Mahirap din palang magmentena ng tatlong blogs, hindi naman dahil gusto kong tortyurin ang sarili ko kakasulat o kakaisip ng ideya pero gusto ko lang ichallenge ang kapasidad ko. Sabi nga nila kahit itaktak pa na parang Ajinomoto ang mundo, kung talagang manunulat ka eh manunulat ka na habambuhay. Ayaw kong sabihin o ikonsidera ang sarili ko bilang isang manunulat kasi wala pa naman akong napapatunayan pa, pero nailalathala na yung ibang naisulat ko sa mga babasahin at mga website. Hindi rin naman ako mahilig magbasa kasi may pagka mongoloid ako. Medyo maigsi lang ang aking attention span. Kaya nga madalas pag may klase kami o kaya may seminar na a-atenan, eh upod na upod na ang kuko ko kakangatngat (kung pwede lang ngatngatin ang kuko ko sa paa ginawa ko na eh), o di kya parang sinisilihan ang puwet ko kasi di na ako mapakali.Nandyan CR ako ng CR o di kaya ginawa ko ng CANVASS ang silya namin(nagsusulat ng WANTED:TEXTMATE). Kaya nga hindi ako nagbabasa ng mga libro o nobela kasi nga madaling nawawala ang pokus at atensyon ko sa isang bagay. Saka ma BISWAL kasi akong tao, mas gusto kong nakikita ko kesa nag-iimadyin pa. Kaya eto mahilig ako sa komiks at sa coloring book.Hehehe.
Nagsimula ang pagkahilig ko sa pagsusulat nung nasa greyd wan palang ako, bukod sa mga drowing ko sa dingding namin eh madalas inuubos ko ang notbuk ko kakasulat ng kung ano ano. Nung greyd por naman ako halos ginawa kong komiks ang lahat ng libro, papel pang greydpor at notbuk ko habang dakdak ng dakdak ang titser ko sa harap. Lagi rin akong mataas ang greyds sa Filipino subject namin, kasi laging ako nakakakuha ng mataas pag pinagsusulat kami ng “Ano ang nangyari sa aking bakasyon? (kapag tinatamad ang titser naming magturo). Halos napahanga ko rin ang titser ko dahil nakasulat na ako ng sarili kong ALAMAT, MAIKLING KWENTO, BUGTONG, SALAWIKAIN at KWENTONG PANDULA. Iyan ang katibayan na bata pa lang ako mapaggawa na ako ng kwento,hahahaha. Ako rin ang ipinanlalaban sa balagtasan, tula, at declamation, isa uling katibayan na ubod na ng kapal ng mukha ko.
Nung highschool medyo naglie low ako ng konti, kasi nagbibinata na ako. Kumbaga medyo naambunan na ako ng kahihiyan. Pero ako ang naging TRIVIA and PUZZLE MASTER na aming school paper na “SINAG”, na minsan ginagawang pambalot ng tinapa ng nanay ko o di kaya mandakot ng tae ng aso.
Sa college, lalong wala na akong naisulat kasi halos dumugo na ang ilong ko sa pesteng MATH subjects na yan (Engineering kasi course ko). Kaya gusto ko mang sumali sa school paper namin, hindi ko na nagawa kasi nahihilo na ako sa mga numerong lumulutang lutang sa malabnaw kong utak.
Ngayon lang kung saan nandito na ako sa abroad nabuhayan ang aking dugong manunulat. Bukod sa wala akong gaanong ginagawa sa opis ko, para bang masarap magsulat ng magsulat. Yun nga lang medyo mahina ako sa mga technicalities dahil wala naman akong pormal na pag-aaral dyan. Saka tinatamad kasi akong mag-eedit pa ng mag-eedit, o kaya basahin ng paulit ulit ang mga sinulat ko. Kaya tuloy rambol rambol ang mga letra.
