Lahat tayo ay dumaan sa pagkabata, may kanya-kanya tayong mga kalokohan at kagaguhang taglay kahit noong bata pa lang tayo. Sa akin heto ang ilan sa mga ito
BUYOY
Sabi ng nanay ko ay may pagkabulol raw ako ng bata, kaya ang ginawa nya para maideretso ang dila kong pilipit ay pinakain daw nya ako ng kulani ng baboy para raw matanggal yun. Awa naman ng Dyos, ay lalo atang lumalala ang pagiging bulol ko dahil sa dyaskaheng kulani na yan, kaya siguro nagkanda payat payat ako dahil nagka LBM ako matapos kong kainin ang masustansyang kulani na iyan.
Although madalas akong pagtawanan ng aking mga kapatid dahil sa pagiging bulol ko, pero talo ko naman sila pag tinatanong kami kung anong mga prutas ang nagtatapos sa “T”, sila hanggang “duhat” lang ako marami akong nasasagot tulad ng UBAT, MANSANAT, BAYABAT bukod pa ang ibat ibang prutas na LANAT (bata pa lang ako korni na)
DAKILANG MANUNULA
Ayon din sa aking butihing ina, medyo bata palang ako eh isa na akong puwet este poet. Kasi tatlong taon gulang lang daw ako eh umaakyat na ako sa bangko namin sabay bigkas ng mga gawa gawang mga tula galing sa aking mga nakikita at napapansin. Tulad daw nito:
Maraming bangaw ang lumilipad lipad
Sa tae ni Maan ni ubod ng lapad,
Kinain ni tog-tog ang tae ni maan,
Sarap na sarap si togtog sa taeng may mais na palaman.
(*** si tog-tog ay ang pangalan ng aso namin****)
Disclaimer: Gawa gawa ko lang ang tulang ito pero ang totoo talaga hindi ko na maalala ang mga tulang kinokompos ko noon.
TONY THE CAT
Palibhasa makapal ang mukha ko noong bata pa ako, kaya naman napansin agad ito ng aking butihing guro. Kaya noong minsang nagpa-audition sila para sa school play na “TONY THE CAT” eh isa ako sa nag-audition at kinabisa ang sampung pahinang linya ni “TONY THE CAT”. Kaya kahit tumatae, nangungulangot, naggugupit ng kuko, nagtataching, nanunungkit ng kaymito sa mangkukulam naming kapitbahay ay kinakabisa ko pa rin ang linya ni “TONY THE CAT”, pero sa huli binigay lang ng titser ko ang papel ni TONY kay ”Apeng” ang kaklase kong ubod ng epal . Hindi dahil magaling si Apeng kundi dahil mas mukha syang pusa kesa sa akin. Naawa naman sa akin ang titser ko kaya binigay nya sa akin ang papel ng kapatid ni TONY THE CAT. Kaya sa buong play namin wala akong ginawa kundi mag ngungumiyaw sa likod at maglaro ng higanteng bola ng tali, kasi wala naman talagang linya ang kapatid ni TONY THE CAT. Bwisit talaga iyang Apeng na yan, palibhasa para syang pusang hindi naliligo sa baho at pusang dinilaan ang puwet ng mga titser ko.
PABORITONG APO
Ako ang paboritong apo ng lolo, sa walong magkakapatid ako ang may pinakamatapang ang apog sa lahat. Madalas hihiramin ako ng lolo sa nanay at daldalhin ako ng lolo sa mga kaibigan nya. Ako naman ,tuwang tuwa kasi pera na naman yun konting pasikat lang sa mga kaibigan ng lolo pera agad.
Palibhasa bungi at halos kasing laki lang ako ng bote ng pepsi (yung isang litro), pakiwari nila ako si WENG WENG (bago si mahal at mura, sya ang sikat na sikat na unano noon), at pinapakanta ako ng ABCD, o kaya sumayaw ng Billie Jeans na may moonwalk pa at “hawak sa may bayag” move.
Kaya tiba tiba kami ni lolo, kasi ang daming nagbibigay ng pera sa amin, tapos tawa pa sila ng tawa. Lalo na pag isinisiwang ko na ang mga malapangil at malatsokolate kong ngipin. Pero ayos na raket yun, kakaiba.Gawin ko kaya uli iyon ngayon???
TINDAHAN NI MENGGAY
Greyd tri ako noon, at syempre maitim ako, bungi at medyo pandak. Tapos ang kuya ko naman ay nasa highschool na, sikat na sikat ang kuya ko sa amin dahil “crush ng bayan” yun. Madalas syang kinukuhang konsorte sa Santacruzan at halos lahat ng kaklase nyang babae ay patay na patay sa kanya. Ako wala akong kamuwang muwang sa hitsura ko kasi mas gusto ko pang manguha ng gagamba at kumain ng alatiris. Kaya naman nung minsan bumili ako ng suka sa tindahan ni Menggay,hindi ako nakalagpas sa mala-itak na bunganga ni menggay (kaklase ng kuya ko yun) ito ang usapan namin:
AKO: Pagbilhan nga po ng suka!!
