QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Saturday, August 8, 2009

Eh kung sya kaya ang pinaparada......

Pagkatapos ng libing ni Tita Cory, marami ang nagsasabing dapat gawing santo (santa) si Tita Cory. Para sa akin parang OA na ata yun, kaya naman natuwa ako ng minsang ininterbyu ng isang reporter ang isang dyipni drayber at ganito ang usapan nila.

Reporter: Payag ka ba na maging santo (santa) si Tita Cory?

Dyipni Drayber: Parang sobra naman po ata yun. Tao lang din naman sya at saka hindi sya pwedeng maging santo kasi wala naman syang Kapangyarihan!!!

Nyeek!!! Buwal ako kay Manong Drayber, okay na sana yung unang sentence nya eh kaso sinabi pa nya “kasi wala naman syang kapanyarihan!!"

Ginawang mga superhero ang mga santo na kailangang may special powers din. (Teka eh di si Darna pwedeng maging santo??). Talagang napangiti ako dun, ibig bang sabihin kung sakaling may super punch at ultramagnetic top si Tita Cory ay pwede na syang maging santo (santa)?hehe . Ano kaya ang kapanyarihan ni San Pedro? Meron kaya syang x-ray vision at flying kick? Saka bakit si Santa Claus, santa ang tawag eh hindi naman sya babae?(hehhee, KORNIK)

Para sa akin okay lang na ilagay sa pera si Tita Cory pero ang gawing santa pa parang OA na yun. Marami pa rin kasing unresolved issues tungkol kay Tita Cory eh.

Speaking of Tita Cory,ngayon sikat na sikat na naman si Willie( basta sa kayabangan at kaepalan, sikat sya). Masyado kasi syang nagfefeeling dyos eh tao lang naman sya at wala syang kapangyarihan.

Alam nyo nung one time naging studio audience ako ng Wowowee (oo, sige na jologs na kung jologs). Nabiwisit ako sa kayabangan ng taong nyan, kasi kung paanong bait nya sa TV kabaligtaran naman OFF cam. Nandyan sigaw sigawan ang mga dancer at mga staff at nandyang supladuhan ang mga audience tapos saka magbebenta ng CD at jacket.

Ako ang magpapatunay kung paanong hiyain ni Willie ang mga staff nya. Manliliit ka sa mga sinasabi nya, akala mong kay galing galing at walang bahid kasalanan. Kaya talagang doble-kara ang kumag na yan, pero ganun talaga malakas ang mass appeal nya! Kaya kahit ano ang gawin nyang kabalastugan sa TV eh halos gawing dyos pa rin sya ng ibang tao. Pero aaminin ko natatawa talaga ako sa mga patawang kalbo ni Willie.

Kaya naman tawa rin ako ng tawa ng minsang napanood ko si Willie at Rico J. Puno

Rico: Alam mo Willie dalawang tao lang ang may ganyang boses!

Willie: Eh sino naman yun, aber?

Rico J: Ikaw lang at si Manny Pacquiao!!

Astig ka Rico J. nadale mo ang gusto kong sabihin. Pero hindi lang naman dalawang tao yan. May dalawa pa, si Gretchen Baretto at si Doc Manny Calayan na masyadong inaabuso ang bibig. Pero talagang nakapagtataka kasi nag nunumber 1 ang album ni Willie. Minsan mapapakamot ka na lang kasi sayang yung perang pinambili sa CD na yun dahil pwede na sanang pambili ng tinapa yun o tatlong kilos bigas.

Basta tandaan natin na ang pagiging panatiko natin sa isang tao ay nakakasama sa atin. Nagiging bulag kasi tayo kung minsan dahil sa labis na paghanga. Masyado nating inilalagay ang isang tao sa isang pinakamataas na luklukan o pedestal kaya nagmimistulang nagiging Dyos na rin natin sila.

