Marami sa atin na isang bayaning maituturing si Pacquiao, ang tanong ko bakit?
Marami ang nagsabi na nagbigay karangalan si Pacquiao sa lahing Pilipino, ang tanong ko paano?
Marami ang nagsasabi na dahil kay Pacquiao nagkaisa ang mga Pilipino, ang tanong ko sa saan at sa paanong paraan?
Hayan may “Pacquiao Fever” na naman, at inaasahan ko na talagang sobrang garbo ng pagsalubong ang gagawin sa kanya ng gobyerno at maging nating mga Pilipino.
Bayani nga ba si Pacquiao?Bakit? Dahil ba nagkaroon na sya ng pitong titulo sa kanyang pangalan? Dahil ba mayroon siyang sinturon na puro diamante at ginto? Dahil ba sya ang kauna-unahang Asyanong umabot sa ganong estado? Paano sya naging bayani?
Hindi naman sya nakipaglaban sa kahirapan at hindi rin nya tinalo ang katiwalian. Hindi rin nya pinagtanggol ang bayan sa mga nang-aapi sa ating lahi. Kaya paanong naging bayani sya? Hindi ba “overstatement”na nakikipaglaban sya para sa bansang Pilipinas. Sino ba ang nasa likod ng laban ni Pacquiao?Sino ba ang nag-aayos ng lahat ng laban nya? Mga Pilipino ba?Hindi, kundi ang mga Amerikanong negosyo ang turing sa pagboboksing. Negosyo ito at sila lang ang yumayaman dito at hindi tayong mga Pilipino. Kung sakaling ibibigay ni Manny ang premyo nya sa mga biktima ng bagyo at landslide, iyon masasabi kong lumalaban sya para sa mga Pilipino at para sa bansa. Pero hindi naman eh!Alisin kaya ang premyo, lalaban pa kaya sya para sa bayan?
Marami ang nagsasabi na nagbigay karangalan si Pacquaio sa lahing Pilipino?Paano? Karangalan bang maituturing para sa milyon milyong Pilipino ang pabagsakin nya ang kalabang Mehikano, Amerikano, Briton at kung ano ano pang lahi, samantalang ang kahirapan sa Pilipinas ay hindi naman natin mapabagsak?Sports lang yan at hindi sa sports sinisukat ang kagalingan o kaunlaran ng isang bansa.
Noong tinanong ko ang mga Manager kong Briton, Indiyano, Arabo, at kung ano ano pang lahi, kung kilala nila si Pacquiao, sagot nila sa akin “We are not interested in boxing!!”. Ibig bang sabihin nun na marami din ang walang pakialam sa pagkakapanalo ni Pacquiao. Tinanong ko rin ang boss kong mahilig naman sa boksing sabi nya” Yeah, Pacquiao is the best boxer in the World” . Sabi nya si Pacquiao at hindi naman nya sinabing “Filipinos are great or Filipinos are the best in World” . Kaya sa kanya ang kredito at hindi sa mga Pilipino. Maari ring dahil kay Freddie Roach hindi ba?
Pwede ba nating maipagmamalaki sa buong mundo na tayo ay bansa ng mga boksingero? O mas higit tayong matutuwa kung tayo ang bansa ng mga displinado at magagaling. Bansa tayo ng mga matatalino at mas malasakit sa kapwa.
Nakakahiyang isipin na kung minsan ibang bansa pa ang kumilala sa galing at talino ng ating kababayan. Samantala sa atin tila walang pumapansin sa kanila. Hindi ba mas nauna pang kilalanin ng CNN o ng dayuhang mamahayag ang kababayan nating si Efren Penaflorida na isang bayani ng mahihirap. Wala naman nagbibigay ng tulong sa kanila eh at lalong walang kumikilala sa ginagawa nya sa sarili nyang bansa. Siguro kung naging boksingero sya baka sakaling kilalanin ang galing nya.
Marami ang nagsasabi na pinagkaisa ni Pacquiao ang mga Pilipino?Saan at paano? Pinagkaisa sa panonood ng TV. Ibig din bang sabihin nito na pinagkaisa ni Santino at Darna ang mga Pilipino dahil marami ang nanonood sa kanila?Paano pinagkaisa ni Pacquiao ang mga Pilipino?Dahil ba walang gaanong krimen na nagaganap sa mga oras na yun?Pagkakaisa ba yun o dahil abala lang sila sa panonood?
