QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, November 25, 2009

COMMENTATOR




Bukas, bakasyon namin ng isang linggo dahil holiday dito sa Saudi. At isang linggo kong bubulukin ang aking mga mata sa tulog, magsasawa sa pelikula, pabubundatin ko ang tiyan sa kain at magpapalaki ng betlog (at yung katabi nun). Pero bago ako magbakasyon gusto ko magpauso. Anong pauso, ganito ang post ko na ito ay extended version ng mga comment ko sa mga top commentators ko dito sa aking blogsites (2 sya pero ito ang main ko).


Kumbaga ito na rin ang paraan ko sa pasasalamat sa patuloy na pagbasa ng aking mga sulatin. Minsan iniisp ko lang na baka kaya kayo nagcocomment sa blog ko eh dahil nagcocomment ako sa blog nyo! Hahhaa! Kumbaga gantihan lang ba!Pero ang totoo nyan hindi naman lahat ng nagcocomment sa blog ko ay inaadd ko sa blogroll ko! Ina-assess ko muna yun kung okay yung blog o hindi! Hindi lang basta add lang ng add. At kung magcomment naman ako ginagamit ko naman yung leftside ng utak ko!Ibig sabihin eh nag-iisip talaga ako sa icocomment ko sa inyo at binbasa ko talaga ang post nyo.



Ang mga sumusunod ay ang mga commentator na hindi nawawala sa aking comment box kung may bago akong entry.



ACTIVE COMMENTATOR (no particular order)



1. Jepoy – Hindi ka ba nagtataka bakit “ponkan” ang tawag ko sa iyo?Dahil paborito ko ang ponkan at kyut ang ponkan. Pero wala naman itong kinalaman kung bakit “nagsasalitang ponkan” ang tawag ko sa iyo. Wala lang trip ko lang tawagin kang ganun!Peace man!

2. Glentot – Pre ang puso ang puso! Hehee, parang kilala ko yung si Idiot #1. Pre alam kong matalino kang blogger (walang halong biro yun) at gwapo din (iyon nagbibiro na ako!). May mga tao talagang mahilig mamburaot at dalawa dun ay nasabi mo na sa blog mo!hehhe! Kaya wag na lang pansinin, nagpapansin lang yun sa iyo sikat ka na kasi!

3. Kosa Pogi- Bakit ka ba EMO ngayon?Siguro nakasinghot ka na naman ng katol na nasa box pa!Wag ganun be Happy ……. Jollibee

4. Xprosiac- Pre hinay hinay lang sa paglamon! Parang puro kain ang inaatupag mo ngayon, hindi ka naman namimigay! Pwede bang ipabalot mo ako ng crispy pata saka morcon,embutido, menudo, afritada at menudo (Fiesta??)

5. Al Kapon – Pre bakit parang iisa tayo ng iniisip…..puro kabastusan? Ibig kayang sabihin nun MALI………... malinaw lang ang mata natin. Bait mo pre ( may halong kaplastikan!Lol)

6. Lord CM- gusto ko sanang magsend sa iyo ng piktyur na nakaSMILE ako, kaso imbes na mapa-smile ang makakita baka sumakit lang ang tiyan nila kakatawa o baka ma-usog sa hindi magandang pangitain!

7. Pope – NOON DAW: Ang mga pera may mga bayani, NGAYON: Ang mga bayani may pera!! (naisip ko lang, pwedeng gawing bisnes yan ah)

8. Jag- Pre mukhang hindi mo sinunod ang payo ko, mukhang may sakit ka pa! Sabi ko sa iyo uminom ka ng Royal saka aspilet na kulay dilaw, tanggal ang lagnat mo.

