QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, September 25, 2010

KARANASAN KO SA MRT


Madalas akong sumakay ng MRT noong nasa pinas pa ako, dahil ito na ang pinakamabilis na paraan para makaikot-ikot sa Quezon City na hindi tinubuan ng ugat dahil sa traffic. Kaya naman kapag uuwi ako sa pinas lagi pa rin akong sumasakay dyan sa MRT, hindi lang dahil sa namimiss ko sya kundi dahil nagtitipid ako at nauubusan na ako ng pera.

Noong nakaraang uwi ko sa pinas, may tatlong karanasan ako sa MRT ang ikukuwento ko ngayon, dahil ngayon ko lang din naalala.

SCENE NO.1


Rush hour noon at Sabado pa. Kagagaling ko lang sa ES-EM MIGAMOL noon at dahil may usapan kami ng barkada ko na magkikita ng ganitong oras kinailangan kong sumakay at makipagsiksikan sa MRT, dahil tyak mala-late na naman ako.

Kaya naman hindi na ako nag-atubili pa, agad akong sumakay ng MRT at nakipagsiksikan. Tulukan dito, tulakan doon! Habang para akong lamog na mangga na pinagpapasapasahan ng mga pukanenang mga commuters na yan, may isang babae sa likod ko na mukhang “brick game” ang kurot ng kurot sa akin at salita ng salita, kala mong nabili na nya ang MRT sa sobrang kaepalan, at tila gusto pa nya atang lataran sya ng RED CARPET dahil paimportante ang potah!

Babae: Ano ba yan, ke sakip sakip na nga, siksikan pa ng siksikan. Ano ba kuya, dun ka ng sa susunod na tren sumakay!! Dun ka na lang! (sabay sigaw sa tenga ko at kurot sa likod ko) !DUN KA!! DUN KA !!!!!

At dahil bwisit na biwist na ako sa mala MATUTINA nyang boses, sumigaw na ako sa loob ng MRT.

Ako: PUTRAGIS NA!........Hoy Miss, kung gusto mo ng maluwag bumababa ka at sumakay ng mag-taxi, hindi nakikipagsiksikan ka dito! (sabay tigtig ng masama na para syang lalamunin ng buhay)

Tahimik si babaeng mukhang brick game, dahil isang salita at isang kurot pa, papasakan ko na talaga sya ng binili kong baygon sa bunganga.

SCENE NO. 2

Kasama ko noon yung kapatid kong babae papuntang POEA, at dahil traffic na naman ang kahabaan ng EDSA, nag MRT uli kami. Medyo maluwag pa dahil 10:30 yun ng umaga at hindi rush hour, kaya naman medyo maluwag ang loob ng tren.

Habang nakaupo kami ng kapatid kong babae, biglang may dalawang lalaki ang umupo sa tabi naming. At dahil hindi katiwa-tiwala ang pagmumukha nila, bigla akong nagsabi

AKO: Rose (pangalan ng kapatid ko), dumikit ka sa akin may SNATCHER sa tabi mo, ingatan mo ang bag mong maigi.

Akala ko pabulong lang ang pagkakasabi ko, medyo pasigaw pala. (sori naman) Kaya biglang natakot ang mga pasahero sa loob ng tren, bigla silang nag-alisan at hinawakan ang kanilang mga bag sabay titig ng masama sa 2 lalaki. Samantalang yung dalawang lalaki, ay tila nagulat din sa sinabi ko at medyo napahiya kaya bumaba na sila sa sumunod na istasyon.

Pagbaba nila, medyo nahiya naman ako sa ginawa ko, inisip ko baka hindi naman talaga sila snatcher. At hindi naman nila siguro kasalanan kung ganun ang pagmumukha nil (mukha snatcher). Kaya habang nagsisisi at humihingi ako ng tawad kay papa jesas sa aking ginawa, at bigla ko uling tinanong ang kapatid ko

AKO: Ano nandyan pa rin ba yung 3210 mo??? (at nandun pa rin naman pala)

SCENE NO.3

Hayan na naman, rush hour na naman nung sumakay uli ako sa MRT. Palibhasa din at may “date” ako nung araw na yun, medyo isputing na isputing ako. As usual, nakipagbrasuhan uli ako sa mga commuters. At kahit pagabi na noon, mga amoy araw pa rin ang mga tao dun.Halos bumaligtad din ang sikmura ko ng tinaas ni kuya ang kanyang braso at lumabas sa kilikili nya ang isang milyon bumbay sa lakas ng BAKTOL/PUTOK.

Dagli akong umalis para umiwas kay kuya at humanap ng makakapitan. At habang nakakakapit ako sa estribo ng MRTbiglang akong may naramdamang may kumikiskis sa kwan ko. Medyo hindi ko naman pinansin kasi baka naman hindi sinasadyang nakikiskis ng katabi ko si “putotoy”. Pero nagulat ako dahil biglang may dumakma sa aking putotoy. Bigla ako napasigaw

AKO: PUTANGINA NAMAN!!! (malutong na malutong)

Paghanap ko sa dumakma ko sa aking putotoy, isang namumutlang bading ang nakangisi sa akin at nagpi-peace sign pa (ano kala nya sa putotoy ko, bisugo??)

