QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, July 1, 2009

MR.POGI----TA


Nung minsang naglalakad ako isang mall dito sa Saudi, lumapit sa aking isang bading at pinipilit akong sumali sa Ginoong Riyadh. Ito ang ikaapat na pagkakataon na pinilit akong sumali sa Ginoo..Ginoo na yan tulad ng Ginoong Bulacan, Ginoong Riyadh, Ginoong Mataas na Paaralan ng San Bartolome, at SUS!Ginoo. Eh hindi naman talaga ako mahilig sa ganyang pakontes sa pagandahang lalaki. Hindi ko rin makuha kung ano ang importansya at maitutulong nyan sa buhay ko. Hindi naman ako naghihikahos para asamin pa ang isang sakong bigas at gas range na premyo, at lalong hindi ko gustong maging sikat. Tingin ko kasi, ang mga sumasali sa ganyang mga pakontes ay mga kulang sa pansin at gustong maging sikat. Pero sa kabilang banda, natutuwa rin naman ako kasi nakonsidera akong sumali sa ganito. Kaya di ko tuloy maiwasang magtanong


AKO: Nakupo!Di po ako sumasali sa ganyan. Pero kuya, bakit nyo po ba akong gustong sumali dyan, dahil po ba “AY HAB DA LUKS?”

(Sabay tingin sa akin mula ulo hanggang paa)

PUMIPILIT: Kasi tingin ko “YU HAB DA HAYT!”


AKO: EH LUKS PO?


PUMIPILIT: Uhmmmm “U HAB DA GUTS!”


AKO: Eh sa LUKS PO?


PUMIPILIT: Uhmmmm “U HAB DA BRAIN!”


AKO: Eh sa LUKS PO?


PUMIPILIT: Eh….. mukhang ka namang MABAIT!!!


Hindi ko na tinanong ulit yung pumipilit sa akin , kasi baka bigwasan ko lang sya sa panga at paduguin ko ang esophagus nya! Eh siguro pakiramdam nya na masyadong makapal ang mukha ko para sumali sa ganyan at handa akong mamasyal sa entablado ng naka-brief lang na kita ang pisngi ng puwet at kuyukot ko (joke lang wala namang ganun hehehe!). Kaya isang malaking “HINDI” ang sinagot ko! At malamang may masama lang syang binabalak sa akin kaya nya ako nilapitan. (baka akala kolboy ako!patay tayo dyan)


Yung isang barkada kong sumali sa bayan namin ng ganyan (komo barakda suportado namin sya) nagulat kami sa mga pinaggagawa sa kanila. Kasi napakalaswa talaga ng kontes na yun! Pakiramdam ko na-exploit ang mga kasali dun (mapababae at mapalalaki). Yung mga babae pinasuot ng tali este ng panting halos pwede mo ng makita ang small at big intestine nila sa loob, tapos yung mga lalaki naman pinasuot ng trunks tapos nilagyan ng bimpo sa loob para raw malaking tingnan ang kwan nila. (ginawang lumpia).Kaya sari saring mga kamay ang mga humahawak sa kanila bukod pa sa mga matang hinuhubaran sila (yun na nga lang ang suot nila huhubaran pa sa tingin)

Kaya naman nakakatakot sumali sa mga ganyan kasi maeexploit ka talaga. Siguro kung magmomodel ka lang ng damit pwede. Pero kung merong ganyang kalaswaan eh di na siguro.

Dito sa Riyadh pinipilit akong sumali sa ganoong kontes kahit alam kong HULSAM naman ang kontes na yun at may sasagot na daw sa barong at iba pang damit ko . Pero ayaw ko talaga, saka isa pa kung may talent portion dun, ano naman ang ipapakita ko? Wala akong maisip!Di ako marunong sumayaw o kumanta pero baka ang gawin ko na lang ay magpalobo ng laway sa pamamagitan ng ilong o di kaya ipasok ko sa butas ng tenga at ilabas sa kabila ang isang pusa.


Sa opening naman ang sasabihin ko sa harap:


AKO: Nagulat kayo noh, akala nyo si Dingdong Dantes ito no!Nagkakamali kayo, ako nga pala si Drake ang Dingdong luk alayk apter da aksident (sabay feeling pogi pose).