9. Super Jaid- Alam mo sa tuwing nakikita ko si Efren, naiisip ko…………pareho pala kaming mabait. (bakit parang walang naniniwala)

10. Kox- Ayan bagong sem na uli! At tandaan mo ang payo kong ito….. HONESTY IS THE BEST POLICY (wala akong maisip na payo eh!Sori)

11. Scofield – What are 3 things that make me smile? Sagot ko. 1.PERA 2.Maraming pera 3. Nasabi ko na ba na PERA (joke lang) Seryus 1. Family 2. My niece 3. Mga comment sa aking blog

12. Noel- Pareng Noel “EID MUBARAK!!!” Libre mo naman ako dyan sa Jeddah

13. Dhianz- Tama na ang pagiging EMO, ngite ka naman kasi di ka naman bunge!hehehe!Miss kita ah!

14. Iyakhin –Umiiyak ka ba ngayon?Bat parang hindi kita nakikita lately!heheh


15. Nightcrawler –Use guava and Ice buko in a sentence? ICE BUKO, masa-GUAVA (transleyson :Ayos ba buhok ko, masagwa ba?) Bagong gupit ka kasi eh!Paberger ka naman!

16. Azel – Alam kong busy ka ngayon kaya sige okay lang, saka ka na comment!

17. Yanie- Halimaw ka! Yun lang! sweet ko di ba?Heypi bday nga pala! Akala ko hindi nagbebertdey ang mga ALIEN?? (halimaw na alien pa!whahah)

DI GAANONG ACTIVE MAGCOMMENT (Sila naman yung talagang napadaan lang at medyo busing busy sa pictorial at sa taping)



1. Kablogie-magresign ka na dyan at magfulltime blogger ka na lang!
2. Gillboard- Medyo busy siguro sa taping
3. Scud – Busy naman sa mga guesting
4. Mr. Panguyab – Drowing ka pre! Drowing!
5. Chie- Pre san ka ba nagsusuot?Hindi kita mahagilap!
6. Manik Makina- Busy sa photoshoot!
7. Ate France- para makabawi ka , uwian mo na lang ako ng toblerone
8. Mulong – Wer na u?
9. Yanah- D2 na me!
10. Wait (john) – pre di ka nagpaparamdam, buti pa ang multo!hehehe
11. Pamatay Homesick – pre mukhang nagka-amnesia ka ata!
12. Gasdude- mukhang natabunan ka na ng gasoline dyan pre
13. Anthony – pre kamusta na tagal ng walang balita ah!
14. Kheed- Ikaw din kamusta na?
15. Klet-Bat di ka na ngungulet?
16. Lady in Advance- Nawawala ka rin?

Basta kahit ano ka man active o hindi gaanong active ang masasabi ko lang ay MARAMING MARAMING SALAMAT SA INYONG PAGDALAW SA AKING MUNTING KWARTO!


Mahal na mahal ko kayo! (Plastic!)


Ingat palagi mga KAUTAK!



P.S


Sa mga hindi nabanggit pasensya na!Ibig sabihin nun hindi ka nagcocomment sa blog ko!hehhehe

Salamat din nga pala kay Roanne sa bigay nyang badge sa akin!Tenk yu!


58 comments:

Lord CM said...

Aba!At nasama ako sa active, thank you naman, kahit wala pa yata akong isang buwan dito sa pahina mo lolzz

Pre, mas maganda nga kung tutuo ung sinasabi mo tungkol sa pix, malamang marami ka mapa smile kung magpapadala ka ng pix :D

DRAKE said...

base ka bro! At dahil dyan magpapadala ako ng piktyur ng aking kyut na kyut na pamangkin! Hehhe

Salamat pre sa laging pagbisita!

Ingat!

I am Xprosaic said...

Ahahahah sayang nauna si Lord CM jijijijii... 2nd base na lang... jijiji... naks! nasa active din ako ah... jjijijijiji salamat salamat kahit di ako kasing pogi mo nahanay mo naman ako sa active... jijijijiji... parang frat lang ah... jijijijii... Teka UU nga eh kaya ingatan ang BP dahil puro nga ako kain ngayon... jijijijiji... San ba yun idedeliver?! si mamang driver nagkakamot ng ulo san daw ba dadalhin yun... jijijijiji

kox said...

haha.. salamat at nakasabit pa ko sa mga ACTIVE. hahaha.. biro mu un. kasali ako. at inulit ko p talaga ang pag basa sa KOX. haha..

salamat sa payo. :) parang papanaw k sa post mu ah. hahaha.. biro lang. (katok.katok.sa.kahoy. =D)


yung keyk nga pla nung bday mo, di ko napadala.. anlayo mu kc. kung malapit k lng.. hahaha.. :)) ENJOY! :D

Lord CM said...

