QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Sunday, September 5, 2010

HAYBLAD



Kamusta mga kautak?Sori naman at medyo naging busy ako sa aking bagong trabaho. Nakakainis dahil sa bago kong kumpanya, restricted ang internet ng pukenena.

Oo tama ang narinig nyo wala na ang dati kong gawain, na halos minuto-minuto nakababad sa internet para magfacebook, magtwitter, kumamot ng betlog, magblog, magbloghop, mangulangot, uminom ng kape habang nanood ng porn, nagpapalobo ng laway, magyoutube, at maglaro ng plants and zombies…..in short wala na ang office-slash-internet café ko. Syet lang oh!!!

Dito sa bago kong trabaho bilang GWAPONG BANGKERO (may gwapo pa talaga!), eh trabaho talaga. BAWAL ANG PETIKS (tae, laking adjustment yun sa akin)
.
Pero naisip ko, ganun talaga kailangan kong umalis sa aking kahon at pumunta sa mas malaking pang kahon. (naks may kahon pang nalalaman)
.
Teka, hindi naman sa bago kong work ang kwento ko ngayon. May iba pa, ito ay walang iba kundi ang PUTANG-INIS kong BLOOD PRESSURE.

Ano ang kwento dyan?Pwes makinig ka…..

Hindi ko alam kung may phobia ako sa ospital at clinic. Basta alam ko kapag nasa loob ako ng ospital/clinic bigla akong kinakabahan. Dati, bago ako magpunta ng Saudi, dapat mag qa-Qatar ako, at dahil sa PUTANG-INIS na BP na yan , bumagsak ako sa Medical . San ka nakakita na ang BP readings ay 160/120, 140/110, 165/115 . SYET talaga!

Kaya sino ba naman ang hindi babagsak dyan? At pag nasa bahay naman ako, at kinukuhanan ako ng kapatid kong nurse ng BP, eh normal naman! Pag nagpunta naman ako sa kakilala kong doktor sa bahay nila, okay din naman! Basta alam ko wala akong hypertension dahil nga healthy-healthy ako. Dahil talaga sa bwisit na KABA ko na yan tuwing nasa loob ako ng clinic o ospital kaya tumataas ang BP ko.

So heto na nga, isa sa requirements para sa pre-employment ko sa bangko ay MEDICAL EXAMINATION ko. At pagkarinig ko nyan, kinabahan na naman ako.

Kinabukasan, pumunta ako agad sa Ospital. Hayun kinabog na naman ang dibdib ko. Tapos ang dami pang seksi at magagandang nurse kaya lalo akong kinabahan. Nung tinawag na ako para sa BP

Nurse Anna: Sir, pakiaalis po ang T-Shirt, pantalon at brief!!
Ako: Okay payn, No problem! Gusto mo sabay tayo?

Joke, walang ganyan.Imagination ko lang yan! Heto talaga ang totoong nangyari

Nurse Anna; Sir relax lang po kayo bakit po parang kabado kayo
Ako: Eh di ko nga alam eh!

Kinuhanan ako ng BP…

Nurse Anna: Sir, nakupo 160/110
Ako: ha? (namutla), pwede isa pa

Kinuhanan uli ako

Nurse Anna: Sir, 170/120 tumaas pa. Anubayan
Ako: OMAYGAD!!! Miss pwede bang alisin mo yung dede mo sa may braso ko, lalo akong hinahayblad eh!

(joke lang uli yan!yung OMAYGAD lang talaga ang nasabi ko)

Pinabalik ako ng limang beses at limang beses din akong bumagsak. Nilagay na lang nila sa Medical report ko ang pinakamababa kong BP which is 149/97! Syet talaga, kung grades yan sa school malamang First Honor ako.

Umalis ako sa Ospital ng kinakabahan, dahil baka bumagsak pa ako sa medical at pauwiin sa Pilipinas para magtanim na lang ng kamote at magbenta ng aking murang katawan. (huwattt??mura??)

After 2 days, kabado ako sa resulta. Expected ko na na babagsak ako dahil sa bwisit na BP na yan. Kaya pagkakuha ko ng resulta dahan dahan ko syang binuksan habang nanginginig pa ang aking mga kamay hanggang sa Makita ko ang resulta………………………….. FIT TO WORK!

YEHEY!!!Napalundag ako sa sobrang tuwa dahil hindi ko akalain na…………umepekto ang pakikipaglandian ko sa mga nurses dun.

TAMA!!nilandi ko ang si Nurse Anna at iba pang nurse dun para makipagtawaran sa resulta ng aking BP (palengke?). Binabaan nya ang BP ko ng 10 points kaya naging 139/87 na lang sya!hahahhaha! Alam kong bawal yun sa mga nurses pero ika nga minsan mas matimbang ang ICE CREAM (suhol) kesa sa mga bawal na yan!
.
Ganyan ba talaga pag hindi ka LAKI SA GATAS o LAKING BEARBRAND??LOLS.
.
Yun lang ang kwento.

