QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, November 21, 2009

HUMORSCOPE



Sagittarius (Tikbalang o kabayong Potro)


Iwasan ang paggastos kasi baon baon ka na sa utang, aba kapal peys ka pang utang ng utang.


Paalala: Ang credit card ay binabayaran din, kaya wag mong isipin na libre ang mga pinamili mo pag gumamit ka ng credit card


Lucky Colors: White (paghinahabol ka ng pinagkakautangan mo gamitin mo ito para ka sumuko)


Lucky Number: 9 (pag nanalo ka sa lucky 9, ipambayad mo na ng utang)


Capricorn (Ang sirenang kambing)


Mahuhuli ka ng misis mo na nangangaliwa ka, okay lang sana kung si Mare ang tinangay mo eh kaso si PARE pala ang kinakasama at kinakalantari mo ngayon.


Lucky Color: FUSYA, este FUSHHHSIYA, mali este FUSSSSHIYA, naku RED na lang


Lucky Number: 11 (uhmmmm, kasi espadahan)



Aquarius (NAWASA)


May good new at bad news ako sa iyo;


GOOD NEWS: Makapag-abroad ka na rin sa wakas, dahil ito ang matagal mo ng pinapangarap


BAD NEWS: Kaso makalipas ng 5 araw babalik ka ulit sa Pilipinas, recession kasi ngayon kaya nagsara yung pabrikang pinapasukan mo


Lucky Color: Brown (kulay yan ng kamote, simulan mo ng magtanim kasi wala ka ng trabaho)


Lucky Number: 5 and 6 (ang taong gipit sa payb siks lumalapit)



Pisces(ang sign ni NEMO)


Maswerte ka kasi makakapag-asawa ka ng mabait , mayaman at gwapo. Kaso yun nga lang sya naman ang minalas kasi ikaw ang napapangasawa nya.


Lucky Color: Black (kasi hanggat bulag sya sulitin mo na)


Lucky Number: 0 (zero, as in wala akong maisip kung bakit swerte yan sa iyo)


Aries (Kalderetang Kambing)


Tatama ka sa Lotto ng tatlumpung milyon, pagkatapos mapropromote ka pa sa trabaho at magiging mabait sa iyo ng misis mo. Kaso bigla ka na lang magigising at malalaman mong panaginip lang pala ang lahat.


Lucky Color: Yellow (Yellow, sino po sila?)


Lucky Number: 8 ( walong stars ang makikita mo kung hindi ka pa rin makakakita ng trabaho)


Taurus (Argentina Corned beef))


Magiging maganda ang araw mo ngayon, yun nga lang magiging maulan pala at hindi sisikat ang araw kaya Pangit pala mangyayari para sa iyo ngayon. Sorry!!!


Lucky Color: Kulay Tae (pangalan pa lang mukhang maswerte na!!)


Lucky Number: 7 (pitong araw uulan kaya wag ng umaasang maganda ang linggo mo)



Gemini (Kambal tuko)


Magtatalon ka sa sobrang tuwa kasi magkakaroon ka na ng baby at kambal pa, kaso bigla ka na lang magagalit kasi BAOG ka nga pala


Lucky Color: Blue (kasi mangangasul sa pasa ang asawa mo kung magkataon)


Lucky Number: 2 (kambal kasi ang anak mo eh, eh sorry baog ka nga pala)



Cancer ( pinakawawang sign kasi may sakit agad)


Iwasan magagalit ngayon kasi baka atakahin ka sa puso, kaya panatiliing laging kalmado. Oo nga pala yung asawa mo sumama na sa ibang lalaki, tapos yung anak mong dalaga buntis at yung paborito mong sapatos ningatngat pala ni bantay.

Lucky Color: Violet (kasi mukhang ibuburol ka na sa natuklasan mo)


Lucky number: 3 (wala lang bigla ko lang naisip ang number na yan)


Leo (Pusang pampalaman sa siopao)


Matutuwa ka kasi nagpa-tattoo sa braso ang anak mong si Junior na pinagdududahang bading, kaso magugulat ka nalang kasi si HELLO KITTY pala ang design ng tattoo nya. Dahil dito it’s CONFIRM!!