Hehehe :D Maghihintay ako

DRAKE said...

@Xprosiac

Ganun ba sa bulacan bro, pakipadala na lang dun!whahhaha

Salamat bro sa laging pagdalaw sa aking kwarto dahil dyan! May regalo ka sa akin sa pasko! Ano yun?walang iba kundi "World Peace"

Salamat pre!

DRAKE said...

@Kox

(pinalo ang puno ng sobra sobra) hahaha! Di pa naman ako mamamatay! Gusto ko pang magkaanak ng 12...... sa 12 asawa din!whahaha

Salamat lagi Kox! Pagbutihan ang pag-aaral ha!

Ingat!

DRAKE said...

@Lord CM

Napadala ko na pakicheck your email!

Ingat!

Lord CM said...

nakita ko na! ambilis ah, bukas update ko ung video :)

Thanks ng marami

glentot said...

whuahahaha narecognize din ang aming efforts sa pagbabasa at pagcocomment tsk tsk tsk dapat may mga award kami wag na badge ha pera na lang or christmas gift!!!

mr.nightcrawler said...

hay naku! i hate you. nasa dulo ako! hehe. grabe parekoy... sobrang hectic ng sked. ganunpaman, nagawa ko pa ring sumingit para lang magabasa ng mga paborito kong blogs(ahem). hehe. need some sleep. i'll be blogging more soon. talk to you later :P

Yanie's Ka-blags!!! said...

HUWAAAATTTTTT???????

Tama ba namang number 17 lang ako????

Hay naku itaga mo sa bato, dina ako babalik sa blog site mo! Hmmmmpppffft!! (insert laki butas ilong here)

tseh!

DRAKE said...

@Glentot!

Hahhaha Sige ano ba gusto mo?Ipapa DHL ko dyan! Hayaan mo bibigyan kita ng isang lifesize na trophy!whhahahha

Bro maraming salamat sa pagcocomment! Pakiss nga!mwaah!

DRAKE said...

@Nightcrawler

Akalain mo pati numbering nakita mo?Whahah Nakalagay nga dun NO PARTICULAR ORDER!hehhehe

Maraming salamat at paborito mo pala ako!naks naman natats ako dun!

Salamat bro sa laging pagdalaw!

Ingat!

DRAKE said...

@Yanie

Halimaw ka! Alam mo hindi mo napansin lagi kang huli sa aking listahan, pati dun sa piktyur gritings video! Ibig sabihin SPECIAL ka (in an autistic kind of way)

Hapy berdey yanie!

Jepoy said...

Talagang dapat VALEDICTORIAN AKO?!!!! AYLABET! Dahil dyan kiss mo ko sa betlog Bwahahaha

Serious mode. Iilang blog lang ang excited akong basahin ang bago nilang post. At sa sinawing palad ay kasali ang blog mo dun, i hatechu! Dahil dyan nababawasan ang pagiging productive ko sa opis at browsing pornsite sa bahay hihihi.

Pag paka sasa ka sa holiday at please wag kalimutan ang toblerone white para sa akin pag uwi ng filifins ukie.

Ingats!

glentot said...

@Drake gusto kong camel kasi tinatamad ako maglakad papuntang work... salamat mwa!

seriously, chocolate!

no seriously, camel.

@Jepoy hoy not in a particular order yun pek pek ka. tsaka dati ka nang unproductive.

Jepoy said...

@Glentot Talagang dapat umaapila dito sa Comment box ni Pareng Drake?! Kiki ka! Basta VALEDICTORIAN AKO! Hmp!

SCOFIELD JR. said...

ayun oh,kasama me...eniweiz, salamat tol sa pagresponde sa post ko, at sa pagbibigay liwanag (meralco) sa mga malalabong poste na ginagawa ko kapag lasing ako...hehehe

DRAKE said...

@Jepoy

Oo nga tama si Glentot!Random yan bro kaya wag kang magfeeling!Whahha!Pero sige na nga, medyo tulad mo eh excited ako pag may bago kang post! Para kasing pareho lang tayo ng labnaw ng utak!Mas payat lang ako sa iyo!whahahha

Sige na nga valedictorian ka na!whahahha (pilit na pilit)

Maraming salamat bro

DRAKE said...