Kung sa question and answer naman, at tinanong ako ng ganito:


Question: Kung magiging Presidente ka ng Pilipinas ano ang mga batas ang ipapatupad mo?


AKO: Pers op ol, ay wud layk to grit ebribadi “GUD IBNING”,kung magiging presidente ako ang una kong gagawin ay paalisin ko ang mga mayayaman sa Forbes Park at dito ko palilipatin ang mga mahihirap. Tapos gagawin ko ng legal ang shabu at mabibili ito sa botika pero ang isang gramo ay nagkakahalaga ng 1 milyon. Tapos ang mga estudyanteng walang klasrum ay papuntahin ko sa senado at kongreso para dun sila magklase, ang mga senado at kongresista ay magsesesyon sa ilalim ng puno ng kaymito. Tapos magpapaimprenta ako ng pera na may nakalagay na "FOR GOVERNMENT USE ONLY"para di na kami magnanakaw pa sa kaban ng bayan. Yun lang po at tenk yu beri mats.


Ano sa tingin nyo may pag-asa ba akong manalo?hehhehe! Basta ayaw ko talagang sumali sa ganyan bukod pa sa puro panlalait lang ang maririnig mo sa manonood, tulad ng “KAPAL NAMAN NG MUKHA NYAN, EH KAY PANGET PANGET SUMALI”, tapos pag hinanap mo kung sino ang sumigaw nun, makikita mo na mukhang pala syang salagubang na may kamay at paa ng tao. Tipong ganun ba, nagmimiron kahit wala namang karapatang magmiron.


Basta alam ko ,hindi ko na kailangan sumali sa ganyan para may patunayan ako sa sarili at sa ibang tao. Hindi ko naman kailangan ng papuri,parangal,titulo at tropeyo para maging isang mabuting tao. Hindi ko rin kailangan ng kasikatan at paghanga ng ibang tao para maging responsableng mamamayan. At lalong hindi ko na kailangan ipagsigawan sa marami ang mga bagay na mawawala rin sa paglipas ng panahon.


Okay lang na ganito, “GWAPO PERO HINDI HALATA”. Ika nga, aanhin mo ang pagiging gwapo kung MALIIT naman ang…………………………………… utak mo!hehehe,kala nyo yung kwan no!


Hayaan nyo kung mapilit akong sumali sa kontes na yan, malamang desperado na akong mapalanunan ang isang sakong bigas at gas range.



Ingat


Drake

7 comments:

gillboard said...

Siguro di ako tatanggi kung may lumapit sa akin kahit sino para sumali sa ganyan... ako pa magmamakaawa na isali dyan... hahahaha!!!

word verification: yellyeah

The Gasoline Dude said...

Gusto kong sumali sa ganyan, basta walang swimwear competition. LOL

DRAKE said...

@gillboard
Pwede! Why not coconut!!

@gasul
Balita ka ikaw daw ang Mr. UST?Totoo ba yun?hehehe

Salamat sa inyo

Dhianz said...

hey juz wanna say dat ahlab reading 'ur entries. don't wori nde na akoh mag-eesay komentz kc uulitin koh ren lang naman mga sinabi moh eh. ahlab 'ur blog. sarap moh magkuwento. ingatz. Godbless! -di

PABLONG PABLING said...

pareng drake

sambahin ka! ikaw dapat ang maging pangulo ng bansang Pilipinas

kamukha pa dingdong apter the aksident.

eh luks po?

The Scud said...

ayoko din sumali sa ganyan. walang hay. walang itsurs. walang talent. pag nagkaroon ng Ginoong Blogger sasali ako. hehe.

DRAKE said...

@Dianz
Okay lang namang mahaba ang comment mo! Hehehe!Gusto ko rin nga yun eh!

@Pablong Pabling
Hayaan mo pinag-iisipan ko ring tumakbo sa susunod na eleksyon

@Scud
Pwede dapat nga magkaroon ng Mr and Ms Blogger. Salamat sa pagbisita bro!!