QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, November 14, 2009

Are you a loser?



Ayaw ko ng pakiramdam ng natatalo at ayaw ko rin ng pakiramdam ng nanalo. Hindi ako mahilig sa kumpetisyon at ayaw ko rin ng sports. Basta ayaw ko ng natatalo kasi pikon ako, ayaw ko rin ng nanalo kasi maawain ako sa mga natalo.


Natatandaan ko noong mga bata pa ako, madalas kaming maglaro ng “PUTBOL” at lagi kong suot-suot ang aking secret weapon ………ang makapal kong tsinelas na RAMBO. Syempre kariran kung kariran kahit mapilayan ako sige lang manalo lang.


Madalas kaming matalo dahil madudupang ang mga kalaro kong mukhang mga tiyanak. Aba! pisikalan na talaga at nanakit. Kaya hayun umuwi kaming talunan at pikon. Madalas akong manisi kung sino ang may sala at madalas din akong sisihin dahil hindi ko masipa ng malayo yung bola. Madalas kaming tutuksuhin na “ LOSER LOSER LOSER!!” kaya bago pa napauso ni Angelina ang salitang yan, nauna na ang mga tyanak kong kaklase.


Kaya madalas sinusunggaban ko sila ng suntok pero wala din, ako din ang talo at laging bugbog sarado. Lagi naming sinasabi na babawi kami, pero sa huli talo pa rin kami dahil…….. puro bago ang tsinelas nila at inuulan kami ng balya ng mga kalaro ko.

Noong ako’y nag-aaral pa, lagi naman din akong napanlalaban sa klase namin. Awa naman ni Papa Jesas, nanalo naman ako (dahil sa daya) dahil sa aking angking kagalingan. At iba talaga ang pakiramdam ng nanalo, para kang nangungulangot lang ,saka mo bibilugin at ipipitik sa iyong katabi. Ganun ang feeling, nakakaluwag ng hininga. Pero sa kabilang banda naman kapag nakikita ko nang umiiyak ang mga katunggali kong natalo, para bang gusto ko na lang ibigay sa kanya ang aking medalya at kapalit ko na lang ng isang dangkal na teks at isang bungkos na goma.


Pikon ako pag natatalo, at halos hindi ako makatulog sa sobrang inis. Naalala ko pa noong minsan natalo ako sa tatsing ng mga balat ng sigarilyo, hindi ko pinansin ng isang buong taon yung kalaro kong tumalo sa akin. Basta namumula at umiinit ang tenga ko sa sobrang inis ko sa kanya. Gustong gusto kong gumanti at pakainin sya ng lupa pero hindi pwede yun kasi lagot ako sa nanay nya. Pero naalala ko rin na nung minsan namang kinarir ko ang paghoholen at ubusin ang holen nya, binalik ko din sa kanya at sinabing kwits na lang tayo. Kasi nakita kong tumulo na ang sipon nyang green na green at nakakain na nya ito. Naawa naman ako.


Kaya mula noon ayaw ko ng sumali sa isang kumpetisyon, kung sasali man ako hindi ko kakaririn. Kung manalo okay lang at kung matalo okay lang din. Wala ng dibdiban at wala na rin kariran. Ibibigay ko pa rin ang best o isangdaan porsyento ko pero hindi ako mageexpect kung mananalo o matatalo man ako. Basta kung iacknowledge nila, maraming salamat pero kung hindi tenk u pa rin.


Ngayon, nagbago ang persepyon ko sa kumpetisyon. Sabi nga nila “Winning isn’t everything” hindi ibig sabihin na kapag nanalo ka magaling o matalino ka na, at hindi rin ibig sabihin na kapag natalo ka, titigil na ang mundo mo sa pag-ikot. Ang pagkapanalo at pagkatalo ay magkapareho lang………ito ay para magbigay motibasyon pa sa iyo sa buhay.


Its not whether you win or lose, its how you play the game”.Marami kasi sa atin na gagawin ang lahat manalo lang, sa madumi at pangit mang paraan. Pero ang tamis ng tagumpay ay hindi makukuha ng pilit. Katulad ng sa mangga mas masarap ang hilaw na mangga kaysa sa manggang hinog sa pilit dahil mapakla ito sa kabuuan.


Being a winner, it’s not all about winning”. Ang pagkabigo ay pwede ring maging katagumpayan. Kung paano mo nabago ang sarili mo mula sa pagkakabigo ay isa nang katagumpayan sa buhay. Hindi ito kung gaano ka kadalas nanalo kundi kung gaano ka kadalas tumayo kung ikaw ay nadapa. Hindi ito kung gaano karaming tao ang humahanga sa iyo kundi kung gaano karaming tao ang nabigyan mo ng inspirasyon at motibasyon sa buhay.


