QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Monday, July 6, 2009

BUHAY APLIKANTE


Naikuwento ko na dati dito sa aking blog kung anong hirap ang inabot ko makahanap lang ako ng trabaho na pwedeng bumuhay sa akin at sa aking mga gelpren. Pero talagang mailap ang pagkakataon sa akin dahil masyadong nagseselan ang mga kumpanya sa atin sa Pilipinas. Akala ko may balat lang ako sa puwet kaya di ako natatanggap . Pero hindi naman siguro ibig sabihin nun na halos 7 milyong Pilipino ay may malaking balat sa kanilang WETPU (ayon yan sa unemployment rate ng NSO, nice nagresearch ako talaga).


Halos magkandasuka suka ako kakasakay ng mga nakakahilong elebeytor na yan dahil lahat ng building sa Makati ay pinuntahan ko na at inaaplayan. Halos makandaputok-putok o mag-amoy anghit ako dahil tagaktak ang pawis sa paglalakad (wala kasi akong pambili ng rexona) pero talagang masyadong maaarte ang mga kumpanya sa atin. Okay, tanggap ko na kumpanya nila yun at may karapatan silang kumuha ng “kwalipayd employi” na gusto nila, pero por dyos por santo bakit yung kasama kong nag-apply na parang mongoloid magsalita at mukhang puro bidyo geyms ang alam, eh nakapasa! Dahil ba kamukha nya si Dennis Trillo, ganun ba? Samantala ako halos magkandapilipit pilit na ang dila kaka-englis at halikan ang mga paa nila para matanggap lang eh waepek pa rin. Nakakasakit pa ng loob dahil nakita ko na lang na nasa basuhan ang resume’ ko tapos may nakalagay pang sungay at ilong ng baboy ang piktyur ko! Haw deyr u! Ano kala nyo sa piktyur ko “coloring book”.


Nung minsan namang nakasabay ko yung isang babaeng mukhang dinosaur sa pag-aaplay sa isang kumpanya sa Makati. Akala ko kakainin ako ng buhay kung makatingin at iniirapan ako ng dinosaur na yun, palibhasa ako yung makakalaban nya sa bakanteng posisyon doon sa kumpanya kaya ganun na lang sya makatingin. Sinusukat ba ang kakayahan ko, at parang kay yabang yabang ng dating nya! Ako naman, ayaw ko syang tingnan kasi baka biglang sumakit ang tyan ko (yung usog ba!) at baka mapaginipan ko sya sa gabi dahil mukha talaga syang halimaw sa banga.


Nauuna akong tinawag para sa interbyu tapos sya naman, makalipas ang 15 minuto sinabi ni seksing sekretarya kung sino ang tanggap. At halos bumaligtad ang sikmura ko noong malaman kong yung babaeng mukhang dinosaur ang nakuha. Gulat talaga ako sa resulta pero napakalma lang ako ng malaman kong “Cum Laude” pala sya. Eh kaya natanggap ko na rin, pero kawawa naman yung magiging kasamahan nya kasi araw araw nilang makikita ang mukhang na yun at tyak sasakit din ang mga tiyan nila. At para naman kay babaeng mukhang dinosaur, pasalamat sya at matalino sya dahil kung hindi sya matalino eh sya na ang pinakakawawang nilalang sa buong mundo. Kaya sabi ko “Peyr talaga si Papa Jesus”!


Sunod na aplay ko, sa Makati rin. Dis taym sinigurado ko muna na kaya ko na ang makakalaban ko sa bakanteng posisyon, pag tipong talo ako sa gandang lalaki o taba ng utak eh aalis na ako . Kaya nakipagkwentuhan ako sa mga aplikante para malaman ko ang mga kapasidad nila, sabay alok na rin ng produkto ng Forever Living, butong kalabasa, choki choki, yosi at mani(eh sideline ko yun eh at para kumita ng konti ). Sa aking pagtatantya eh mukhang yakang yaka ko naman, kasi ako na ang pinakagwapo dun (kaya isipin nyo na lang kung ano na lang ang hitsura ng mga kasabayan ko) at mukhang ako na rin ang pinakamatalino (eh piling ko lang naman!). Kaya pagkatapos ng interbyu sa aming lahat, medyo nagekspek na ako na ang makukuha (kung mukha at paduguan ng ilong sa english ang pag-uusapan, eh medyo lamang ng konti) pero nagulat ako na yung katabi ko pala ang natanggap sa posisyon. Tiningnan ko yung natanggap na aplikante at sa aking pagkakaalala , sya yung nakakwentuhang kong binatukan ng titser dahil nahuling nangongopya sa katabi kaya sigurado akong hindi sya matalino at lalong hindi sya mukhang tao este mukhang artista. Kaya nakakagulat talaga ang pangyayari. Di ko matanggap yung resulta pero ganun talaga ang buhay “unpredictable” ika nga. Pag-alis ko nakita kong binulungan ng natanggap na aplikante yun nag-iinterbyu at rinig na rinig kong sinabi nya sa nag-iinterberyu na “Salamat po tita!!” . Nakamputcha tyahin nya pala yung nag-iinterbyu! Bwiseeeet! Dats nat peyr!!


