Sa taas kong 5’9, bano ako sa basketball dahil sa traumang idinulot sa akin ng larong yan noong bata pa ako. Muntikan na kasi akong mabalian ng tuhod at mamatay dahil sa pampapabalya ng mga kalaro kong masyadong maeepal at parang maubusan ng bola. Tuloy, medyo natakot na akong sumubok pa sa kahit anong sports. At isa pa mas gusto ko pang humilata na lang sa sofa, manood ng T.V, ngumuya ng boy bawang at magpalaki ng ti........ tiyan. Wala akong sports na alam (bukod sa badminton, tatsing at patintero), iniisip ko noon siguro ayaw ko lang talaga ng pisikal na sports, pero nung subukan kong maglaro ng sports na pautakan tulad ng chess eh ganun din pala , banong bano din ako. Wala akong hilig talaga sa sports, kahit manood ng sports ayaw ko rin. Mas gusto ko pang manood ng Doreamon at Mojaco kesa manood ng basketball, baseball at kung ano ano pang may ball sa huli(meatballs??). Siguro ayaw ko lang ng may nanalo at may natatalo (dahil pikon ako pag natatalo, hahaha!). Ayaw ko rin kasi ng kumpetisyon eh.
Wala rin akong ka-art art sa katawan (hind yung kaartehan). Hindi ako marunong madrowing, wala akong alam sa pagpipinta o kung ano ano pang uri ng art, ang kaya ko lang gawin ay gumawa ng eroplano gamit ang art paper (Nyeee!!korni). Hindi ako magaling sumayaw at lalong hindi ako magaling kumanta. Wala akong katale-talento sa mga iyan. Nung nagsabog ang Dyos ng talento eh nasa CR ako nun. Kasi umalis na ako dahil nakarami na ako nung nagpasabog naman ang Dyos ng kakyutan. Akala ko kasi tapos na!!
Wala rin akong alam sa music, wala akong alam patugtugin kundi ang kilikili ko lang. Sinubukan kong mag-aral ng gitara, keyboard, drums, at kung ano ano pa pero talagang di ako matuto-tuto. Torotot na nga lang ang hinipan ko sintunado pa. Talagang banong bano ako sa ganyan. Gustong gusto kong matutong tumugtog pero talagang epal yang mga instrumento yan ayaw makisama at mukhang hanggang happy birthday lang talaga ang kaya kong tugtugin.
Masasabi kong very passive ang buhay ko o walang kwenta sa tagalog. Dahil mas gusto ko pang matulog, kumain ng chitchirya, makinig ng radyo at magbate………. ng itlog para sa niluluto kong omelet. Hindi rin kasi ako palalabas ng bahay dahil nga sa ganitong lifestyle ko- ang pagiging tamad.Siguro gym-bahay-opisina lang (naks gym!parang kay laki laki ng katawan ah). Hindi rin ako magimik na tao, kung gumigimik man ako madalas sa mga lugar na maganda ang music yung tamang chillout lang. Hindi ko gusto yung magsasayawan pa na halos magkapalitan na kayo ng amoy at naghuhumiyaw na ang putok mo sa kilikili kakasayaw. Gusto ko lang din mag-isa at nagiisip-isip kung paano yayaman este kung ano na ang nangyayari sa buhay ko, sabay inom ng san mig light at ng green mango shake (sarap nun).
Madalas ko rin kausapin ang sarili ko, at madalas nakikipagtalo din ako sa sarili ko (buwang!!). Madalas kong hinihingahan ng problema ang sarili ko at pinibigyan ko rin ng payo ang sarili ko. Madalas ko rin pasiyahin ang sarili ko at madalas din akong nakokornihan sa mga jokes na galing sa sarili ko. Basta weirdo ako, pero syempre di ko naman gagawin yun pag may ibang tao. Kung nasa kwarto lang ako at kami lang ng sarili ko ang tao sa loob. Saka ko lang ginagawa yan (medyo nasa border line na ako ng normal at ng baliw,hehehe)
Madalas kung pumupunta ako ng mall, gusto ko mag-isa lang ako. Uupo sa isang kanto at titingnan ko lang ang lahat ng taong dumadaan. Minsan ginagawan ko ng kwento ang mga buhay nila (parang tau-tauhan ko sila), o di kaya inaalam ko kung anong ugali meron sila at pinakagusto ko sa lahat ay maghanap ng seksi at magandang babae para silipan kung anong kulay ng panty nya. (Manyak na manyak). Basta halos nauubos ang oras ko kakatingin sa mga taong dumadaan, minsan napapatawa ako, minsan naiiyak sa awa at minsan nagagalit ako ng di ko alam kung bakit. Basta para sa akin isang malaking pelikula ang buhay ng tao.
Yan ang mga kawirduhan ko sa buhay. Pero sa totoo lang pag-focus naman ako sa isang bagay madalas akong nag-eexcel dun (nice nagyabang pa). Alam ko, kung sakaling seseryosohin ang alin man sa sports na gusto ko tyak magiging magaling ako dyan. Subok ko na ang sarili ko eh, at kaya kong dalhin ang aking sarili sa ultimate level para maging magaling (patayan kung patayan, hahaha). Kailangan ko lang talaga motibasyon. ...... Motibasyon at motibasyon. Ang subok na motibasyon sa akin, ay kapag minamaliit mo na ang kakayahan ko, niyurakan ang pagkatao at pinahiya sa iba. At bigyan mo lang ako ng maigsing panahon tyak kakainin mo ang lahat ng sinabi mo. Iba ako pag focus na focus kasi tyak tataob ka sa akin. (Ganyan talaga pag baliw, hehehe!)
