QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, December 7, 2009

Ang Taong 2009



Taon taon ko ng ginagawa ang pagrereview ng mga isinulat ko noon tungkol sa mga inaasahan ko sa bagong taon. Kaya nararapat lang na tignan ko kung ano ang mga natupad at ano ang hindi ngayong 2009.

Heto nga pala yung links na yun kasi baka isipin nyo eh imahinasyon ko lang ang lahat.



Heto na yung review


1. Mataasan ng sweldo


Nataasan naman ako kaso ng 5% lang, medyo hindi ko inaasahan na ganun lang kaliit pero okay na rin yun kaysa sa wala. Pambili ng load na rin yun. (Kapal ng mukha eh petiks na nga humingi pa ng malaking increase!!)


2. Makalipat pa rin ako ng ibang kumpanya at bansa na rin kung pwede

Walang nangyari dito dahil nandito pa rin ako sa Saudi at nandito pa rin ako sa company! Ibig sabihin nyan isa akong pusali o stagnant water!

3. Bakasyon Grande


Dalawa ang bakasyon ko this year isa nung last April at ngayong December (malakas ako sa boss ko eh). Yung last April masyadong limited ang time (pati budget) at ngayong December ganun din limited ang budget lalo pat akala ata ng lahat ng kamag-anak ko ay si Santa Claus ako! Kamusta naman yun! Pero naenjoy ko ang last vacation ko kasi nagpunta ako sa Puerto Gallera, Laguna, Zambales at kung saan saan pa. Ngayon tyak na enjoy din dahil nagyon lang uli ako magpapasko sa Pinas makalipas ang 4 na taon.

4. Book Launch

Next year ito malamang kung aaprubahan pa ng editor, kasi ngayon lang natapos ang sinulat ko. Yung isang libro na dapat ipaprint namin, hindi natuloy dahil sa sobrang busy ng lahat!

5. Mag-iipon at magtatayo ako ng business

Kahit man lang pataniman ng kamote wala ako! Hindi ako nakapag-ipon dahil ubod sa dami ng gastos, at isa pa masyado akong galit sa pera at ayaw ko syang makita sa wallet ko kaya pinambibili ko na lang sya!

6. Nakapagradweyt uli ako

Successful ako dyan dahil nakapagpagraduate ako ng isa kong kapatid na NURSE, at isa na rin syang “Registered Nurse”, ako kasi sumumporta dun mula tutuion fee, baon pati ang pampareview nya, seminars, bayad sa PRC, training basta lahat as in lahat lahat. (May isa pa akong pinapaaral na kapatid na nurse, kaya di pa ako nakakaboundary)

7. Bagong Lovelife

Meron naman this year, at masyadong makulay ang lovelife ko na parang crayons lang!No need to explain this further dahil masyadong marami para ikwento, hayaan nyo irerequest kong gawing movie, ang title “Drake’s Scandal”LOL

8. My new gadgets

Bumili ako ng Iphone last January medyo sumakit ang bulsa ko. Bumili rin ako ng Digicam at medyo hindi ko rin naman ginagamit. Binigyan ako ng company ng Portable Harddisk (320GB) at puro porno este movies lang ang nakalagay. Mayroon din ako ng DELL NETBOOK na kyut na kyut katulad ng may-ari. Nagkaroon din ako ng 32 inches LCD TV (okay payn hindi sya gadget, gusto ko lang ipagyabang). At ngayon naman……………………….broke na ako!! (wala na akong pera!!)

9. Pagbutihan pa ang aking pagsusulat

Hindi umabot ang entry ko sa Palanca (dahil nagbakasyon ako), nasali ako sa Philippine Blog Award kaso hanggang nominee lang. Sumali ako sa PEBA (Pinoy Expat Blog Awards) pero sa December 27 pa ang awarding. At yung tinatapos kong libro sana maaprub ng editor, kung hindi next year na lang, subok pa uli.

10. Maraming marami pang prens

Hayaan marami akong pwens dito sa blogosphere, mga matatalino at magdadaldal na blogero at blogera! Kaya naman nagpapasalamat ako dahil lumalawak na ang network ko at ibig sabihin nyan marami na akong pwedeng utangan! Maraming salamat sa laging pagbabasa ng aking blog. Minsan napapatawa ko kayo, minsan naiinis,minsan napapaiyak at kung minsan inuuto ko kayo (Joke lang).


