QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Tuesday, June 23, 2009

PROS AND CONS NG PAGIGING GWAPO AT HINDI GWAPO

Mayroong mga disadvantages at advantages ang pagiging gwapo at pagiging hindi gwapo. At heto ang ilan sa mga ito:


MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO



1. Hindi pwedeng lumabas ng bahay ng di naliligo o nagpapabango
2. Habulin ng mga matrona, babae at nagpipi-feeling babae
3. Hindi pwedeng mangulangot o maghihinunuli sa harap ng maraming tao
4. Sinasabihang “bakla”
5. Laging sinisiksik sa loob MRT/LRT kahit maluwag naman
6. Hindi pwedeng tumawad sa palengke kung ayaw marinig ito”Kay gwapo-gwapo wala namang pera”
7. Sinasabihang mayabang at suplado.
8. Walang karapatang magkaroon ng tinga sa ngipin, tumulo ang laway pag natutulog at magkaroon ng muta sa umaga.
9. Akala nila mabango rin pati utot mo
10. Laging natsan-tsansingan sa dyip, bus, MRT/LRT, gym, sinehan at kung saan saan pa.

MGA ADVANTAGES NG PAGIGING GWAPO

1. Sinasabihang “ mukhang mayaman” kahit wala namang pera
2. May lisensyang maging babaero (o kaya lalakero)
3. Madaling maka-utang at madali DAW pagkatiwalaan. (ganito maririnig mo:”Sige, gwapo ka naman eh……..”)
4. Pwedeng magwantutri sa bus o dyip ng hindi mahahalata
5. Lahat ng trabaho bagay sa kanya
6. Lahat din ng kulay ng damit bagay din
7. Isang matinding pa-kyut lang ang kailangan, tyak pauunahin na sya sa pila o kaya libre na sya ng miryenda at gupit.
8. Okay lang maging bobo, kasi may kasabihan daw “Aanhin mo ang damo kung mukha kang kabayo, mabuti pa ang bahay kubo sa paligid ligid ay puno ng linga”
9. Pwedeng maging artista o di kaya humanap ng mayamang matronang duktora para humingi nng kotse , bahay at pera. Saka i-video kasama ang maraming model at artista. Tyak magiging sikat ka pa
10. Okay lang na hindi magreview tuwing exam kasi tyak papakopyahin ka ng katabi mong babae(o bading) o di kaya ipapasa ka ng titser mong babae (o bading)


MGA DISADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO


1. Laging napagbibintangang magnanakaw, rapist, snatcher, akyat bahay ,shoplifter at kung ano ano pang krimen sa iyo ituturo.
2. Kahit maligo ng handred tayms mukha pa rin daw mabaho. Hindi rin sya pwedeng magselan kasi di raw bagay.
3. Hindi pwedeng maging artista, pulitiko lang (then saka lang pwedeng maging artista)
4. Laging kontrabida sa pelikula, o di kaya binabambo ng binilot na dyaryo at sinasabuyan ng ihi sa arinola.
5. Sinasabihang manyak ng katabing babae kahit mas matigas pa sa iyo ang mukha nya.
6. Kailangang maging matalino at mabait , kung hindi................. malamang sinasabihan ka ng “kaawa-awang nilalang”
7. Kahit branded ang damit at sapatos mukha pa rin daw galing “ukay-ukay”
8. Lahat ng bagay kamukha na nya at sinasabihang “mukhang palakol”, “mukhang tsinelas” “mukhang basket” at kung ano ano pa (hayop din kasama sa listahan)
9. Paboritong batuhin ng titser ng eraser, chalk at aklat. Sya rin ang pinagbibintangang kumain ng yema at pulburon na di pa nagbabayad.
10. Pag napasagot nya ang magandang babae sinasabihang “GINAYUMA LANG DAW “ pag kapwa panget naman ang napasagot nya - “NO CHOICE” daw ang tawag dun.



