Sorry naman at madalang akong mag-update ng blog ko ngayon. Medyo stressful talaga ang trabaho ngayon unlike dati hindi talaga. Ngayon pang medyo naglilipat na muli ako ng bahay lalong naging abala ako sa mga bagay bagay.
Una muna, gusto ko sanang ipaalala yung sa WACKY PIC na hinihingi ko bday ko!!! Maraming salamat nga pala sa nagpadala ng pic alam kong pagpapalain talaga kayo ni Papa Jesas, at sa mga hindi pa nagpapadala……NAMANNNNN!!! Padala na kayo, dali!!
Sa loob ng isang buwan, medyo hindi ganun kadali sa akin ang buhay, baket?? Dahil sa pukanenang traffic na yan. PUTARAGIS talaga, kasi ang 20 minutes na byahe pag walang traffic eh umaabot ng 2 oras! Syet talaga nakakapanginig laman.
Malalaki ang kalsada ng Saudi kumpara sa Pinas, at walang mga epal na bus na naghahari-harian sa daan. Wala din mga dyip, sidewalk vendor, pink urinal o kung ano ano pang maging sagabal sa mga byahero. Ang dahilan kung bakit traffic ay dahil…....ubod sa dami na ng sasakyan meron dito sa Saudi. (Mura kasi nga ang sasakyan dito)
Dito madali mong malaman kung pinoy ang may-ari ng kotse. Paano mo malalaman? basta humanap ka lang ng stuff toys o unan sa likod ng kotse at may kung ano anong palawit naman sa harap.Asahan mo pinoy ang may-ari nun. Atisa pa, tanging pinoy lamang din na pilit pinapaganda ang kotseng alam mong napag-iwanan na ni Yamasita. Hehehhe!
Okay balik tayo sa kwento ko, so hayun na nga 8:30AM ang pasok ko pero umalis ako ng 6:30AM dahil sa pukanenang traffic na yan, at ano ang ibig sabihin nun? Ano pa kundi isa akong unggong puyat na kailangan gumising ng 5:30AM. Hindi ako sanay gumising ng ganyan lalo pat alam ko namang hindi naman ganun kalayo ang opisina sa bahay ko. Kaya nakakapanginig laman talaga. At pag mamalasin ka pa naman, masasakay ka pa sa isang taxi na tila nakakadiring upuan dahil baka nag-fi-field trip ang mga surot doon. Malas malasan mo pa, pag pasok mo ng taxi, isang Pakistaning may ubod sa lakas na putok ang pwedeng sumuntok at gumising sa iyo sa umaga (di mo na kailangang magkape). Syet talaga!!! Hindi pa kasama ang mala-poso negrong amoy sa tuwing nagsasalita dahil nga bagong gising. See paano ka ba naming gaganahang pumasok sa umaga nyan. Bukod pa sa gumagastos ako 700 pesos (converted na) araw-araw para lang sa pamasahe. Isipin nyo nga yun! Grabe ang sakit sa gums!!
Kaya by next week lilipat na ako sa bagong bahay. Medyo mahirap ang maglipat lalo pat mag-isa lang akong naglilipat, pero kailangan talaga kasi kung hindi pa ako lilipat, baka pamahayan na ng surot ang pwet ko, baka maimmune na ako sa baho, at higit sa lahat mamulubi dahil sa laki ng pamasahe.
Haysssss! That’s life!! (naks)
Kaya para pasayahin nyo naman ako sa bday ko, magpadala na kayo ng wacky pic nyo. Sige na! Pabertdey nyo na yan sa akin. Inuulit ko sa November 8 na ang deadline at ipadala nyo dito sa
drake_kula@yahoo.com.
Yun lang mga kautak nag-update lang ako at nagpapaalala sa inyo! Miss ko na kayo eh!Ano na ba balita sa inyo???
Ingat
33 comments:
grabe naman kapag minalas ka sa taxi. Suntok at tadyak ng nakakadiring amoy ang malalanghap early in the morning.
trapeeeeek kung trapeeekk!
buti hindi nagsasalita ung mga surot kapag nauupuan mo sila?
:D
Sinabi mo pa pre, sobrang nanunuot hanggang atay at balun-balunan! Hhahaa, akalain mo yun gising ka pa pre!hehehe
Maraming salamat nga pala sa pic pre! AYOSSS!!
Ingat
@Yanah
Ikaw din gising pa??hahahha! Mukhang may insomia ata kayo ah!hehhee!
