QUOTABLE QUOTE NI DRAKE

Huwag kang maglagay ng panuntunan (standards) sa iba, lalo’t hindi mo alam kung naabot mo ang panuntunan ng ibang tao sa iyo.

Wednesday, August 12, 2009

ISA SYANG TIKI TIKI

Nung minsang nanood ako ng balita, at kasalukuyang mainit na mainit ang isyu tungkol sa pagiging “gastador” ni GMA at pagyaman nya bigla nang maging Pangulo sya, eh halos kasama rin sa headlines nito ang pagdating ni “Lady Gaga” sa Pilipinas. Gulat ako sa hitsura nya kasi mukha syang alien na nababakasyon lang sa planet earth. Wala naman akong balak kilalanin sya, at hindi naman ako tagahanga nya o ng music nya. Pero nung minsang nagbobrowse ako sa internet (habang nangungulangot) nagulat ako sa natuklasan ko. May hiwaga palang bumabalot sa mukhang alien na ito dahil sya pala ay isang ....... (drum roll please).............hermaphrodite, ang ibig sabihin nun meron syang ari ng lalaki at babae o isa syang TIKI-TIKI. (kung gusto nyo ng maraming paliwanag tungkol sa hermaprodism tanungin mo si Pareng Wiki). Kaya doon ako nagulat, na totoo palang may ganoong kaso.

Heto nga pala video nya na nagpapatunay na meron syang tit*:


Ito naman yung article na hermaprodite daw sya: pindutin mo dito! alam kong tsismoso/tsimosa ka!

Medyo hindi na bago sa akin ang salitang yan, kasi yan din ang isyu kay Nancy Navalta. Sino si Nancy Navalta? Sya yung kontrobersyal na atleta (track and field kasabayan ni Elma Muros), na pinapadisqualify sa Palarong Pambansa dahil hindi naman daw sya tunay na babae . Sumasali kasi sya sa kategorya ng mga babae at syempre lagi syang panalo dahil sa mala-bardagul nyang katawan. Sa hitsura at dating palang mukha talaga syang kargador este lalaki pala. Ang baba pa ng boses at may adam's apple pa. Kaya alam monng lalaki talaga si Nancy. Pero nagtataka kayo bakit sya napapabilang sa katergorya ng mga babae at sa tagal nyang sumali sa katergorya ng mga babae bakit hindi sya nahalata na lalaki . Kung titignan mo talaga sya, walang kabahid bahid ng pagiging babae (kahit kabadingan wala din).Ang sagot ay dahil meron syang........ (drum roll uli)................ PUK* (talagang capitalized pa?). Sya ay lalaking may PUK*? Hehehe (hindi naman sya retokado) .Kaya nga pinasuri sya at doon nalaman na wala syang matres at lalaki talaga sya. Yung puk* nya ay deformity lang pala yun (nawasak lang yung tit* nya kumbaga kaya napagkamalang puk*). Kaya dineklara syang Lalaki ng mga espesyalista. Natatandaan ko noon nagpa-press release pa sya nun na may boypren daw sya (kahit mukha silang magkakosa) pero syempre walang epek yun kasi ang Syensya (science) ang may katibayan na lalaki sya, kaya pa-sensya na lang rin.


Sa kaso naman ni Lady Gaga, babae talaga sya dahil nasa hitsura at boses nya eh.Yun nga lang meron syang “bird”. Totoong hindi lang sya kakaiba sa hitsura pati rin pala yung ano nya, kakaiba din.

Pero dapat pinapalitan na ang pangalan nya .Dapat ang tawag sa kanya ay Lady Gago o kaya Boy Gaga para swak na swak sa kanya. Pero sabagay hindi naman talaga mahalaga kung isa syang TIKI-TIKI dahil mas mahalaga yung musikang binibigay nya. Bibig naman nya ang ginagamit sa pagkanta hindi yung ari nya. At pwedeng pwede rin pala nyang paligayahin ang kanyang sarili dahil……………………….magaling syang kumanta pwede syang mag videoke (kayo bastos ang iniisip nyo)

Sa ngayon medyo napapaisip ako kung paano kaya sya umiihi?Pwede nya kayang idefault ang isa at gamitin ang isa (ginawang computer). Saka ano kaya nakalagay sa birth certificate nya, babae kaya o lalaki? Sabagay di ko na problema yun problema na nya yun.

Ano pa man ang depekto ng isang tao mahirap syang husgahan sabi nga nila Don’t judge the book by its cover (because she not a book and you’re not a judge). Ang mahalaga talaga ay yung ugali ng isang tao. Sa panahon ngayon lahat ay pwede ng pagandahin, dagdagan o alisin, pero ang pag-uugali ng tao ay maari lang mabago sa pamamagitan lang ng ating mga sarili.

Teka nga pala bago ko tapusin ang entry ito panoorin nyo ang bidyo na ito, panalo:


Parang hindi ko ata kakayanin yun. Hahaha!!

Totoo pala ito:

NOON: Hindi lahat ng babae, maganda.

NGAYON: Hindi lahat ng maganda, babae!!

11 comments:

Yanie's Ka-blags!!! said...

oh yahh!!! di napigilang iladlad ang kapa ng chorva hahahhaha....

Ang ganda ng kembot nato!!!

Ngaon lam ko na kung bakit may scarcity ng mga lalake sa earth! haaay!

Jepoy said...

lol

gillboard said...

kakainis, di ko mapanuod yung mga video...

DRAKE said...

@Yanie
Medyo technically babae talaga sya! Sa darating na panahon endangered species na kaming mga lalaki!!

@Jepoy
Ang haba ah!lol

@gillboard
isearch mo na lang sa youtube,hehehhe

Jee said...

Kaya pala may claims siya na Bi siya diba? At saka hindi siya like all the other Pop Stars (like Britney Spears and Madonna)

A-Z-E-L said...

naaliw ako sa post na to drake!

hayan tuloy hindi magkandaugaga si pareng google kakahanap ko ng totoo about lady gaga...

:)

kox said...

anu ba talaga ang totoo? hehehe..

DRAKE said...

@Jee

Inamin nga nya daw nakalagay din yun sa article na nakalink.

@Azel

Mukhang naintriga ka rin ate ah!heheheh!Salamat sa pagbasa

@kox
hermaprodite nga daw sya eh.sure nga raw yun(sure pero may raw,hehehe)

♥superjaid♥ said...

waah!di nga?cool..uhm..ngayon ko lang nalaman to..

Kablogie said...

Drake, pero inpeyrness mukhang yummy sya kahit tik-tiki sya hahaaha

DRAKE said...

@Superjaid

Ako rin nga nagulat din eh!

@Kablogie

Salamat sa pagdalaw, ano mukha bang masarap si Lady Gaga?hehhehe siguro mukha kasi syang yema!