Gusto ko sanang umbagin at hamunin ng “square”, pero dahil medyo siksikan hindi ko na nagawa. Natakot na rin yung bading dahil nung sumunod na istasyon bumaba na at nagmamadaling umalis. Hindi ko na rin hinabol para hampasin sa mukha ng pututoy ko para lumabas ang mata nya sa nostrils nya. Medyo pinakalma ko na lang ang sarili ko at hayaan na lang ang pangyayari
______

So yan lang naman ang mga memorable experiences ko sa MRT. Medyo kahit hindi magaganda pero namimiss ko pa rin ang pagsakay dyan, dahil bahagi na yan ng kulturang Pilipino natin. Kaya balik balikan ko pa rin yan kapag uuwi uli ako ng pinas.


Yun lang mga kautak, ingat

32 comments:

khantotantra said...

nakakainis ung mga katulad ni ateng maarte, dapat dun tinatadyakan palabas. shoo... shoo..

Hehehe, chicksilog magnet pala pototoys mo sir drake.... :p si bading gusto maka-points

Stone-Cold Angel said...

Ibang klase talaga ang kamandag mo, drake. Ma-bakla ka pala... hahaha! joke lang.

Meron din akong magaganda and pangit na karanasan sa MRT. Pero masarap pa din sumakay diyan.

Kaitee said...

Habulin ka pala ng bakla kuya! Aylabeeett!

YanaH said...

may kakaibang karisma kang taglay kuya hahahaha kakatuwa naman... sana lang wala kang potensyal ha hehehe :P

Jag said...

O xa ikaw na ang GAY MAGNET bwahahahaha! lol.

Nakakainis din yung mga taong alam ng siksikan sa jeep eh kung makaupo ay nkaside view pa para lang nagsa-sightseeing busheeettt! Si ate naman sa kwento mo ay soooo maarte ang sarap ngang i-flush sa bowl ang mga ganoong klaseng tao....

INgat!

roanne said...

and you're back!

nagulat naman ako sa nandadakma... tsk tsk...

yaman yaman di mag taxi! =p

napahinto ko ung mrt dati hehe... yun lang ang memorable na experience ko sa mrt.

The Gasoline Dude said...

Ampogi mo siguro Fafa Drake at napapadakma ang mga dingbads ke Junior. = P

poldinggeding said...

Ako naranasan kong makatulog at lumampas sa designated station ko.. pero ipinagtataka ko pagkagising ko nun e nakatingin sa akin lahat ng pasahero?? bakit kaya?? siguro sa lakas ng hilik ko wahahaha...

di kaya mas magiging masaya pa yung BEKI pag hinampas mo yung putotoy mo sa kanya?? LOLs...

Kilabot ng mga bakla! ayos!

glentot said...

Kailangang i-announce na 3210 ang cellphone??? Palibhasa ikaw naka iPhone!

Alam mo bakit ka hinipuan nung bakling mukha ka raw kasing bibigay!!! Hahahahaha.

PS Di ka pa ba nagsasawa jan sa header mo ahahaha.

~B~ said...

wala kang kupas drake.

kakaibang experiences talaga ang hatid ng MRT. haha..

kikilabotz said...

hahahaha. madami talgang mga kalokohan na magaganap jan sa MRT n yan,,,hahaha

pamatayhomesick said...

pang pg pala ang karanasan mo sir...ha ha ha.

Ako si Yow said...

May post din ako about sa MRT/LRT experiences ko. Haha. Madami ngang kalokohan sa tren. At lahat ata ng weirdo na mangyayari posible jan, pero ang sarap sumakay. Haha.

Dapat inupakan mo, baka inakala nagustuhan mo. Nyahaha.

♥superjaid♥ said...

hahaha marami akong experiences sa mrt..pero mas marami sa lrt2 hahaha

anyway..habulin ka pala ng mga bading kuya drake!hihihihi

Michael said...

Nakakarelate ako dun sa scene number 3 mo. Laging nangyayari sa akin iyan kaya bihira na lang ako sumakay ng kahit anong tren. LOL.

Magtitiis na lang sa trapik. Trauma na iyon e. :D

DRAKE said...

@khanto

Kung di nga lang bang nakakahiya sa mga tao sa MRT eh malamang sinungalngal ko na ang ngala ngala ni ateng mukhang brickgame

Ingat

@stone-cold

Medyo di naman tayo nagkalalayo ng sex appeal pagdating sa mga bading!hahaha

Ingat pre

@kaitee

Di lang bading kaitee pati aso rin habulin ako!hahaha

DRAKE said...

@yanah

hayaan mo yanah, mukhang hindi pa naman kumukulot ang daliri ko!hahaha!

Ingat

@Jag

naku brod dapat bang ipagmalaki yung ganun? Siguro pwla lang mapili si ateng na pwedeng lamutakin ang putotoy!

@B2

Yaman ka dyan, eh wala naman akong macbook tulad mo! Okay isang simpleng OFW lamang!

Kaya pag magkita tayo libre mo ako b2!

hehhe!ingat

DRAKE said...