@Glentot!

whahaha yun lang ba!walang problema may kasama pang arabo kung gusto mo!heheh

Uuwi ako this december hayaan mo bigyan ko kayo ng chocolate

Maraming salamat bro

DRAKE said...

@Scofield

Walang problema ikaw pa, lakas mo sa akin! Pakiss nga sa pisngi! Mwaahahhh

maraming salamat sa pagcocomment

ingat

MR. PANGUY-AB said...

naku, talagang hinanap ko ang pangalan ko!whaha!mabuti nakita ko kung hindi akala mo makikita mo pa ang shadow ko dito..whaha... saya ng post..weeeh

btw, nakadrawing na ako kaibigan..pwede pa bang mahabol??whaha

Dhianz said...

huli tlgah si ate Yanz eh noh.. special... sana medyo sana medyo hinuli moh ren akoh nang konti para feeling special.. haha... sana ren hinabaan moh ang sinabi moh saken.. haha.. reklamador eh noh.. teka sinong EMO??? nde akoh ahh... lolz...

TEKA: ATTENTION ATE YANZ!!!

haha.. natawa akoh... nag-complain kah 17 kah lang... *pa-batok*.. lolz.. meaning non special kah.. pinaka-special.. kaw yung pinakahuli.. parang sa 18 candles.. kaw yung pang-18 nyah.. usuallly yung nauuna eh nde special.. haha.. sori JEPOY!!! lolz... pero suwerte si jepoy.. kc usually ang nababasang names eh yung nasa una at huling part lang.. yung sa gitna... hmmm.... yun ang pinaka-non special... haha.. hangkuletz.. makaalis na nga.. lolz.. thank u eniweiz special mansyon akoh... Godbless! -di

Chingoy said...

eto magpopost ako ng comment, hopefully mapasama ako sa 2nd wind of commentators acknowledgment mo hehe.. follower mo na ako ;)

peace!

Glampinoy said...

Nakibasa lang po!

kikilabotz said...

waaaaaaaaaaaahhh!!!?? bkit wala ako? huhuhu..haha. hinahanap ko pangalan ko wala talga eh.
buti na lang may ganitong nakasulat sa blog mo

"Pero ang totoo nyan hindi naman lahat ng nagcocomment sa blog ko ay inaadd ko sa blogroll ko! Ina-assess ko muna yun kung okay yung blog o hindi! Hindi lang basta add lang ng add."
wahaha.nakaktuwa.

ahaha. natuwa na rin ako.

Yellow Bells said...

ang saya nman dito, pwede bang makigulo...eh bakit wla rin ako dun sa list...lol oo nga mukang ngayon lang pala ako napadaan dito, yaan mo magbabalik-balik ako at nang makapagcomment ng mdalas dalas, di mo kasi ako pinapansin...joke lang po.

KESO said...

waw nman. nakakatats yan.
ntouch ako kahit wala ko dyan hahaha.
nung isang araw ko lng kase nakita tong blog mo, nung isng araw ba o khpoN? ah bsta.ayun. tenkyu beri much dhil nilagay mo ko sa blogroll mo. mgiging suki na ko dito ! wahahahaha

The Gasoline Dude said...

Sikat ka na talaga Drake! Dati naman eh halos wala akong masyadong kaagaw sa pag-BASE! sa comment box mo. Iba na talaga ang pogi. LOL

Hayaan mo kapag nakagaan-gaan na ko sa trabaho ko eh magiging active na ulit ako sa blogging at bloghopping. ;)

Kosa said...

ammmplastik mo! lols

hehehe
biru lang.

active ba ako sa pagkocomment dito? hahaha plastik(times two!!).

Hindi ako Emo parekoy. isa lang akong taong marupok at nadadala rin sa agos ng pakikipaglandian. pero tama na yun!

basta ako,
botong boto sa una mong nabanggit. Paborito mo ang ponkan?
so ibig sabihin nun, gustong gusto at paborito mo rin ang nagsasalitang Ponkan? lolololz

o sige sige,
ingat sa pagtulog.
baka naman paggising mo eh nasa Heaven ka na! hehe

peace!