Lucky Color: FINK (may lambing sa dulo)


Lucky Number: 10 (mahilig kasi sa unat at bilog)


Virgo (ang sign ni Madonna “like a virgin, touched for the fifty first time”)


Isang pangyayari ang hindi mo inaasahan na mangyayari sa iyo. Pag utot mo nagulat ka na lang na parang nabasa ang underwear mo, at pagsilip mo, nakikita mo may kulay brown (yaks, pururot)


Lucky Color: Red and Yellow (Kulay ng Jollibee at ng McDo, dyan ka tatae pag emergency)


Lucky Number: 1, 2, 3, sabay ire.



Libra (kilohan)


Pupurihin ka ng teacher mo kasi nakarami ka ng yema sa klase. At dahil komo paninda nya yun may plus 5 ka sa periodical exam mo. Bukas maghanda sa isang mahalagang project uli ng teacher, mabuti mag-ipon sapagkat tocino at longanisa naman ang ititinda nya.


Lucky Color: Red uli (kulay ng longanisa at tocino)


Lucky number: 5 (laging iyan ang plus mo)


Scorpio (da best na sign)


Magiging maswerte ka sa buong taon,yayaman ka at pinakagigiliwan ka ng lahat ng tao. Isinilang kang mabait, masipag at higit sa lahat cute


Lucky Color: lahat ng kulay maswerte sa iyo


Lucky Number: lahat ng number maswerte din


Hahaha, wala pakialamanan eh birth sign ko yan eh!!Eh kung inggit ka, e di gumawa ka ng sarili mo!heheheh

36 comments:

mr.nightcrawler said...

base ako parekoy! first time yun ah! hehe. at bakit naman ganun ang horoscope ko? wala naman akong prof na nagtitinda ng tocino. i hate you. wala man lang maganda dun sa horoscop ko. hehe

SCOFIELD JR. said...

parang mali ang sakin (sagittarius), wala akong utang kase ako ang tinatakbuhan ng mga utang..hhehe

lucky number 9, mali din kase 69 ang lucky sa akin ngayon lalo nat winter dito samin...hehehe

ingat & happy weekend.

I am Xprosaic said...

Yan yan! pati horoscope ko umaayon sa akin... swerte ko raw... bahala nang mamalasin ang lahat na didikit sa akin basta ako maswerte... ahahahahahahahahaha...

Jag said...

at medyo tumugma ang hula mo...linsyakis! paalis na sana ako kanina ng biglang umambon...tinamad n ako at nagbihis n lng ng pambahay uli at nagnet at heto natatawa ako sa nabasa ko dito hahahaha adik!

Para sa akin maswerte ang tae kasi s tuwing nananaginip ako ng tae nagkakapera ako bwahahahahaha...totoo pramis!!! jijiji...makatulog n nga lng ulit bka managinip ako ng tae jijiji...

Ngorkzzzzz....
z

Dhianz said...

nde koh sasabihin sign koh.. kc magkakaidea kah kelan birtday koh.. ahahha... ayos... binasa koh lang yung sign koh.. yun lang... hahaha... wala akong sinabing matino... lolz... oh yeah don't forget na i-paint si ate Yanz ha... laterz.. Godbless! -di

DRAKE said...

@Nighthcrawler

Congrats! May kontes talaga kung sino ang makakabase sa comment ko! At dahil dyan may isang kilong tocino ka sa akin! Paki-intay na lang at ipapa DHL ko!Heheheh

Ingat

DRAKE said...

@Scofield

Yaman mo naman! Pautang nga! Uhmm kahit 5-6 payag ako!hehe

69 ang gusto naks, parang may halong kabastusan yun!hahahha

Happy weekend bro, malamig na rin dito!

Ingat

DRAKE said...

@Xprosiac

Teka scorpio ka rin! eh di ibig sabihin nyan kabeberdey mo lang! Bat di ka nagopaparamdam dyan?Kelan ba birthday mo? Baka naman magkabertdey pa tayo! Nakamputcha! Kaya ka pala gwapo dahil magkaberdey tayo!(may salitang JOKE LANG!hahaha)

Ingat pre

DRAKE said...

@Jag

Masyado kang nagpapaniwala sa Horoscope sorry humoscope pala!hehehe!

Dahil minalas ka sa ulan kaya ka ngakatulo este nagkasakit! Eh pagaling ka bro.

At wag mo ngang sabihin nanaginip ka ng tae, baka ang totoo nagtatae ka habang nanaginip!whahah

Ingat bro

DRAKE said...

