QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, December 12, 2009

Namamasko po

Masarap maging bata, lalo na kung Pasko, at alam mo na yung bakit? Dahil maraming pera (Aguinaldo) at maraming regalo. Syempre pagkakataon mo ng gumimik para kumita ng marami, kaya naman kahit fourth year high school na ako eh,,,,, namamasko pa ako (pakialam nyo ba!!) Kaya narito ang mga tatktika para makarami ng Aguinaldo.


Magpapansin sa Ninong at Ninang- Kapag dumating na December 1 subukang itext na sila Ninong at Ninang ng mga “quotes” at “jokes”. At subukan din itext ng “kumain na po ba u?”, “have a gud day po” at kahit ano pang pang-uutong text.


Sumama sa mga kapatid- Maging chaperon ng iyong kapatid kapag mamasko sa mga Ninong at Ninang nya, tyak kahit papano ay maambunan ka kahit 20 pesos at libreng chibog pa (subukan din magdala ng supot para mag-uwi ng prutas)


Mamasko ng maaga- Dahil karamihan sa iyong mga Ninong at Ninang ay busy (kakatago), mamasko ng maaga,yung tipong magkakagulatan pa! Tyak naman may mahohold-up este may makakuha ka sa kanila kasi naibigay na ang mga bonus nila.

Bigyan ang Ninong at Ninang ng card- Dahil mahal ang regalo, card na lang (minsan na pi-free lang ito sa mga krispap), maglagay ng emo message at ibigay ito sa mga Ninong at Ninang. Aakalain nila na sobra mo silang naaalala at maiisip din nila na hindi lang ang Aguinaldo ang habol mo. (Pero pautot lang yun ang totoo, taktika mo yun para lakihan nila ang bigay)


Tandaan umalis ng gutom – Dahil ang lahat ng tao ay may handa, tyak aalukin ka ng mga Ninong at Ninang mong kumain ng halaya (na lasang pandikit), buko salad (na walang buko puro gulaman), spaghetti (may anemia) at kung ano ano pang pagkain. Nakakahiya naman na pera lang ang habol mo sa kanila kaya pakitang tao ka na rin, at ipilitin itong isaksak sa iyong bunganga. Purihin ang handa ng iyong Ninong at Ninang at sabihing masarap kahit lasang puwet naman ito dahil tyak dadagdagan nila ang Aguinaldo mo.


Pwede pera na lang po – Dahil mauutak na rin ang mga Ninong at Ninang mo, bibili lang yun ng generic na regalo (o regalong hindi pinag-isipan tulad ng panyo, mug, bimpo at etc), Kapag inaabot na ang regalo sa iyo ng mga Ninong at Ninang magmatigas na huwag na lang dahil nahihiya ka at hindi naman dahil sa regalo kaya mo sila dinalaw (tae ka, plastikkkkkk!!). Gamitin ang linyang ito “Ninang/Ninong, hindi po okay na po ang makita kayo, medyo baka di ko kayo makita next year dahil magtatrabaho po muna ako, medyo wala na po kasi akong pera ngayon eh!” (tandaan diinan ang pasasabi ng pera). Siguro hindi naman bato ang Ninong at Ninang mo para hindi nya makuha na..................................mukha kang pera.


Prrrrrrrrrttttttttttttttttttt


Tama na muna ako, bibitinin ko muna kayo. Oo nga pala mga kautak, ako ay pansamantala munang magpapaalam sa inyo baket? Dahil…………………………………………… magbabakasyon ako sa Pinas !Yehey!!! Ito ang unang Pasko ko sa Pilipinas pagkatapos kong mag-abroad (after 4 years). Medyo noong mga nakaraang Pasko kasi nandito ako sa Saudi . Kaya halos tumulo ang sipon ko sa lungkot dahil walang Pasko dito. Walang Christmas light, parol, simbang gabi , bibingka, nangangaroling at kung ano ano pang pampasko(dahil nga Muslim Country nga ito) Kaya naman ganito ako kaexcited umuwi katulad ng pagka-excite ko noong nagfield trip kami sa Enchanted Kingdom noong grade six. Syempre sama-sama kami ngayong Pasko ng aking pamilya,at kumpleto kami!Kaya ang saya!