DRAKE said...

@Dhianz

whahaha! Random naman yan, so ang basehan ko talaga dyan ah yung nasa list kung sino ang may pinakrecent na post!hehehhe!eh yung sa iyo ang tagal mo ng hinid ka nagpopost eh!Pero syempre special ka, kasi ikaw ang isa sa mga pinaka-unang nagcocomment sa mgapost ko, kaya special ka!hehehhe

Maraming maraming salamat Dhianz, Miss na kita hehehe!

ingat

DRAKE said...

@Mr. Panguyab

Bro eh kung san ka kasi nagsusuot hindi kita mahagilap tapos shoutbox ako ng shoutbox wala din hindi ka nagpaparamdam!hehhehe

Palibhasa nakalimutan mo na ako kasi di ka na mareach!whahahha Joke lang!

Maraming maraming salamat bro

DRAKE said...

@chingoy

Hehehhe, maraming maraming salamat, hayaan mo bibisitahin ko ang blogsite mo!

Maraming maraming salamat sana lagi kita makita sa kwarto ko!

Ingat

DRAKE said...

@Glampinoy

Maraming salamat sa pagbasa!!

ingat parati

DRAKE said...

@kakilabotz

Pre mukhang mapapadalas ako sa site mo!Medyo natuwa ako sa mga post mo eh!Saka isa pa medyo bago ka pa lang kasi eh!kahapon ko lang ata nakita ang site mo!

Basta maraming maraming salamatr bro

Ingat parati

DRAKE said...

@yellow bell

Isang beses mo lang naman kasi ako dinalaw tapos hindi ka na bumalik hehhehe!Pakiramdam ko hindi mo nagustuhan ang kwarto ko!hehhehe joke lang!

Sana bumista ka ng madalas, maraming salamat

Ingat

DRAKE said...

@KESO

Oo nga kahapon ko lang din nakita yung site mo!Pero nagustuhan ko yun! Sana madalas kang bumisita dito!

Maraming maraming salamat ha!dalaw din ako madalas sa site mo!

Ingat

DRAKE said...

@Gasdude

Masyado ka kasing busy kakapayaman!Mayaman ka na kasi kaya okay na blog hoping na uli!LOL

Oo nga pre natatandaan ko yun!hahahha! Medyo kahit medyo nawala ka sa sirkulasyon marami naman ang pumalit!hehhehe basta mag active mode ka uli bro

Ingat

DRAKE said...

@Kosa

Sabi ko nga paborito ko ang ponkan at wala yun kinalaman kay jepoy!whahhaha

Oo pre active ka dito sa pagcocomment!hehh di mo ba nahalata? kaya nga natats ako kasi binibista ng isang pogi ang site ng mas pogi!Lol

Ingat pre at iwasang tumingin sa mga blade!delikado!whahhaha

ingat

The Pope said...

Happy holidays bro, napasama pa pala ako sa active volcano este commentators pala hehehe.

Nagahahanp na ako ng mga movies na panunuorin ko rin hehehe.

Jag said...

asus! nilagay mko sa mga actives pra mag-active actiban ako dito wahahahaha joke!

Salamat Parekoy!Na-tats ako pramis!jijiji...akalain mo yun? aktibo pala ako dito sa kwarto mo? At dahil jan nakagawa n ako ng bagong post kung saan isa ka sa mga "bumibida" hahahaha...

check mo na lng post ko jijiji...

Salamat n lng sa Royal at yellow aspilet mo jijiji pero magaling n ako brod! jijiji

Dhianz said...

dme mong fans ah... oh yeah uwi kah palah nang Pinas?.. saya naman... pasalubong kuyah... lolz.. saya naman uwi kah... inggit akoh... so yeah... ingatz... Godbless! -di

ch!e said...

hahaha...sori drake.. busy kasi sa career, lovelife, studies, and all that.
echuz! :D

God bless!

Alkapon said...

