Ang lahat ng sinusweldo ko dito sa abroad ay pinapadala ko lahat sa amin sa Pilipinas, eh kasi nga may pinag-aaral akong mga kapatid. Bukod pa sa mga tubo sa utang na ako na rin ang sumagot. Kaya para naman medyo sumaya saya ako ng kaunti dahil nga halos hindi ko maramdaman ang sweldo ko, kailangan kong regaluhan ang sarili ko bawat taon. Ito na ang pampalubag loob ko at , para naman hindi ako masyadong maawa sa aking sarili. At ito ang mga iyon
1. PDA and Bluetooth Headphones ( 2006)
Update: Nagsawa na akong gamitin yan, dahil sa aking bagong chelpon, kaya hayun nakabagak lang sa bahay!!
Presyo (converted) : 20,000 pesos (PDA) at 5,000 pesos (Bluetooth Headphones)
2. IPOD NANO-3rd Generation and Swatch Irony ( 2007)
Halos hindi ako makatulog dyan sa Ipod-Nano na yan, kasi nga bagong labas at parang hotcake sa sobrang mabenta. Nung mga panahon na yun halos lahat ata ng tao ay may Ipod na, ako lang ang wala. Kaya naman hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at binili ko na ang mainit init at bagong labas na Ipod Nano-3rd Generation. Pero syempre hindi lang yun ang regalo ko sa aking sarili bumili na rin ako ng relo. Masyado kasi akong konsyus sa oras, pero madalas din akong leyt. Kaya nung magpunta ako sa isang “swatch” na tindahan dito binili ko na yung mangasul ngasul na “Swatch Irony”. Kahit man lang ang braso ko maging mayaman.
Update: Yung Ipod Nano ko ibinigay ko sa aking kapatid na nakatapos ng nursing bilang regalo ko sa kanya. Tapos yung relo kong swatch naarbor ng kapatid ko nung umuwi ko sa Pinas. Sa huli wala rin, napunta lang din sa kanila. Pero okay lang!
Presyo (converted): 10,000 pesos (IPOD Nano) at 8,000 pesos (Swatch Irony)
3. IPHONE at DIGICAM (2008)
Kaya ko pinanregalo ang Ipod ko dahil dito at ito na rin ang gamit ko ngayong chelpon. Grabe talaga itong telepono na ito mautak pa kesa sa akin. Maganda ang camera, may Ipod pa, pwede kang maglagay ng napakaraming application at higit sa lahat mukha kang mayaman pag gamit mo ito. Nung umuwi ako sa Pinas, hindi ko nagamit kasi natatakot ako baka bigla na lang hablutin ang chelpon ko na iyon at iyon pa ang maging mitsa ng buhay ko. Kaya ginawa lang kalkulator ng nanay ko kasi ayaw nyang ipadala sa akin (totyal si nanay ah). Kaya ang dala ko na lang, eh yung Nokia 3210, tyak pagnakita ng snatcher ang chelpon ko ay bigyan pa ako ng limos, o di kaya ipukpok ang chelpon ko sa aking ulo. Teka hindi lang yang ang binili ko noong 2008, kundi pati na rin isang 8.1 megapixel na Olympus camera. Medyo mura lang ito pero pwedeng pwede na sa mukha ko. Hindi naman maselan ang pagmumukhang ito eh!
Update: Lokong loko ako sa kakalikot ng aking Iphone at yung digicam nagsawa rin sa mukha ko kaya pahinga muna sya
Presyo (Converted): 30,000 pesos (Iphone) at 7,000 pesos (digicam)
REGALO NG KUMPANYA KO SA AKIN
Medyo swerte lang at medyo maganda ang kumpanya ko, kasi medyo binigyan naman nila ako ng regalo paminsan minsa. Kaso ang regalo nila puro mga USB, at Portable Harddisk, pero pamatay naman talaga. Halos binigyan nila ako ng 5 Flash Drives kaso nawala ang isa, binigyan nila ako ng dalawang 2GB, 4GB at 16GB pero ang hindi ko kinaya ay nung binigyan nila ako ng 64GB na flash drive. Nakamputsa bagong bago at mainit init pa ito. Halos hindi pa nga nailalabos ito sa merkado eh, saka halos lahat ng pwede mong ilagay lahat ng files mo, pati yung mga bidyo iskandal. Grabe yun talaga! Pero bago pa nga pala yung mga flash drive nay an binigyan muna nila ako ng 320GB portable HDD, para sa pagbaback-up ko ng aking mga files. Kasi nga baka mawala yung mga dinownload kong mga movies at mp3. Kaya kailangan kailangan ko talaga ng mga iyan.