Nagawa ko rin baguhin ang mga karakter ko sa pagsusulat. Gusto ko kasi paiba iba ang uri ng pagsusulat ko, yun tipong ibat ibang karakter ang lumalabas sa akin. Minsan sobrang EMO na akala ng mga nagbabasa eh masyado akong madrama sa buhay. Minsan SERYOSO, iniisip ng iba masyado akong EPAL at hindi marunong tumawa. Minsan RELEHIYOSO naman, yun tipong tatanungin ka kung pari o pastor ba ako dati (di lang nila alam, hahaha). Minsan MILITANTE, kasi tinitira ko ang gobyerno. Minsan naman KOMEDYANTE, na mapapansin mo kung gaano kahangin ang utak ko. Minsan pinagsasama sama ko ang mga karakter na yan sa mga sulatin ko. Eh di ba mas okay yun. Heto nga pala ang mga sampol
EMO AKO (madramang ewan):
DA BEST NA COMMENT: Sabi ng mga kapatid ko, nakakawa naman daw ang kalagayan ko, at grabe daw yung lungkot ko (Pero sa totoo lang wala naman sa akin yun, eh sinulat ko lang yun ng parang nangnungulangot lang ako,. Akalain ko bang magmumukha akong kawawa dyan, hindi nila alam eh kay sarap sarap ng buhay ko dito)
SERYOSO MODE ( medyo nanigas ang utak ko kasi)
DA BEST NA COMMENT: “kung sino daw ang nagtatanong, ay siya ring nakasusumpong. sana masumpungan mo ang sagot sa iyong mga katanungan, at pag nakita mo na, ibahagi mo rin sa iba”. Sabi yan ni Ms. Ruthie. Eh tama naman sya!!KOREK KOREK
RELEHIYOSO ( Father may ikukumpisal po ako)
DA BEST NA COMMENT: “ganda ng mga punto mo dito. Sana ay mabasa ito ng mga kapitbahay naming banal na aso, ng kaibigan kong nagtangkang magpakamatay dahil sa mabigat na problema, at ng isang kakilala na may matinding hinanakit sa kanyang mga magulang at sa buhay na kanyang nalalasap sa ngayon". Sabi yan ng aking KAUTAK na si LOVE. Alam nyo bang na-repost din ito sa isang website/blogsite medyo kabaliktaran naman ang nangyari.
MILITANTE ( MAKIBAKA!!!!!………WAG MAGBABOY,,,,,, hehe corny)
DA BEST COMMENT: “Kaya hindi umaasenso ang Pilipinas eh dahil sa mga buwaya sa Gobyerno”. Medyo umuusok pa ang ilong nung kakilala ko na yan.
KOMEDYANTE ( Use ICE BUKO and GUAVA in a sentence…. Bagong gupit ako ngayon eh ICEBUKO?MASA GUAVA?)
DA BEST NA COMMENT: “Ang korni korni mo naman para kang kornik” Sabi yan yung kaibigan kong bumasa nito. Pero sino kaya mas korni sa amin???? May nalalaman pa syang KORNIK.
ETO ANG PINAGSAMANG PERSONALIDAD KO
EMO AT MILITANTE: http://utaknidrake.blogspot.com/2008/11/may-pag-asa-pa-naman-ang-pilipinas-di.html
KOMEDYANTE AT MILITANTE: http://utaknidrake.blogspot.com/2008/11/naghihirap-na-ba-ang-pilipinastop-20.html
RELEHIYOSO AT KOMEDYANTE: http://akingkwarto.blogspot.com/2008/11/paano-lalabanan-ang-tukso-lesson-101.html
Naku marami pala, eh yan na lang muna. Browse nyo na lang ang blogsites ko
Basta sa akin, gusto ko lang ipahayag ang dadamdamin ko. Kumbaga kung di ko sasabihin ito sa pamamagitan ng pagsusulat baka maging “Taong Grasa” na ako, kasi nololoko na (pero mukhang nagbabadya na). Siguro para sa akin, masarap balik balikan yung mga naisulat ko, nagugulat na lang ako minsan na naisulat ko pala ang mga bagay na yun, o naisip ko pala yun. At kung sakaling magkaanak ako ipapababasa ko sa knya ang lahat ng ito. Tapos sa aking pagtanda magandang balikan ang mga bagay na naiisip ko noon.
Ito na siguro ang paraan ko na kahit papaano naibahagi ko ang sarili ko sa iba kahit hindi man nila ako kakilala ng lubusan. Masaya ako kahit walang gustong bumasa nito, maisiwalat lang ang mga naiisip at naisasaloob ko sa pamamagitan ng pagsusulat ay sapat na yun.
Kaya mas paghuhusayan ko pa, ika nga KAKARIRIN KO NA. hehehhe
Salamat
P.S Yung ibang blogs ko pa nasa blogroll ko, hehehhe.
4 comments:
Parang Yearender Post 'to ah. O kaya parang magha-hiatus ka ng matagal. *LOLz*
Hindi naman, hehehe!! Naghahanda lang ako para sa sasalihan kong writing contest!!hehhee!!sana manalo.
Wala na akong masabi sa iyo gasul binabasa mo talaga. Astig ka bro
dami akong kapareho sayo... visual learner... comics artist (yun ang silbi ng notebook ko nung estudyante ako... drawingan ng kung anu-ano)... marami din akong blog (ngalang yung iba copy paste ng mother blog ko)
good luck pala sa contest na sasalihan mo...
Oo nga pre parang nakikita ko rin sa iyo ang sarili ko, hindi kaya ikaw ang nawawala kong kakambal, hehehhe.
Salamat sa pagdaan!!
Post a Comment