5. Al Kapon – Pre bakit parang iisa tayo ng iniisip…..puro kabastusan? Ibig kayang sabihin nun MALI………... malinaw lang ang mata natin. Bait mo pre ( may halong kaplastikan!Lol)

Nasa Top 5 pala ako.. ha ha ha ha
hindi na baleng plastik, Tupperware naman.. ha ha ha

PoPoY said...

imperness maraming nagcocomment sayo drake. naalala ko parang nagcomment ka na sa blog ko. ahahaha.

ayun lang. si Jepoy 2 lang naman ginagawa nyan kapag walang magawa, magbloghop at magcomment or magkamot ng itlog. LOL.

:D

Popoy Inosentes

DRAKE said...

@the Pope

Eid Mubarak!! Medyo ako rin movie marathon ang ginagawa ko! At katulad ng dati eh hiniram uli namin yung projector ng kumpanya dahil dyan mukhang mini sinehan ang aming sala!hehehe

Happy Holidays din!

Ingat

DRAKE said...

@jag

Makita ko na yung post mo salamat sa pagkakamention ng aking pangalan! Maraming salamat sa pagcocomment sa aking mga entries sobrang tast na tas ako dun (bkit ang plastik plastik ko ngayon!whahaha, joke lang)

Ingat bro at maraming salamat!

DRAKE said...

@Dhianz

Wala ngaeh ako nga ang fan mo!naks! Yep uuwi ako. although its my fourth time na magbabakasyon pero this will be the first time na magkakasama kami ng family ko for christmas after 4 years! Masarap pa rin ang paskong pinoy!!

Ingat at maraming salamat uli!!

DRAKE said...

@Chie

Oo nga lagi ka na lang busy bro! Ganyan ba talaga ang artista! Balita ko ikaw daw ang bagong kalabtim ni.....POKWANG! Whahaha joke lang!

Maraming salamat sa pagbisita sa aking kwarto!

Ingat!

DRAKE said...

@Alkapon

See isa lang ang ibig sabihin nyan dahil pareho tayo ng iniisip, ibig sabihin nyan.....hindi nagkakalayo ang wavelength ng utak natin! At isa pa pareho tayong gwapo (sori ako lang pala!)Lol!

Ingat lagi bro at maraming salamat sa laging pagbisita!

DRAKE said...

@Popoy

Oo nga parang nagcomment na ako sa iyo dati pero hindi mo ako pinansin!hahah Suplado??? Heheh joke lang!

Hayaan mo dadalaw lagi ako sa site mo kasi parang yung blogsite mo ata ang una kong nabasa noon!

Maraming salamat

abe mulong caracas said...

nandito na me...ipagpaumanhin po ang aking paglubog at paglitaw

naipaliwanag ko dati kung bakit hindi na ko makakapag ikot masyado(defensive?)dahil nabago ang aking work sked...

di nako masyadong nakakapagnakaw ng oras para mag blog

nasa oras nako na madaming boss, kung baga sa school, may asst principal, may principal at may guidance councilor...

sige magpaliwanag ka mulong hahaha

Dhianz said...

i'm excited for you kuyah.... pangarap koh reng makapagpasko muli don... sayang sana sinabi moh magpapasko kah don... eh di umuwi ren sana akoh... haha.. biro lang... uhmmm... teka.. fan kitah?.. talagah lang.. lolz.. lufet naman nang fan koh... *apir* tayoh dyan... pero yeah.. i'm excited for yah... iba pa ren ang pasko sa pinas... d' best! pa-haller na lang sa pinas... ingatz lagi kuyah... Godbless! -di

♥superjaid♥ said...

naks!!thank you sa award kuya..mwuah!!^__^

ladyinadvance said...

errrr bibo kac amo namin eh pinablock ung blogspot kaya d ako makacomment hanggang dalaw lang ako at d pwedeng magcomment sa proxy na gamit ko at minsanan lang din ako mag net sa haus lagi kac wala..huhuhuhu...........

pero seryoso namis ko pambabalahura sa blog mo..har!har!har!

iya_khin said...

sori ngayon lang ako napadaan,kung di pa ako sinabihan ni lady diko malalaman ang pangookray mo sa akin!weee!

Di ako umiiyak ngayon 'no nagbubunyi ako dahil...SECRET!

Darla said...

sana nakuha mo yun request mo sa Ate France mo. :) www.toblerone.com.ph