MENGGAY: O eto ang suka mo, teka kapatid mo ba si Leo? (Leo ang pangalan ng kapatid ko)
AKO: Oo bakit po?
MENGGAY: Kapatid mo ba sya, eh bakit ang pangit pangit mo??? (Sabay aktong diring diri)
Noong mga panahon na yun gusto kong sabuyan ng suka ang mukha ni Menggay para malapnos dahil sa ginawa nyang panlilibak sa akin. Kaso inisip ko wag na kasi may utang ang nanay ko sa tindahan nila, kaya ang ginawa ko dali dali akong umuwi, kinuha ang lapis kong mongol (yung number 3) sabay hanap ng litrato ni Menggay na binigay sa kuya ko. Noong nakita ko, kinuha at pinagtutusok ko ang mukha ni Menggay. Sabay lamukos sa piktyur nya at tapon sa basurahan, at least nakaganti na rin ako sa kanya kahit papaano.hahaha!
THE GREAT MANG-UUTO
Ako ang lider ng apat kong mga nakakabatang kapatid, at palibhasa ako ang kuya nila kaya wala silang magagawa kundi sumunod sa aking mga pinag-uutos (parang si puma-lay ar at sila ang aking mga kampon). Noong sinabi kong maglalaro kami ng bangko-bangkuhan eh syempre ako ang bank manager at sila ang mga depositor. Dapat lahat ay maghuhulog ng dalawang piso kada araw at papalaguin ko iyon (sabi ko lang yun). Sa huli marami din akong nakulimbat na pera bukod pa sa pasimpleng panunungkit ko sa mga alkansya nila gamit ang hairclip, para maipambili ko ng paborito kong “Funny Komiks”. Pero yun nga lang di ko na napigilan ang mga kapatid kong magsumbong sa nanay, kaya naman isang mag-asawang palo ang inilagay sa magkabilang pisngi ng puwet ko. (Hays, di ko talaga napaghandaan yun)
Alam nyo napakarami ko talagang kalokohan noong bata pa ako, konti palang yan sa dami ng listahan ng mga kagaguhan ko dati. Magkakabarkada kami nila Dennis the Menace at Bart Simpsons kung mga kapilyuhan ang pag-uusapan. Masarap balikan ang mga nangyari noon sapagkat naging parte ito ng buhay meron ako ngayon. Marahil kung maging pilyo man ang magiging anak ko, di na ako magtataka kung saan sya nagmana. Pero sisiguraduhin kong kaya kong sya i-counter attack kasi napagdaan ko na rin yan.
Naenjoy ko ang pagkabata ko kaya siguro naeenjoy ko rin ang buhay na meron ako ngayon. Masarap balikan at pagtawanan na lang ang mga bagay iyon. Masarap maging bata, simple lang ang gusto at simple lang ang pangarap. Noong binalikan ko ang pagkabata ko, magawa ko rin balikan ang mga simpleng pangarap at kagustuhan ko noon. Naisip ko ngayon na simple lang pala ang buhay, ginagawa ko lang pala kumplikado ang lahat. Pero ano't ano man, masaya ako kasi naging masaya at makabuluhan ang pagkabata ko.
Hayaan nyo gagawan ko pa ito ng part 2 (kung gusto nyo pa, hehehe)
Iyon lang at maraming salamat sa pagbasa.
12 comments:
Panalo si TONY THE CAT! Iniisip ko tuloy kung ano kaya ang itsura niya at mas mukha siya pusa kesa sa iyo.
isa pa si Menggay na manlalait. Nakikita mo pa siya? Sarap nga naman umupak ng mga manlalait ng itsura nung kabataan pa natin (pero bata pa po ako) Kala mo kasi ay nuknukan sila ng ganda at galing hehehehe
di ako bulol nung bata ako.. hehehe
di rin ako tumutula, mahina ako noon sa pagmemorize..
pero masarap nga balikan ang pagkabata...
Hahahaha!!
kay Klet Makulet
Medyo binabalikan ko na lang ang mga iyan buti na lang kahit paano ay medyo pumusyaw pusyaw na ang kulay ko at nagkaitsuha ng konti, hehehe!!
Kay Gillboard
Bok da best ka salamat sa pagdaan. Medyo di man tau magkatulad sa ganyan alam kong magkaugali tayo.