Sa buhay natin masarap balikan ang nakaraan at isipin kung ano ano ba ang natutunan natin sa buhay. Ako, ang ginagawa kong pagrereview ay isang repleksyon lamang ng mga pangarap ko sa buhay at kung natutupad ko ba ang mga pangarap ko na ito. Maaring ang iba hindi natupad pero hindi naman ako titigil sa pangangarap. Maaring ang iba nagkatotoo at itoy nagpapahiwatig lang na ang lahat ay pwedeng mangyari kung maniniwala tayo sa ating pangarap. Tandaan natin libre ang mangarap at walang masama dito, kaya wag nating ipagkait ito sa ating mga sarili.


Ako, natapos ang taong 2009 na maganda at maayos. UMaasa ako sa susunod na taon ay mas lalong maging maganda ang taon ko. Sa ngayon nagpapasalamat ako sa Dyos dahil isang buong taon na naman ang ibinigay nya sa akin at sana bigyan pa nya ako ng maraming marami pang taon.


Yun lang mga KAUTAK, next kong gagawin ay yung mga inaasahan ko sa 2010.


Maraming salamat!!

33 comments:

kikilabotz said...

wow!! dami m n pala accomplishment. idol n kita ngaun!at RN k rin pala. hehe.congrats!!may nadagdag nanamn ako sa idol list ko.

DRAKE said...

Okay na sana parekoy, kaso sumablay lang ng konti!hahah! Hindi ako ang RN kundi yung kapatid ko! ako lang ang nagpaaral!

Pero salamat sa pagdagdag mo sa akin sa list mo, sobra naman akong natats! Pahipo nga!hahaha

Ingat at BASE KA pre

Xprosaic said...

sayang di ako nakabase... 2nd base ulit! jejejejeje... nyway dami mo naman plans for 2009 jijijijiji ok lang yun... ang importante pogi pa din.... nyahahahahahahahhaha

Null said...

naks! pautang :) hahha joke :)

its nice to know that you had a blast this year! and i hope God will continue to Bless you more :)

Null said...

naks! pautang :) hahha joke :)

its nice to know that you had a blast this year! and i hope God will continue to Bless you more :)

mr.nightcrawler said...

nakaka-inggit naman ang accomplishments parekoy. di na kasi ako gumagawa ng listahan na ganyan kasi ending niyan, frustration lng. hehe. ps.. kami pala dapat umutang sayo kasi andami mo pambili ng gadgets. isangla na natin :P

Jepoy said...

Pre pwede mo ba akong pag aralin din hhehehe

At may book launch factor pa, at lumalovelife pa. Meganun?!

glentot said...

Book Launch! Aabangan ko yan.

Anonymous said...

wow naman super duper cool,, ang daming blessing this year at ciempre sa susunod pang taon....and congrats din sau nakapagtapos ka na, sana naging kapatid kita..hahahaha..juk!...

uhhmmmm pwde pautang?or d kaya arbor nlang ng mga binili mo...hahahahaha......

whew!namis ko blog mo.. :D

The Pope said...

You really amazes me, yan ang di ko nagagawa sa buhay ko, ang maghanda ng wish list sa bawat taon, wala rin akong New Year's resolution na hinahanda tulad ng nakararai.

Well happy ako sa iyo dahil ang dami mong accomplishements sa buhay based sa mga wish lists mo for 2009.

Life is Beautiful, count your blessings.

God bless bro.

DRAKE said...

@Xprosiac

Hehehe, salamat sa pakikipagunahan para makabase!hehehe! so far naaccomplish naman ang gusto kong mangyari this year siguro 80% ang natupad

@Roanne

yes it was a blast!hopefully by next it would be the same or more.TC and God bless

DRAKE said...

@nightcrawler

basta subukan mo munang mangarap na pwede namang makuha yung attainable ba!hehhe Wala akon pera ubos na!

@Jepoy

Sige pag-aaralin kita sa kinder!hahaha!Oo parang halo halo yan!marami at sarisari!heheh P

DRAKE said...

@Glentot

Wag mong abangan, bumili ka!hahhaha

@ladyinadvance

lagi kaya akong dumadalawa sa iyo, ikaw nga ang suplada eh!heheheh!Namiss kita pwamis!hehhehe

@The Pope

maraming marami pong salamat s alaging pagbisita nyo sa aking site its an honor ang bisitihan nyo!totoo po yun!salamat po at God Bless

2ngaw said...

Naks naman!daming natupad sa plano mo ah, ako rin nga pag aralin mo :D

RHYCKZ said...

penge naman ng accomplishments, anu b yun nakakain ba yun...heheheh

congrats tol, and goodluck sa mga tatkbo sa 2010 este gud luck pala sayo sa 2010, at 2 years beyond, 2012 na...hehehe

Superjaid said...

naks naman ang daming accomplishments..libre naman dayn kuya!hehehe ^__^ congrats!