Ingat

32 comments:

The Gasoline Dude said...

Ampf. Nakakarelate ako. Nagpa-medical checkup din ako nung isang linggo dahil nga kasama sa pre-employment requirements. Hayblad din ako. 150/90!

Kain kasi ako ng kain ng hipon nung linggo na 'yun. LOL

pamatayhomesick said...

pards, baka iba yung n bp...ha ha ha.

Stone-Cold Angel said...

Lumipat ka na pala ng work?! Ngayon ko lang nalaman.

Kain ka ng pritong bawang at bawasan mo kakaKAPE mo... (kape pindot at kape-pisil).

Ingat! =)

Ollie said...

bawasan mo lang alcohol, fats, at maaalat para next time eh controlled na blood pressure natin =) or pwede rin na dagdagan na nga lang ang sex appeal at pagka puge para sa mga nars na yan para ma-"magic" nila ang results LOL.

Jag said...

Hey man! I think you have nosocomephobia. You should see a doctor for some hypnotherapy. LOL.

Turuan mo nga ako pre paano makipaglandian hndi ko alam yun eh LOL. Echus ka! Eh halata naman sa katawan mo na high blood ka hahaha joke lan pre...

Ingat!

Ako si Yow said...

Haha. Naka naman. Bakit kasi matatakot sa ospital? Ayan tuloy. Pero senyales na din yan ng aging. Haha. iinum kasi ng bitamina ha? Nyahahaha. Ayus si Nurse ana. Nasusushulan. Haha.

poldinggeding said...

hahaha bakit ganun parang pareho tayo???..

kahit dun sa dalawang utol ko pati narin sa labidabi ko normal na normal yung BP ko pero pagdating sa medical e tumataas!

sinubukan ko dati nung iB-BP ako e di ako huminga para di masyadong maheksayt yung heart kong magpump ng blood kaso ang taas parin...

salbehe said...

High blood? Baka naman kasi nag-iinit ang dugo mo habang hinaharot ang nurse. :)

bulakbolero.sg said...

kataas ng blood pressure. sigurado ka bang hindi nakaluwa ang dede si nurse anna? lolz

RICO said...

Tawang-tawa ako dito sa part na to:


Nurse Anna: Sir, 170/120 tumaas pa. Anubayan
Ako: OMAYGAD!!! Miss pwede bang alisin mo yung dede mo sa may braso ko, lalo akong hinahayblad eh!

deep breathing exercises lang kelangan mo dre para marelax ka at isipin mo nlang na mall ang hospital hehee..congrats kaw na ang banker,laro tayo deal or no deal hehehe

an_indecent_mind said...

brod, bawasan ang pagkain ng alimasag at sugpo! di porke mura dito sa disyerto e tira lang ng tira! hehe!

lapit na EID! anong meron?

kikilabotz said...

iniisip mo kasi na nakadikit ang knyang dede sa iyong braso talgang kukulo ang dugo m niyan. haha

Oliver said...

bakit takot ka sa ospital? numeron?
or baka naman kahighblood highblood talaga ung nurse hehe

karen anne said...

sinuhulan mo talaga yung nurse? ;) hihih

I am Xprosaic said...

Naku nakakrelate ako sa bagay na yan ah... ewan ko ba sobrang big deal sa iba ang pagkahayblad ko na ultimo buong hospital nun nagkalat at identified ako not to mention 1 week akong highlight sa buong klase pagkatapos dahil ikinalat nung nurse... hayz

Dhang said...

takot din ako sa clinic at hospital saka sa mga duktor. siguro dahil sa takot kong macheck-up at malamang may sakit ako. hehehe. pero awa ng Diyos, 'di naman tumataas BP ko 'pag kinukunan ako kahit medyo kabado. hehe.

Abou said...

yoko nga magpa bp sa mga ospital na yan at baka ang nurse ang ma high blood sa akin hehe

:-)

glentot said...

Tsk tsk tsk well well well may mga tao talagang hindi takot gumawa ng illegal.

BWAHAHAHAHAHA congrats. Ang BP ko a few weeks ago ay 150/100. Ngayon, wala na akong pakialam. Ayoko na magpa-BP.

mr.nightcrawler said...

hahaha... walanghhiya ka parekoy. natawa naman ako dun sa mga imagination mo... naku. buti na lang at magaling kang lumandi kung hindi... tsk tsk. hehe.

DRAKE said...

@gasoline dude

Talagang isinisi sa Hipon, hindi ba dahil medyo tumataba ka ngayon?hahaha! Joke lang!peace bro.

Akalain mo yn halos pareho tayo ng nanagyari, naterminate, nahire at nagmedical. Naks parang kambal lang!

ingat

@pamatay homesick

pard mukhang hindi sa pulso nakahawak yung nurse, kaya ganun na lang ang pintig!hehhe!happy eid bro

@Stone Cold

Pre nung isnag linggo pa ako lumipat! Medyo mukhang busy ka rin ata eh! Medyo namiss kita ah!hehhe

@Ollie

Dun na lang ako babawi sa ikalawang mong suggestion pre, ang dagdagan ko pa ang aking sex appeal!naks!ingat

DRAKE said...