Kung magkaganun man, at sinasabing pinagkaisa ni Pacquiao ang mg Pilipino, maari nya kayang pagkaisahin ang mga Pilipino para labanan ang katiwalian at kahirapan. Tutal bayani naman syang itinuturing baka pwede nyang gawin yun para sa ating bayan.
Kung nagawa nyang patigilan ng isang oras ang mga magnanakaw at masasamang loob, maari rin nya kayang patigilin ang mga pulitiko sa pangungurakot o di kaya pigilan silang magdidikit sa kanya para sa kanilang ambisyon sa susunod na eleksyon?
Paano kaya kung may isang Pilipinong makatuklas ng gamot laban sa Aids o Cancer?Ganun ding kayang parangal ang makukuha nya tulad ni Manny?O baka ibang bansa pa ang makinabang sa kanyang natuklasan dahil ayaw syang tulungan ng gobyerno natin. Paano kung may isang Pilipinong pilit na nilalabanan ang katiwalian?Papalakpakan kaya sya at bibigyan ng medalya?O baka dudukutin sya at papatayin na lang?
Paano kung may mga Pilipino sinusubukang iaangat ang pamumuhay ng kapwa nya Pilipino at sinusubukang ibsan ang kagutuman at kahirapan sa Pilipinas?Paparangalan kaya sya ng mga kapwa Pilipino o di kaya’y sasalubungin ng confetti at pagbati? O baka hindi sya tutulungan at hayaan na lang syang mag-isa sa kanyang adhikain.
Maari kayang nagiging “icon” na lang si Manny, tulad ni Michael Jackson at hindi talaga totoong bayani?O maari kaya nagiging simbolo lang sya ng “pag-asa” ng ating mga kababayan, na baka isang araw ma-knockout nya ang kahirapan ng Pilipinas. Pero kung magkaganun man, hindi kaya kadesperaduhan na ito sa ating sitwasyon?Umaasa tayo sa wala. O maari nga kaya na ginagawa lang magarbo at malaki ang kanyang pagkakapanalo para makisakay ang pulitiko o gobyerno dahil malapit na ang eleksyon? Ano nga kaya?
Ako kung tatanungin nyo hanga ako kay Manny kasi magaling talaga syang boksingero. Tulad ng tatay kong No.1 Fan nya, ako rin ay hindi ko pinapalampas ang lahat ng laban nya sa ring. Maraming tao ang humahanga sa bilis nya sa ring at lakas ng mga suntok nya. Subalit pagkatapos ng laban at pagkadeklera kung sino nanalo, ay pinapatay ko na ang TV at itituloy ko nang muli ang aking gawain. Tapos na ang palabas kaya tapos na para sa akin ang lahat. Dapat hindi na ito mauwi sa circus at lalong hindi na dapat mapunta sa kung saan-saan pa .
Tandaan natin sa paglipas ng panahon, maraming bagong magagaling na boksingero ang lilitaw. Maaring Pilipino o maaring ibang lahi naman. Maaring my bumawi ng titulong ito kay Manny at lalong maaring may mas gagaling pa sa kanya. Kung naging bahagi sya ng kasaysayan sa larangan ng boksing, aalahanin natin na ang lahat din ay mababaon din sa limot. Subalit ang kahirapan sa Pilipinas ay tila hindi natin kayang ibaon sa limot at ilagay sa kasaysayan.
Marami pang dapat pagtuunan ng pansin. Marami pang dapat harapin maliban sa boksing. Sana mas bigyan ng importansya ang kalalagayan ng ating bansa. Sana mas bigyan halaga ang nakakarami kaya sa iilan. At sana mas parangalan natin ang totoong mga bayani. Unahin ang dapat unahin, bigyan ang dapat bigyan. Tingnan ang dapat tingnan.Magbigay ng sapat at nararapat na pagkilala at huwag ang sobra sobra.
Para sa iyo Manny Pacquiao, akoy lubos na humahanga sa iyo bilang boksingero at binabati kita sa iyong pagkapanalo. Sana marami ka pang mauwing tropeo. At sa ating mga Pilipino sana gumising na tayo!
Iyon lamang po at maraming salamat.
DISCLAIMER:
Ito ay aking pansariling kuro-kuro. Ang mga nabanggit ay aking sariling opinion.
36 comments:
Ikaw talaga, gusto mong maging kakaiba noh? hehe.
Magandang katanungan na kung paano naging bayani si Pacquiao kung lahat naman halos na kanyang tinamo ay siya ang nakinabang.
