QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, June 15, 2009

First Time Mo?

Anu-ano ba ang mga una mo sa buhay?Ako, marami akong una o first na naranasan ko sa aking buhay, at isasambulat ko dito na parang tae sa blog ko ang tatlong mahahalagang una sa buhay ko:

UNANG HALIK (FIRST KISS)



May kalaro ako nun na itatago nating sa pangalang Nene, isang taon ang tanda nya sa akin. Anim na taon ako noon at sya pitong taon. Iyon ang mga panahong supot pa ako, di nagbibrief at bunge bunge pa ang ngipin. Naglalaro kami ni Nene ng paborito naming laro, ang antigong “BAHAY BAHAYAN”. Obviously sya ang nanay at ako ang tatay, at madalas lagi akong pinapakain ni Nene ng mga niluluto nya sa kalan-kalanan namin.Nagluluto sya ng nilagang dahon ng kaymito at gumamela o di kaya ang malinamnam na sinigang na bato with tubig sa pusali ang paborito nyang ihain sa akin. Eh ako naman madalas ko syang inuuwian ng kuwintas galing sa dahon ng kamoteng kahoy at singsing mula sa “pritos ring” na tig pipiso kina Aling Lumeng.

Heto ang siste, naglalaro laro kami ng bahay bahay, at syempe kunwari gabi na kaya matutulog na kami. Humiga ako sa maliit na kama sa loob ng bahay bahayan namin, tapos sumunod sya. Syempre matutulog ako kaya pinikit ko ang mata ko. Nagulat na lang ako ng may dumampi sa aking labi, akala ko lamok lang at balak kong hampasin sana ng ubod lakas. Pero nagulat ako na si Nene pala ang humahalik sa akin,wala naman akong kamali-malisya nun kaya nag-iiyak ako (Malay ko bang may pagnanasa pala sa akin si Nene). Kaya nagtatakbo ako at sinumbong ko sya sa nanay ko. Sabi ko kay nanay “Bad si Nene kase ni-kiss nya ako sa lips, huhuhu!(sabay singhot para bumalik ang uhog). Hayun tumawa lang ng pagkalakas lakas ang nanay at nanakot pa “HALA LAGOT KA, MABUBUNTIS SI NENE”. Kaya naman lalo akong umiiyak, syempre nakakatakot baka magmukhang bukayo ang anak ko (maitim kasi si Nene noon).
UPDATE: Si Nene ay isa ng titser ngayon,hindi pa sya nag-aasawa (eh baka iniintay ako,hahah) medyo pumusyaw pusyaw na sya ngayon.(Pero kung tinatanong nyo kung gumanda sya, eh masasabi ko “MABAIT SYA”)


UNANG GELPREN (FIRST GF)


Una akong nagkasyota noong Port Dyir hayskul ako, bale ex-gelpren yun ng bespren ko. Eh nagkasawaan na kaya ako naman ang nanligaw. At di naman ako nabigo at sinagot nya ako bago kami mag Field trip sa Enchanted Kingdom. Tanda tanda nya yung araw na yun kasi yun ang araw bago ko sya sinukahan sa bus dahil sa hilo dulot ng mga dyaskaheng mga “RIDES” na yan. Sama kamo non sinubukan kong pigilan pero para palang bulkang Pinatubo ang bibig ko kaya punong puno ng durog durog na Nagaraya (yun kasi baon ko), Chippy at kanin ang buong katawan nya. Hehehe!

Medyo okay naman sya kaso yun nga lang mas kilos lalaki pa sya kesa sa akin, boyish kasi sya (pero di sya tomboy). Madalas pag nakaupo yun eh nakabukaka at parang pinapahanginan ang ………. (alam nyo na!). Kaya sinasaway ko, sabi ko isara sara nya yun kasi baka sya kabagan o di kaya pasukan ng langaw. Pero madalas di naman sya nakikinig at binabatukan pa ako sabay konyot.

Nagbreak kami kasi napakaselosa nya, at nasasakal na ako. Sabi nya isip bata daw ako, eh di naman totoo yun at wala syang pruweba. Sya ang selosa kasi madalas nyang pagselosan yung teks, holen, gagamba at goma ko. O kaya pag hindi ko sya inahahatid kasi nga busy ako sa pagtataching, kara krus at pag hinahabol ko yung palabas sa TV na “VOLTRON” tuwing alas kwarto.Kaya nakipagbreak na ako sa kanya kasi napakaselosa nya talaga. Heheheh(totoo yan, di ako nagbibiro)


UPDATE: Magkabarkada kami nito (ako, sya at ang bespren ko) at ikakasal na sya sa December, 2010. Nasa Japan sya ngayon (hindi sya Japayuki dun, banker sya….BANKER!!!,hehehe )