Update: Halos mapupuno ko na ng movies ang HDD ko, eh maalala ko hindi pala akin yun talaga sa kumpanya pa rin yun.
Presyo (converted): 200 pesos (2GB Flash drive), 500 pesos(4 GB), 2,500 pesos (16GB), 10,000 pesos (64GB) at 4,500 (portable HDD)
ANG SUSUNOD KONG REGALO SA AKING SARILI PARA SA 2009......
LCD TV 32 inches o 42 inches.....whahahahahahaha (parang may masamang binabalak ah!!)
Sa halos mahigit tatlong taon kong pagtatrabaho abroad kahit paano nawawala wala ang pagkahomesick ko, ito rin ang paraan ko para kahit paano ay mabigyan ng gantimpala ang aking sarili na nagtatrabaho sa ibang bansa para sa aking pamilya. Sa ganitong paraan masasabi kong “hindi ko naman nakalimutan ang aking sarili. Kung tutuusin halos lahat naman ay pinapadala ko na sa aking pamilya kaya hindi na siguro kalabisan ito.
Madalas ko kasing na-eencounter na nagsawa na silang tumulong sa kanilang pamilya, eh iyon pala nakalimutan pala nilang bigyan ng importansya ang sarili. Sabi nga ng mga kakilala ko ring nandito sa abroad, "hindi kalabisan na bigyan mo ng regalo ang sarili mo. Sa laki ng sakripisyo at paghihirap natin nararapat na lang na bigyang kasiyahan ang ating mga sarili."
Hindi ako nagmamayabang sa mga nabili ko, natutuwa lang ako pag nakikita ko ang mga gadgets na yan. Ito ang katibayan na kahit mahirap at malungkot sa ibang bansa kahit papaano nagawa kong bigyan kahit ng munting kakuntentuhan ang aking sarili.
At payo ko rin sa iba, kahit saan ka man nagtatrabaho, sa Pilipinas man o kahit sa ibang bansa. Kung sakaling nagtratrabaho ka para sa iyong pamilya bigyan pa rin ng importansya ang sarili kahit minsan. Hindi ito kalabisan kundi gantimpala lang sa lahat ng paghihirap at sakripisyo para sa pamilya mo.
Ngayon kung mayabang pa rin ang dating ko,eh........... o sige mayabang na ako, ako na masama ang ugali, ako na ang pumatay kay Magellan. ako na lahat.......kayo na ang Humble!! Kayo na ang mabait!!Hehehe!
Iyon lamang po at maraming salamat.
Drake
P.S
Bakit nilagay ko yung presyo,eh kasi kung sakaling gipitin ako eh isasanla ko sa mga may gusto, para hindi na magkabaratan pa. Hehehe.
4 comments:
yaman ah... pero tama ka dapat minsan sa isang taon eh binibigyan mo ng regalo ang sarili mo..
twice ko gawain yan, pasko at berdey ko..
. makapag trabaho nga sa ibang bansa.,
dito sa pinas eh kwan. kwan basta.
We think we all deserve to have a little little something for ourself. Ang mantra nga ng mga Pink Tarha Ladies pag nagdadalawang isip na bumili ng isang bagay na laman ng aming mga panaginip... "Bakit ba tayo nagtratrabaho?!" :P
We OFWs sacrifice a lot for our families (lalo na para sa mga padre de pamilya) kaya naman paminsan-minsan, pagbigyan naman natin ang ating mga sarili. Motivation din yan. :)
@gillboard
hindi naman ako mayaman, mukha lang!joke
@Pablong Pabling
Naku hindi lang yan ang magkakaroon ka mas marami pa dyan kasi magiging American citizen ka na. Naks
@Pink Taha
Tama yan! Totoo nagbibigay sa iyo yan ng motibasyon
Post a Comment