerhouse. Kaya halos isumpa ko sila sa sobrang inis at bwisit. At kung ihahabla ko pa sila dahil dito, baka lalong masira ang taon ko kaya hinayaan ko na lang. Isang buwan din akong hindi pinatulog sa inis at bwisit sa dati kong kumpanya na yan.

Kaya kung susumahin nyo lahat halos buong taon akong hindi nakatulog ng mahusay, iniinis to the maximum level, at pinag-alala hanggang sa pumanget (meganun). Kaya sana naman next year maging maayos na ang aking buong taon. SANA……….

Maraming salamat mga KAUTAK, at HAPPY NEW YEAR!!!!!
DRAKE

24 comments:

YOW said...

Sana makatulog ka na next year. Haha. Puro trabaho pala ang bumuo ng taon mo Sir Drake. Be grateful na nanjan ka pa din, may magandang trabaho at blessed ka talaga. Pero sayang pa din ang beerhouse. Haha. Di na ba mahahabol yun? Tsk. God bless this 2011. :)

John Ahmer said...

ang wish ko sa'yo nitong bagong taon eh magkaroon ka na ng magandang tulog = )

The Gasoline Dude™ said...

Drake, ang eyebags ang eyebags. LOL!

Sana ay magtagal tayo sa mga bagong trabaho natin ngayon. Pero parang gusto kong mag-apply diyan na taga-extract ng gatas sa dalaga. Magkano suweldo? Nyahaha!

Renz said...

usaping trabaho pa lang yan ha.
grabe . hirap pala sa ibang bansa :]
di bale sa 2011 matulog ka na lang

Xprosaic said...

kawawa ka naman... nabawasan ka na ng kayutan! tsk! tsk! Hindi ka na pwedeng maihilera sa amin niyan... jowk! nyahahahhahahahaha... Tulog tulog ka na muna... hehehhehehe

wv: colog (1 letter na lang tolog na!lol)

Anonymous said...

weee.. sana naman ch0ong di pa magtimes 2 ang ganyang life mo next year... at baliktarin nalang ang situasyion ikaw naman ang bitter sa kanila..w ahehehe

khantotantra said...

grabe naman ang ginawa sayo ng prev. employer mo. walang backpay, kahit 5 years ka nag-effort na ibigay ang serbisyo mo.

Superjaid said...

grabe naman yang kompanya mo dati kuya di bale next year makakatulog ka na ng husto for sure yan..^^

krn said...

magiging maayos na ang buong taon mo next year, I am sure. :)

happy new year sir drake!

glentot said...

Shit sa dami ng dinanas mo alam ko na ang tunay na dahilan kung bakit ayaw mong umuwi ngayong December...

DAHIL SA STRESS NAGBALIK KA NA SA DATI MONG ANYO!

Poldo said...

di bale makakatulog at babalik na rin yang kapogian mo (naks) next year at yayaman ka na rin.. kaya pautang naman! hahahaha...

Happy New Year sir drake!!!

Life Moto said...

Happy New Year to you!tetes

DRAKE said...

@Yow

Sana na nga yow makatulog na nga ako ng mahusay! Feeling ko naman mangyayari naman yun! medyo challenging lang talaga this year!pero positive naman ako next year

@ahmer

Salaamt ahmer basta kita tayo pag-uwi ko ng pinas ha!heheh!libre nyo ako!

@Gasoline Dude

Okay na gwapo pa rin naman ako kahit ma eyebags!You know para naman maranasan ko uling maging panget naman!hahah! Joke lang!Ingat brod

DRAKE said...

@Renz

Oo mhirap talaga sa ibang bansa, kaya ikaw pagbutihan mo pag-aaral mo para malaki sahod mo dyan sa Pinas!hehehhe! Happy New Year

@Xprosiac

so kayo pala ang nasa hilera, eh magpupuyat na lang uli ako!hahahha! Sana maging maganda pasok ng taon mo brod!ingat!

@Kikomaxx

ganun na nga brod!heheh! Ano kamusta ang pasko sana masya at maninging ang pasko mo kiko!Ingat

DRAKE said...

@Khantotara

Ganun na nga brod, kaya ipapakulam ko yung pinakamay-ari para madala sya, bwisit sya!hehehhe! Hapi new year brod

@Superjaid

Tingin ko nga Jaid mukhang mapasarap na talaga ang tulog ko next year!ingat palagi!