Hindi masama ang humanga subalit ilugar natin ang paghanga natin. Gamiting inspirasyon ang mga taong ating hinahangaan at huwag gawing “Dyos” na kailangang luhuran at maging sunod sunuran lang. Kung sakaling may mabuting naidudulot ang paghanga na ito, sundan na lang ang mga yapak nila at huwag sila ang mismong bigyan ng malaking atensyon at labis na pagpapahalaga. Tandaan din natin na ang sobra ay nakakasuka, at ang labis na nakakasaman na.

Oo nga pala kung sakaling hindi nyo pa napapanood ang kaepalan ni Willie, heto ang video. Pero para mas masya, heto naman ang sagot ni Vic at Joey sa kanya.

Natawa ako sa sabi ni Joey “ Eh kung sya kaya ang pinaparada………”hahahha!! The best ang dalawang to!



HETO ANG PATUTSADA NI VIC AND JOEY KAY LORD WILLIE



P.S

Baka may magtanong, bakit ayaw ko kay Willie pero nanonood ako ng Wowowee at naging studio audience pa ako?

Sagot: TFC subscriber kasi ako dati kaya no choice kundi panoorin ko ang Wowowee, kaya ako naging studio audience kasi nanalo ako sa isang pakontes dito sa TFC (raffle yun!) kaya naimbitahan ako. Pero ngayon GMA Pinoy TV na kami!hehehhe

12 comments:

HARI NG SABLAY said...

sampo korean!hahahaha anak NG! tawa ako ng tawa kay joey at vic,kwentuhan nalang daw,hahaha iba tlga sila,para kang nasa comedybar, ulit-ulit kong pinapanood,haha

bhala sila magparinigan,mgndang panuorin yan away yan eh,msarap manuod ng nag-aaway,haha jokelang

bosyo said...

ok ha, na aliw ako, dati din TFC subscriber kami, pero nagyon lipat na, Orbit na,,hehehe, pero sana kung ma ilalagay si tita cory sa pera, sana mag katabi sila ni Ninoy,,hehe

Yanie's Ka-blags!!! said...

willie has proven to himself kasi na he can get away with his tactlessnes kaya di na niya nararamdaman kung nakaka-sakit siya ng damdamin ng ibang tao...

kaya dapat talaga parusahan yan!

DRAKE said...

@Hari ng Sablay

Abat nabuhay ka, akala ko medyo EMO ka ngayon eh!

@ Bosyo

Oo nga mas maganda ang Orbit kesa sa TFC. Kasi puro si Willie lang makikita mo sa TFC

@Yanie
Ipako sa krus si Willie!IPAKO!!

Yanie's Ka-blags!!! said...

xado naman sosyal ni willie kung sa krus siya ipapako, I beg to disagree...

sa isang poste lang ng meralco oks na yun hehe

Yanie's Ka-blags!!! said...

spike, pwede ka nang sumali sa Philippine SWAT team, Torture department!

hahahhahahahahhaha!!!

abe mulong caracas said...

buti na lang hindi sumagot yung dyipni driver na hindi pwedeng maging santo si tita cory kasi...kasi babae siya, dapat santa.

ngeks!

Jepoy said...

mabuhay ang mga kapuso!

Klet Makulet said...

Napanood ko yung segment na yun ni Willie. Nakuha ko ang kanyang sinabi. Di naman masama ang gusto nyang mangyari, mali lang talaga ang paraan nya ng pagbibitaw ng mga salita. Nakagawa nanaman ng tulang punung-puno ng pambabatikos si Joey kay Willie hehehehehe

Goryo said...

iba talaga itong si vic and joey Lupet...

Me bagong banat akong natutunan

me : Use korean in a sentence..
you : Use it.
me : pag tumama ka jan sampu a-KOREAN...


ahihi.. pwede!!!

DRAKE said...

@abe mulong
Oo nga, at buti di rin sya nagtanong bakit si Santa Claus, santa eh lalaki yun!heheh

@Klet
Namimilog lang yan ng utot!hehehhe

@Goryo
Natawa rin ako dun!hehehhe

Kablogie said...

Drake, tawang tawa ako dito sa topic mo hahaha..ang masasabi ko lang kay willie eh Letse sya ahahah!