@Jag

naks, iba talaga ang nagagawa ng wikipedia!hahahha

Utot mong may sago, kunwari pang walang alam sa pakikipag Flirt, eh may master's degree ka nga dun!Lols!

ingat pre

@Yow

hillow, am jas twinte siben. Batang bata at sariwang sariwa!hahah!ingat pre

@polding

Naniniwala na rin ako na nung past life natin ikaw ang akin bestfriend (aso ba ito?hahah, joke)! Oo pre ganyan nga ata pag gwapo, matatakutin sa ospital!Ingat

@salbahe

TA-MA, ganun na nga! kurekekek!musta ka na. long time no hear ah!ingat

@bulakbolero sg

musta parekoy, salamat at napadalaw ka sa aking munting tahanan, marami akong naririnig sa iyo mula kay roanne aka b2! Sana lagi ka ring madalaw dito, ako rin bibisita ako sa site mo!ingat

DRAKE said...

@Rico

wala dre, hindi ko pa rin mauto ang sarili ko, nung mga panahon na yun iniisip ko nga nasa beach ako eh!pero wala din ganun din mas lalo pang tumaas!ingat

@indicent mind

wala akong gagawin sa Eid,kundi matutulog lang at magpapalaki pang lalo ng kuwan! hays katamad sa saudi talaga! Ikaw pre ano plano mo sa eid!ingat

@kikilabotz

Ganun na nga kikilabotz, medyo alam mo na akoy inosente sa kahalayan kaya ganyan akong kinakabahan!

@Oliver

di ko nga alam pre kung bakit ganun, sakit ata ng mga gwapo yun eh! Buti ka pa di nakakaranas ng ganun!LOLS joke lang!ingat

DRAKE said...

karen anne

Pinay kasi yung nurse kaya nakuha naman sa pakyutan!heheheh

@Xprosiac

Huuuu, kunwari ka pang BP yung pinagkakalat nung klasmeyt mo, aminin mo TULO ang naging sakit mo kaya kumalat sa buong skul!hahah! joke lang!

@Dhang

buti naman nga at di gaanong
nakakapekto sa iyo yung ganun! ako sobra ang epekto sa akin eh! Ingat

DRAKE said...

@abou

Bakit naman pre?hehehe! Salamat sa pagdalaw sa kwarto ko! makikibasa din ako sa bahay mo ha!

ingat palagi

@Glentot

nagtaka ka pa kung bakit mataas ang BP mo? Eh puro ka kaya cholesterol! hahahaha1 joke lang!

@Nightcrawler

Idol kasi kita, at ikaw lang ang ginagaya ko sa mga panahon na yun!Inga pre

darklady said...

Nakanaks naman dinadaan sa papogian e.hehehe.Dapat pala magdadala ka ng sarili mong nurse para mag BP sayo para hindi ka na kinakabahan.hehe.


Ingat!

Ayie said...

Ikaw na ang FIT TO WORK. Wala bang psychological examination na ginawa?

Tsk. Ang landi mo talaga!

Lord CM said...

Ala eh!magawa nga minsan dito yan, parehas tayo parekoy, tumataas ang bp kapag nasa hospital na eh, tuloy napipilitan akong maggamot ng 6 months kahit di naman ako hiblood

ahmer said...

alam ko masarap ang mga bawal.. hehe
kaya, iwasan.

ako normal naman palage. : D

roanne said...

2 out of 10 lang ang makikita mo na lalaking nurse sa loob ng med centers, ang walo dun... BABAE na hehe, kaya ang pagtaas ng bp mo ay walang kinalaman sa pagkain!!! ALAM NA! Lol!

Nimmy said...

mabuhay ang mga may HighBlood. LOL.

DRAKE said...

@darklady

Aba kung pwede nga bang mag bring your own nurse, eh di ginawa ko na yun! Dapat nakaminiskirt sya habang kinukuhan ano ng BP!LOLS

@Ayie

Ikaw ba hindi ka ba highblood?Paranggggg!hahahha! Joke lang!

Miss na kita ayie, tapos uuwi ka pa!daya mo!

@Lord CM

Ngayon brod napatunayan ko na SAKIT TALAGA YUN NG MGA POGI!Lols!

Ingat brod

DRAKE said...

@ahmer

naks ikaw na ang sobrang healthy, kami na ang mga malnourished at sakitin!Lols

ingat brod

@b2

Anong survey na naman yan b2, ikaw lang ang gumawa nyan no!

Basta naniniwala ako na kasalanan ito ng ospital hindi ng mga nurse, masyado pa nga silang adorable ehwhaha!

@Nimmy

Maraming salamat s apagbista ng kwarto ko! Sana balik ka uli!Heheh

Ingat