Bagsak na talaga ang loob ko kasi halos dalawang buwan na akong walang trabaho! Wala na rin akong pambili ng Gel sa buhok kaya yung kanin na lang ang ginagawa kong pampatigas ng buhok. Hindi ko na alam ang gagawin , kaya sabi ko sa aking sarili "last na aplay na ito". At syempre dahil huling aplay ko na, ibubuhos ko na ang buong kapangyarihan at tataasan ko na ang aking pangarap . Kaya napagdesisyunan ko na sa isang malaking kumpanya na ako mag-aaplay.


Pagpasok ko sa opisina ng malaking kumpanya na yun, nahiya ako sa aking sarili kasi puros mayayaman, may magagandang mukha at mukhang intelehente ang kasabayan ko. Tuloy nahiya akong alukin sila ng mga paninda ko, saka nagmukha akong mga alalay nila. Kaya tahimik na lang akong nagmamasid sa kanila, at inaamoy ang ubod ng puti, sexy at magandang katabi ko. Gusto ko sanang magpa-otograp sa kanila kasi mukha silang artista pero kasi tinawag na ako ng mag-iinterbyu.


Pag-upo ko pa lang sa upuan kaharap ng nag-iinterbyu, kumabog na ang dibdib ko at nagsimulang nang magbaha ng pawis ang buo kong katawan. Sinimulan na akong tanungin kung graduate ako ng sikat na unibersidad, kung ano ang work experiences ko, kung ano ang mga greyds ko, at kung ilan ang gerlpren ko este kung ilang taon na ako. Alam kong babagsak ako sa interbyu na yun kasi di naman gaanong sikat ang skul namin, wala akong work experience kasi bagong gradweyt lang ako (dapat kasi sex experience na lang ang tinanong nya baka may maisagot pa ako, hehhe joke lang), at lalong bagsak na ako sa interbyu kasi puro bagsak ang greyds ko. Wala na!Taob na ako dito! Kaya naman pagkatapos ng interbyu umuwi na lang ako at simulan ko ng magtanim ng kamote.


Yan ang mga eksperensya ko nung nag-aaplay ako ng trabaho noon. Nakakasakit lang isipin na minsan hindi ka na nabibigyan pa ng pagkakataon ipakita ang iyong kakayahan at galing. Tila nakakahon na ang kagalingan mo sa unibersidad na pinag-aralan mo, nakagapos na ang karunungan mo sa mga grado o numero sa transcript, at nasusukat ang kakayahan mo sa iyong hitsura at panlabas na kaanyuan. Nakakalungkot isipin na ganito ang nangyayari sa atin. Nahuhusgahan ka na ayon sa mga datos ng iyong pinag-aralan, pigura ng iyong katawan at ganda ng iyong mukha. Hindi ka na nabibigyan pa ng pagkakataon na maipakita ang iyong galing at ipamalas ang iyong kakayahan. Nakakalungkot isipin na nabubuhay tayo ayon sa “standards” ng ibang tao.


Kung minsan naman nawawalang halaga ang lahat ng iyong kahusayan dahil mas napipili ang mga taong may koneksyon at may kapit. Tila kasama na talaga ang pulitika sa pang-araw araw nating pamumuhay, kadugtong na rin ng buhay Pilipino ang “stigma” o negatibong epekto ng pulitika.


Nakakalungkot isipin pero ito ang katotohanan na nangyayari sa atin sa Pilipinas, at lalong masakit isipin na kung minsan ang dayuhan pa o ang ibang bansa ang nagpapahalaga ng iyong kakayahan at galing. Hindi nila kinakahon ang iyong pagkatao batay sa iyong pinag-aralan, hitsura o kung sino ang mga kilala mong tao. Binigyan ka nila ng pagkakataong ipakita ang iyong kakayahan at galing, at mas tinitingnan nila ang kasipagan, dedikasyon at ang paggalang mo sa ibang tao. Binibigyan ka nila ng pagkakataon na ipakita sa kanila na karapat dapat ka nilang tanggapin bilang empleyado.


