QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, January 7, 2012

EB in Manila and Singapore

HELLLO!!! Kamusta na mga kautak?? Dyos ko pong pineapple juice, halos isang taon na pala akong walang post. Dyos miyo…pasensya naman medyo hindi ko rin akalain na ganito pala kahirap kumita ng pera ngayon sa Saudi at kailangan ubusin ko ang 100 porsyento kong kapangyarihan araw araw. Kaya pasensya na rin mga kautak.

Oo nga pala, umuwi ako nitong Disyembre lang para magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa atin. Nakakatuwa lang na naimbitahan ako ni Roanne (aka B2) para sa isang EB at finally na kita ko na sa personal si Roanne. Aaminin ko medyo nablush ako ng BUNGGANG BUNGGA kay Roanne, ang DANDA DANDA kasi nya eh. Para isa syang anghel na bumagsak sa lupa at sakto ko namang nasapo ko!hahahah!Meganun! Basta iba sya sa personal kesa sa pictures, mas kamukha nya si POCAHONTAS, hindi dahil mukha syang cartoons kundi dahil ganun sya kaganda (DANDA BABAI).

Kasama rin naming sa EB si kuya AIM ng indecent mind(nakiki-kuya??). Unang pagkikita namin kahit na sabihin natin tiga Saudi rin sya pero perstaym ko syang nakita. Medyo natuwa ako sa kanya kasi hindi naman pala sya INDECENT….hahhaa, disente nga sya eh.hahaha! Basta sobrang cool kasama nya… hindi ka maiilang sa kanya kasi mukhang mabait naman sya (may naman talaga?hehe)

Kasama rin naming si kuya Chinggoy, although hindi na bago sa akin si kuya Chinggoy, kasi lagi naman kaming nagkikita nyan. Ang napansin ko lang sa kanya…..wala pala syang KILAY….hahhaha! Nasobrahan ata sa pag-ahit!Hahaha!Joke lang! Sobrang bait na tao nyang si Kuya Chinggoy at amoy mayaman sya!hahaha!

Nakikilala ko rin si Gillboard. Ito rin ang unang pagkakataon nakita ko sya. Anonymous din kasi sya. Kaya naman natuwa akong makita ang mukha sa likod ng mga kwento nya. Medyo tahimik nga lang sya, hindi ko lang alam kung personalidad nya yun o talagang naunahan lang sya ng mga kwento hehehe.

Nameet ko rin si Madz at isa pang blogger na hindi na active sa ngayon. Natuwa ako sa kanila dahil kahit hindi nila ako kilala at hindi nila nababasa ang blog kong inaamag na, eh talagang hindi nila hinayaang mapanis ang laway ko.

Kaya Roanne, maraming salamat sa pag-imbita sa akin sa EB na yan sobrang naenjoy ko ang gabi na yun at maraming salamat sa bigay nyong regalo sa akin nila kuya AIM at Manong hayaan nyo ipapalaminate ko yun!heheheh! Heto yung pic nga pala mga kautak nga regalo nila.



Sayang at wala akong ng pic na magkakasama kami, na kay Roanne ang lahat ng pics namin, hehehe!Hinge na lang ako sa kanya!hehehe!

At hindi lang yan, dahil nagstay ako ng kalahating araw sa Singapore hindi ko na rin sinayang ang pagkakataon na makilala ang isang sikat na blogger na walang kahilig hilig sa picture ng mukha nya!hahahah!joke lang. Medyo patpatin lang sya at walang kabuhok buhok sa katawan, yan ay walang iba kundi dyaran….si GASDUDE!.

Sobrang saya ang travel ko sa Singapore dahil sinulit ko talaga ang oras at halos tumulo ang laway ko sa sobrang pagkamangha sa mga nakikita ko! Siguro sa mga susunod na araw ay maikwento ko sa inyo yun!