Siguro ang masasabi ko lang ay ang pag-asang ibinigay niya sa bawat isang Filipinong mamamayan, pag-asang di mo makikitang ibinigay ng gobyerno sa ating mga Pinoy.
Pag-asang umangat bilang isang Pinoy.
Maganda nga sana kung mag-bahagi si Pacman ng kapiranggot na panalo niya ay maituturing pa nga natin talagang bayani siya.
Siguro masasabi ko lang na si Pacquiao ay tulad lang nating mga OFW. Kahit na kumikita tayo dito sa ibang bansa, dala natin ang dangal ng mga Pinoy pagdating sa kasipagang taglay natin.
Hindi ko alam ang proseso, pero maaaring sa perang dala ni Pacquiao ay makakuha ng malaking tax ang gobyerno natin kaya siya itinuring na bayani hehehe! Tax-exempted din kaya siya?
Gayun pa man, isang malaking karangalan ang pagka-panalo para sa bansa natin.
Mabuhay ka Pacquiao! Mabuhay ka Drake hehe!
kahit anu pa man, kahit inaasar ang itsura nya, IDOL ko pa din sya. Magaling sya, at alam nating lahat yun. Marunong syang ibahagi ang swerte nya. marunong syang tumulong. at dahil dun. isol ko sya. haha. wala lang :D
@Noel
Kung si Manny ay simbolo ng pag-asa, sabi ko nga sa sinulat ko, parang umaasa tayo sa wala. May magagawa kaya sya para gumaan kahit konti ang kahirapan, o magiging katulad din sya ng ibang mga pulitiko ngayong malakas ang ugong ugong na tatalo sya bilang kongresista.
Oo naiangat nya ang pangalan ng bansa natin pero bakit ganun na lang tayo magbigay ng parangal parang sobra sobra. Yung ibang nagtaas ng bandila natin, nakaranas kaya ng ganyang kalaking importansya katulad ni Pacquaio?
Salamat sa pagbabahagi noel!
@Kox
Hehehe Idol ko rin naman sya sa boksing eh! pareho naman tayo!hehehe
Tama na sana ung Pambansang Kamao para kay Pacman, ang maging bayani pa ay sobra na...Buti sana kung bawat panalo nya magpapaaral sya ng ilang batang hindi kayang mag aral dahil sa kahirapan...
Ito pala yung isa mong Blog, na-add ko na rin ito sa BLOGroll ko.
ANg higit na mahalaga na bigyan natin ng pansin, ay yung nagawa niya para sa bayan, ang nai-angat ng moralidad ng ating bansa sa kabila ng walang puknat na corruption kung saan naging issue. Ang pansamantalang pagkakapawi ng mga kalungkutan dulot ng trahedyang sunod-sunod kamakailan.
Ang nagawa niyang pagkaisahin ang mga magkakatunggali sa pulitika, magkakaroon ng tigil putukan sa panig ng rebelde't sundalo, ang kawalan ng krimen sa kasagsagan ng kanyang laban.
He really deserves all the accolades, i will give him credit for all those things that he hava done for our country.
@Lord CM
Tama ka tama na yung tagurian syang bagong bayani.Kaya labis labis na ang parangal, nakakabingi na!
Sang-ayon din ako kung bawat laro nya kahit isang bata lang ay mapag-aral nya eh di nakatulong pa sya sa para mahubog ang mga batang ito!
Ingat
Sabi ko nga ibigay ang nararapat pero wag naman ang sobra sobra.
Una, paano mo nasabing tumaas ang moralidad ng tao?Uhmm dahil ba sa pagkapanalo nya marami ng gustong tumulong sa ibang tao?Hindi naman ah! Marami lang ang sumaya at nakalimot sa problema ng pilipinas. Pero hindi natin kailangan ang pagkalimot kailangan natin ng solusyon.
Paano napag-isa ang dalawang magkabilang panig, eh sila sila din ang natitirahan ngayon malapit na ang eleksyon! Cmon pre!nagkaka-isa lang sila kasi pare pareho silang pumusta kay Pacquiao
Sabi ko nga ang isang oras na tigil putukan ay isa lamang pagpapahinga pero hanggat naroon pa rin ang ugat gugulo at gugulo pa rin.
Ibigay lang ang nararapat at wag naman ang sobra sobra!
teka di ako nagbasa... (haba kasi eh) hinahamon mo ba si pacquiao ng boxing???
Epal ka yanie! Magbasa ka hindi puro pangungulangot iyang inaatupag mo!