Sana magawa pang mabago ang mga mababaw na batayan ng ibang kumpanya sa atin. Sana mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng tao, bigyan ng pantay na pagtingin at patas na pagpili. Maraming bagay na hindi kayang sukatin ng numero o grado, marami bagay na mas mahalaga pa sa panlabas na kaanyuan at maraming bagay din na hindi makikita sa unibersidad na iyong pinanggaling o ng mga sikat na taong iyong kilala. Ang dedikasyon sa trabaho , kasipagan at paggalang ay kasama sa maraming bagay na ito. Kaya sana mabago pa natin ang pag-iisip natin tungkol dito.


Iyon lamang po at maraming salamat.

9 comments:

The Gasoline Dude™ said...

Haha. Ganyan talaga P're. Finding a job is kinda like finding a girlfriend. Ikaw na bahala mag-isip kung bakit ko nasabi 'yun. LOL

At natawa ako sa Choki Choki. Tagal ko na ding hindi nakakain nun. Hehe. = P

Ree Gesture said...

shocks! hirap naman mag imagine ng paghahanap ng work sa future...

PABLONG PABLING said...

ganun na ngani sa pinas

pag may dalawang taong nag apply ng sabay isang poging bobo at isang pangit na scholar/topnotcher/nerd ang matatanggap pa ay si poging bobo.

buhay pinas.

goodluck sa trabahao parekoy

gillboard said...

Nasa pagdadala lang sa sarili yan pagdating sa interview.

DRAKE said...

@Gasul
Uhmmm! Parang alam ko na kung bakit pareho ang girlfriend at trabaho. Basta ang daming similarities

@Reolcyl
Di ka pa ba nagwowork?Mahirap talaga!

@Pablong Pabling
Medyo ganun na nga!Ikaw ano gusto mo pangit na scholar o poging bobo?hehehhe

@gillboard
medyo masyado lang talagang matataas ang standard sa atin. Diskarte lang talaga!

Sa inyong apat maraming salamat sa pagkumento!

Francesca said...

i read word by word your post and i felt the pain.
Grabeh.

I dont have those best skul ek eks, but I got a good payign job, because I landed well, an emplyer trusted me and become good (pinay ako eh) to my work.
Then eventually, ako na namimili ng amo.

Anyway, if you are on day of interview, wala muna choki choki, kasi it implies your status, you will be doing that also when at work.
Feel ko lang ganun tingin ng mga nag iinterbyu.

But the only chance of the Pilipino is to go abroad, where they dont ask your skul or what ever, they just rely on you as being a:
Pilipino.
Wish dito ka sa France, makatikim ako ng choki choki, hehe

Boy Experto said...

hehe! nakaka-relate ako sa post mo. ilang linggo na din ako naghahanap ng trabaho.hehehe. goodluck sa atin!

Unknown said...

Yearly we have been receiving tons and tons of fresh graduate to expect what it feels like to land a dream job that they were applying to. I'm also a fresh graduate and some companies don't look upon your credentials rather on your communication skiils,creativity and dedication to get the job. Also there are important traits or personality that employers are looking for newly graduates is the their willingness and eagerness to learn from the company. Grades are just numbers I do strongly agree with you. Unfortunately I hope not all the companies are mostly preferred the graduates from famous and known university like that of the PUP which according to survey of the Philippine's popular job portal, employees and candidates who have graduate from PUP are indeed hardworking individual and not dependable person. However PUP doesn't accept this self entitlement but they'd appreciate it. Employers and recruiters are merely looking for applicants who possess strong analytical and communication skills because every people in a certain company is an investment for the whole productions. Language is either not the most preferred method of hiring professionals it only proves that communication has a vital role in connecting with the farther boarders to earn more prospects and venture into long distances of wide range of services. I hope you have a job right now and at the meantime you have to hone your skills and maintain that positive attitude on you that will serve as your platform to land in another job and you ha we something to be proud of.

Unknown said...

If you want to apply in a company research first about the company's name. There are training centers around the corners of manila that offers free trial and after that free job assistance and endorsements from its partner companies. Practice makes perfect and keep on learning. Graduation isn't the end of everything. And education doesn't stop from there. It's unending.