@KRN

Salamat sana nga maging maayos na next year, sa yo rin sana maging maganda ang 2011 mo!ingat plagi

DRAKE said...

@glentot

TOOMOH! Ganun na nga bumalik na ako sa pagiginng palaka!may ganun! Hoy uuwi ako ng April o May kaya ilibre mo ako at maghanda handa ka na tae ka!

@Poldo

Medyo nararamdaman kong nang bumalik sya at medyo ndagdagan pa ng 50% hahaha!Ikaw brod kelan ang uwi mo sa pinas??

Ingat brod at happy new year

@Kuya Life moto

Musta kuya?Maraming salamat po sa sa bati at sana maging maganda rin ang susunod na taon sa inyo at sa iyong pamilya!ingat

Andy said...

pinapangalandakan mo na ngayong hindi mo na kelangan ng backpay mo sa kabilang kumpanya kasi mayaman ka?!

IKAW NA! IKAW NA ANG MAYAMAN! LOL!

darklady said...

Sa taong 2011 mababawi mo na ang kagwapuhang ninakaw sayo.Pero maswerte ka pa din dahil hindi ka nauwi ng Pinas para mapilitang ibenta ang iyong murang katawan tulad ng sabi mo.hehehe.

Tulad nga ng kasabihan, there's always a flood after the rain este there's always a rainbow after the rain. ^___^

Happy New Year and God Bless you!!

Life Moto said...

Happy Blessed New Year to all!
Ano ang ginagawa mo pampaswerte pag bagong taon?

Lifemoto New Year 2011

Life Moto said...

Happy Blessed New Year to all!
Ano ang ginagawa mo pampaswerte pag bagong taon?

Lifemoto New Year 2011

Noel Ablon said...

Ang galing! Positive yung response ko kita mo. Kasi ikaw ay nakalabas ng kumpanya mo. Ako ay kahit anong gawing pakiusap ay sadyang mas makunat pa balat ng kalabaw ang kanilang paninindigan na wag akong bigyan ng release. Kaya mapalad ka. Isang bagong pag-asa ang dumating sa'yo.

Kaya naman gusto ko ng umalis ay gawa ng super delayed na sahod namin. Nitong huli ay halos umabot na ng 5 buwan ang pagkaka-utang sa aming sahod ng kumpanya. Parang gusto nilang lumubog ang kumpanyang kasama kami. Haaysst! Kaya ang tangi kong pag-asa ay makahanap ng kumpanyang may Visa which is very seldom.

O siguro naman ay medyo uplifted ka na knowing na MAS MAPALAD ka pa rin hehehe!

Happy New Year Drake!

Esteri Mumpung said...

Pagbati aking mahal
Hindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.

Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.

Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.

Mohammad Ismali said...

kesaksian nyata dan kabar baik !!!

Nama saya mohammad, saya baru saja menerima pinjaman saya dan telah dipindahkan ke rekening bank saya, beberapa hari yang lalu saya melamar ke Perusahaan Pinjaman Dangote melalui Lady Jane (Ladyjanealice@gmail.com), saya bertanya kepada Lady jane tentang persyaratan Dangote Loan Perusahaan dan wanita jane mengatakan kepada saya bahwa jika saya memiliki semua persyarataan bahwa pinjaman saya akan ditransfer kepada saya tanpa penundaan

Dan percayalah sekarang karena pinjaman rp11milyar saya dengan tingkat bunga 2% untuk bisnis Tambang Batubara saya baru saja disetujui dan dipindahkan ke akun saya, ini adalah mimpi yang akan datang, saya berjanji kepada Lady jane bahwa saya akan mengatakan kepada dunia apakah ini benar? dan saya akan memberitahu dunia sekarang karena ini benar

Anda tidak perlu membayar biayaa pendaftaran, biaya lisensi, mematuhi Perusahaan Pinjaman Dangote dan Anda akan mendapatkan pinjaman Anda

untuk lebih jelasnya hubungi saya via email: mahammadismali234@gmail.comdan hubungi Dangote Loan Company untuk pinjaman Anda sekarang melalui email Dangotegrouploandepartment@gmail.com

Anonymous said...

Ito ay isang pangkalahatang pahayag sa publiko mula sa Mayo Clinic at interesado kaming bumili ng mga bato, kung interesado kang magbenta ng isang bato, mabait makipag-ugnay sa amin nang direkta sa aming email sa ibaba sa
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.