UNANG PAG-IBIG (FIRST LOVE)


Si Lynette ang aking unang pag-ibig (pinangalanan na talaga), halos tatlong taon ko syang niligawan. Halos maging hampas lupa na ako sa kanya , kasi di ako kumakain , tinitipid ko yung baon ko para maihatid ko lang sya sa kanila (Pampanga kasi bahay nya). Kung sakaling medyo kulang na kulang talaga, eh nag wawantutri na lang ako sa dyip(di ako nagbabayad ng pamasahe pauwi). Kaya lahat ng gimik nagawa ko na tulad ng matulog kunwa-kunwarian, magtatakbo pag huminto na sa tapat namin yung dyip, magtago sa likod ng pasahero o di kaya maging dakilang taga-abot ng bayad at tagapagkwento ng driver.Minsan nabulyawan na ako sabi sa akin “HOY TOTO, ANG KAPAL NG MUKHA MO!!MAGBAYAD KA!!”, hayun tinakbuhan ko sya at naghabulan kami. Malas nya eh matagal ko nang pinagpraktisan yun.

Biruin nyo halos tatlong taon ko syang niligawan. Kinaaway ko na yung lahat ng barkadang naging karibal ko sa kanya, umuwi ng hatinggabi maihatid ko lang sya (dulo kasi sya ng Pampanga, ako naman dulo ng Bulacan) at mag wantu tri gabi gabi, pero sa huli BINASTED din nya ako at nauwi sya sa isang barkada kong simple kung umatake. Kaya halos pagsakluban ako ng langit at lupa nun, ayaw ko na ngang pumasok sa skul noon eh. Pinag-isipan ko na rin syang reypin (joke lang, di pa naman akong desperadong tao)

Kung tuusin din naman sya gaanong maganda (alangan pa nga sa akin eh, hahahhaha kapal ng mukha noh). Kamukha nya si Sugar Mercado ng sex bomb, pero meron talagang mga babaeng malakas ang appeal. At aaminin kong malakas talaga ang appeal nya. Sya ang una kong pag-ibig at sya rin ang unang bumasted sa akin. Pero ganun talaga ang buhay , pinag NOVENA ko pa yun kay Lord na sana maghiwalay agad sila. Pero mukhang mahina ako kay Lord, hehehe!!

UPDATE: Sila pa rin ng barkada ko, eh malamang malapit na rin silang ikasal. Magkaibigan pa rin naman kami pare-pareho. Medyo nung nakita ko yung latest picture nya sa Friendster ,eh kamukha nya pa rin si Sugar Mercado.


**********************************************************************
Yan ang mga una ko sa aking buhay, sabi nga nila sa ingles , there’s always “first”in our life. Laging may una sa buhay natin, lahat naman ng bagay ay kailangan may una. Kumbaga sa unang pagkakataon duon natin masusubukan ang ating mga sarili.. Maaring sa unang beses pa lang mabigo na tayo, pero okay lang yun kasi sa ikalawang beses susubukan na nating magtagumpay. Maaring sa mga unang subok natin sa buhay mahirapan tayo pero alam ko sa susunod sisiguraduhin natin madadalian na tayo.


Tandaan sana natin na sa mga una nating karanasan dun tayo madalas matuto. Duon natin naiintindihan ang bagay bagay. Duon tayo nakakahanap ng solusyon, duon tayo nakakita ng paraan at duon tayo mas tumatatag bilang isang tao. Huwag tayong matakot kung ito ay una palang sa ating buhay, sabi nga nila “mas mabuting sumubok ka at mabigo kesa maging bigo ka kasi di ka sumubok”.
Salamat po.

6 comments:

joyjee said...

Firsts.....Awesome :))))

gillboard said...

reminiscing lahat ng tao ngayon ah... hehehe

natsansingan ka ni Nene ah... baka nga naman kayong dalawa eh meant to be... di kaya?

The Gasoline Dude™ said...

Natawa ako ke Nene. Manyakis. LOL

pamatayhomesick said...

ok yung pix!

DRAKE said...

@Jee
Parang kilala kita, heheh!Salamat sa pagbasa!

@Gillboard
Mukha nga mga emo tao ngayon. OO natsansingan ako ni Nene, malay ko pang pinagpapantasyahan nya ako

@Gasul
Ngayon di na sya manyakis, medyo mabait na sya.

@Everlito
Musta? salamat sa pagbasa

Noel Ablon said...

Akala ko kung anong first time ito. Anyways nalibang ako sa mga first time mo.

Ganyan talaga ang buhay. Minsan may kabiguan sa ating buhay pero ngayon mukhang bihasa ka na, hehehe!

Sige sulat pa.