The Gasoline Dude™ said...

Aabangan ko ang book launch mo. Better yet, padalhan mo na lang ako ng kopya. Hahaha. :)

DRAKE said...

@lord CM

Kunwari ka pa pre eh ang dami dami mo ngang pera, ako wala said na said!hehehe

@Scofield

Ganun gugunawin na ang mundo sa 2012. Paano yan gusto ko pa man din magkaanak ng 10 sa 10 babae din (hahha joke lang)

DRAKE said...

@Superjaid

Hayaan mo magpapaburger ako!At ikaw ang una kong bibigyan. Ikaw pa ang lakas mo sa akin

@Gasul

Pre sana nga pumasa sa editor eh! sana nga lang talaga (fingers cross). Ngayon kung hindi saka na lanng makagawa uli ng plano!

gillboard said...

naks may pabook launch book launch talagang nalalaman... tungkol san naman yang book mo drake?

The Scud said...

productive naman pala 2009 mo. ayos. at may book launch pa. dapat invited kami sa autograph signing. libre ang libro. pasalubong ko pala. medium-size lang ang shirt ko. hehe.

chingoy, the great chef wannabe said...

clap clap!!! galeng ah! looking forward for a better and more fruitful new year. meri krismas!

iya_khin said...

hmmm...mayaman ka ha! great achievements!

KESO said...

wow naman kuya, bukod pala sa pogi ka mayaman ka pala. wahaha.
pag aralin mo na din ako! :D

DRAKE said...

@Gillboard

Working pa sa title, nasa editing palang kami!Ngayon kung di makapasa sa publisher eh baka mapambalot na lang yun ng tinapa!hahah

@Scud

Yun lang ba pare walng problema, so kailan tayo kita? email mo lang ako pre

DRAKE said...

@Chingchoy

maraming maraming salamat pre, meri christmas din sa iyong pamilya at sa iyo! Wala ba akong geps dyan?heheh ingat

@Iyakhin

Mayabang lang ako hindi mayaman heheheh!salamat iyakhin sa pagdaan

@Keso

Di ako pogi imahinasyon mo lang yun!kyut lang ako!hahah Maraming salamat ingat parati!!

PoPoY said...

ndi pa tapos ang 2009 (doh) hahaha. tinatapos mo na eh LOLS.

wow ah nandito ka pala sa December, eh bakit hindi ka magorganize ng EB? ayaw mo ba kaming makita? o takot ka lang manlibre? hahaha

o eh congrats at goodluck sa 2010, goodluck tayong lahat hahaha

Unknown said...

2. Makalipat pa rin ako ng ibang kumpanya at bansa na rin kung pwede

Walang nangyari dito dahil nandito pa rin ako sa Saudi at nandito pa rin ako sa company! Ibig sabihin nyan isa akong pusali o stagnant water!

------

may kasabihan tayo, ang batong gumugulong ay di tinutubaan ng lumot. so dyan ka lang sa saudi, okay lang. Ay... mali. Di ka talaga tutubuan ng lumot dyan, kasi nasa disyerto ka harharhar! Ingat

DRAKE said...

@Popoy

email mo ako pre dito drake_kula@yahoo.com (YM ko din yan) baka pwede nating pag-usapan yan!heheh

@Ollie

Dahil dyan sa sinabi mo ifofollow kita!hehheIngat

Jag said...

Ako'y nagbabalik ehhehe...

Naks naman pre! Ulirang kuya! Amfrawd of you pramis! hehehehe...
Just enjoy ur vacation...Spend wise and quality time with your family...

Ako? ano ba naaccomplish ko? uhmmm wala akong maisip nyahahahaha...

Noel Ablon said...

Ang galing buti ka pa nataasan ng 5% kasi ako ay 2% lang ang itinaas, hindi kuripot amo ko - madamot hehehe!

Gadgets, well di ako nagkaroon ng bagong cellphone, yung gamit ko eh mas matanda pa sa akong baby boy hehe! Naka-plano this year pero mukhang di rin matutuloy. Hopefully next year, medyo bonggahan ko next time baka IPhone 3gs or HTC.

Sige, sumandali lang ako at napaka-busy, daming activities sa church.

Enjoy your vacation at EB with the FW friends, extend my regards to them. God bless.

Esteri Mumpung said...