Yanah yung wacky pic ko asan na?hehehe
Ingat
Nagrereklamo ka sa traffic, bakit di mo i-try maglakad hahahaha. Balitaan mo na lang kami kung saan ka makalipat.
Bakit kasi hindi ka na lang bumili ng kotse? Hongyomon yomon mo nomon, tapos 'di ba sa isang car manufacturer ka nagta-trabaho ngayon?
balita? nde pa akoh nanood nang news eh... =P
malapit lang pala eh sige nga subukan mo ngang maglakad?! hehehehehe... Saka kumuha ka ng pix habang naglilipat ka yung tipong karga mo yung ref tapos magpose ka... Yung wacky pose ah....lol! hehehehehehehe... naku malayo pa pala ang Nov. 8 eh saka na lang... hehehehehehe
Oo nga, try mo kasing maglakad...kung dito eh 6-10 minutes ride from opis to barracks , kung maglalakad 30-40 minutes...eh kung jan 20 minutes ang sabi mo kapag walang trapik, edi wala pang 2 oras andun ka na sa opis nyo kung maglalakad ka! lolzz
Tama si GasDude. Mas malaki naman ang kinikita mo ngayon diba? :) Bili na ng kotse tapos lagyan mo din ng stuff toy sa likod at harapan. Sabitan mo na rin ng mga ID, etc dun sa may mirror sa taas (hindi ko alam ang tawag dun eh. yung parang side mirror pero hindi sa side).
I miss you Kuya Drake!
naku po! kahit ako kailangan gumising ng 4am kahit ang start ng work e 6am at di dahil sa matraffic kundi malayo ang office namin tsk...
yung wacky pic on process na sir drake hihihi.. ingat
busy ka masyado parekoy ah! if i know... sariling amoy lang yan! bwahaha. maligo ka kasi kahit once a week pareoy! hehe. saka, ang mahal ng pamasahe ha? buti naka-hanap ka ng ibang luigar! good luck sayo sa pagbubuhat. hehe.
Mura pala ang sasakyan dyan bakit di ka bumili para di ka naghihirap sa mga putok at surot...tapos bilihan mo na din ako ng isa para mas masaya hehehehhe
ano balita?
langyang ito! eh yan nga ang tanong ko, wala ka namang sagot hmp!
ako na panalo sa pic ko.
nagkakatrapik din pla jan hahaha...goodluck sayo parekoy hehehe...grabe 700 a day? naknang...ang yaman mo brod!
yung pic ba kamo? uhmmm...lol...cge na nga later...
sauce!!!! si drakula nag ta-taxi?!? isang napakalaking QUESTION MARK!!!!!!!
oi B1 mapagpanggap ka! booo hehe
Hahaha! Chellax kalang koya! Atleast, isipin mu nalang, mas masaklap ang trapik dito, at madaming pa-diva na taxi drayber na gusto yata ng blank check na pamasahe. Apir!
Kapag may nagtatanong sa akin ng "Anong balita?", sinasagot ko ng "Hindi ako TV Patrol". =D
panalo sa observation!
madali nga namang malaman kung pinoy ang may-ari ng kotse, kasi kung anu-ano ang nakadikit, nakalagay at nakasabit sa loob ng kotse.
mabuti walang nakasulat sa likod
"KATAS NG SAUDI"
ayaw mong pumasok sa trabaho na sakay ng camel?
waaah!masakit sa ulo yung ganyan sa school nga lang yung mga iranian naku kapag nadaan ka lang halos himatayin ka kakapigil ng hininga..what more pa yung ganyan?tsk
anyway..good luck sa paglilipat bahay..yung pic greeting tag ko na lang sa fb hehehe
yeaaaah...
so may mga anik anik din ang sasakyan mo? hehe
wow, instant wake up device ung tok-pu haha.
sana ay makalipat ka na sa malapit para walking distance na lang si opis kay home.
waaaaaaahh.. AYOKO DIN NG TRAFFIC!! tae! kaya di ako nakaabot sa defense at muntik ma IC dahil sa pesteng traffic na yan. amp! haha
sige, papadala ko ng piktyur! wag mo papakulam oh ibibigay sa mga bumbay dyan ah! haha
Kung araw araw mangyayari ang ganyang kaagang pagpasok sa opisina,gaano na kaya kalaki ang eyebag mo pag uwi mo sa Pinas? hehehe
Kuya Drake Kumuha ka muna ng kotse sa company nyo para may sarili ka ng sasakyan at sarili mo na maaamoy mo.diba? ^_^
Inarte. At least walang masyadong pollution. Putok lang meron. nyahahah!