Hindi umiikot ang buhay sa pagkapanalo, at hindi rin ito natatapos sa pagkatalo. Ang pagkapanalo at pagkatalo ay mga bahagi lang ng buhay natin. Hindi ito ang sukatan ng ating pagkatao at lalong hindi ito batayan ng KATAGUMPAYAN AT KABIGUAN SA BUHAY.

Tandaan sana natin ito, na ang pagkapanalo o pagkatalo ay nangangahulugan lamang ng isang bagay, at ito ay…………………………………………………. PANIBAGONG SIMULA.


Iyon lamang at salamat sa oras nyo kaibigan sana may napulot kayo kahit singkong duling man lang.!heheheh!

32 comments:

lars (not my real name) said...

pers! lol. wala kong pakielam kung talo ako sa laro. papakainin ko pa rin ng lupa mga kalaro ko manalo man o matalo.

A-Z-3-L said...

aba! ikaw ba yan Tito Drake o may resident blogger na ang UTAK NI DRAKE? (nanibago ng bonggang-bongga!)

yeah! learned something...

manalo-matalo, cute pa rin si Tito Drake! naks! :)

DRAKE said...

@Andrei jon

hahaha, lagyan mo ng tubig yung lupa para madaling lunukin!!Hahahah

Dahil una ka sa pagcomment, meron kang tsinelas na rambo sa akin!hahaha

DRAKE said...

@Ate Azel

Ako pa rin ito,hahah! Naku kung mapapansin mo seryoso talaga ako sa blog ko noon (see my previous post) kaso naisip ko subukan kong maging kwela para naman hindi mabigat idigest ang mga lessons ko. Maniwala ka ate azel, yung mga post ko dito may mga hidden messages.hahah hindi mo lang siguro nahalata!Whahaha

Ingat

Null said...

well said! :)

the more you lose the more you give yourself a chance to win BIG TIME!

DRAKE said...

@Roanne

Maraming salamat sa pagbisita!
Tama ka pag nanalo ka, big time!heheh

Ingat

mr.nightcrawler said...

i hate you. you're such a loser! hehe. ako gustong-gusto kong manalo. at pag talo naman... ibig sabihin non ay pinagbigyan ko lang yung kalaban o dinaya ako! hahaha.

glentot said...

Ako rin hindi ako competitive. May ka-team nga ako dito sa office na parang nakiikpagcompete sa akin (palibhasa gurang na sya) at hindi ko pinapansin ang advances nya. Ibibigay ko sa kanya ang feeling ng nanalo, pero in fact hindi naman ako nagpatalo coz I did not play his game in the first place, so fuuuuuuck him. Hehehehehe.

gillboard said...

sensya kung di kita nabati noong mismong kaarawan mo.. dito na lang, belated happy berdey...

gaya ng quotes, ako di baleng manalo o matalo basta may natutunan ako, ayos ako..and as long as i'm having fun na din pala.

Anonymous said...

ako, marami akong napulot na aral. nakakaiyak. salamat kuya! :D parang kadugtong to nung payo mu sken. hehe.. nice. :D

iya_khin said...

i'm a winner at da same tym a loser also...

lam mo kung bakit?

winner ako sa katabaan!

so dahil winner ako kailangan kong maging biggest loser!

gets mo? weeeh!!

DRAKE said...

@Nightcrawler

Ganun! eh di ibig sabihin nun mapagbigay ka! Penge namang pera oh!

DRAKE said...

@Glentot

Tama nga yung ginawa mo,makipaglaro ka lang at walang kariran, yun iba kasi halos mamatay na manalo lang. Hayaan mo ang panalo ang lalapit sa atin!whahahha

DRAKE said...

@Gillboard

Oo nga di mo ako binati, nagtatampo na tuloy ako!hehehhe pero nbasa ko naman yung bati mo sa shoutmix, kaya tenk u

DRAKE said...

@Kox

Hhahah aoo nga no! Sana marami kang natutunan about sa pagkatalo at pagkapanalo. at para sa iyo kox tandaan mo.........HINDI PA TAPOS ANG LABAN!!

DRAKE said...

@Iya khin

Naks eh di ibig sabihin nyan PAYAT ka na! Teka di ka naman mataba ah....chubby ka lang!Naks MEGANUN!!

