Subalit, sana maisip din natin na marami rin sa ating ang may taning na ang kanilang mga buhay. Pilit na lumalaban at hindi pa rin nawalan ng pag-asa. Tiniis ang paghihirap at pighati madugtungan pa ang nalalabing araw nila sa mundo ito. Patuloy na gumagawa ng paraan para makasama pa ang mahal nila sa buhay. Inuubos ang lahat ng kanilang yaman sa mundo para lamang madugtungan kahit ilang araw ang kanilang buhay.
Ngayon, sino sa kanila ang mas kaawa awa?
Marami sa atin ang nagsasawa na sa trabaho, naiinis na sa magagaliting boss, napapagod na sa paulit ulit na takbo ng buhay at maliit na kinikita . Madalas napangungunahan ng paghahangad sa malaking sweldo at mataas na posisyon at nakakalimutang pasalamatan at tingnan ang bagay na mayroon sya sa buhay.
Subalit sana maisip din natin na marami rin sa atin ang hindi alam kung paano makakita ng trabaho para masuportahan ang kanilang pamilya. Sila ang mga taong handang mapagod at mahirapan may mapakain lamang sa kanilang mga pamilya. Sila na hindi iniisip ang kikitain kundi kung paano makaraos sa araw araw. Sila na hindi iniisip kung sila ay nasa kapahamakan maitaguyod lamang ang kanilang mahal sa buhay.
Ngayon, sino sa kanila ang mas karapat dapat pang maghangad?
Marami sa atin ang gulong gulo sa mga bagong gadget, cellphone, laptop o digital camera. Pakiramdam nila na hindi sila mabubuhay ang mga bagay na yun. Alisin mo ang mga bagay na ito sa kanilang mga buhay animoy inalisan na rin sila ng hangin para mabuhay. Hindi makatulog kapag hindi nabibili ang bagong labas na sapatos, bag at damit, halos ubusin ang pera para sa mga materyal na mga bagay
Subalit sana maisip din natin marami rin sa atin ang hindi man lamang nakakatungtong sa eskuwelahan, at nagtyatyagang namumulot ng basura para lamang mabuhay. Sila na wala man lamang maayos na tirahan at masisilungan. Namamalimos sa lansangan, nagbebenta ng basahan, nagbibilad sa ilalim ng araw para kahit paano ay kumita ng konting pera. Sila na nakatira sa ilalim ng tulay, sila na nasa tabi ng gabundok ng basura at sila na nakatira sa lansangan. Sila na halos gutay gutay ang damit at wala man lang maayos na panyapak, wala man lamang silang panlaban sa sobrang init at lamig ng panahon.
Ngayon, sino sa kanila ang pinakanahihirapan sa buhay?
Marami sa atin ang halos hindi na kumakain para magkaroon ng magandang pigura. Ginugutom ang sarili para lamang makuha ang magandang hubog ng katawan. Marami rin sa atin ang walang pakialam sa mga nasasayang na pagkain, tinatapon na lang kung saan saan, winawalang bahala ang mga pagkain sapagkat hindi sila nasasarapan o hindi gusto ang nasa hapag kainan.
Subalit sana maisip din natin na marami sa atin ang hindi na nakakain 3 beses sa isang araw. Gustuhin man nilang kumain pero wala silang pagkain sa kanilang mga mesa. Tinitiis na matulog ng gutom, kinakain ang mga basura, at pinapawi ang gutom sa pamamgitan ng pag-inom ng tubig. Sila na hindi iniisip ang hubog ng katawan pero mas iniisip ang laman ng sikmura. Marami rin sa atin ang nasa banig ng karamdaman, mga walang gana at lakas para kumain. Nasa kanila man ang pinakamasasarap na pagkain sa mundo pero kung wala kang panlasa, itoy wala ring saysay para matikman ito
Ngayon sino ang nangangailangan ng pagkain?
Sabi nila hindi mo mararamdaman ang kahalagahan ng isang bagay kapag nawala na lamang sa iyo ito. Subalit aantayin pa ba nating mawala ito bago natin bigyan ito ng importansya. Bakit hindi nating simulang bilangin ang ating mga bagay na mayroon tayo at ipagpasalamat ang mga ito. Minsan hanap tayo ng hanap ng mga bagay na wala sa atin, kinakalimutan ang mga bagay na pinagkaloob ng Dyos sapagkat napapangungunahan tayo ng ating pansariling kagustuhan at kahiligan .Sabi nga nila aanhin mo ang pinakamagarang sasakyan o bahay kung tila nabubuhay kang namang mag-isa sa mundong ito.
Aanhin mo ang tagumpay kung wala ka namang pag-aalayan nito at hindi mo man lang maibahagi ang kasiyahan o karangalan mo?
Aanhin mo ang yaman ng mundo kung lahat naman ng tao ay ayaw sa iyo?
At aanhin mo ang talino kung ginagamit mo ito para makasira ng buhay ng ibang tao?
Maraming bagay na dapat natin ipagpasalamat sa Dyos. Sana huwag tayong panghinaan ng loob kung sakali mang may mabigat tayong suliranin sa buhay. Walang permanente sa mundo tulad ng paghihirap at kayamanan ang lahat ay pwedeng mabago at ang lahat ay pwedeng mawala. Kaya mabuting tumayo at gumagawa ng paraan para sa magandang ikabubuti.
Hindi masama ang maghangad ngunit sana hindi ito ang kokontrol sa iyong buhay. Hindi masama ang mag-asam ng mas maganda subalit sana'y hindi ito ang makabulag sa iyong mga mata para makita ang mga bagay na mas mahalaga at mga bagay na mayroon ka.
Marami mga tanong ang naiwan sa ating kaisipan at hindi na nating kailangan pang hanapin kung saan o kanino man dahil ang lahat ng katanungan natin ay masagot sa pagtingin at pagsusuring mabuti ng ating sarili. Sana matapos malaman ang sagot at masuri ang sarili subukang tumulong din sa mas nangangailangan.
Iiwanan ko sa inyo ang isang bidyo na nasa ibaba sana makatulong ito.
6 comments:
wow..this post is very inspiring and informative..*applause* saludo ako,woow!Ü anyways,i feel so bless knowing the things you said kuya,swerte ko pala at di pala dapat ako magreklamo ng magreklamo..
Tenk you supejaid!! At hanga ako sa iyo kasi alam kong na-appreciate mo na ang buhay na meron ka ngayon!
Ingat!
tol galing nga..isa kang henyo...karamihan kc bulag na sa karangyaan na tinatamsa nla..bulag na at d makuntento...we share the same sentiments about people na tulad nila. aja aja
Isang makabuluhan post an eye opener sa bawat Pilipino. Let us not allow the sin of greediness consumes our souls, let us learn the virtue of love, compassion and charity reigns in our hearts in helping our fellow Filipinos.
Purihin ka kaibigan.
@Rico Buco
Medyo hawig tayo ng topic noh!heheh! hehehe! Keep on touching other's lives
@POpe
Maraming salamat sa pagbisita nyo! At lubos din po akong humahanga sa inyo.
Ingat
Drake
THIS system shoudl end.
Phil govt cannot control over population centered in Manila.
They need these slum dwellers, because they need them for election.
Its all dirty politics and hurt to imagine.
This system must end.
Its is heart breaking, but a common juan like you and me cannot solve it,
Wishing of God's Justice soon to come.
Post a Comment