Kaya Gasdude salamat sa pagtotour sa akin sa Singapore hayaan mo pagpupunta ka ditto sa Saudi, ipapatira kita sa CAMEL este papakainin kita ng CAMEL meat!hhahhahaha!Gawa ako ng isang entry tungkol ng tour ko sa Singapore syempre extra ka dun!hehehhe!




Basta sa inyo lahat, maraming maraming salamat sa oras na ibinigay nyo para magkita kita tayo! Isang karangalan na mameet ko ang mga hinahangaan kong blogger na katulad nyo, matatalino, magaganda, gwapo, mababait, at mga kalog na tao katulad nyo, sana this year mabigyan uli tayo na pagkakataon na magkita kita muli!MARAMING SALAMAT ULI!

24 comments:

khantotantra said...

welcome back at congrats sa unang post mo sa 2012.

Naks, eb! Ang nalaman kong eb mo yung sa sg kasi nakita ko sa post ni gasul.

Wow, namit mo na sila ms. roanne at sir gillboard. hehee, inggit me. :D

TC dyan sa saudi :D

~ JaY RuLEZ ~ said...

agree napakaganda ni ate roanne :)

heloo sir drake!

YOW said...

At namiss ko din ang pagkakataong makipagkita sa inyo. LOL. Belated Merry Christmas and Happy New Year Kuya Drake. God bless.

Ayie =) said...

Ikaw na talaga.

The Gasoline Dude™ said...

HINDI KA 5'9"! Hahaha! Salamat din at nagpaunlak kang makipagkita. Sabi ng iba para ka daw artista pero mas mukha kang pulitiko sa aking palagay. LOL!

ro anne said...

papa p!!!! :) lol

mali-mali naman nakalagay dito. una, wala akong camera, kay kuya chinggoy at elli ka humingi ng pics. pangalawa si madz ay active blogger, si elli ung hindi active.

sana lang nabigyan tayo ng chance magkita 2 years ago... boooo ka kasi! :P

ingat lagi b1

DRAKE said...

@khantatora

Sayang hindi ka nakapunta hindi komkasi alam ang number mo eh!next time sama ka sa eb ha!salamat sa pagbati!

@jayrulez

Hello!thanks for dropping by!ingat

@Yow

Eh di ka na mareach ngayon yow eh, rich ka na kasi!sayang lang Yow at di rin natuloy ang sama mo sa eb namin kasi paartista ka kasi ayaw sumagot sa tawag at text!hehehe!ingat

DRAKE said...

@ayie

Beh..... I misssssss youuuu! baka punta ako sa Dubai by July!sana kita kita tayo dun!ingat

@gasdude

5'9 ako.....height na pangmodel ang tawag dun! Medyo mataba ka langm tingnan kaya ganun!hahhahaha! Pre maramig salamat talaga ha!post ako ng entry tungkol sa singapore experience ko extra kita dun by nextj week siguro!ingat pre!

@Roanne

basahin mo nga kaya uli, di ko naman sinabing hindi na active si Madz ah! b2 salamat sa pagi,bita sobrnang naenjoy ko ang EB natin sana makapunta ako hg Macau, basta libre mo ako dun ha!ingat palagi!

gillboard said...

naku, ang aga mo kasi umalis nun. di mo nakita kung paano talaga nagdamdam si Roanne sa mga pangyayari. Joke!! Peace tayo Roanne! :P

Nagulat ako nung sinabi na nandun ka.

Di lang siguro tayo nagkatabi kaya di mo ko masyado naramdaman. LOL. At di ako anonymous no. Di ka lang napapadpad sa blog ko.

Kaw na ang mukhang celebrity!! :P

Congrats!!!

bernard eirrol tugade said...

Tinago na naman ang kara hahaha. I thought binura na ni jepoy yung post nya dati some years ago... Andun ka pa rin. KITANG KITA! ^^ Advance merry Christmas 2012! LOL!