Dhianz said...

wala akong napulot na aral.... hahaha.... baka my mind was sowhere else while i was readin' this... haha... bow... ingatz kuyah... Godbless! -di

Klet Makulet said...

Okay lang sa akin na matalo, mahalaga naibigay ko ang best ko...

Di lang talaga ako loser pagdating sa timbang... laging gain lang ng gain wahehhehehe

Jag said...

I`m back balakubak!jijiji

Sosyal pala ang mga kabataan sa inyo dati ha Loser na ang pangutya hahahaha samantalang sa amin dati pag natalo tinatawag na SUPOT wahahahahaha...

Naks naman! nainspired naman ako sa mga kataga mo sa latter part ng post mo jijijiji...keep it up Kolokoy! jijiji

Ree Gesture said...

i already know the feeling of being a loser and a winner..but on both feeling, i only needed acceptance and less expectation..:D peru all in all..u just have to do your best in everything that u do..so kahit talo basta't nagawa mo best mo..diba,

DRAKE said...

@Dhianz

Siguro napadami ang tulog mo, o di kaya puyat ka! Ganun daw yun kaya parang lumilipad ang diwa mo!

ingat

DRAKE said...

@Klet

Ganun ba para ka rin palang si Iya-khin pero okay lang yun kesa naman nalolose ka ng weight dahil sa pagiging malnourished, kaya okay na yan!heheh

DRAKE said...

@Jag

Syempre sosyal kami, ganun talaga ang mga anak mayayaman!haahha joke lang!

Emo ka no pre!kaya napapakanta ka tuloy!

Ingat

DRAKE said...

@Lycoer

Tumpak tama ka walang labis walang kulang!hehehhe

Ingat

Noel Ablon said...

Bagay sayong maging pari bro! Magaling kang mang-motivate at very inspirational ang iyong kwento.

Pero hindi ka rin bagay mag-pari kasi delikado ka sa mga nagta-tandaang mga madre. Lagi kang kukurutin sa t....

sa tenga hehe!

Meron ngang kasabihan, daig ng maagap ang masipag. Di ko alam kung paano naging related yun sa topic mo, naalala ko lang kasi sa kompetisyon dito sa Saudi Arabia ang talunan lagi ay yung masisipag na Pinoy na tulad natin at ang laging wagi ay yung mga nagkakape at nagte-tea lang na maagap sumipsip sa amo haha!

Galing ah, na-relate ko yun hahaha!

DRAKE said...

@Noel

Ganun ba lagi akon kukurutin ng mga matatandang madre sa T......TITE!whahaha, direkta na eh!

Unfair nga talaga minsan,kaso naiisip ko rin buti na lang tamad ang mga saudi kasi kung masipag sila malamang wala tayo dito. Kaya hayaan na lang natin kasi bansa naman nila ito!hehhe

Ingat pre

Xprosaic said...

Wow serious?! jejejejejejeje... ako nung bata bata ako ayoko nananalo at lalo pa kapag first place kasi nakakahiya umakyat sa stage... pero nung lumaki na ako iba na gusto ko gusto kong umakyat sa stage pero di pa gaano sa first place kasi ayaw ko ng pressure... hanggang sa ngayon gusto ko na rin maging first place... yun nga lang huli na... ahahahahhaha

DRAKE said...

@Xprosiac

Tama ka serious mode ako ngayon, ito namang si Jag EMO MODe ikaw yabang mode. Hahhaha Joke lang!

So ibig sabihin nun ayaw mong maging first honor kaya hindi mo ginagalingan ganun?hahha

Hoy pasalubong ko nasan na ipaDHL mo na lang!

ingat pre

Jag said...

Patambay dito saglit tol ha, d ako mktulog eh jijijiji...

Yien Yanz said...

May mga pagkakataon talagang mahirap ang matalo. Mahirap yung mga bagay na inaasahan mo pero hindi natutupad. Kahit sa mga simpleng bagay, mga simpleng sitwasyon... Pero talagang ganun eh.. Alangan naman panay na lang tayo panalo diba?

First time ko yatang mag comment ng non-sense sa post mo hahaah! Bumalik ka na nga sa pagiging ulupong, mas cute ka pag ganun!!!

DRAKE said...

@Jag

Bawal ang tambay dito. Pero pwede na rin basta 30 pesos kada oras ng pagtamabay!hehehe

DRAKE said...

@Yanie

Uminom ka ba ng gatas na panis?bakit ganyan ka magcocomment!hahahah

Naku may isusulat pa akong serious, for a change lang ba!

Ingat