Ingat
Magkakulay siguro tayo. Nakaranas din ako ng panlalait noon. Ngayon di na masyado. Konti na lang. Salamat sa pagsilip sa aking munting paraiso. :)
natuwa naman akoh sa story moh. oh yeah naligaw d2 galing sa page ni kuya gilbert [gillboard]... kaaaliw basahin ang entry moh.... at graveh naman 'ung menggay nah 'un.. tsk!... ahhh natawa ren palah akoh sa storyang buyoy moh... ang kuletz... graveh... eniweiz... na-enjoy koh bah ang pagkabata koh... ayos naman.... ayos sa katigasan den nang ulo... pero sarap nga maging bata... mas simple ang buhay... and i agree w/ u... simple lang naman tlgah ang buhay... we just make it complicated... hayz... eniweiz yeah sige part two! lolz... ingatz. Godbless! -di
binasa moh ang entry moh na titled bagets: wow... hanga den namana koh sa inyoh.. at saludo akoh sa mga magulang moh at sa faith nilah kay God... kung tutuusin nde madali ang situation nyo especially marami kayong magkakapatid... kc 'ung isang kapatid sa side nang nanay koh... ganon den halos ang situation... pero 'ung uncle at auntie koh wala namang ginawa kundi magsugal minsan... at kakain silah minsan pero 'ung mga pinsan koh nde pah... hayz... awa ni God in d' future... gusto koh lang kahit man lang ma-ishopping at mapakain ang mga pinsan kong 'un... nde koh silah tlgah nameet pa lahat... kc malayo silah sa amen.... hayz... nde ren madali ang mga sacrifices moh... and saludo ren akoh sa iyoh kc napagtapos moh ang mga kapatid moh... wow... ang galing... ilan na lang ang mga katulad moh ngaun... nakakatuwa naman... devaleh worth it den lahat nyang mg ginagawa moh... and someday alam koh magiging isang mabuting magulang ka ren.... ingatz kah dyan sa saudi... Godbless! -di
usapang height at gretchen barretto: naaliw naman akoh sa mga entries moh... tignan moh nakatambay pa ren akoh d2 at nagbabasa... well yeah it matters tlgah minsan ang height...syempre tulad namen... minsan mas feel na mas matangkad ang guyz... anoh bah usually unang napapansin koh sa guyz... pag sexy... ayon... so i guess siguro kasama na ang height... oo nga life is not fair tlgah... masyadong front agad ang nakikitah... pero akoh.. mas naiinlab akoh sa kapat funny and smart ang guy... 'ung ultimate crush koh noon.... ok yeah he's kinda cute... pero masyadong na-fall kc he's really smart... and funny... he definitely got a sense of humor... ang babae... usually madali namang ma-fall sa guyz... oo sa una hitsura nakikita... pero pag nakitang sweet 'ung guy sa kanilah at pinakitang mahal na mahal nilah itoh eh 'un.. mahuhulog nah... i guess nde sa lahat nagn case... pero madameng ganon... madaling mainlab pero pag nasaktan ang tagal maghilom... ang lalim noh.... yeah ang mga guyz nga... they'll go for u lang cuz they thought 'ur pretty... at pag nakuha na ang gusto eh bye bye nah... bihira na ngaun 'ung mamahalin kah kung ano kah tlgah.... pero syempre if u trust Him lang... si Bro sa taas...darating ang destined na taong He meant just for u in His perfect time... and mamahalin kah kung sino kah tlgah... naks... galing koh magsalitah noh... hehe.. makaalis na nga d2... kanina pa akoh umeepal... great posts btw... Godbless! -di
teka isa pah... "ano pangalan moh na post" hahaha... aliw naman tlgah ang post na 'un.. whew! natawa akoh at ang galing moh ah... wala lang.. tugma tlgah mga sinabi moh sa names... na-curious naman akoh... eh pano ang name koh... diane.. itz a common name na ren... gusto koh marinig ang opinion moh sa name na 'un.... hope to hear from u.... wehe... ingatz. alis na tlgah.Godbless! -di
p.s. naaliw ren palah akoh sa mga ipapangalan moh sa mga future kids moh... astig... color names! =)
TO DHIANZ
maramig maraming salamat at pinabuhusan mo talaga ng panahon ang pagbabasa nito. Sobrang naappreciate ko ang mga comments mo!
Ingat
teka.. nde moh sinagot 'ung tanong koh... wanna hear 'ur opinion about diane name... wala lang... aliw lang... wehe... and yeah walang anuman... nag-enjoy naman akoh sa posts moh... astig mga posts moh... galing! worth reading syah... Godbless! -di
Cge Dian heto ang ibig sabihin ng pangalan mo
Dian- mahinhin at mukhang mabait ang pangalan na ito. Tipong pwedeng utuin, pero matalinong babae (conflict ba??). Sila yung babaeng pag tumatawa ay napastandby agad ang panyo (baka kasi tumulo ang laway eh!!joke lang)kasi medyo may pagkaconservative sya. Pangalan palang mabait na, medyo kalevel nila Ana at Maria kung sa kabaitan ang pag-uusapan pero hindi naman sya papaapi at gagamitin ang katalinuhan kung kailangan.
Ano Dian, tama ba ako!!hehehe!!!
Ingat
salamat drake! =) ... ingatz lagi... Godbless! -di
Post a Comment