Yun nga lang bihira lang mangyari sa akin na may nagmamaliit sa akin, kaya din balik sa dating buhay tamad.
Basta alam lahat ng tao ay may tinatagong kahinaan o kawirduhan. Ang pag-amin sa mga kahinaan mo ay pagtanggap sa mga limitasyon mo. Ang kahinaan ay hindi nangangahulang pagkatalo, dahil minsan nasa kahinaan natin ang ikakatagumpay o ikaayos ng buhay natin. Mula sa kahinaan natin mas nakikita natin ang mga kalakasan natin. Marami rin tayong mga kawirduhan o ugaling iba sa karamihan pero hindi ibig sabihin nun ay kabawasan ito sa pagkatao mo. Nilikha tayong iba-iba at hindi magkakapareho, at mula dito mas nakikita natin ang sarili nating identidad at mas lalo nating naiintindihan ang ating mga sarili.
Okay lang maging bano, walang talento o weirdo ang mahalaga ay marunong kang rumespeto sa kapwa mo para irespeto ka rin nila. Hindi dito nasusukat ang kagalingan ng tao, nakukuha ito sa iyong ugali at persepsyon sa buhay. Tandaan natin ang lahat ng bagay ay pwedeng pag-aralan pero ang paggalang sa iyo ng iba ay makukuha lang kung ito’y yung paghihirapan at pagsusumikapan.
Salamat sa pagbasa
14 comments:
lahat naman ata tayo may ka-weirdohan. bilib lang ako sa yo. pwede ka tumambay sa mall at magmasid. hehe. di ko gawain yun. :p
hehehe tawa muna ako kuya..hehehe Ü
realizing and accepting your weakness never means defeat much more it means strength, because you have been strong enough to accept the fact that you cant excel in everything..that you are not perfect..mahirap at masakit un sa ego, kaya bilib ako sayo kuya,apir!Ü
ayos lang naman maging bano. . . :) malaki naman ti. . . .tiyan
ugaling loner... pareho tayo halos lahat ng kaweirdohan mo.. hehehe... di ko nga lang minamanyak mga nakikita ko sa mga mall.. hehehe
@Scud
Ganun ako ka-emo at ka-wierdo!hehehe
@Superjaid
salamat at tama ka sa iyong tinuran! Nobody's perfect.
@Pablong Pabling
Tama ka okay lang maging bano basta malaki ang Ti.........ti!!!(hahaha direkta na talaga eh!!)
@Gillboard
Medyo pareho nga tayo ng ugali! Pansin ko na yun!
parang ako npakatamad din at walang katale-talento,marami lang ako katarantaduhan,lols isa din akong bano,weirdo,mabuhay tayo!hehe
ok lang naman maging tamad, basta walang ibang taong naaagrabyado. :) on weirdness, tama ka na lahat naman tayo may eccentricities sa katawan. it's the little weird things we do that make us who we are. (parang kanta yun a. haha).
@Hari ng Sablay
Mukhang magkakasundo tayo pre! Bat hindi tayo magtayo ng samahan para sa bano, tamad at weirdo!heheh
@moonsparks
kakatuwa naman ang mga komento mo talagang binabasa mo ang mga sinulat ko!
Pareho pala tayo pagdating sa sports - walang hilig. Naaalala ko noong college mga friends ko ay inaya ako basketball na P.E. e di naman ako nagba-basketball kasi gaya mo nadala nung naglaro kami dati ay nasapol yung family jewels kaya ayun never na sabi ko - buti na lang di ako nabaog akala ko talaga kasi namilipit ako sa sakit noon at halos di makalakad.
Bagsak ko volleyball, doon medyo ok ako at sa table tennis. Pero nakakahiya, dahil ako na merong training sa table tennis ay tinalo ng misis ko. Kelan lang ay naglaro kami - bano rin pala ako hehe.
Pare, since preho tayo sa FW ay dagdag naman natin each other sa mga links ng blogroll. Idadagdag na kita.
Teka akala ko ayaw mo ng kompetisyon, bakit sumali ka sa PEBA? hahaha, nangungulit lang.
All the best sa ating mga entries. Atleast ngayon hindi na ikaw ang kulelat - pinalitan ko na ang trono mo.
Inulit ko, garbage eh.
Ayos lang yun. Ako man ay di mahilig sa kompetisyon, ayoko rin kasing natatalo - ayoko ng rejection waaah!
Sinubukan ko lang baka may ma-denggoy tayo kapwa OFW hahaha! Basta sulat lang tayo. Hindi ko nga akalain madadagdagan mga friends ko dito kaya siguro yun na lang ang pinaka-malaking benefit ko sa pagsali dito sa PEBA - friends di ba! yun pa lang achievement na.
Oo nga pala, kasapi ka rin ba diyan ng mga church, kasi minsan natanong mo sa akin kung ano samahan ko - teka ikaw nga ba yun?
kapatid ko pag nagbabasketball nilalagnat pagkatapos nya maglaro kaya di na siya sumasali pa. Ang dahilan ay di ko talagang alam. Malamang kasi di sanay ang katawan sa hirap at pagod wahehhehehe
Okay lang yung mga sinabi mong characteristic. Sabi mo nga, basta wala kang nasagasa-an o na-agrabyado sa pagiging bano, walang talento at pagiging weirdo. : D
ako din dati hilig ko basketball, pero simula ng sumabit yung paa ko ring di nko ng laro,,,hehehe
Post a Comment