Medyo isang buwan lang naman ako mawawala dahil ako ay magagagala sa SM.MOA at Trinoma. At magpapakasarap muna kahit isang buwan lang! Basta intayin nyo ang mga kwento ko pagbalik ko ulit dito. Susubukan ko ring mamasko sa mga Ninongat Ninang ko para kumita man lang kahit bakasyon. Hehehe!


Tandaan, hindi nasusukat sa halaga at ganda ng regalo ang pagmamahal natin sa ating kapwa. Itoy batay sa laki o dami ng pagbahagi ng sarili sa bawat regalo natin sa iba katulad ng pagbabahagi ng ating Dyos sa atin ng isang napakahalagang regalo sa buong sangkatauhan, ito ay walang iba kundi ang kanyang bugtong anak na si Hesus. Na kung saan dahil sa Kanya kaya tayo may Pasko. Kaya ibahagi ang ating sarili sa ating kapwa at mahalin ang bawat isa.


"The mystery of the Holy Night, which historically happened two thousand years ago, must be lived as a spiritual event in the ‘today’ of the Liturgy. The Word who found a dwelling in Mary’s womb comes to knock on the heart of every person with singular intensity this Christmas." - Pope John Paul II


Sa nais magpadala ng regalo, greetings, Aguinaldo, mensahe o death threat (meganun) pakisend lang po ito sa aking email (YM na rin) na drake_kula@yahoo.com


Iyon lang , maraming salamat sa inyong lahat at Maligayang Pasko.

22 comments:

pamatayhomesick said...

tenk yu tenk yu...ang babait ninyo tenk yu!

sa presinto nako magpapaliwanag ha. eniwey i olredi add you sa pamatid sandness, marami pakong i add nung mga bago 2007 palang kasi nung na-add ko dun, maya try kong tapusin yung blog roll ko mula 2008-2007. salamas!

Unknown said...

hahahaha your "Namamasko Po" entry is like a double-edged sword. somehow binibigyan mo rin ng tips ang mga inaanak mo kung pano ka "hoholdapin" ngayong pasko! yun ay kung may inaanak kang followers din hahaha. awww, so mga after 1 month ka pa rin pala mawawala.. so di ka mag bo.blog habang na rito ka sa Pilipinas? hehehe. anyway, maligayang pasko at masaganang 2010 sayo drake at syong pamilya! mag vitamins! para di ka magkasakit para sulit na sulit ang bonding with family at inaanak LOL

Life Moto said...

napakaganda ng mga tips mo drake. sayang at di ko nagaawa ito noong bata pa ako. at least alam ko na agagawin ko ngayon sa mga inaaak ko heheh

well if meron ako at ok lang kasi iba talaga ang joy nila sa araw na ito

BTW I add you sa Blog roll ko

Null said...

Wow! congrats sa vacation:) merry christmas! incase na makita mo ko sa pamamasyal mo sa malls batiin mo ko ha :) hehe kasi malamang dun din ang destinations ko! Goodluck :)

The Pope said...

Sa Maybahay ang aming bati, merry Christmas na maluwalhati..."

Naku wala palang tao dito, nakabakasyon hehehehe.

Thank you sa mga tips mo for Xmas... kaya lang late na, matatalino na rin ang mga batang namamasko hehehe.

May the blessing of the Infant Jesus be with you always and wishing you a prosperous New Year.

AL Kapawn said...

namamaspo rin po, pwede penge sampung piso pambili ng pulutan.. he he he

chingoy, the great chef wannabe said...

naku ginawa ko yang "umalis nang gutom"... kaso indi ko nakita yung lugar na pupuntahan namin (may nagmarunong kasing lam nya ang bahay ng pupuntahan namin), ayun, kumain kami ng tapsilog sa may kanto. buset!! :)

kikilabotz said...

naks magbabakasyon n xa sa pinas. hehe.

namiss ko ang kabataan ko. lagi ko sinasabihan mga ninong at ninang ko na kuripot. ngayon alm ko na ang feeling. ahehe

Xprosaic said...

