QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, October 11, 2010

Psssssttttttttt Mga Kautak............... (REVISITED)




Dear Kautak,

Kamusta na kayo? Pasensya na at medyo busy ang inyong lingkod nitong mga nakaraang lingo. Medyo alam nyo na pabibo pa muna kasi nasa “probation period” pa ako ngayon. Baka kung hindi ako magpasikat sa boss ko , malamang sa pagbebenta ng laman ang kababagsakan ko nito (laman ng baboy o baka yun, tange!)

Kaya sumulat ako sa inyo ngayon ay para ipaalala sa inyo na sa susunod na buwan ay magdidiwang ako ng ika-21 kong kaarawan (mamatay na ang umangal). Alam nyo naman na nung isang taon, napakaespesyal na kaarawan ko yun dahil dalawang wish ko ang natupad. Una, ang daming bumati sa akin ng happy birthday sa pamamagitan ng kanilang creative na “picture greetings” at ang ikalawa ay naka-ihip na rin ako ng kandila sa ibabaw ng cake ( hindi tulad ng dati sa ibabaw ng bibingka).

Ito ang link nun: POGI MO TALAGA DRAKE

Pero hindi ako manghihingi ng “picture greetings” sa inyo pramis. Medyo syempre gusto ko naman ng kakaiba at astig. Saka ayaw ko na ng hirap na hirap kayo kakaisip kung ano ang gagawin nyong mga pautot para bumati lang.

Simpleng simple lang ang hihingin ko sa inyo……..uhhhmmm….bigyan nyo ako ng pera. (JOKE). Bale ganito, bigyan nyo ako ng wacky picture nyo, o pinakamagandang picture nyo, o kahit pinakapanget na picture nyo. O kung ayaw nyo talagang magpakilala, kahit pictures na pina photoshop. Basta padala kayo ng pictures kahit ano, kahit anong porma. Picture noong bata pa kayo, picture nyo nung nagpatuli kayo, picture ng una kayong nakaapak sa Luneta, at kung ano ano pa . Basta kahit anong pictures padala kayo at may supresa ako para sa lahat ng magpapadala. Please din po, wag naman kayong magpadala ng picture ni mickey mouse, bundok, aso, puso, isla, litrato ni Angel Locsin o Dingdong Dantes, pulitiko at kung sino sino pa. Basta kayo at kung ayaw nyo namang ma-expose ang kagwapuhan o kagandahan nyo okay lang ang tinakpan ng dyaryo ang mukha, blurred, itinago ang ulo sa buhanginan, nakabalandra ang kamay sa mukha, kuyukot lang ang kita, anit lang ang naaninag o kahit putol pa ang ulo, basta ang mahalaga KAYO yun.
MAS WACKY MAS MAGANDA, YUNG PINAKAKWELANG O NAKAKATAWANG PICTURE NYO ANG IPADALA NYO!
AT ANG PINAKAWACKY O NAKAKATAWANG PICTURE (NA MUKHA NYO MISMO) MAY PREMYO. (ipapadala ko sa address nyo mismo ang premyo, PRAMIS)
Ang premyo ay maaring................
a) 24k na ginto
b) camel
c) arabong may anghit
d) magic carpet
e) ksa whitening cream
f) jovan perfume
g) SUPRISE!!!!!Bold

Pangako walang babuyan ng pictures ng may pictures. Huwag kayong matakot magpadala at wag nyong isipin na ibebenta ko kayo o pagpapantasyahan ko ang mga pictures nyo (pwede rin,Why not?). Pramis walang babuyan ng pictures. Birthday ko naman kaya pagbigyan nyo na ako.
Ipadala nyo dito drake_kula@yahoo.com ipadala nyo before November 8,2010 dahil November 10 ang bday ko (ayon sa hula, swerte daw ang isinilang sa araw na ito)
MORE ENTRIES YOU SEND MORE CHANCES OF WINNING!!!! SALI NA!!

Para sa mga kaibigan ko sa facebook paki tag na lang ako sa picture na gusto nyong ipadala sa akin at ako ng bahala dun.

Iintayin ko ang pictures nyo mga kautak.

Nagmamahal,

DRAKE KULA

30 comments:

glentot said...

Pokimo!

We miss you Drake sana last birthday mo na yan.

JOKE!!!!!!!!!!!! potah ka

ahmer said...

message sent : D

khantotantra said...

sige, mgppdala ng pic.

The Gasoline Dude said...

Ano na namang pautot 'to? Jowk! Teka pagkakatiwalaan ba kita sa pic ko eh mahalay 'yung binigay mo sa 'king picture greeting last year. Ampf.

Lord CM said...

Paano ako magpapadala ng pix kung di pwede si Dingdong Dantes? oh ayaw mo lang talaga akong isama sa mga magpapadala ng pix?

Jag said...

Utot mo color fuchsia.As in picture lang without any message? Bakit ano ang gagawin mo? lol.

gillboard said...

picture picture nanaman. ano ba meron dyan sa mga picture na yan?!

hehehe

advance happy birthday!!!

Chingoy said...

happi bertdey!

makalimutan ko mang magpadala ng pic, at least nabati na kita... :)

YanaH said...

natawa ko sa "walang babuyan ng pictures" nyahahahaha


\makahanap na nga ng larawan na ipapadala sayo hahaha.. hmmm pwede bang jurassic old na yung petyur? hahaha

poldinggeding said...

isang buwan pa naman ang preparation.. sige bossing magbibigay ako with international people pa! hahahaha

di muna kita babatiin(greet) matagal pa berdei mo eh... tuloy ka ba dito sa AUH bossing??

an_indecent_mind said...

tanda mo nang yan nagbbday ka pa???!! at nanghihingi pa ng pektyur?? hehe!!

happy bday!!