@Dhianz

Sikretong malupet ba yan, walang clue??

Heheh Bats akung kelan man yan, happy happy birthday sana padalhan mo ako ng handa dito!

Ingat lagi!

I am Xprosaic said...

Ahahahahaha mali eh... sablay hula mo... di ako scorpio... pero sige papayag ako kapag sing pogi tayo! nyahahahahahahaha

Dhianz said...

akoh may birthday tapos akoh pa magpapadala nang handa... ayos ahh... lolz... kuya drake!!!! na-miss kitah kaemohan!!!... haha.. 'la lang... sige... laterz... Godbless! -di

DRAKE said...

@Xprosiac

Swerte mo kung makahawig mo ako, kasi ibig sabihin nun artistahin ang dating mo!LOL

Bat di ka nagparamdam dyan, bertdey mo pala! Daya mo pre!

DRAKE said...

@Dhianz

Miss din kita!heheh bat di ka kasi nagoonline tuloy hindi tayo nakakapg-usap!
hehehe

Ingat lagi!

glentot said...

Nyaha kulay tae pala ang swerte kong kulay ngayon..

Lord CM said...

Buti na lang itim brief ko at hindi halata lolzz

Yanie's Ka-blags!!! said...

pano mo alam na marami akong utang??? pero naman, di ako nagla-lucky 9, pang mahirap yun, mah-jong ang linalaro ko no!

I am Xprosaic said...

Di ko nga bertdey.. pero puro bday ang napupuntahan ko halos gabi gabi ngayon jijijiji... sama ka?! jijijij

DRAKE said...

@Glentot!

Kulay palang swerteng swerte na! Painom ka Glentot!!

DRAKE said...

@Lord CM

Nice! Bikini mong itim na may taeng katiting!hahhaha Joke lang!

Mas kita yun bro kung itim!

Ingat

DRAKE said...

@Yanie,

wag mo ng tanungin kung paano ko nalaman na marami kang utang sacredit card, ang gusto kong malaman ay kung paano naaprubahan ang credit card gayung mukhang kang manunuba!whahah

Ingat

DRAKE said...

@Xprosiac

Aminin mo na berdey mo eh! Ayaw mo lang manlibre eh! (mukha ka kasing tumanada!kaya akala ko nagbertdey ka!!hahaha joke lang)

ingat

gillboard said...

di naman para sa akin yung horoscope ng pisces.

ch!e said...

waah... cancer ako.
buti na lang at wala pa akong asawa at anak. hehe :D

KESO said...

hahahahah. ayos, scorpio ako e,mabuhay tayo!

kox said...

gemini ako.. anu ba yan! wahahha..

The Scud said...

hindi ako baog! papatunayan ko yan! nyahaha.

Jepoy said...

Hay naku! Libra, timbangan talaga?! Hindi appropriate para sakin ang lokoscope kasi hindi na ko istudent, i hate it!

Kosa said...

lols.

sinu ba ang kinunsulta mo sa hulang ito parekoy?

astig ahhh.

makapagpahula nga ng regular..

DRAKE said...

@Gillboard

Maniwala ka para talaga sa iyo yun!hahahha

@Chie,

Ahh ganun ba sige iyan ay para sa future mo!hahha

DRAKE said...

@Keso

Mabuhay ang mga scorpion! Mabuhay! Kaya ka pala matalino!bhahahha

@Kox

Kyut nga yung humorscope mo eh!!

DRAKE said...

@Scud

huuuuu sige nga patunayan mo nga dun sa alaga mong aso!heheh Joke lang!

@Jepoy

Alam kong sumasaideline ka rin ng pagbebenta ng yema dyan sa ofis mo, Tapos sa sweldo na lang yung bayad sa tin da mong tocino at longanisa!

DRAKE said...

@ KOSA

Yan ay ayon sa aking bolang kristal! Emo ka kasi kaya epektib ang bolang kristal ko!

I am Xprosaic said...

Ahahahahaha tumanda pala ah... Etong sau! jejejejeje... naku naku buti na lang mabait ako... nyahahahahaha

KESO said...

hahahaha.loko. oo tama, matalino tayo tska magagandang nilalang. :DD

ladyinadvance said...

at ciempre ung binasa ko lang un akin..hahahaha...juk!...err pano un d na ko nagaaral?..so d ko na kelangan tocino?hahaha.....