Naku po... parating na sa pinas ang bagyong Drake... magsitago na lahat... lalo na yung mga ninong at ninang niya... nyahahahahahahhaha

Pasalubong naman dyan... kahit buhangin lang... jijijijiji

Jepoy said...

Gusto ko ng stupageti na may anemia at buko salad na puro Gulaman. LOL.

pero sa totoo lang 'yun lang ang kaya ng budget namin. Ang salad na puro gulaman at kulang sa Nestle Cream at Alaska na malapot.

Meri Krismas sa iyo at sa iyong mahal sa buhay. Mwuahhugs! :-D

Jag said...

Pag mamasko ako sau ano kya ibibigay mo sken? hehehe...makakakanta kaya ako ng tenkyu tenkyu ang bait mo o dili nmn kya tenkyu tenkyu ang barat mo hahaha...

Pauwi k n nga tlga. Ingat n lng s byahe tol TANGAhin k p nmn joke! jijiji...

Gudlak din s mga ka-EB mo hahaha!

Many Christmas! jijiji

glentot said...

Bakit alam mo ang lasa ng pwet? Wahaha.

Exchange gifts na itu!!!!!!!!!!

Next na post mo, advice naman kung paano magtago sa inaanak, malamang maraming makakarelate wahahaha

PoPoY said...

Purihin ang handa ng iyong Ninong at Ninang at sabihing masarap kahit lasang puwet naman ito dahil tyak dadagdagan nila ang Aguinaldo mo.

huhlols. nakatikim ka na ba ng pwet at ganun na lang ang paghahalintulad mo dito? hahaha.

oi yung EB ha? pupunta ako ha. sana sa trinoma na lang para maganda. di pa ako nakakapunta sa trinoma eh gusto kong maranasang makapunta dun ahihihihi tas pakidalan na rin kami ng pasalubong tutal galing ka ng SAUDI. gusto namin yung ginto. ahihihi

iya_khin said...

haha! merry christmas!buti ka pa sa pinas magpapasko,pasalubong ha!weee!

KESO said...

hahaha. natawa nman ako dun, 4th yr hs namamasko ka pa, medyo binata ka naa nun ah. hehe. bkit ba ko nakikielam. :D

bsta, meri krismas kuya. sulitin ng bakasyon dito sa pinas! :)

A-Z-3-L said...

ay! nagbakasyon pala ang Kuya ko!

uy kuya! umattend ka sa PEBA awards night! sikat na sikat ka dun sigurado :)

enjoy! and merry christmas to you!

The Scud said...

naku. paano magpapadala ng regalo sa email. di kasya. hehe.

maligayang pagbabalik!

Dhianz said...

spaghetti (may anemia) natawa naman akoh dyan... teka.. naiiinggit naman akoh sau... sa pinas kah magpapasko... but i'm happy for you too... for sure nag-eenjoy ka na nang bonggang bongga sa pinas ngaun... ingatz lagi kuya... mamimiss ka namen nang sobrah... muwahugz... ingatz kuyah Drake.. Godbless! -di

abe mulong caracas said...

patatawarin...

mr.nightcrawler said...

parekoy! kumusta ka na? ilang linggo din tayong di nagka-usap ah. hehe. pasensya na at mejo naging busy. at hindi lang pala ako ang nag-hiatus ah? balik ka na rin para masaya. merry christmas and advamce happy new year :P

Ruel said...

maligayang pasko sayo bro at manigong bagong taon..enjoy your vacation at sana matupad yong wish mo makaEB ang lahat ng kablogs mo..hehe

Kosa said...

ExciTed naman ako sa mga post mo tungkol sa bakasyon!
Pero asan na?
Nakalipas na ang isang taon ahhh...
Hehe

happy new year parekoy!
Pakiss nga!!
Wahihi:))