<<< bumabati na para kahit makalimutan!! hehehe!

Andy said...

asus, saka lang magpaparamdam pag may kailangan. haha!

Ako si Yow said...

Nakakatakot naman magpadala. Anu kaya gagawin? Haha. Pero effortless, walang konseptong iisipin. Nyahahaha.

kikilabotz said...

walang problema. hahaha

Oliver said...

magpapadala na.
piktyur lang na makulit? maghahanap ako sa fb, hehe, tatag na lang kita. =p

I am Xprosaic said...

Ahahahahahaha paraparaan... kinakaibigan kami para hingian ng picture greetings! ahahahahahha...jowk lang... sige na... magmakaawa ka muna bago ka namin bigyan...lol... ahahahahhaha

DRAKE said...

@glentot

tumae ka man ng sago matagal pa ang buhay ko. Pwede rin namang wag ka ng magsend ng picture kasi kukunin ko na lang sa FB mo, tutal puro wacky naman yun!hahahah! So hayan nakuhanan na kita ng permiso!kaya magsasave na ako ng isnag malupet.

@ahmer

Ang bait bait mo talaga ahmer hayaan mo pag-uwi ko libre kita ng lugaw tokwat baboy. Maraming salamat

@khantotantra

Salamat iintayin ko yan kung hindi eh kukulitin kita. Wag yung avatar mo sa online game ha!

@Gasdude

Dyosme gasdude, nahiya ka pa sa picture, eh tadtad kaya ng picture mo yung blog mo saka FB! Basta pre yung wacky pic ah!

DRAKE said...

@Lord CM

Sali ka na sa pautot ka n to, kahit pa dyan sa lungga mo ipapadala ko ang premyo mo kung mapipili kita!naks meganun

@Jag

wag ka ng umangal pa, pagkakataon mo na itong sumikat, isa kaya akong talent scout!hahhaha

Iintayin ko yan

@Gillboard

magpadala ka na kasi, sige na! Iintayin ko yan. Medyo kahit hindi pa kita nakitang nagbigay ng pic griting sa iba pero baka pagbigyan mo naman ako!hehhe!ingat

DRAKE said...

Manong Ed

Umayos ka, iintayin ko yan ha! O kaya itag mo na lang ako sa FB! Kung hindi baka di na kita bigyang ng 24K na gintong hinihingi mo!whahaha

@Yanah

Sige yanah padala ka ha, although effort ang wacky pic sa iyo kasi maganda ka! (Bola 101), kaya alam kong magpapadala ka sa akin!wheheh!ingat

@poldingeding

Tingnan ko pa brod, medyo ipaparenew ko pa kasi yung passport ko eh sana umabot bago mag-eid ang release ng passport ko!Intayin ko yung pic ha!Ingat

DRAKE said...

an indicent mind

hoy padala ka ha, iintayin ko yan! At inuulit ko 21 pa lang ako!!

Ingat brod

@Andy

Ikaw na ang naguupdate ng blog mo, ikaw na ang di busy!whahahha! Nagsalita!LOLS

Hoy magpadala ka, iinatyin ko yan!

@Ako si Yow

wag kang matakot brod, pag sumakit ang tyan mo eh malamang pinabarang na kita!hahahha!

Basta pre wala akong gagawin dun! Ano lang basta!iintayin ko yan bro

@kikilabotz

daling kausap! hhehhehe! Palibhasa gwapo kaya okay lang magpadala ng picture!hahahha! (insecure??) LOLS

Intayin ko yan brod

DRAKE said...

@oliver

Iintayin ko yan brod ha!maraming maraming salamat!

@Xprosiac

Hindi ka nagbabasa brod, nahalata ko! Hindi pic greeting ang kailangan ko, wacky pic lang!hehehhe

Intayin ko yan brod

Ingat

Klet Makulet said...

advance kuya drake! uhmm uso ang contest? hehehe pag-iisipan ko :P

roanne said...

Pag di ako nanalo di ako magpapadala!

darklady said...

Mananalo ba ako dyan?hehehe.Sige magpapadala ako kuya drake. Yung pang beauty na mukha ko ang ipapadala ko.lol

mr.nightcrawler said...

kinakabahan ako sa pacontest mo parekoy! parang wala naman ata akong picture na ganyan! hmmm... akapng-halungkat nga... siguraduhin mong ako ang mananalo ha? bwahaha.

ladyinadvance said...

wahahaha una sa lahat, gusto kong i-welcome muli sarili ko sa bahay mo... WELCOME ME!!! lolz! ang tagal tagal ko na ding hindi nakakadalaw sa mansion mo at gosh beerdey mo ulet?akalain mo un nadagdagan na nmn edad mo Kuya Drake!.....hmmmm larawan ba? pwde bang nakatalikod ako?mwahahahaha....pagiisipan ko yan at itag nlang kita....

Ayie said...

Alam ko naman ang gusto mong ipadala ko sayo...yung pose kong pang centerfold. hahahaha!

Ollie said...

scorpio ka rin pala! translation, ma-EL!

kakareformat lang ng pc ko eh, tignan ko kung may pix pa ako na pwede ipadala. - sana mapunta sa akin ang premyong camel!

you know my name said...

bday ko after three days ng bday mo hehe :)

Kosa said...

ahhhh... pede pa ba magpadala?

magpapadala ako...pwamis..
HIndi dahil Bday mo kundi dahil natatakam ako sa mga maaring mapanalunan!
ahehehe..jokeness!

advance happy Bday Kuya Drake!