QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Thursday, June 4, 2009

Ayaw ko na!!!



Ayoko ko na, nahihirapan na ako! Bakit kayo ganyan, bakit pag nilalalabas ko ang nasa loob ko nagagalit kayo , naiinis kayo. Wala na ba akong karapatang ilabas kung ano man itong nasa loob ko. Oo alam ko minsan hindi maganda ang lumalabas sa akin, pero ano magagawa ko. Minsan talaga medyo malakas ang dating na parang naninigaw o minsan naman pabulong lang pero bakit ganun pa rin ang epekto sa inyo eh, galit pa rin kayo sa akin eh.


Mabuti kaya’y ilihim ko na lang ito sa inyo, hindi ko ipapaalam sa inyo itong nasasaloob ko. Bahala kayong magturuan, bahala kayong mag-away kung sino ang may sala. Hindi ako aamin kasi ayaw ko ng magalit uli kayo sa akin. Siguro makikisama na lang ako sa inyo, para kung sakaling mawala na yung isyu na yun makalimutan na rin ito pare pareho.


Mas maiging pigilan na lang itong nararamdaman ko, at subukang wag ko ng ilabas para wala na lang magalit sa aking tao. Alam kong di makakatulong at nakakasama yun para sa akin pero okay lang ayaw ko kasi na bigla na lang manlilisik ang mata nyo sa akin.


Alam kong meron din sa loob nyo na kinikimkim kung minsan pero alam kong bigla na lang itong sasabog sa hindi inaasahang pagkakaton at oras. Pero sisiguraduhin kong wala ako dun para di ako maapektuhan ng sama ng loob mo.


Kung tutuusin wala akong kasalanan kung naglabas man ako ng sama ng loob okay lang yun kasi tao ako pero bakit ganun sila kinukutya, nagagalit, pinapahiya at pinagtatawanan nila ako. Bakit hindi rin ba nila minsan ganun.


Hay hayaan ko na lang, AYOKO KO NANG ............................................................................ magpigil ng utot. Pero ang hirap palang pigilan ang utot kasi baka may sumama. Hehehe! Pero sabi nga nila ang tunay na lalaki ay may tae sa brief!!Pwede. Uyy nangiti sya. hahahhaa


P.S


Kala nyo seryosong usapin na no, hhehhehe! .

4 comments:

gillboard said...

Natawa ako dun sa huling paragraph... kelangan talaga may ganun?! hahaha

The Gasoline Dude said...

Alam ko na sa simula pa lang na ganito ang kahahantungan ng post na ito. LOLz

Dhianz said...

haha... ayos... akala koh emo nah... ingatz. Godbless! -di

DRAKE said...

@gillboard

Hehehe, akalain mo yun napatawa din kita

@gasoline dude

Buti naman nagboblog hop ka pa rin! Medyo hindi na pala bago sa iyo ito.

@Dhianz

Medyo emo-emohan lang!Syempre papampam