Pagbati aking mahal
Hindi ko talaga alam kung saan sisimulan ang aking patotoo mula sa dahil napakasaya kong pangalan ay Esteri Mumpung, mula sa Phillipine, Mrs Rebacca Alma ay dumating upang mailigtas ako sa aking buhay at pinunasan ang lahat ng aking mga kalungkutan.
Nakapagtataka kung naisip kong natapos ang lahat sa akin, labis akong may utang na loob na ang mga taong hiniram ko sa gang ay nilaban ako at pagkatapos ay inaresto ako bilang isang resulta ng aking utang. nakakulong nang maraming buwan ang biyaya ay ibinigay sa akin nang ako ay ma-uli at pinakawalan upang pumunta at kumita ng pera upang mabayaran ang lahat ng mga utang na natanggap ko kaya sinabihan ako na mayroong mga lehitimong online na nagpapahiram kaya kailangan kong maghanap sa mga blog na ako ay ginulangan. ngunit nang matagpuan ko ang REBACCA ALMA LOAN COMPANY, inutusan ako ng Diyos sa kanya at sa isang blog dahil ang pag-akit ko sa ito ay tunay na isang himala siguro dahil nakita ng Diyos na marami akong pagdurusa na dahilan kung bakit niya ako iniuutos sa kanya. Kaya't nag-apply ako nang may masigasig pagkatapos ng ilang oras na inaprubahan ng Lupon ang aking pautang at sa 24 na oras ay na-kredito ako sa eksaktong halaga na aking nilalayon para sa lahat ng ito nang walang karagdagang garantiya ng mga Personal na Pautang habang nakausap ko ka ngayon limasin ang lahat ng utang ko at mayroon akong sariling supermarket at pamumuhunan na nangyayari sa Pilipinas at Indonesia, magbubukas lang ako ng isang mall sa Malaysia hindi pa matagal na at hindi ko kailangan ang tulong ng ibang tao bago ako magpakain o kumuha ng pananalapi, kahit anong desisyon ko ay walang negosyo sa Pulis, ngayon ay isang malayang babae na ako.
Nais mong makaranas ng kalayaan sa pananalapi tulad ko, mangyaring makipag-ugnay sa Ina sa pamamagitan ng email ng kumpanya: (rebaccaalmaloancompany@gmail.com) makipag-ugnay din kay Mrs. Rebbacca sa pamamagitan ng numero ng whatsapp 14052595662.

Hindi mo maipagdebate ang katotohanan na sa mundong ito ng mga paghihirap na kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyo na malampasan ang turnover financial sa iyong buhay sa isang paraan o sa iba pa, kaya't binigyan kita ng utos na subukan at makipag-ugnay kay Mrs. Rebacca Alma sa address sa itaas kaya ikaw maaaring malampasan ang mga problemang pampinansyal sa iyong buhay.

Maaari mo ring makipag-ugnay sa akin sa pamamagitan ng aking email: (esterimumpung77@gmail.com)) Palaging pagiging positibo kay Gng. Rebacca Alma dahil makikita ka niya sa lahat ng iyong mga hamon sa pananalapi at pagkatapos ay bibigyan ka ng isang bagong pananaw sa pananalapi at kalayaan upang malampasan ang lahat ng iyong pagkabahala . Pagpalain nawa kayong lahat.

Mohammad Ismali said...

kesaksian nyata dan kabar baik !!!

Nama saya mohammad, saya baru saja menerima pinjaman saya dan telah dipindahkan ke rekening bank saya, beberapa hari yang lalu saya melamar ke Perusahaan Pinjaman Dangote melalui Lady Jane (Ladyjanealice@gmail.com), saya bertanya kepada Lady jane tentang persyaratan Dangote Loan Perusahaan dan wanita jane mengatakan kepada saya bahwa jika saya memiliki semua persyarataan bahwa pinjaman saya akan ditransfer kepada saya tanpa penundaan

Dan percayalah sekarang karena pinjaman rp11milyar saya dengan tingkat bunga 2% untuk bisnis Tambang Batubara saya baru saja disetujui dan dipindahkan ke akun saya, ini adalah mimpi yang akan datang, saya berjanji kepada Lady jane bahwa saya akan mengatakan kepada dunia apakah ini benar? dan saya akan memberitahu dunia sekarang karena ini benar

Anda tidak perlu membayar biayaa pendaftaran, biaya lisensi, mematuhi Perusahaan Pinjaman Dangote dan Anda akan mendapatkan pinjaman Anda

untuk lebih jelasnya hubungi saya via email: mahammadismali234@gmail.comdan hubungi Dangote Loan Company untuk pinjaman Anda sekarang melalui email Dangotegrouploandepartment@gmail.com