Ayoko nga ng wacky, pang FHM--nakakatawa yun kung ako ang popose diba?
@glentot
so masama ng magreklamo sa traffic ngayon ganun? Eh paano yan di ba lagi "traffic" ang sinisi mo pag nala-late ka!hehehhe
@gasdude
kalilipat ko lang kaya!di ka nagbabasa!hehehhe!at isa pa mahal kaya kotse namin!
@Dhianz
ikaw ang musta na ang tagal na akong walang balita sa iyo! balita naman dyan!heheh
@X[prosiac
Meganun! malapit na ang nov 8 kaya padala ka na!dali na!! alam ko naman marami kang wacky pic dyan eh!walang effort!LOL!intay ko yan brod!
@LOrd CM
Teka asan muna yung wacky pic ko?heheh
Nyeek, ganito mula bocaue hanggang balintawak almost 30 minutes lang ang byahe sa expressway,ngayon tanungin kita, kaya mo bang lakarin mula bocaue hanggang balintawak?hahahah!nagpaliwanag talaga!heheh Basta yung wacky pic ko ha!ingat
@Kaitee
Next year kukuha ako, pero bago yan mag-aaral muna akong magdrive!hahahha!Pic ko ha!Miss you too
@POldo
Nakuha ko na ang pic mo, at effort talaga kung effort kaya may pag-asa talagang manalo!hehehe!Salamat pre!ingat
@nightcrawler
Asan na yung wacky pic ko pre?heto pre kahit medyo masakit ang katawan kakabuhat eh nagagawa pa ring magblog!ingat pre
@Klet
Mag-aaral muna akong magdrive bago ako bibili heheh! Klet padala ka naman ng wacky pic oh!heheh Ingat
@Chinggoy
Manong ed, namiss kita ah!hehehe! Kuya medyo naging busy lang talaga ngayon, medyo nakalipat na ako kaya okay na uli!ingat manong ed
@Jag
Sobra traffic dito pre, pero yung traffic naman dito moving naman!pre padala na wag ng papampam!hehehe
Ingat
@B2
oo naman nagtataxi ako dahil akoy isang mahirap na OFW lamang!hahah! Padala ka na ng pic mo b2 dali!heheh
Ingat at miss you din b2
@claudio
Welcome sa aking kwarto, sana madalas ka rin sa pagdalaw dito ha! wacky pic naman dyan malay mo manalo ka sa pacontest ko!hehehe!ingat pre
@Salbehe
Suplada sa personal!hehehhe! Bakit TV Patrol lang ba ang may balita?hahahha! Salamat salbehe!ingat
@siyetehan
welcome din sa aking kwarto, salamat sa pagiiwan din ng comment, dalaw din ako sa blog mo!ngayon na!hehehe
@Ollie
wow good idea, subukan ko nga yan!heheheh! slamat sa pic ollue!Ingat
@superjaid
intay ko yan jaid ha! Teka di pa ata tayo friends sa FB ha!so paano yun!hahahha! Kung di mo ako naitatag, send mo na lang! iNgat jaid
@Kosa
wala nga akong sasakayan eh, lalagyan ko pa ng anik-anik! Ano asan na yung wacky pic ko!hehehe!ingat
@Oliver
Ganun na nga pre tanggal ang antok mo sa lakas ng suntok ng mga putok nila.hehehe!salamat sa wacky pic mo parekoy!
@Kox
Namiss kita ng sobra!buti naman at nakabalik ka na uli sa blogworld!hehehe!Salamat nga pala in advance sa wacky pic na ibibigay mo!Ingat palagi Kox
@darklady
ubet kalabet otomatik ang puwet!sakit na nga sa ulo dahil puyat ako sa byahe!heheh!Ingat
@pips
Iintayin ko anng pix mo at wag ka ng papilit! miss ko na ang ym natin!hehehe!ingat
Bakit di ka na nagbabasa ng blog ko? Tandaan mo isisiwalat ko ang lihim mo! BWAHAHA
well tama ka dyan kahit wala mga dyp n bus dami n atalga ng cars dito sa saudi
btw saan ka sa riyadh bro?
Post a Comment