♥superjaid♥ said...

wow nakikipagEB ka na rin kuya drake!namiss ko tong blog mo sana magpost ka na lagi hehehe

Kaitee said...

Welcome back Kuya!

DRAKE said...

@gillboard

Kamusta naman ang gimik nyo? Anong oras kayo umalis?Medyo natuwa na ako na nakapunta ka kasi makikita ko na atalaga ang mkha sa mga kwento mo! hehehe! Next time kita kta tayo uli!

@bernard

Hehehe!naku sana kita na tyo sa pinas, hehehe inimbitahan lang ako eh, next time ako naman ang magiimbita!si roanne kasi ang maraming pera eh!hehhee! musta na pre?

DRAKE said...

@jaid

Next time ako magiimbita, imbitahan kita ah!hehehe!

@kaitee

Salamat sa pagbati,sama ka rin ha!hehhee

McRICH said...

nakita ko yung post ni gasdud kaya dumalaw na rin ako sa bahay mo, ikaw pala ang artistahing blogger naks :)

krisjewel said...

wow....congrats sa EB nyo...Dalaw ka din dito sa UAE>>>madami din bloggers dito...i guess nag EB din sila noon...

Ingats...

Napadaan lang po....

Juicy Jay said...

Mr. Drake Kula ---hmmmm..I have been wondrin' these few days. Thinking I guess I know the person behind Mr. Drake Kula...wahahaha.....I saw your photos in Gasdude's profile when you meet up in Singa. I know you're an anonymous person in this blog so I'll keep that. But I just wanna say one thing. Ikaw ang kasama kong isa sa mga finalist ng KSA sa SFC Reflection Writing in Qatar way back October 2011. Wahahaha...

Just remember the name "Jay Rada Rafol" ---hahahaha. Common blogger friend pala natin si Mr. Gasoline...hahahaha..peace..hope to hear from you.

By the way, pay a visit to my blog too http://jayradarafol.blogspot.com

DRAKE said...

@mcrich

Hahaha sino naman ang nagsabing mukha akong artista? Parang hindi naman!hehehe! Maraming salamat sa pagdaan!

@krisjewel

Sige punta ako dyan sa dubai,ang dami ko rin ngang kakilala dyan eh!subukan ko this hajj pagkatapos ng ramadan!heheh

@jay

Sino ba yun mukhang nacurious din ako dun!hehehe!maraming salamat sa pagdaan! Gwapo rin ba yung kakilala mo n yun?eh kung gwapo yun, eh baka ako nga yun!hahahah!joke lang!inga

ARDiBOi said...

akalain mong nabuhay ka ulit kuya??? hehehe..

rainbow box said...

ai meron din akong ganyang tshirt! thank you kuya aim at kay ateng courier na mj! hihi!

glentot said...

onga no bakit walang kilay si kuya chingoy... nagsunog ng kilay na literal...

Con said...

Kuya drake, ano na nangyari sayo? Paramdam ka na, aymisyu! :)

BLOGS NG PINOY said...

Hello!

We are Blogs Ng Pinoy, an online directory of blogs made by Pinoys worldwide. You registered with us before but somehow failed to link us back (or we can't seem to find our linkback) here in your blog/website. In this regard, we're writing to inform you that a new and simpler link badge is now available at BNP. You may use it to link us to your website/blog.

(NOTE: Linking BNP was a requirement when you first registered with us, failure to do so may result to your blog being removed from the listings. If you've already linked BNP, please do inform us through our CONTACT US page).

Best Regards,
BNP
blogsngpinoy.com

BLOGS NG PINOY said...

Hello,

We regret to inform you that your blog has been removed from the listings because we cannot find our link in it. You may link BNP to your blog for it to be added to the listings again or you may also opt to resubmit a new form at the SUBMIT YOUR BLOG page instead. Kindly let us know once done by leaving a comment at the CONTACT US page.

P.S. Link badges can be found at the BNP website.


Thanks,
BNP
blogsngpinoy.com