Pwends kami ni Manny, at pumusta ako sa kanya. kaso ang premyo ko halos balik taya lang!hahahah
Ingat
meganun! congrats kay pacman! dami na naman comercial na lalabas!
musta na pards!
@Everlito
Bakit ngayon ka lang nagparamdam pre, di mo tuloy ako nabati nung bday ko!heheheh
Ano kamusta ang bakasyon?Asan pasalubong ko pre?Pwede bang ipa DHL mo na lang!!
anak ng tinoktok, bertdey mo pala..di bale huli man daw at magaling huli parin..:)
pkiss nga pards!
Oo nga muntik na akong magtampo sa iyo kasi hihingi sana ako sa iyo ng piktyur gritings pero hindi ka nagbigay! Siguro dahil ipapadala mo talaga sa Saudi ang regalo mo sa akin!hahahha
Your kiss is good but I need gift!whahahah
Salamat pre
amen ako sa post na ito...
hanga ako kay pacquiao, pero sa tingin ko masyado na siyang pinaparangalan, na hindi naman dapat talaga.
e teka, paano kung tumakbo't manalo sa eleksyon si pacquiao, magbabago ba opinyon mo sa kanya?
Wow! bitter?! jowk! pero di nga totoo naman yun... kaso lahat naman atang bansa may mga sarisariling baho at problema... yun nga lang sana kahit disiplina man lang maiangat natin kahit kaunti sa kasalukuyang kinalalagyan natin ngayon...
@Gillboard
Hindig hndi magbagong pagtingin ko! Hindi naman ito dahil kay Pcquiao, walaakong personal na inis o galit sa kanya. Ang sa akin lang maraming kailangan unahin at maraming din dapat parangalan malibansa kanya!
Salmat sa pagdalaw
@Xprosiac
ho ho hoy! Kamustasa! Tama ka lahat ng bansa my baho. Iba lang ang sa atin mabaho na hindi pa rin natin nililinis!
Bakit parang lately nagiging siryus ako!
Whahaha
Ingat pre
Hmm mahabang oras mong pinag-isipan ito at naiimagine kitang naglalaan ng effort para dito, two thumbs up... Same tayo ng sentiments, hindi ako masyadong affected ng pagkapanalo nya or ng pagkatalo nya if ever. Alam mo naman tayong mga Pilipino, we live in the moment, so habang nandyan yang moment of victory na yan, asahan mo bibitiwan ng lahat ang ginagawa nila para makisaya. In the end, wala naman nagbago talaga sa Pilipinas...
asus!
andaming satsat!
lolz
sa baranggay ka magreklamo..wahahaha
peace:D
@Glentot
Medyo halos nauulit lang din naman ang aking sintimyento tuwing nanalo sa pacquiao. Medyo umo OA na kasi ang iba ating kababayan at pinagsasamantalahan naman ito ng ilang mga pulitikong nakikisawsaw!hehehe
Ingat
@Kosa
Oo bitter ako kasi hindi ako binalatuan ni money kahit isang libo lang!hahahha
Musta na ano na balita masyado ka atang nanigas dyan sa canada at nakakalimot ka na!!
ingat
HIndi k nmn bitter sa lagay na yan parekoy? jijijiji...
Para s akin, ang pagiging bayani ay hindi lang sa paraang ikaw ay nkipaghimagsikan para sa bayan o kaya ay nakatulong sa kapwa by all means. In the case of Manny, I think in this generation, he`ll still be considered "bayani" in a sense that he is noted to have that special achievement in his feats of courage of winning the titles.He is an icon in which most of us look up to.Everyone knows that he came from scratch which is pretty inspiring to all of us `coz we can see him now on the pedestal. That everything is plausible if we`ll just put hardwork, determination and love for the country in everything we do. And that made Manny a hero `coz he represents the Philippine pride and made the country known.
I also got your point. OA kasi tayong mga pinoy. Halos sambahin n ang isang tao sa pagpaparangal. May mga ibang bagay pa rin n dapat pagtuonan. Tao lng din yang c Pacman, marunong mangulangot. Good if Pacman got the credits on making the Filipinos united through his bouts (atleast dba?) But that`s not about it. Instead magkagulo tayo sa isang tao o bagay, why not work on other things, right?
Para sa pamahalaan: Wag na sanang magbigay ng Pera bilang parangal doon sa tao kasi mas malaki ang maitutulong nyan kung ilalaan yan sa bayan at mamamayan. And besides PACMAN need IT no more!
