QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, August 1, 2011

Halo halong ewan


KAMUSTA ARAW NYO MGA KAUTAK???


Talaga naman oh! Sabi ngang mag-uupdate ako eh pero bakit ganun pa rin, late pa rin akong mag-update! Nga pala mga kautak, Ramadan ngayon dito sa Saudi. Kaya naman medyo patago-tago ang paglamon ko ngayon, pero sa kabilang banda nakakatuwa naman dahil 10AM-4PM lang ang pasok namin! San ka pa! Ang saya kaya, lalo pat mga latang lata ang mga Arabo dito, dahil tiniis ang di pagkain at pag-inom, kaya less work din naman. Yun nga lang pagkausap mo sila, parang laging may morning breath, as in tanghali na amoy panis na laway pa rin ang bunganga, at halos malaimburnal ang hininga kahit hapon na!

Lately nga pala naggygym ako ngayon dahil nga pauwi na ako sa pinas, at dahil parang akong may tumor sa apdo sa laki ng aking tyan, eh nag-enroll ako sa isang Gym malapit dito sa amin. Kamusta naman ang gym dun, nasa kalagitnaan palang tayo ng taon...eh mukhang new year na new year dun...as in PUTUKAN ng PUTUKAN ang mga kili-kili ng mga Pakistaning at Indyanong nagygygym dun. As in ang sakit sa ilong at babaligtad ang larynx mo sa pukanenang PUTOK na yan. Pero tiis tiis lang.. ganun talaga kailangan magpayat.

After Ramadan eh magbabakasyon lang ako ng 2 linggo sa atin dahil may aayusin akong napakaimportante (wow ano naman yun???) at sana yung mga malalapit na blogger friends ko dito ay makadaupang palad kong muli. Hayssss sana may makasabay din akong OFW blogger din para naman masaya (at may kahati sa gastos, hahaha!)

Basta ang dami kong namimiss sa pinas, siguro sa susunod na update ko na lang yun para naman may maisulat ako dito... hay sa wakas naupdate din!

Ingat mga kautak!

16 comments:

The Gasoline Dude said...

Dumaan ka dito Singapore bago ka mag-Pinas!

krn said...

yeee sa wakas nagupdate din! ;D

YOW said...

Wow. Nabuhay muli. Haha. Eh kahirap naman magwork ng ganun? Baka habang may buhat ka paputukan ka, nabitawan mo ikinamatay mo pa. Hahahaha. Wilkam bak sa Pinas Sir Drake.

NoBenta said...

sayang parekoy, di magtatagpo ang sked ng bakasyon natin!

LordCM said...

punta ka dito pre para makadaupang palad kita, tapos balik ka na ng pinas :D

wla palang name/url ang comment box mo :(

dito na lang, http://fromthedungeon.com :D

KikomaxXx said...

wow grabe ang tagal mag-update... hehehe

an_indecent_mind said...

happy new year!!!

ayun o babakasyon! sarap naman nyan!

ingat at enjoy your vacation!


an_indecent_mind

Andy said...

pasalubong! nga pala, medium size ang damit ko at yung shoe size ko ay 12. lol!

poldinggeding said...

Naku! mabibitin ka lang sa two weeks vacation mo bossing! kaya wag ka nang magbakasyon! (ingget me?) hahaha..

ingat! happy vacation drakula!

Feb or March ka magbakasyon para magkasabay tayo! sagot ko na isang bucket ng san mig tsaka boy bawang!

cheers!

DRAKE said...

@Gasdude

hays two weeks lang ako brod eh!uwi ka na lang marami ka namang pera!hehehe!

@Karen

Musta na karen?miss kita ah! sana kita tayo paguwi ko!ingat

@Yow

Lumuwas ka ng manila para naman magkasama sama tayo sa EB! lapit lang naman yun eh!ano kita kits na!heheh

DRAKE said...

@No benta

Kelan ba ang uwi mo? sayang kun g nasa saudi ka pa aayain sana kita dito sa Riyadh, inom tayo SADIKE!hahah!ingat parekoy!

@Lord CM

Para paraan lang!hahah! Lord CM next year ako sasali sa smile project mo, pramis magdodonate ako!medyo marami lang talagang binayaran this year!heheh!ingat

Kikomax

Namiss kita parekoy ah! pramis! musta na?

DRAKE said...

@Indecent mind

Ramadan Kareem!! Musta ano ang balak mo this EID HOliday?hehehhe! Wag mong sabihin halfmoon beach na naman at causeway!hehehe!ingat

@Andy

kamag-anak??hahahha! Eh ikaw nga ang mayaman dyan kaya manlibre ka!hahahha

@Poldo

Medyo bitin talaga sinulit ko lang ang Eid Holiday! Hays di pala tayo aabot eh! Ako na alng dadayo dyan!heheh! Kita kita tayo nila ayie!miss ko na kayo eh!

darklady said...

Naks..nag gym para mapaghandaan ang pag uwi sa Pinas.hehehe.
Sana kasama ako sa makadaupang palad mo.:)

Ingat! hapi hapi ngayon dyan,di masyadong hectic sched.

Ollie said...

so san ang grand eyeball? sa gym? LOL!


at dahil nag gygym ka na, ibibigay ko na syo yung barbel ko na 30kilos, dalhin mo yon sa saudi pag balik mo ulit ha... lalagyan ko pa ng dedication bwahaha

Dhianz said...

haha tawa naman akoh sa morning breath nd mga ka-gym moh... lolz... aww.. uuwi ka nang pinas... again!... bitter akoh eh... lolz... hmmm... aasikasuhin na importante... kakasal ka nah???!!!!!! lolz... hmmmmmm.... kelan kaya sa earth kita mamemeet noh... anyhoo.... daan ka raw sa singapore sabi ni kuya dude... daan ka ren sa seattle kuyah!!! lolz... so yeah... i miss u wafu kong kuyah... *hugz tight*... well enjoy 'ur stay there.... for sure you'll have fun... ingatz... missyah... Godbless!

nekilleg :x said...

hahaha. grabe siguro tlga amoy ng tao jan no? di ako makakatiis jan, sensitivve ilong ko sa putok e,
new reader here po :)