MGA ADVANTAGES NG PAGIGING HINDI GWAPO


1. Nagiging komedyante kaya kahit di nagpapatawa mukha pa ring nakakatawa
2. Okay lang lumabas ng bahay ng di nag-aayos at naliligo (kaya may lisensyang magkaroon ng putok at bad breath)
3. Hindi sinusundan ng makukulit na Saleslady dahil otomatiko na raw na hindi sila bibili
4. Pwedeng maging boksingero dahil hindi raw panghihinayangan ang mukha
5. Mabenta tuwing “Halloween”
6. Kahit magkaroon ka ng sex video walang gaanong papansin.
7. Hindi na kailangan mag-ubos ng pera para sa facial, eskinol, glutathione at kung ano ano pang pampagwapo.
8. Pwedeng mangulangot, umutot, dumighay at dumura sa harap ng maraming tao.
9. Madalas katakutan sa looban at kanto, dahil mukhang kakain ng tao.
10. Hindi malilito o lilingon pag may tumawag na “Hoy!Pogi!” sa likod.


Ang mundo ay balanse ng lahat ng bagay. Hindi pwedeng puro positibo lang at hindi rin pwede puro negatibo lang. Kaya may negatibo kasi may positibo at kaya may positibo kasi may negatibo. Ang lahat ng bagay ay may positibo at negatibong idinudulot sa atin. Hindi ba mas nakikita natin ang positibong bagay dahil sa negatibong pangyayari, at mas nakikita natin ang negatibong bagay dahil sa mga positibong nangyayari. Magulo ba? Naku basta intindihin nyo na lang!


Ang ilan sa mga nabanggit sa itaas ay naranasan ko rin, kaya di ko alam kung san akong kategorya nabibilang (sa gwapo ba o sa hindi gwapo) kaya tinanong ko yung kaibigan ko.


AKO: Pre gwapo ba ako o panget?

KAIBIGAN KO: Pare, hindi ka naman gwapo at hindi ka naman panget.

AKO: Eh ano ako?

KAIBIGAN KO: Tao ka drake, Tao ka!!

Ganun! Kumag yung kaibigan ko na yun ah, natural tao ako! Hindi ba halata?Pero siguro duon ako na bibilang sa GWAPONG PANGET na kategorya! Hindi nga kaya. ! Pero sa totoo lang nalilito pa rin ako pag may tumatawag sa likod na "Hoy, Pogi!", tapos hindi pala ako ang tinatawag. Yun palang katabi kong nagngangalang "POGI". Hehhehe, NAYS NEYM!!

Ingat na lang mga katoto,

Drake

9 comments:

gillboard said...

magpost ka ng pichur mo nang makilatis!!! hahaha

buti na lang di ako masyadong gwapo kaya di ako apektado ng mga disadvantages nito!!! (kulog)

Reolcyl said...

follow my blog naman po..please..thru dashboard nlang? kasi, dko ma show sa sidebar ko ung followers eh, auq nah kasi i change theme ko :) thanks po ahead! pls lang talga..:d

The Gasoline Dude said...

Eherrrmmm. Basta ang alam ko gwapo ako sabi ng Nanay ko. LOL

DRAKE said...

@Papa Gillboard @ Papa Alex,

Eh mga gwapo naman tayo eh, hindi nga lang halata!Hahaha!!

@Reolycyl

Sige subukan ko yung sinasabi mo

Reolcyl said...

thanks sa pag follow ah, musta blogs ko? hehe! sa shoutbox ko nalng ikaw reps..:)

Francesca said...

yung nagsasabing hindi ka guapo, dapat ng mag suot ng salamin.

TEKA, guapo ka nga ba?
Brad pitt ba? or Tom cruise?
Piktyur naman dyan ...

DRAKE said...

Humarap sa salamin si Ngongo. Sinipat-sipat niya ang kanyang image. Tapos, napangiti siyang sinabi, “Left side view, Tom Clus! Right side view, Blad Pit! Front view… insert coin! Mwiset!”

Hehehe Salamat Franchesca

Drake

PABLONG PABLING said...

hahahah. nice po..

ang ganda po ng post mo, na enjoy ko basahin. nakakatawa

fan ako teka maka follow.

kuya thed said...

woW, nakarelate aqu dun sa first part..heheh..

aus aH.. keep Up..