Para kay PACMAN:Mas magiging idol kita kung maglalaan ka ng MILYONES mo para sa restoration ng damages na sanhi ng mga nakaraang UNOS.I know you have a good heart...
Para kay Drake:Kakaiba ka talaga mag-isip. First time kong magcomment ng ganto kahaba sa balat ng blogosperyo jijijiji...Nice one on this...Imagine, kaya pala magsulat ng epal patungkol sa mga gantong uri ng usapin? Joke! jijiji...BUt seriously magaling parekoy! Magaling!
Kudos!!!
Long live Philippines! Long live Filipinos!
yey! kala koh nag-iisa lang akoh nde nagbasa... si ate Yanz den... sori 'la akong nabasa.. laterz... Godbless! -di
@Jag
Naks, grabe ang haba ang comment mo talagang pinaglaanan ng pag-iisip at oras! Ibang klase.
Tama ang lahat ng iyong sinabi palagay ko pareho na tayo ng iniisip!
Ilalagay ko lang yung comment ng kaibigan ko sa aking entry na ito. May malalim kasing kadahilanan kung bakit ganito ang mga Pilipino.
Ito ang sabi nya:
Ang sabi nga ni Sigmund Freud ang pop culture daw ay ang "larong pambata" ng mga nakakatanda, at dahil nga matatanda na sila at di na talaga pwedeng maglaro idinadaan na lamang nila sa mga gawaing tulad ng ganyan (pag-iidolo at pagroromanticize) upang kahit paano ay matupad ang mga di nila nagawa nung bata sila.
ganyan din ang karamihan sa pinoy, madalas romansahin ang tele-novela na parang sila mismo ang gumaganap. niroromansa din nila ang pagkapanalo ni Pacquiao na parang sila mismo ang nanalo, bilang pagtakas sa kumakalam na tyan sa pag-asang tulad ni Manny na isang mahirap lang naging bilyonaryo at tanyag sa buong mundo.
Si Manny ay simbolo ng Pop Culture sa pilipinas, simbolo ng pangarap na di natupad, simbolo ng maraming "sana" tulad ng sana yumaman din ako, sana sumikat din ako, sana...sana...... Read More
parang wowowee na nagbibigay ng "false hope" sa mga taong kumakalam ang tiyan at nawawalan ng pag-asa dahil sa hirap na likha ng kawalang sistema ng gobyerno at mismanagement sa kabang bayan.
hangga't nagpapa alipin tayo sa Pop Culture na patuloy na bumubulag sa ating harapin ang tunay na suliranin ng bayan natin at kumilos ng naayon dito--hinding-hindi natin matutukoy ang tunay na problema, at syempre and tunay na solusyon.
Hayaan mo balik EPAL uli ako, pagkatapos!
Ingat pre at salamat!
@Dhianz
Bakit hindi mo naman binasa!Hehhe alam ko na kung bakit kasi medyo serious eh! Hayaan mo na ako minsan lang naman ito!
Ingat!
Salamat sa paanyaya kaibigang sa iyong panulat, sa isang sariling pananaw sa imahe ni Pacquiao sa kabila ng kanyang pagkapanalo laban kay Miguel Cotto.
Bagama't ang pagkapanalo ni Pacman ay literal na invidual achievement sa larangan ng boksing, tulad nila Leah Salongga, Charice Pempengco at ibang mga kababayan natin na napagtagumpayan ang kanilang napiling karera, sumikat, yamaman at kinilala sa buong mundo, bagama't ito ay mga indibidwal na tagumpay huwag nating kalilimutan na sila ay ating mga kababayan at kapwa Pilipino, na ang bawa't isa sa kanila sa pagkamit ng kanilang tagumpay ay kanilang ibinabahagi at ipinagmamalaki sa buong mundo na sila ay mula sa lahing Pilipino.
Mahigit isng libong Pilipino ang sumikat at kinikilala sa kanilang mga karera sa buong mundo, at sa kanilang pagpanhik sa tugatog ng tagumpay kanilang ipinakikilala hindi lamang ang kanilang pangalan sa buong mundo kundi ang kanilang lahing Pilipino, na sa kanilang pagsusumikap, dedikasyon at determinasyon, napagtagumpayan nila ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Hindi ko hinanahangad na sila ay tawaging bayani at hindi ko rin inaasam na mabahaginan ng salapi mula sa kanilang pagpupunyagi, subalit ang kanilang pamamayagpag nawa'y magsilbing ehemplo sa akin at sa bawat Pilipino, sa pamamagitan ng pagsisikap, determinasyon, lakas ng loob, tulad nila manny pacquiao, nawa'y sa ating pagsisikap ay mapagtagumpayan natin ang ating mga pangarap, saan man tayong panig ng mundo, tulad ni Pacnman, sa tulong ng ating pananampalataya at pagpapakumbaba nawa'y patnubayan tayo ng Maykapal.