@gasdude

eh me may gagwapo pa ba kesa sa iyo! Syempre mas di hamak na mas malakas ang dating mo sa mga ganyan!Artestahan si gasol!

hahaha!ingat brod

@poldingeding

Hindi kaya ikaw yung mukhang snatcher na nakatabi namin kaya ka pinagtitinginan ng mga tao dun?hahah! Joke lang pre

Ingat

@Glentot

Malamang ganun na nga!basta sa tamang halaga!hahahha!

Eh di ko nga pinapalitan kasi sobrang gandang ganda ako sa gawa mo, ngayon kung may ibibigay ka pang bagong header, baka maiyak pa ako nyan!hehehe

ingat

DRAKE said...

@khate

salamat sa pagbisita sa munting kwarto ko sana madalas ka sa pagpunta at pagdalaw dito!ingat

@kikilabotz

uyyyy parang nakakarelate? siguro may ganun experience ka rin noh!hahahha! naks ikaw na ang habulin kiki!

Ingat

@pamatay homesick

di naman masyado brod! Medyo pang X-rated pa nga ata!hahha!ingat pre

DRAKE said...

@Yow

pre di ko pa ata nababasa yan pero subukan kong hanapin yang mga karanasan mo na yan, hehehe

di ko na hinabol medyo sayang sa oras at pamasahe!hehehe

ingat pre

@jaid

minsan lang akong masakay sa lrt2, pero natatandaan ko, parang akong tanga dahil hanap ako ng hanap ng teller dun eh sa vending machine wa;a kumuha ng ticket dun!hahhaa!

@Michael

Naks naman! talagang habulin na habulin ka pre ah

salamat sa pagdalaw sa kwarto ko sana madalas ang pagbisita mo dito!

Ingat

@

Oliver said...

haha, angkulet naman ng mrt experience mo.
buti nga kay ateng maarte, bung akit kasi di sya sumakay dun sa first car ng mrt, o kaya nagtaxi sya. nanguha pang mangurot, close?
ung sa 2nd story mo, feeling ko isnatser talaga un e, hehe.
at ung sa 3rd, sana binatukan mo sa noo ung hayup na perv na un, hehe.
ingat lagi!

themizpah said...

mabibilang ko sa daliri ko kung ilang beses pa lang ako nakasakay niyan sir dahil probinsyano ako heheheh

hindi ko pa alam kung ang sinakyan ko nun sa avenida ay MRT o LRT hehehe

pero sa tuwing nasakay ako nun at lumuwas papuntang maynila ay sukbit ko ang back bag ko sa harapan para iwas sa magnanakaw.

mag-ingat ka sir parati pag nasakay ka niyan pag-uwi mo ng Pinas baka madakma ka ulit.hihihi

Be blessed po!

mr.nightcrawler said...

grabe.. nakkatakot naman yang experiences mo diyan. mangyari na ang lahat ng yan sa akin wag lang yung pangatlo. grabe.. biglang nandadakma? nyahaha. buti nakapag-pigil ka parekoy! ang masamang experience ko sa mrt yung mga walang patience na papasok agad sa luob kahit hindi pa nakaklabas yung mga tao. ang sarap pagmumurahin... haay... buti na lang good boy ako :P

salbehe said...

Dalawang beses sa isang araw, lima o anim na beses sa isang linggo ang pagsakay ko sa MRT. Nandyan ang matapakan, masiko, mahipuan, maisnatchan, etcetera. Naisip ko, if i can't beat them I might as well join them. Kaya ngayon marunong na din akong manghipo. =D

lhay said...

marami ang mk2relate sa post mo..
may mga araw na gusto mo isumpa ang mrt, matututo kng manulak kng ayaw mong pulutin ka sa lapag..

pero iba ka, parang may stalker lng..obsessed stalker, nandadakma..=)

Klet Makulet said...

Haha meron nga yung nakikipagsikuhan pa kasi di makababa

meron din yung nakipagsabunutan hahaha

daming mga awayan akong nakikita di lang sa mrt kundi lrt din

Dhianz said...

ahahah.. natawa naman akoh.. as in may tunog na tawa while i'm readin' ur post.. kalerki... iba na tlagah kc ang wafu eh... he juz wanted to make sure kung lalaki kah talagah.. lolz.. ur funny as always... nd man sa mga kuwento moh mas lalong gusto makita in person.. gano ka kc kawafu.. lolz.. ingatz lagi kuyah.. Godbless! -di

Habibi Lakiari said...

Haha, good luck sa kapaan sa MRT, sabi ko nga nuon, kung may matres lang ako nuon as an office worker sa Makati, baka araw araw ako nagluluwal nang mga junakels sa CR ng office namin na di ko alam ang kani-kanilang mga ama... Walang ganiyan sa States, este, dito sa Riyadh! LOL! Cool blog, btw...

glentot said...

puta ka

PABLONG PABLING said...

laftrip dito ah. hahaa. bakit kay amadaming bakla sa MRT

nakaka miss ang mrt.

Unknown said...

Haha dami ko din experience sa mrt. Pero enjoy sumaka

Tiradauno said...

Gusto mo ba ng online work?
Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/