@Pope
Yun nga po ang sa akin Pope, kasi bakit ganun nalang tayo kay Manny Pacquiao magbigay ng importansya, sobra sobra samantalang maraming Pilipino ang namamayagpag sa ibang bansa. Pero hindi naman ganyan ang kanilang pagsalubong. Bakit sa kanya parang BIG DEAL. Tulad natin mga OFW nagsisilbing tagasulong ng ekonomiya, tagadala ng bantayog ng Pilipinas, inspirasyon sa kababayan natin pero may nakukuha ba tayong ganitong pagkila. May nakukuha ba tayong kahit pagtulong na lang kung tayo ay nangangailangan!Bagkus tayo pa ay napapabayaan.
Malaki ang naging kontibusyon natin sa bansa pero bakit konting importansya wala naman tayong nakukuha.
Dapat magparangal tayo ng sapat at huwag ang sobra sobra dahil napakaraming bagay na dapat pagtuunan ng pansin, at maraming mga bayani na hindi pa kinikilala ng ating bansa.
Salamat sa pagbasa Pope
Sana maging pantay pantay ang pagtanggap at pagkilala. Hindi pagbibigay ng sobra sobra sa iisang tao lang!
Nakakalungkot pero siguro bahagi na nga ng kulturang Pilipino ang pagiging PANATIKO. Panatiko ang maitatawag sa ating ginagawa sa ngayon. Subalit kung minsan ang kulturang PANATIKO ay tila sumisira sa ating pagtingin sa tunay na kalagayan o estado ng isang bagay.
Suriin muli ang sarili kung ano ba talaga ang tunay na ginawa ni Manny Pacquiao sa ating buhay?Kung nagbigay sya ng inspirasyon bakit hindi tayo kumikilos at tila makakalimutan din natin ang lahat. Kung tumaas ang pagtingin sa lahing Pilipino, bakit marami pa rin ang minamaltrong OFW.
P
haha.. korek.. i think?!.. nakitah koh kc pacquiao na agad.. not so interested nah... pero alam koh merong message na nakatago dyan.. pero siguro kung tipong picture moh.. tapos nakasulat... same title.. then baka basahin koh.. haha.. nde ayos lang yan.. dme ngang nagkomentz nang bonggang bongga oh... ingatz! Godbless! -di
Si Pacquiao, nag bigay ulit ng buhay sa mga pilipino after ng apat na sunod sunod na bagyo sa bansa,
He inspire a lot of filipinos. he gave hope also.
sa totoo lang wala pa ako napapanood na mga laban ni pacquiao. walang interest si scud sa boxing o kay pacquiao.
pero teka. totoo ba na sila na ni krista? :D
i'm back parekoy! grabe. binigla mo naman ako! ang haba ng post mo, pero binasa ko laha ah. we actually have amost the same opinion about manny. minsan nga naiirita na ko sa tuwing sinasabi niyang tagumpay ng bawat pilipino ang tagumpay niya... given na sikat na nga ang lahi natin, does it make any difference? mapapakain ba nito ang mga naghihirap sa bansa natin? mas matutuwa pa ako kung sasabihin ni pawuiao na idodonate niya ang napanalunan niya kesa pnang-talo lang niya ang 5M dollars sa casino sa amerika! hay.
@Dhianz
Paano kung si edward ang maging topic ko!Whahaha mukhang mas interasado ka ata dun eh!
Salamat Ingat
@Ate France
Hehehe Tayo rin po di ba bilang mga OFW ay nagbigay inspirasyon sa ating mga kababayan, bakit wala man lang tayo kahit isang lobo!heheh
Ingat
@Scud
Hindi rin kasi ako mashowbiz eh, pero kung ano man, hindi ko pa rin makonek kung bakit gusto pang mag-artista ni Pacquiao eh mayaman at sikat na sya ah!
Ingat pre
@Nightcrawler
Heheh buti namna magkamukha tayo ng persepsyon tungkol dito akala ko maka Pacquiao ka eh!
Pero kung balatuan tayo ni Pacquiao ng pera sige lipat na rin tayo sa kanya!whahha
Ingat
Post a Comment